2

2520 Words
"Hi,Kaori." Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba itong narinig mula ng pagpasok ko pa lang sa gate ng university. "Hello." Pagbati ko sa mga kakilala ko na unang nag gree-greet sa akin.Sa mga hindi ko naman kilala,matipid na ngiti lang ang isinusukli ko sa kanila. Kilala ako sa university namin dahil unang-una maganda ako.Oo 'yon talaga ang unang dahilan.Bukod sa maganda ako,matalino rin ako 'wag na lang natin pag usapan kapag about sa love. Member ako ng dance troupe ng university kaya mas lalo nila akong nakilala. "Hey.You okay?" Hindi ko namalayang nakarating na ako sa building namin at nakaupo na sa room kung saan ang first subject.Tumabi sa kinauupuan ko si Reign. "Okay lang.Medyo masakit lang 'yung ulo ko." Sabay masahe ko sa kumikirot kong sentido. "Hulaan ko.Hang-over?" Nakangiti niyang tanong na ikinalabas ng dimples niya sa magkabilang pisngi. Tumango ako saka dumukdok sa lamesa sa harapan ko.Bukod sa masakit ang ulo ko,antok na antok din ako.Kung hindi pa ako ginising ni Mama ay siguradong mamayang hapon pa ang bangon ko sa kama. Ang hirap kapag may hang-over.Gad! "Here." Kinalabit ako ni Reign kaya tumunghay ako sa iniaabot niya. "Take it.Medicine 'yan for head ache." Nakangiti pa rin niyang sabi. Maganda rin talaga ang babaeng 'to eh.Lalo na 'yung dimples niya na nagmamayabang sa akin. She's my classmate at co-dancer na rin.Sa department namin kami lang at si Missy ang maswerteng nakapasok sa dance troupe ng university.Aaminin kong mas magaling silang sumayaw kaysa sa akin pero mas maganda pa rin ako sa kanya.Period. "Thanks." Tinanggap ko 'yon kasama ng bottled water na iniaabot niya.Athlete rin kasi siya kaya hindi na nakakapagtaka na may dala siyang bottled water sa bag niya. Co-player niya si Je sa larong basketball. Sa totoo lang, hindi naman mahilig si Je sa larong basketball. Kaya lang siya sumali ay dahil pinilit siya ng professor nila dahil matangkad siya.Kailangan kasi ng department nila ng representative sa Women's Basketball na ginaganap taon-taon. Noong una ay tinatawanan ko pa siya kasi hindi siya marunong mag dribbling.Realtalk,mas magaling pa ako sa kanya.Pero noong nagtagal ay nakuha ng larong basketball ang atensyon niya at hindi ko namamalayan na pagaling siya ng pagaling sa larong iyon.Hanggang gumulat na lang sa akin ang balita na nag try out siya sa over-all basketball team sa university namin at nakapasok kasama si Reign.Well,ganoon talaga siya,hindi niya basta sinusukuan ang mga bagay-bagay lalo na at gusto niya ito.Dalawang taon na siya sa team nila. Bukod sa pagiging basketball player, member din siya ng band sa department nila. She's the vocalist.Ganoon ka-talented ang best friend ko kaya kahit sa ibang department ay kilalang-kilala siya. Mas lalo lamang siyang nakilala dahil friendly siya.Palaging may nakahandang ngiti sa labi niya.Hindi katulad ko na kung hindi kakausapin,hindi rin ako magsasalita.Hindi ako snob,pero mapili ako sa mga taong kakausapin. "Kasama mo ba si Jillian kagabi?" Tanong ni Reign matapos kong inumin ang gamot na inalok niya. "Yes pero hindi siya uminom." Pagsisinungaling ko.Ayoko na rin siyang magtanong kaya muli akong dumukdok sa lamesa.Hindi naman na niya ako kinulit.Nahalata yata niya na wala ako sa mood makipag kwentuhan. .. Kanina pa nakakunot ang noo ko sa harapan ng cellphone na hawak ko.Umaga ko pa kasi tine-text si Je at hanggang ngayon na lunch time na ay wala pa rin akong natatanggap na messages galing sa kanya.Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Ano bang problema ng babaitang 'yon? "Hey,Kao.Wanna join us?" Tanong ni Missy ng madaanan nila ako sa upuan ko. "Mag lunch kami sa Kahit Saan baka gusto mong sumama?" Kasama niya ang iba naming classmate pati si Reign. "No,thank you." Nakangiti kong pag tanggi.Tumango naman sila at nagpaalam. Muli kong binalikan ang hawak kong cellphone at simangot na pinagmasdan ang wallpaper ko. Picture namin ni Je.Kinuhanan ito sa dressing room ng university.Sasayaw kami ng araw na iyon dahil may event ang university.Sila Je naman ay may tugtog at lalaban sa ibang department kaya naka ayos rin siya. Nakasuot ako ng kulay gold at siya naman ay blue-violet.Magulo pa ang buhok ko noon dahil bumisita siya sa dressing room ng dance troupe habang inaayusan kami. Bahagya akong nakangiti sa camera at siya naman ay naka pout habang nakayakap sa akin.Ilang buwan na rin ang litratong iyon at hindi pa ulit nasusundan. Sa loob ng apat na taon naming pagkakaibigan, ilang daan na rin ang mga pictures namin together.Lahat 'yon ay naka save sa phone ko. A good memories that I will treasure forever,hindi lang sa phone ko kundi sa puso ko. Napangiti ako ng maisip si Je pero kaagad ding sumimangot ng mapansing hindi pa rin siya nagte-text. Nag scroll ako sa contacts ko at nahagip ng mata ko ang number ni Nathan. Kinuha ko nga pala iyon ng nakaraang buwan. Classmate silang dalawa ni Je at napagalaman kong may gusto siya sa akin.Sa wakas,magkakaroon na rin ng pakinabang ang number niya. Kaagad akong nag dial ng number niya at sinagot naman niya ng mabilis. Mautal-utal pa siyang nag 'hello' sa akin. Kaagad kong itinanong kung tapos na ba ang klase nila at kung alam niya kung nasaan si Je? Binigyan niya ako ng impormasyon na baka raw nagla-lunch ito sa Galura's canteen.Matapos malaman ang sagot ay nagpasalamat ako sa kanya at mabilis na ibinaba ang tawag. .. Full of confidence akong pumasok sa Galura's canteen.Ang Galura's canteen ay ang main canteen ng Howell University. May ibang bumati sa akin na binigyan ko ng tipid na ngiti. 'Yung ibang mga lalaki na puro pa-cute lang ay nakatanggap naman ng irap. Iginala ko ang paningin para hanapin si Je.Nakita ko siya sa bandang gitna ng canteen.Kasama niya si Karina na classmate niya.Mukhang masayang nag uusap ang mga ito.Wala silang pakialam na pinagtitinginan na sila ng ibang naririto.Bakit nga ba sila pinagtitinginan?Let's say na pareho silang agaw-atensyon.Hindi dahil sa masaya nilang pagkwe-kwentuhan kundi dahil pareho silang sikat.Kagaya ng sinabi ko kanina,si Je ay player ng Women's basketball team samantalang ang kasama niyang si Karina ay ang title holder ng pinaka malaking pageant dito sa university. Siya ang Miss H.U 2018. Yes girl,nasa kanya ang korona. Naglakad ako palapit sa dalawa kaya sa akin naman nabaling ang atensyon ng mga narito.May nadaanan pa akong halos isusubo na niya ang pagkain niya pero naudlot iyon ng ngitian ko siya.Marami ang nagbulungan.'Yung iba negative comments,ang tawag sa kanila ay bashers.Mas marami naman ang narinig kong positive,ang tawag naman sa kanila ay fans. "Hey." Nakangiti kong bati sa dalawa na magkasabay pang napalingon sa akin. "Kao." Nakangiti ring sagot ni Je.Tumayo ito saka nakipag beso sa akin. "Hello,Kaori." Magiliw ding bati ni Karina kasabay ng pag beso niya. "Bakit ka pala nandito?" Tanong ni Je matapos mag offer ng upuan katabi ng sa kanya. "Bawal na ba akong kumain?" Simangot kong sagot.Naalala ko na naman kasi ang pang iisnob niya sa mga texts and calls ko. "Oo,mag diet ka naman.Tumataba ka na." Pang aasar pa niya sa akin kaya lalong humaba ang nguso ko sa pag simangot.Napansin ko naman na nag pipigil sa pag tawa si Karina sa upuan nito. "Sino kaya sa atin 'yong nag shopping ng mga bagong pants last week." Pang iinis ko rin sa kanya. "Mga luma na kasi ang mga pants ko." Katwiran niya. "Ang sabihin mo,masisikip." Nakita ko ang pag simangot niya at ang malaki niyang pag subo sa kinakain niya. "Tingnan mo nga,ang piggy mong kumain." Tumigil siya sa pag kain at binelatan ako saka muling sumubo. "Ang cute niyo." Natatawang comment naman ni Karina na nakalimutan kong kasama nga pala namin. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Je. "Not yet." "Ako ng bahala." Sagot niya matapos punasan ng table napkin ang bibig niya. "Excuse me." Umalis siya at nagtungo sa counter para i-order ako ng pagkain.Isa iyon sa mga bagay na gusto ko sa kanya.Super caring and thoughtful niya.Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nahuhumaling na lalaki sa kanya.Nasa kanya na lahat pwera na lang ang puso.Wala siya nito. Napailing na lang ako sa naisip. "So,how are you,Kaori?" Pag simula ni Karina ng conversation.Kami lang dalawa ang nasa table na 'to.Hindi kami close pero malamang mag uusap kami para hindi naman awkward. "I'm good.Ikaw?" "Heto,busy.Masakit na nga ng ulo namin ni Jelay sa dami ng dapat gawin." Naiiling niyang sagot.Napansin ko nga ang mga libro na nakapatong sa table namin. Third year students na sila sa kursong Bachelor of Science in Management Accounting. "Mabuti at napapagsabay mo pa ang studies mo at pag pa-pageant." Narinig ko kay Je na mahilig itong sumali sa mga paegants kaya bilib din ako sa kanya na napapagsabay niya ang mga ito. "Kapag siguro talaga mahal mo ang ginagawa mo, kahit nakakapagod,hindi ka pa rin titigil." Gusto ko siyang biruin at sabihing, 'Lalim ng hugot ah' pero tumango na lang ako bilang response.Totoo naman.Mas masarap gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo.Kahit nakakapagod worth it naman. "Kilala mo ba kung sino siya?" Kunot-noong tanong ko ng mapansin si Je na may kausap na lalaki.Palapit na sila sa table namin habang hawak ng lalaki ang tray ng pagkain na para sa akin. "Suitor niya yata.Madalas ko siyang nakikitang pumupunta sa building namin." Sagot naman nito. "Hi,girls." Bati ng lalaki kasabay ng pagbaba niya ng tray na hawak. Mukha siyang waiter. Nginitian ito ni Karina at tinanguan ko naman. Hindi ko siya feel for Je. "Suitor mo?" Tanong ko matapos kunin ang pagkain sa tray. "Anyway,thanks Je." "I'm not her suitor.Boyfriend niya ako." Kompiyansang sagot nito at pumulupot pa ang kamay nito sa bewang ni Je.Napataas tuloy ng kilay ko.Nakita 'yon ni Je kaya sinenyasan niya akong tumahimik na lang. Ang pagkakaalam ko taga Crim.Dept. ang boyfriend niya.Mukha namang hindi ito mag pu-pulis dahil mas mukha siyang adik kaysa mag pu-pulis. "Totoo?" Oh see,pati si Karina hindi makapaniwala. "I thought taga Crim.Dept.ang boyfriend mo,Je." Napangisi ako ng pinanlakihan niya ako ng mga mata. Play girl! "Ako na ang boyfriend niya ngayon." Hindi pa rin ito umuupo kaya nakatunghay kami ni Karina sa kanilang dalawa ni Je.Lalo pa niyang hinapit ang bewang ni Je palapit sa kanya. Maniac! Tumingin ako kay Je saka muling nagsalita. "Gusto ko ng kumain,Je kaya kung pwede paki alis ng pampawala ng apettite ko." Napasinghap si Karina sa sinabi ko. Hindi niya siguro akalain na sa likod ng maamo kong mukha ay may katarayan din akong taglay. "Kao!" Sita sa akin ni Je. "What?" Saka pabalewala akong sumubo sa pagkain na nasa harapan ko. "Okay lang,babe." Pagpigil nito sa anumang sasabihin ni Je. Bumaling ito sa akin at ngumisi. Ang creepy niya,promise. "Kaya pala iniwan ka ni Gelo dahil magaspang 'yang ugali mo." Sa sinabi nito ay napatigil ako sa pagkain.Rinig ko naman ang pag singhap ng dalawa ko pang kasama. "Sandali,hindi ko gusto ang sinabi mo!" Sita ni Je pero ako nakatitig lang sa lalaki at gustong-gusto ko na siyang patayin sa paraan ng pag tingin ko. How dare he para ipaalala sa akin si Gelo! Nakuyom ko ang palad kasabay ng pabalang na pag tayo. "Nawalan na ako ng gana.Excuse me." Binigyan ko pa ito ng nakamamatay na tingin saka umalis sa harapan nila. "Sandali,Kao!" Tawag ni Je pero hindi ko na siya nilingon. Konti na lang kasi ay papatak na ang pinipigil kong luha. "Break na tayo.Bwisit ka!" Narinig ko pang sabi niya sa lalaki bago ako tuluyang makalayo. .. "Kao!" Narinig kong tinatawag ako ni Je.Sinundan pala niya ako. "Wait,Kao!" Nahablot niya ang braso ko at pinilit iniharap sa kanya.Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa amin. "Kao,I'm sorry.Hindi ko naman akalain na..." "It's alright,Je.Totoo naman ang sinabi ng boyfriend mo,iniwan ako ni Gelo dahil hindi niya matagalan ang ugali ko." Malungkot akong ngumiti pero hindi naitago ng mga ngiti ko ang sakit na nararamdaman ko. Kilala ako ni Je kaya sa halip na magsalita ay hinila niya ako papuntang student parking.Nagpatianod ako dahil wala akong lakas na kontrahin pa siya. Nakarating kami sa kotse niya ng walang imikan. Alam kong may gusto siyang sabihin dahil kinakagat lang niya ang kuko niya sa hintuturo kapag may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. "Alam kong may gusto kang sabihin.Tell me." Diretso akong tumingin sa kanya. "Sesermunan mo ba ako dahil sa ginawa ko sa harapan ng boy friend mo?Go ahead." Mahinahon kong dugtong saka inalis ang tingin sa kanya. "Unang-una,ex ko na siya.Nakipag hiwalay na ako sa kanya kanina kasi ni-aaway ka niya." Sagot niya na ikinangiti ko.Sinulyapan ko siya kaya lalo akong napangiti.Ang cute niya kasi habang nanghahaba ang nguso niya. Hindi ako nagsalita at hinintay ang iba pa niyang sasabihin. "Bebe?" Lumapad lalo ang ngiti ko sa pag banggit niya ng endearment namin sa isa't-isa.Binabanggit lang kasi namin ito kapag naglalambing kami. "Hmm?" Sagot ko saka bumaling sa may bintana.Ayokong makita niya ang pag ngiti ko.Siguradong aasarin lang niya ako.Ewan ko ba kung bakit ang dali lang sa kanya na pagaanin ang sitwasyon. She's really a ball of sunlight. "Look at me." She commanded. Poker face akong humarap sa kanya. "Again,I'm sorry sa nangyari." Hinaplos niya ang dalawa kong kamay na nasa kandungan ko. "Gusto ko lang malaman mo na walang mali sayo.Iniwan ka niya dahil siguro may hinahanap siya na wala sayo pero hindi ibig sabihin n'on na kulang ka." Nakipag titigan siya sa akin at nabasa ko sa mga mata niya ang sincerity. "Kao,you are not perfect pero sapat na ang lahat ng katangian na meron ka para mahalin ka ng totoo.Please,always know your worth even if they don't." Hindi ko maiwasang mapaiyak sa sinabi niya kaya kaagad ko siyang sinugod ng mahigpit na yakap.Minsan lang kasi siya mag seryoso,at kapag sinabi kong minsan,once in a blue moon lang talaga. "Labyo,bebe." Lambing niya na may karugtong pa pala. "Kahit may saltik ka." Napalo ko tuloy ang likuran niya na ikinahagikhik niya. "Labyo your face!" Sagot ko na sabay naming ikinatawa. A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD