Chapter 47

1455 Words

Ilang araw akong nanatili sa hospital dahil iyon ang payo sa akin ng Doctor. Isa pa, hindi pa mawala-wala ang sakit ng puson ko kaya mas pinili kong manatili pa rito. Natatakot ako para sa aking anak. Mabuti na lang talaga ay malakas ang aking anak kaya hindi siya basta-basta natanggal sa akin. Hindi ko talaga kakayanin kung pati ang anak ko ay mawala rin sa akin. Matapos din naming mag-usap ni Claudia ay kahit papaano naging magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na ako umaasa pang makakausap kong muli si Arvin. Ayaw ko nang umasa pa. Mas pinili kong ipagpatuloy na lamang ang aking buhay na wala si Arvin. Papalakihi ko ang aking anak kahit na ako na lang mag-isa. Kahit na wala siyang kakalakihan ama ay ipaparamdam ko sa kanya na hindi ako magkukulang. Ayokong iparamdam sa kanya na kailangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD