Lumipas ang mga araw ay dumating na ang aking kabuwanan. Pakiramdam ko ay mayroon na akong dinadalang malaking bola sa aking tiyan. Masaya ako dahil malusog ang aking anak kahit nasa loob pa lang siya ng aking sinapupunan. Napaka likot na nga niya eh, parang gusto na rin niyang lumabas. Nakakasabik tuloy. Nakahanda na lahat ng ang mga gagamitin ko sa pagpunta sa hospital kapag manganak na ako. Mula sa mga panglinis niya at mga bihisan. Maging ang mga gagamitin ko. “Grabe. Excited na talaga akong makita ang baby mo, Eloisa!” masayang sabi ni Sasha. Umaga pa lang ay andito na siya sa bahay. Day off niya raw at na isipan niya akong bisitahin. Nasa sala kami at magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. Mayroon siyang dalang kakain na pinaayos ko na lang sa aming kasam-bahay. Ngumiti ako sa kan

