Eloisa’s Point of View Matapos naming kumain ay muli kaming bumalik sa hotel. Hindi ko na maipinta ang sarili ko dahil sa kabusugan na nararamdaman ko. Lalo pa akong na tensyon dahil kila Arvin. Para kasing mayroon silang pinag-aawayan. Kaya naman ay sa banyo agad ang punta ko noong makapasok ako sa loob ng aking silid. Doon ko lang din nalaman na kumuha pa ng isang silid si Arvin. Kung ano ang dahilan ay hindi ko na inalam pa. Matapos ko sa banyo ay lumabas na ako at na abutan ko sa loob si Arvin na nakaupo sa kama. Agad siyang ngumiti sa akin nang makita niya ako papalabas mula sa banyo. Lumapit ako sa kanya at bigla niya akong kinabig pa papalapit sa kanya. “Hey. Do you want to come with me to the site?” malambing na tanong ni Arvin. “Hmm… sige,” ngumiti ako sa kanya. “I love

