Chapter 03
Nagising si Xierro noong maramdaman humahapdi ang cut sa pisngi niya. Pagmulat niya ng mata nakita niya si Leticia. Agad na tumagilid si Xierro paharap sa kabilang side at tinalikuran si Leticia.
"What the heck you want Aragon? Inuubos mo ba talaga pasensya ko?" may diin na tanong ni Leticia at may hawak na cotton.
"Kapag sinabi ko ba na gusto ko umalis na dito, pakakawalan mo ako?" tanong ni Xierro. Hinawakan ni Leticia ang braso ni Xierro at hinila iyon. Nagkaharap ang dalawa at madilim ang anyo sinabi na hindi iyon mangyayari.
"Ako na ang asawa mo Xierro. Wala na kayo ni Ruoxie at kahit ano gawin mo hindi ka makakatakas sakin," sagot ni Leticia. Masama ang timpla ng mukha ni Xierro na iniwasan ng tingin si Leticia and hindi umimik.
"Young miss, nandito na ang dinner," ani ng assistant. Nalaman ni Leticia na hindi masyado kumakain si Xierro at maghapon ito hindi kumain. Noong nalaman iyon is pinuntahan niya si Xierro para icheck.
Madiin sinabi ni Xierro na ayaw niya kumain. Nagalit si Leticia at inutusan ang mga tauhan niya na hawakan si Xierro.
"Sa ayaw at gusto mo kakain ka," galit na sambit ni Leticia. Sumigaw si Xierro sinabi na ayaw niya kumain.
Tinabig ang plato na hawak ni Leticia at natapon lahat iyon sa kama. Sinampal ni Leticia si Xierro at tinulak sa kama.
Napahiga si Xierro sa kama at marahas na hinawakana ang panga ni Xierro.
"Kung ako sa iyo at mahal ko pa ang buhay ko, makikipagcooperate ako. Mahirap ako maubusan ng pasensya alam mo kung bakit? Iyong last na taong sumuway sa gusto ko at hindi sumunod dinurog ko lahat ng buto sa katawan para hindi makagalaw," ani ni Leticia. Agad naman si Xierro nakapagpakita ng takot.
"Kapag hindi ka pa kumain ngayon gabi papabunot ko sa mga tauhan ko lahat ng ngipin mo at sapilitan ko isusubo sa iyo lahat ng pagkain na mahawakan ko," dagdag ng babae tapos ngumiti ng matamis kay Xierro.
Marahas na binitawan ni Leticia ang panga ni Xierro at bumaba ng kama. May inabot na phone ang assistant kay Leticia na agad naman kinuha ng babae.
Nawalan ng expression si Leticia pagkatapos makita ang caller name. Sinagot ng babae ang tawag at sinadyang iloud speaker.
Nakaupo ngayon si Xierro sa gilid ng kama tapos may hawak na kutsara at plato.
"Sister, hindi totoo iyong video hindi ba? Hindi mo gagawin iyon kay Xierro," bungad ng babae sa kabilang linya.
"Ruoxie! Tigilan mo ang katangan mo na iyan! Kinuha ni Leticia si Xierro at pinakasalan! Hindi fake ang video."
Nabitawan ni Xierro ang kutsara noong marinig ang boses ni Ruoxie.
"Ruoxie!" sigaw ni Xierro at tumayo. Patakbo ang lalaki patungo sa direksyon ni Leticia ngunit agad ito hinarangan ng mga tauhan ni Leticia.
"Pakawalan niyo ako gusto ko makausap si Ruoxie!" sigaw ni Xierro. Hindi makawala ang lalaki dahil sa malalaking tao din ang mga nakahawak sa kaniya at madali siya naitutulak.
"Xierro! Xierro! Ikaw ba iyan!" sigaw ni Ruoxie na ngayon umiiyak sa kabilang linya. Tinanong ni Ruoxie si Leticia kung ano ba kailangan nito.
"Nakuha ko na ang kailangan ko. Ano klase tanong iyan pinakamamahal kong kapatid?" sagot ni Leticia tapos natatawang sinabi na nakuha na niya si Xierro.
