Eloisa’s Point of View Nagising ako sa dahil sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Napaungol ako nang pakiramdam ko ay parang may pumupukpok sa aking ulo. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa aking silid. Huli kong na aalala ay sobra akong na pagod matapos naming magniig ni Arvin sa kanyang sasakyan. Patuloy pa rin sa pagtunong ang aking cellphone, kaya naman nakapikit pa ang aking mga mata na inabot iyon sa lamesang katabi ng aking hinihigaan. Nasaan na iyon? Na iinis na dinilat ko ang aking mga mata at hinanap ang bag ko. Napaungol ako sa inis nang makita ko iyon sa sahig sa gilid ng bintana. Ayaw ko pa sanang tumayo pero parang importante ang tumatawag dahil ayaw tumigil sa pagtunog ng aking cellphone. Mabigat ang katawan na naglakad ako roon at kinuha ang aking ce

