Third Person’s Point of view. “Why did you do that?” inis na tanong ni Arvin kay Danilo nang makapasok na si Eloisa sa loob ng kwarto. Kanina pa siya nagpipigil sa binata para kay Eloisa. Kung hindi lamang nito kaibigan ni Eloisa ay kanina pa niya ito nasuntok. Humarap si Danilo kay Arvin at sinamaan ito ng tingin. “Kung ayaw mo akong makasama sa loob ng kwarto. Edi rito ka sa labas matulog,” ani Danilo at kinuha bigla ang hawak na card ni Arvin. Sinuksok niya iyon sa kwarto na nasa kanyang harapan at pumasok doon. Agad na bumungad kay Danilo ang amoy mansanas na paligid. Naglakad niya papunta sa pinaka loob ng kwarto at nakita niya ang malaking kama sa gitna. Napapalatak siya. Akala mo magtatagumpay ka sa binabalak mo? Hindi ko hahayaang galawin mo si Eloisa, Arvin. “s**t!” mahin