"Sister! Groom ko si Xierro at kapatid kita!" sigaw ni Ruoxie sa kabilang linya. Narinig ni Leticia ang sigaw ng mom niya sa kabilang linya.
"Walang hiya ka Leticia! Magiging asawa ng kapatid mo ang kinuha mo, wala ka ba talaga konsensya! Ano ginawa sa iyo nina Ruoxie para gawin mo ito sa kanila! Mahal na mahal ni Ruoxie si Xierro! Ano ka klaseng kapatid!" sigaw ng madam ng mga Yeraz. Tiningnan ni Leticia ang kuko habang hawak ang phone, bakas sa mukha ng babae ang pagkabored at pagiging uninterested nito sa mga litanya ng parents niya sa kabilang linya.
"Wala kang alam sa kahihiyan na dinala mo sa mga Hua at Yeraz," ani ng ama ni Leticia sinabihan pa ito ng walang kwenta at nagsisisi sila na kinuha pa nila ulit si Leticia.
"Sana namatay ka na lang!" sigaw ng ginang mula sa kabilang linya. Napatigil si Xierro noong marinig iyon ngunit nanatili naman unaffected ang babae tapos tumawa.
"Mom kahit gusto ko ifulfilled ngayon ang wish mo, hindi pa pwede. Ayoko makita si lola ng hindi ka kasama, you see? Isa ka sa mga favorite ni lola na daughter in law noong nabubuhay pa siya at hindi pwedeng kapag nagmeet kami wala ako pasalubong. Gusto ko pa din makita ang bastardong isisilang mo after 9 months, malay mo mom magkasundo kaming dalawa at ipameet ko siya sa mga new friends ko sa tondo," ani Leticia. Narinig ni Leticia sumigaw si Ruoxie ng mom tapos namatay ang linya.
"Oops, namatay na ang tawag," ani ni Leticia tapos pinakita kay Xierro ang naka-end na call.
"Mukha napahaba usapan namin nakalimutan ko tuloy ibigay sa iyo ang phone para batiin ang new sister in law mo," may pang-aasar pa na sambit ni Leticia. Walang pag-asa na napaupo si Xierro sa gilid ng kama, puno ng disspointment ang expression at pagkadisgusto.
Iritable si Leticia na hinawakan ang panga ni Xierro at tinanong ito kung disappointed ito dahil hindi nakausap ang soon to be bride dapat ni Xierro.
"Why? Pati ba naman nararamdaman ko gusto mo din kontrolin? Dapat ba ako matuwa na sinira mo ang wedding ko at magpasalamat na pinilit mo ako pakasalan ka?" madiin na tanong ni Xierro tapos tinabig ang kamay ni Leticia. Nanginginig ang mga labi ni Leticia, tumawa ang babae na may panlilisik ang mga mata.
"Fine! Umiyak ka lang diyan at mamatay sa lungkot, madissapoint ka hanggang sa gusto mo at nadismaya dahil hanggang diyan lang ang magagawa mo. Wala na kayo ni Ruoxie," ani ni Leticia tapos tumalikod. Naglakad ang babae palabas ng kwarto at sinara ang pinto.
Madilim ang anyo pumasok sa kabilang room at inutusan ang tauhan na tumawag ng doctor. Dumudugo ulit ang sugat ni Leticia sa palad at iyon ang pang-anim na beses na nagpalit ito ng bandage sa araw na iyon.
"Mabilis na nabubura ang mga video madam na inaupload. Kung sino 'man nasa likod 'non is sigurado ako hindi din ordinaryong mga tao," ani ng assistant na nakatayo sa harapan ni Leticia. Nakaupo ang babae sa harap ng table at kasalukuyang inaalis ang bandage.
"Its fine dahil siguradong sa mga oras na ito is wala ng tao a capital ang hindi nakakaalam sino ang nagmamay ari ngayon kay Xierro Aragon at sino ang pinakasalan," ani ni Leticia tapos ngumisi. Inangat ang tingin at tiningnan ang tauhan.
"Tapos na tayo magtanim, oras naman na para umani."