Third Person’s Point of View Kanina pa pasilip-silip si Danilo mula sa peephole ng kanyang pinto upang tingnan kung nakabalik na ba si Eloisa. Labis kasi siyang nakararamdam ng konsensya dahil sa kanyang nagawang pagsigaw rito. Ni minsan ay hindi niya pa iyon nagawa sa kababata. Kaya kita niya ang labis na pagkabigla sa mga mata nito. Hindi naman niya sinasadya iyon, nadala lamang siya ng kanyang emosyon. Hindi niya kasi maunawaan kung bakit pumapayag si Eloisa na pumasok sa silid nito si Arvin. Lalaki rin siya, kaya sigurado siyang hindi iyon magdadalawang isip na gawin iyon. Muli siyang sumilip sa peephole. Noong wala siyang nakita ay humiga na lamang si Danilo sa kama at dumapa roon. Hindi niya alam kung bakit iba talaga ang pakiramdam niya para kay Arvin. Tumihaya siya at tumitig

