02

1167 Words
Chapter 02 Sa loob ng building may isang kwarto doon na may malakas na tugtog, kumikislap ang mga ilaw, madaming mga lalaki ang nagsasayawan at nag-iinuman. Napapalibutan si Leticia ng mga lalaki na iyon na kasalukuyang nakaupo lang sa sofa, umiinom ng alak at may hawak na sigarilyo. Isa sa mga lalaki ang hinahawakan siya sa braso at hita ngunit nanatili walang reaksyon ang babae. Transparent ang mga pader sa kwarto na iyon, nakikita ang lahat mula sa labas at wala naman nakikita mula sa loob. Soundproof din ang lugar kaya kahit gaano pa kalakas ang tugtog hindi ito naririnig sa labas. Hindi makapaniwala si Xierro na ngayon is nakatayo sa labas ng silid na iyon tapos nakatitig kay Leticia na napapalibutan ng mga male models na halos maghubad na sa harap ng babae. Ilan sa mga ito is hinahalikan si Leticia sa leeg at hinahawakan ang iba't ibang parte ng katawan pero mukhang walang pake ang babae. Kalmado lang ito umiinom ng alak at humihithit ng sigarilyo. Never ni Xierro nakita ang ganoon na side na iyon ni Leticia bilang brother in law ng babae. Maaari in difference si Leticia sa lahat at walang attachment sa kahit na ano pero iyon ang unang beses na nakita niya ng malinaw kung ano ang tunay na Leticia kapag mag-isa. "Bakit ito ginagawa ni Leticia sa sarili niya?" bulong ni Xierro. 3 days ago naganap ang kasal nila sa mismo na building na iyon then pagkatapos 'non hindi na nagpakita sa kaniya si Leticia. Narinig niya lang mga tauhan ni Leticia na naguusap-usap tapos nalaman niya na nasa rooftop ang babae. Naisipan ni Xierro puntahan si Leticia tapos nakita nga niya si Leticia sa lugar na iyon. Napapalibutan ng mga male models, walang ginawa kung hindi uminom ng alak at magsigarilyo. Nakasandal ang babae sa sofa, sa kaliwang kamay hawak ang kopita sa kanan ay ang sigarilyo na kasalukuyang hinihithit nito. Napatigil ang babae noong bigla mawala ang music tapos namatay ang ilaw. "Ano nangyari?" tanong ng isa sa mga male models. Bigla bumukas ang ilaw at napatingin si Leticia sa kabilang side ng room. Nakita niya si Xierro na hawak ngayon ang mga wire na bigla na lang nito hinila. "What do you think you're doing?" walang gana na tanong ni Leticia. Nagkatinginan mga male models at tinanong kung kasama ba nila iyon. "Iniejoy mo ang sarili mo sa lugar na ito while ako is nakakulong sa kwarto na iyon, hinihintay lumipas ang mga oras at kailan mo ako pakakawalan," galit na sigaw ni Xierro. Binaba ni Leticia ang baso sa table at tumawa. "Kung sa tingin mo nag-eenjoy ako dito bakit hindi mo ako samahan? Malaki ang lugar na ito, madaming alak at pagkain. Makipagkwentuhan ka sa kanila," ani ni Leticia at tinuro mga lalaki na nakapalibot sa kanila. Naiyukom ni Xierro ang kamao sinabi na huwag siya itulad kay Leticia. Masyado vulgar ang babae, shameless at madumi. "Ibang-iba sa iyo si Ruoxie. Kung hindi ko nakita mukha mo sa family portrait ng mga Yeraz hindi ko maniniwala na part ka ng family nila at kapatid mo si Ruoxie," flat na sambit ni Xierro at puno ng pagkadisgusto ang mukha. "Ano sabi mo?" tanong ni Leticia pagkatapos mabasag ang hawak nito ngayon na baso. Agad naman natakot ang mga male model na nandoon at lumayo sa babae. Napatigil din si Xierro lalo na noong dumampot ng bote si Leticia. "Ako vulgar? Madumi?" tanong ni Leticia na walang expression ang mukha. Tinitigan siya ni Leticia na parang anytime