bc

Hanggang Dulo

book_age16+
84
FOLLOW
1K
READ
others
drama
comedy
twisted
sweet
gxg
like
intro-logo
Blurb

Tatakbo ka ba upang humabol o hihinto upang may balikan?

Story of friendship, love and heartaches.

JelRi Fanfiction.

LoveWins

Fanfiction

chap-preview
Free preview
1
"Where are you?" Mabilis kong tanong matapos niyang sagutin ang tawag ko.It's 2 in the morning and I don't know where is she,right now.I'm f*cking worried! "Je." Narinig kong maingay ang background niya kaya nagka ideya ako kung saang lupalop siya naroroon. "I'm asking you,Kaori,where are you?!" Halos sigawan ko na siya sa sobrang pag aalala. "Kanina pa nag aalala si Tita sayo!" "Je,kahit ngayon lang.Hayaan niyo muna ako." Sagot niya sa kabilang linya.Pakinig ko ang pag buntong-hininga niya sa kabila ng maingay na background music. "Are you telling me na 'wag na kitang pakialaman,gano'n ba?" Itinigil ko ang sasakyan at itinabi ito.Hindi ko kayang mag drive ng ganitong sobrang naiinis ako sa kanya.Baka sa ka-badtrip-an ko ay masagasaan ko pa ang mangilan-ngilang sasakyan sa paligid. Hinintay kong magsalita siya pero wala na akong narinig mula sa kanya.Tiningnan ko pa ang cellphone ko kung may kausap pa ba ako?Nang masigurado na hindi pa niya ibinababa ang tawag ay muli akong nag salita. "Hahanapin kita kahit nasaan lupalop ka pa ng Pilipinas,Kao.I am not your best friend for nothing!" Seryosong kong sabi bago ibaba ang tawag. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at nagsimulang mag drive kung saan lugar ko siya maaaring makita. Napabuntong-hininga ako. Ilang beses na nga bang nangyari ito? Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng nangyari na sa kalagitnaan ng gabi ay tatawagan ako ni Tita Qel at sasabihing, 'Jelay,Kasama mo ba si Kaori?Hindi pa siya umuuwi'. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong halos magkumahog sa pagbangon sa kama at hanapin kung saan lupalop naroon ang anak niya. But I guess, that's a best friend's duty. .. Pagkapasok ko pa lamang sa bar na madalas naming gawing hang-out place ay hinanap na siya ng mga mata ko.Struggle ang paghahanap ko sa kanya dahil sa dami ng tao rito,idagdag pa ang ilang lalaki na humaharang sa dinaraanan ko upang magpa cute.Ayos lang naman sana sa akin kaya lang hindi naman sila ang ipinunta ko rito. Bwisit!Nasaan ba ang babaeng 'yon? "Hey,Jillian." Pagbati sa akin ni Austin.I mean,Tintin.Austin sa umaga,Tintin sa gabi.Yes,he's gay. Nakilala namin siya ni Kao dahil madalas din siya rito. "Tintin." Pag bati ko sa kanya kasabay ng pagbeso." I am looking for Kao.Nandito ba siya?" "Oh si Kaori.Yes,I saw her kanina sa dance floor.Kasayaw niya si Marco.Nagtaka nga ako bakit hindi ka niya kas...hey!" Iniwan ko si Tintin at hindi na tinapos ang sasabihin niya. Kaagad kong tinungo ang dance floor at kaagad ko ring nakita ang kanina ko pa hinahanap. Tama si Tintin,kasama nga nito si Marco habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor.Base sa mga ikinikilos niya ay lasing na siya.Hindi na niya napapansin na kanina pa siya hinihipuan ng gagong lalaki. Simangot ang mukha ng maglakad ako sa direksyon nila. Walangya kang babae ka, kanina pa ako nag aalala tapos ikaw nakikipaglandian lang pala! "Let's party!" Sigaw niya habang nagsasayaw.Kaagad ko siyang hinila sa kasayaw niyang butiki."Ouch!Ano ba!" "Let go of me!Who the hell..." Tumigil ako sa pagkaladkad sa kanya saka siya binigyan ng isang nakakamatay na tingin. "J-Je?" "Let's go!" Madiin kong sabi saka muling hinawakan ang braso niya. "But Marco's waiting." Sa kabila ng kalasingan ay nagawa pa rin niya akong sagutin. "Sasama ka sa akin o babalik ka sa manyak na 'yon na kanina ka pa hinihipuan." Seryosong kong tanong sa kanya. Nanlaki ang chinita niyang mga mata at hindi makapaniwala niya akong tiningnan. "You choose." Hindi ko pa rin binago ang ekspresyon ng mukha ko. "Fine!" Naiirita niyang pagsuko saka naglakad na muntik na niyang ikatumba.Buti na lamang at nasalo ko siya.Marahas kong hinatak ang braso niya para alalayan. Bago mag drive ay itinext ko muna si Tita Qel para hindi na siya mag alala sa anak niyang lasinggera.Habang nasa byahe ay wala kaming imikan.Bukas ko na lamang siya balak sermunan dahil alam kong wala namang papasok sa utak niyang puno ng alak. "W-We broke up." Pagbasag niya sa katahimikan. Hindi na ako nagulat na wala na 'ulit' sila ng boyfriend niyang gunggong.Nagkaka ganito lang naman siya sa'twing nakikipaghiwalay sa kanya ang malandi niyang boyfriend na ipinaglihi yata sa higad.At ito namang best friend kong tanga,ipinaglihi yata sa mighty bond.Ang tibay ng kapit.Niloloko na nga balik pa rin ng balik.Kalahi yata niya ang tatlong paring martyr. "Babalik din 'yon." Maikli kong sagot dahil sa totoo lang,paulit-ulit na lang 'tong nangyayari. "I think, it's for good and I feel so bad about it." Hindi na rin ako nabigla ng humagulhol siya ng iyak. "J-Je, nakita ko na naman siyang may kasamang i-iba." Gusto ko sanang isagot na 'hindi ka pa nasanay?' pero nanatili akong tahimik. "P-Pinapili ko siya...and guess what?" "Hindi ikaw ang pinili niya." Diretso kong sagot na lalo niyang ikinahagulhol. "Two years,Je. Two f*cking years but still he chose that slut over me!" Marahas niyang hinablot si Luke, a toy dog na naka display sa kotse ko. "Huwag mong pagbuntunan ng galit si Luke.Hindi ka inaano niyan." Mabilis kong inagaw sa kamay niya ang laruan at muling ibinalik kung saan ito nakalagay. Siya ang nagbigay,siya rin ang sisira.Magaling! "Tell me,Je pangit ba ako?Kapalit-palit ba ako?!" Napangiwi ako sa tanong niya na ala-Liza Soberano. "Eh kung iumpog ko na lang kaya 'yang ulo mo para matauhan ka?Si Liza Soberano pa talaga ang kinarir mo,galing mo 'te." "Jelay,I'm serious!" Naiinis niyang sagot sa kabila ng pag iyak. "O kaya naman,banggain na lang kita baka sakaling magka amnesia ka at makalimutan mo na 'yang gagong si Gelo." Angelo ang pangalan,demonyo naman ang ugali.Tss! "Jelay!" Binigyan niya ako ng death glare ng mabanggit ko ang 'napakabuting' pangalan ng ex niya. "Bakit ba kasi paulit-ulit mong pinapatawad ang gagong 'yon?" Nakasimangot kong itinutok ang atensyon sa pagda-drive. "Dahil mahal ko siya." "Mahal ka ba?" Pambabara ko sa kanya kaya naging palaso na naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Kalimutan mo na lang siya." "Madali mong sabihin 'yan dahil wala ka sa sitwasyon ko." Naiinis pa rin niyang singhal sa akin. "Hindi ko rin pinangarap dahil hindi ko kayang tagalan ang ugali ng ex mo." "Hindi na ako nagtaka.Wala naman talagang tumatagal sayo." Sa sinabi niyang iyon ay napabaling ako sa kanya. "What did you say?" Sumeryoso ang mukha ko at nawalan ng focus sa pagda-drive. "Nagagalit ka kay Gelo dahil manloloko siya.Ikaw ba hindi?Hindi ba't papalit-palit ka rin naman ng boy..." "Don't you ever compare me to him!" Galit ko siyang nilingon matapos muling huminto na muntik na niyang ikasubsob sa unahan ng sasakyan. Mabuti na lamang at wala na kaming kasunod na sasakyan dahil dis-oras na ng gabi. "Why not?" Angil din niyang sagot sa akin saka ako tiningnan ng diretso. "Palagi mong ipinamumukha sa akin na sa aming dalawa ako na lang ang nagmamahal.Palibhasa hindi ka marunong magmahal kaya napakadali sayo na sabihin na kalimutan ko na siya!" Muli siyang napahagulhol ng iyak at napahilamos sa palad niya. Samantalang ako,heto nakatitig lang sa kanya,hindi ako umiiyak pero umiiyak sa sobrang sakit ang puso ko dahil sa bigat ng sinabi niya. She's right.I am a play girl.Marami ng nagdaang lalaki sa buhay ko at kahit isa sa kanila wala akong sineryoso.Kapag nakakaramdam na ako ng pagkabagot sa relasyong pinasok ko, ang una kong naiisip ay ang tumakas.Lumabas sa isang sitwasyon na hindi na ako masaya. Hindi ako katulad niya na kahit hindi na masaya,kahit nakakabagot na,kahit masakit na ay patuloy pa rin kakapit sa pag asang 'pwede pa', 'kaya pa' at 'laban pa'. Hindi ko hahayaang saktan ako ng kahit na sino na basta na lamang pumasok sa buhay ko para sirain ako.Hanggat maaari ay nilalagyan ko ng bakod ang sarili para hindi masaktan. Hindi ako kailanman magpapagamit sa salitang 'pag-ibig' dahil para sa akin ang katumbas ng salitang ito ay kalungkutan,sakit at pagdurusa. Proud ako na sabihin na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatibag sa bakod na ginawa ko para sa sarili. Hindi ko hahayaang may makapasok rito.Hinding-hindi. Bumuntong-hininga ako saka bumaling sa unahan.Gusto ko man siyang patulan ay mas minabuti kong manahimik na lang.Lasing siya ngayon at alam kong hindi niya sinasadya ang mga sinabi niya. Matagal ko na siyang kilala and I know she's a good person. Malas lang at maling lalaki pa ang minahal niya. Madalas ko tuloy ipagdasal na sana ay mahanap na niya ang taong mamahalin siya ng lubos. 'Yong hindi siya iiwan at hindi siya sasaktan.'Yong taong deserve niya. Muli kong binuhay ang makina.Kung nakakapag salita lang ang kotse ko,siguradong may sermon din ako mula rito.Kanina pa kasi kami pahinto-hinto. Hindi na ako nag abalang magsalita habang umaandar ang sasakyan.Hihintayin ko na lang na mag sorry siya bukas kapag naalala niya ang ginawa niyang kagagahan. .. Nang makarating kami sa kanila ay kaagad akong nag door bell.Ilang sandali lang ay lumabas na si Tita at pinagbuksan ako ng gate. "Jelay,anong nangyari?" Nag a-alalang tanong nito.Mukhang naabala ko pa ito sa pag tulog. "She's fine, Tita.Lasing lang po kaya hindi na makatayo." Sagot ko kay Tita habang pinipilit alalayan si Kao sa pagtayo.Lasing na nga siya,mukhang antok na antok pa ang gaga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang 'to." Pabuntong-hiningang sabi ni Tita habang tinutulungan akong alalayan si Kao. "Paano na kaya 'to kung wala ka?" Iiling-iling pa nitong dugtong. Kahit hirap na hirap kami ni Tita sa pag alalay kay Kao ay nagawa pa rin naming maipasok siya sa kwarto niya. "Kung nandito lang sana ang kuya Renz niya, hindi nito hahayaang magka ganyan siya." Malungkot na sabi ni Tita.Ang nag iisang anak nitong lalaki na si Kuya Renz ay nasa ibang bansa kasama ang asawa nito.Naiwan naman ang makulit na anak nila na si Moi sa pangangalaga ni Tita dito sa Pilipinas.He's four years old kid. "Hindi po talaga,Tita.For sure, babasagin ni kuya Renz ang pagmumukha ni Gelo para makabawi." Natawa si Tita dahil sa sinabi ko.Alam niyang totoo ito dahil mahal na mahal ni kuya Renz si Kao kahit ang totoo ay magkapatid lang sila sa ina.Isang hapon ang ama ni Kao at mahahalata naman ito sa physical features ng best friend ko. I can say na isa ako sa pinaka maswerteng tao sa mundo dahil bukod sa maganda ako,oo maganda ako ay may maganda rin akong best friend. Kung mukha lang naman ang pag uusapan,aba,hindi magpapatalo itong best friend ko sa kagandahan.Meron siyang chinita na mata na namana niya sa Papa niya. Although mas singkit ang mata ko kumpara sa kanya,masasabi ko pa rin na mas maganda ang mga mata niya kaysa sa akin. Meron siyang perpektong kilay dahil for her, 'kilay is life'. Matangos rin ang ilong niya and again,mas matangos kaysa sa ilong ko.Aminado ako. Mahaba ang buhok niya kaya madali siyang bagayan ng kahit anong hair style.Minsan pa nga ay napapagkamalan siyang Korean kaysa Japanese. Maputi rin siya at may katangkaran pero yeah, ang height lang yata ang lamang ko sa kanya.Mas matangkad ako sa kanya pero 'wag ka,mas matapang pa siya sa akin. Kung ugali naman ang pag uusapan,wala akong maipipintas sa kanya bukod sa pagiging tanga niya sa pag-ibig. "Maraming salamat,Jelay sa pagtya-tyaga mo sa anak ko." Napabaling ako kay Tita dahil sa sinabi nito. Muntik ko ng makalimutan na nandito pa nga pala ito.Napatitig kasi ako sa almost perfect niyang anak na nakahiga na sa malambot niyang kama at wala na yatang kaalam-alam sa paligid. "Tita,kapatid na po ang turing ko kay Kao.Pamilya ko na rin po kayo." Matapat kong sagot.Si Kao at ang pamilya niya ang itinuturing kong pamilya rito sa Manila.Sa katunayan ay malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila.Noong mga unang buwan ko rito sa Manila ay dito sa bahay nila ako nakituloy.Ilang buwan rin bago ako nakahanap ng maayos na apartment na malilipatan. Malapit ito sa university na pinapasukan namin ni Kao. "Maswerte ang anak ko at may isang katulad mo sa buhay niya." Ngumiti ako ng ubod tamis dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Tita para sa akin. "Ang drama na po natin,Ta." Natawa kami pareho dahil sa sinabi ko. Nagpaalam si Tita sa akin para tingnan si Moi na natutulog sa kabilang kwarto.Mukhang nagising ang bata.Mahirap pa naman itong patulogin ulit kapag nagigising ng alanganin.Sinabi ko na magpahinga na rin ito at ako na ang bahalang mag asikaso sa lasinggera nitong anak. Napailing na lamang ako habang nakatingin sa babaeng mukhang himbing na himbing na sa pagtulog.Samantalang ako, kailangan ko pang umuwi pagkatapos ko siyang asikasuhin.May pasok pa kasi ako mamaya at wala akong dalang uniform.Hindi rin ako makakahiram sa kanya dahil magkaiba kami ng course.Bachelor of Science in Management Accounting ang kurso ko samantalang Bachelor of Science in Computer Science ang sa kanya. Inihanda ko na ang pantulog niya na nahalungkat ko sa asul niyang closet. Matapos ipatong sa tabi ng kama ay nagpunta naman ako sa sarili niyang c.r para basain ang bimpong hawak ko. "Kao-Kao." Mahina kong tinapik ang pisngi niya dahil hindi ko mahubad ang damit niya.Umungol lang siya pero hindi ako pinansin. "Kao,papalitan kita ng damit.Basa na ng pawis 'yang suot mo." Muli ko siyang tinapik at mukhang effective naman dahil kumilos siya para siya na mismo ang maghubad sa damit niya. Basta na lamang niya itong itinapon kung saan saka muling nahiga.Ngayon ay naka pants at naka bra lang siya habang nakahiga sa kama.Napailing na lang ako dahil sanay na akong makita siyang naka ganyan. Paano na lang kaya kung hindi ko siya napilit umuwi kanina?Siguradong iba ang mag uuwi sa kanya at baka sa ibang bahay pa siya iuwi. Napaka careless. Sinimulan kong punasan ang mukha niya na ikina-ungol niya.Mukhang gusto pa niyang magreklamo sa pang iistorbo ko sa pag tulog niya. Matapos ay ang leeg niya at bandang dibdib. "Sh*t!" Halos mapadamba ako sa kama ng hablutin niya ang kamay ko na kanina lang ay nag pupunas sa kanya."Bwisit ka,papatayin mo ba ako sa gulat?!" Halos masubsob ako sa leeg niya dahil sa ginawa niya. "Je." Sabi niya habang nakapikit. "Ano?" Inis kong sagot kasabay ng pag angat ng katawan ko para makabangon. "I'm sorry." Nagmulat siya at pinigilan ang pag bangon ko.Napatingin ako ng deretso sa kanya at nagtama ang mga paningin namin.Namumungay ang mga mata niya dala ng kalasingan pero maganda pa rin ang mga ito. "I didn't mean those hurtful words,Je.I'm sorry." Mukhang gusto na naman niyang umiyak. "It's okay.I understand." Matapat kong sagot. Muli akong kumilos para makaalis sa ibabaw niya.Napansin ko kasi na medyo tuyo na ang towel na ipinupunas ko sa kanya. "Sandali,babasain...." "Don't leave me,Je." Pagpigil niya sa pagbangon ko. "Gaga, sa c.r mo lang ako pupunta kung makapag drama ka diyan." Pinitik ko ang ilong niya. "Ouch!You're so mean." React niya sa pag pitik ko sa ilong niya.Napalakas yata. "Bitawan mo na ako,pupunasan pa kita.Hindi ka ba nilalamig,para kang bold star diyan." "So what?Ikaw lang naman ang nandito.Alam ko naman wala kang pagnanasa sa akin.Kung meron dapat matagal na." Napakadaldal talaga ng babaeng 'to pag lasing.Sana pala hindi ko na lang siya ginising. "Hindi talaga kita pagnanasahan dahil mas seksi naman ako sayo." Pang aasar ko rin sa kanya kasabay ng pag bangon. Nakita ko pa ang pagsimangot niya saka muling nagsalita. "Sabihin mo lang kung pinagnanasahan mo na ako ah." Nakangising sagot niya sa akin na ikinairap ko. "In your dreams!" Kasabay ng paglakad ko papuntang c.r. "Labyo,bebe." Pahabol pa niya na ikinatigil ko sa pagpasok sa c.r. "Labyo your face." Natatawang kong sagot matapos ang pag belat sa kanya.Nakatingin pa pala siya kaya nakita niya ang pag belat ko na ikina hagikhik niya. Sira ulo! Iiling-iling akong pumasok sa c.r at nag dasal na sana paglabas ko ay tulog na siya ulit. Believe me,ang lasing na Kaori ang pinakamahirap na i-handle.I cannot! A.❤

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

SILENCE

read
393.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook