Matapos pumayag ni Arvin na makasama namin si Danilo sa Tacloban. Kinausap ko na agad si Danilo. Kasama ko siya pumunta sa bahay para magpaalam kila Lolo. Noong una ay ang daming tanong ni Lolo, hindi na ako nagtataka. Pero kalaunay pumayag din si Lolo. Sinabi kasi ni Danilo na niyaya kami ng isa naming kaibigan doon at gusto niya akong isama. Pagkatapos pumayag ni Lolo ay ang dami pa niyang mga habilin kay Danilo. Hindi na lamang ako nagsalita dahil baka magbago pa ang isip ni Lolo. Tuwang-tuwa ako dahil na papayag ni Danili si Lolo. Agad kong inihanda ang mga dadalhin kong gamit dahil sa labis kong pagsabik. Alam kong trabaho ang punta roon ni Arvin, ngunit magkakasama ko siya ng matagal-tagal. Iyon ang importante. Makalipas ang dalawang araw ay maaga kaming nagpunta ni Danilo sa