is papatayin siya. Napaatras si Xierro at napasandal sa pader. Tinanong ni Leticia si Xierro kung ilang buhay meron ang lalaki. "Sino ka para ijudge ako! Kilala mo ba ako! Malinis ka ba!" sigaw ni Leticia. Nanigas sa kinatatayuan si Xierro matapos makita ang sobrang emosyon sa mukha ng babae at mga mata. "Wala kang alam, wala ka karapatan ikumpara ako sa kahit na sino lalo na sa babae na iyon! Hindi mo ako kilala!" sigaw ni Leticia. Napasinghap si Xierro noong makita na inangat ni Leticia ang bote na akala niya is ihahampas sa kaniya. Napapikit ang lalaki at pagmulat niya ng mata nakaangat pa din ang kamay ni Leticia. Napatigil ang lalaki after may tumulong pulang likido sa likod ng palad niya. Lumingon si Xierro, nagulat ang lalaki after makita na dumudugo ang kamay ni Leticia. "Pumasok kayo!" sigaw ni Leticia. Hahawakan ni Xierro ag kamay ni Leticia para tingnan ang sugat ngunit tinabig ni Leticia ang kamay niya. "Dont touch me," malamig at madilim ang expression na sambit ng babae. Pumasok nga tauhan ni Leticia tapos kinuha si Xierro. Pinalabas ang lalaki sa kwarto na iyon. Nakita niya si Leticia na nahihirapan huminga, hawak ang ulo at kasalukuyang hawak pa din ang piraso ng bote. Hindi naalis ni Xierro ang titig sa babae habang kinakaladkad siya ng mga tauhan ni Leticia paalis ng rooftop. Isinara ng mga tauhan ni Xierro ang kwarto. Binagsak ng lalaki ang katawan sa kama at mula sa labas ng kwarto naririnig niya ang usapan ang mga tauhan ni Leticia sa labas. "Sino ba iyong lalaki na nasa loob ng kwarto? Ngayon ko lang nakita ang young miss na magwala ng ganoon sa ilang salita lang at sinaktan sarili niya para hindi makasakit." Bahagya napalingon si Xierro sa pinto. Nakarinig siya ng mga yabag ng mga tao at mga nagbubulungan. "Narinig ko tinatawag ni mr Aragon si young miss na sister in law. Hindi din ako sigurado sa relationship nila pero isa lang sigurado ako hindi ordinaryong tao iyong nasa loob," sagot ng isa sa mga tauhan na nasa loob. Umalis na mga ito sa harap ng pintuan matapos sila makatanggap ng tawag mula sa assistant. 4 years ago noong maipagkasundo si Xierro kay Ruoxie Svie Yeraz. Maganda si Ruoxie, talented, mahinhin, elegante at sobrang bait. Walang dahilan para maicancel ang engagement dahil mabilis din nagkapalagayan si Xierro at Ruoxie ng loob. Nakikitaan ng contentment ang dalawa sa isa't isa, madami pa nagsasabi na match made in heaven sina Ruoxie at Xierro dahil never nga mga ito nag-away sa loob ng apat na taon. 1 year before ng wedding bumalik sa Leticia Dane Yeraz and eldest daughter ng mga Yeraz. Kakaiba ang temperament ng babae, personalidad at makikita ag level ng detachment meron ang babae nito sa mundo. Palagi ni Leticia kaaway ang parents niya, hindi umuuwi sa tamang oras, pumupunta sa bar, palaging lasing at iba't ibang lalaki ang kasama. Sa loob ng 1 year nagawa ng babae gumawa ng hundreds of scandal sa loob lang ng ilang buwan. Lahat ayaw kay Leticia except kay Ruoxie na palagi ipinagtatanggol ang kapatid niya at sa kabila ng pangda-judge ng ibang tao nasa nanatili ito sa side ng kapatid kasama si Xierro. "Akala ko nagawa na namin ni Ruoxie magkaroon ng space sa maliit na mundo ni sister in law pero mukhang mali ako ng akala," bulong ni Xierro at dahan-dahan tinulak ang sarili paupo ng kama at tinakpan ang mukha ng mga palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD