Matapos magkausap ni Arvin at ni Jasper ay nagpunta kami sa isang resto-bar. Nagkukwentuhan silang dalawa ni Jasper, habang ako naman ay tahimik lang na nakatanaw sa malawak na karagatan. Nasa tabi kasi ng dagat ang resto-bar na aming pinuntahan. Hindi ko maiwasang mamangha sa lugar dahil ngayon lang ako nakarating sa ganito. Kahit noong nag-aaral ako rito ay hindi ako nakakagala. Sa isang kamag-anak kasi ako nakituloy noon. Kaya naman ay bantay sarado pa rin ako. Napag-alaman ko na isang arkitekto si Jasper. Siya ang magpa-finalize ng desenyo ng establisyimentong gagawin ni Arvin. Hindi lang nalaman agad ni Arvin na si Jasper ang gagawa dahil nakaligtaan sa kanyang sabihin. Tapos ay nahuli pa ito sa kanilang site viewing. Sana pala sinama ko si Danilo. Ano na kaya ang ginagawa niya? Ga

