3

2121 Words
"Hoy,Je!Tama na nga 'yan.Hindi ka ba kakain?" Sita ko sa best friend kong puro M.L ang inaatupag sa cellphone ko. "Busog pa ako,Kao.Kumain na ako kanina sa Galura,di ba?" Sagot niya habang nakatutok pa rin sa nilalaro niya. "Bakit kaya hindi ka sa cellphone mo maglaro." Sarcastic kong tanong.Dinengwat lang kasi niya ang cellphone ko sa dala kong shoulder bag at may balak pa yata siyang i-lowbat 'to. "Naiwan ko ang cellphone ko sa apartment kaya nga di ko nasasagot ang mga texts at calls mo." I just rolled my eyes.Ang hilig niya talagang mag iwan ng cellphone niya kung saan-saan.Nakailang palit na rin siya ng cellphone dahil palagi niya itong naiwawala. Tingnan ko lang kung hindi ka mamulubi. Iginala ko pa ang paningin dahil sabi ni Missy ay dito sila kakain sa Kahit Saan pero mukhang nakabalik na sila sa building namin. Nagyaya lang itong si Je dahil alam niyang hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa ex niyang isang araw lang niyang naging jowa. Fifteen minutes lang naman ang layo nito sa H.U kaya makakabalik kami kaagad bago ang next subject namin. Simangot ang mukha ng mag simula akong kumain.Hindi ko talaga siya maistorbo sa paglalaro.Ang sakit isipin na mas mahal pa niya ang Mobile Legend kaysa sa best friend niya. Nakaka ilang subo na ako ng mapansin kong ibinaba niya cellphone ko at itinabi.Tumayo siya na nasundan ko lang ng tingin.Ilang saglit ay bumalik siya sa table namin.Naghugas lang pala ng kamay. Kinuha niya ang isang piraso ng fried chicken at inilagay sa plato niya.Inalis niya ang ma-cholesterol na balat nito saka itinapat ang pinggan sa gawi ko. Napangiti ako sa ginawa niya.Alam na alam niya talaga na hindi ako kumakain ng chicken skin.Hindi ko pala naalis ang balat nito dahil inuna kong lantakan ang chopsuey. "Thanks." Kinuha ko iyon at kinagat.Muli siyang tumayo upang mag hugas ng kamay. Bumalik siyang may dala-dala."Heto na lang ang sa akin." Ipinakita niya ang cheese cake at dutchmill na hawak niya. Hindi talaga siya mabubuhay ng walang cheese cake at dutchmill. Nilantakan niya ito habang kumakain ako.Wala kaming imikan.Galit-galit muna. "Je,sa tingin mo bakit nalaman n'ung ex mo ang about samin ni Gelo?" Tanong ko ng matapos akong kumain.Siya naman ay nilalantakan pa rin ang pang tatlo niyang cheese cake. "Ano nga ulit pangalan ng ex mo?" Nagtataka pa rin kasi ako kung paano nito nalaman ang break-up namin ni Gelo.Mukha namang hindi namin ito ka-department. "Jordan yata.." Kumagat ulit siya sa pinakamamahal niyang cheese cake. "Ayy hindi Jorge pala..." Nag isip siya saka muling nagsalita, "Jon?Jonas?Johnson baby powder?Ah ewan. Jon na nga lang para madali." Halos mapabunghalit ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Lintik na 'to, pangalan ng ex niya hindi alam. "Pangalan ng ex mo hindi mo alam?Baliw ka talaga." Naiiling kong sagot saka uminom sa baso ng iced tea sa harapan ko. "Hindi ko na matandaan eh pero alam ko badminton player siya." Nagmamalaki pa niyang sabi. Ipinagmalaki niya talaga ang kaunting impormasyon na alam niya sa ex niya. "Seriously,Je bakit hindi ka pa magtino?" Sinamaan naman niya ako ng tingin sa itinanong ko. "Kagabi mo pa sinasaktan ang damdamin ko.Namumuro ka na,Kao." Sagot niya na ikinangisi ko. "How about a blind date?" Suggestion ko na ikinangisi niya. "Tantanan mo ako,Kao." Humigop siya sa straw ng dutch mill niya. "Promise,matino 'yung ipapa date ko sayo." Pangungumbinsi ko pa saka nangalumbaba sa harapan niya. Lalong umasim ang mukha niya.Hindi ko alam kung dahil sa dutch mill o sa sinabi ko. "Ayoko." Maikli niyang sagot saka dinampot ang cellphone ko sa tabi niya.Siguradong maglalaro na naman siya.Sabi nga niya, 'M.L is life'. "Malay mo siya na ang forever mo." Pangungulit ko pa sa kanya. "Walang forever,uy!" Nanghaba ang nguso niya habang naglalaro pa rin. Tumahimik ako saglit para mag isip kung paano ko siya mapapapayag. "Sige,payag na ako." "Huh?" Naguguluhan kong tanong. "Payag na ako sa blind date chuchu mo." Sagot niya saka ibinaba ang cellphone ko. "Talaga?Weh?" Di makapaniwalang tanong ko. Pa-hopia rin kasi siya minsan eh. "Oo nga pero sa isang kondisyon." Ngumisi siya sa akin.Oh no!Hindi ko gusto ang pag ngisi niya. "Ayoko." Pag irap ko.Naaalala ko pa rin kasi n'ung nag pustahan kami at natalo ako.Ang walangya,pinasayaw ba naman ako sa gitna ng daan.Wala naman akong nagawa dahil 'yon ang kondisyon niya. Noong araw na 'yon, halos lumubog ako sa lupa sa sobrang kahihiyan. "Bahala ka, hindi na ako magtitino." Aba't tinakot pa ako ng hudas.Magaling. "Nakasalalay pala sa akin ang pagtino mo?" Sarcastic kong tanong. "Madali lang naman ang kondisyon ko,Kao-Kao. A double date." Pangungumbinsi naman niya. "You mean..." "Oo para naman makalimutan mo na 'yung so so so bad mong ex." Itinaas-baba pa niya ang dalawa niyang kilay. Napasimangot ako.Parang ako lang rin ang nabiktima sa sarili kong bitag.But yeah,may point siya.Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ni Gelo,kahit minsan hindi ko naisip na magloko kahit pa alam kong maraming beses niyang ginawa sa akin 'yon.Sa daming beses naming paghihiwalay hindi ko rin naisip na makipag date sa iba. Hindi kasi ako 'yung tipo ng babae na maghahanap ng panakip-butas.Ayokong gumamit ng iba dahil alam ko kung gaano kasakit ang paglaruan. Napatingin ako kay Je na kanina pa pala naghihintay ng sagot ko.Ngumiti siya sa akin na labas ang mga ngipin niya. She's beyond beautiful. Sa pagkakangiti niya ay naka smile rin pati ang chinita niyang mga mata.Nagmamayabang rin ang dimple niya sa kanan na bahagi ng pisngi niya.Noong pangalawang beses na nagkita kami,akala ko may foreign blood siya, pero kaagad din naman niyang sinagot na wala.Purong pinoy siya. Isang dalagang Pilipina,yeah. "Alright." Bumuntong-hininga ako. "You win." "Yes!" May pagsuntok pa siya sa hangin. Baliw talaga! .. "Nanay!" Sigaw ni Je na nauunang maglakad sa akin sa direksyon ng matandang nagbebenta ng kakanin sa may park. "Jilyang!Kaoreng!" Napangiwi ako sa itinawag sa amin ng matanda. She's nanay Melba. Ipinakilala siya sa akin ni Je isang taon na ang nakakalipas.Kaibigan niya si nanay Melba dahil sabi ko nga friendly itong bestfriend ko.Kahit sino kinakaibigan. Si nanay Melba ay may maliit na pwesto rito sa park.Nagbebenta siya mga kakanin samantalang ang apo niya ay nagbebenta naman ng sampaguita sa labas ng simbahan. Close si Oryang sa amin ni Je dahil pareho kaming mahilig sa bata. "Hi,nanay." Yakap ko sa matanda ng makalapit ako. "Kamusta na po?" Tanong ko dahil may dalawang linggo na rin kaming hindi nakakadaan dito ni Je. "Maayos naman,Kaoreng.Kayong dalawa ni Jilyang,kamusta na?" Magiliw na sagot ng matanda. "Maganda pa rin po ako,nanay.Si Kaoreng lalong pumapangit." Pagsingit naman ni Je na ikinasimangot ko. "Aba,hindi totoo 'yan,Jilyang.Napaka ganda kaya nireng apo ko." Hinalikan pa ko ni nanay sa pisngi na ikinangiti ko. See? I mouthed saka binelatan si Je. Akala mo,huh. "Hali kayo at magmimindal (merienda)." Yaya sa amin ni nanay sa maliit niyang pwesto. "Busog pa po kami,nay.Kakatapos lang po namin mag lunch ni Je.Heto nga po,may dala kaming pagkain para sa inyo." Magalang kong sagot bago maupo katabi ng matanda. "Salamat sa pag aabala mga apo." Kinuha niya ang pagkain at inilagay muna sa isang tabi. "Wala ba kayong eskwelang dalawa?" "Mamaya pa po,nanay.May thirty minutes pa po kami." Sagot naman ni Je bago tumabi sa akin. "Si Oryang po pala?" "Nasa eskwela pa siya.Mamayang mga alas-cuatro pa ang labas niya." Sagot nito na ikinatango namin ni Je. Tumayo naman si nanay dahil marami nang bumibili ng paninda niyang kakanin. "Kita mo 'yon?" Sinundan ko ng tingin ang itinuturo ni Je. "Alin? 'Yung mag jowa?" Tanong ko ng makita ang itinuturo niya sa akin.Nakaupo sa isang bench ang mag jowa.Nasabi kong mag jowa sila kasi obvious naman. "Anong meron?" Takang tanong ko kay Je kasabay ng pagbaling ko sa kanya. "Sa tingin ko may pinag uusapan silang mahalaga." Sagot ni Je.Hindi pa rin niya inalis ang paningin sa dalawa. "So?" Tanong ko. Dapat ba tayong makialam? Hindi ko isinatinig ang gusto kong sabihin dahil baka bawian niya lang ako sa pagiging sarcastic ko. "Feeling ko, may tampuhan sila." Sinulyapan ko ulit ang dalawa dahil sa sinabi ni Je na baka may tampuhan ang mga ito.Napansin kong seryosong kinakausap ng babae ang lalaki at tanging pagtango lang ang isinagot ng lalaki sa kanya. Nabigla ako ng tumayo ang babae at iniwang nakatanga sa pagkakaupo ang lalaki. "Pustahan tayo." Sabi ni Je saka bumaling sa akin. "Na naman?" Mabilis akong nakapag isip."Sige." Gusto kong makabawi sa pagkatalo ko kanina. "Hindi susundan ng lalaki 'yung babae." Sagot niya. "Susundan niya." Sigurado kong sagot. Nakikita ko sa mga mata ng lalaki na mahal na mahal niya ang babae,so yeah,malakas ang paniniwala ko na susundan niya ang babae para suyuin. Lumipas ang isang minuto matapos umalis ng babae pero 'yung lalaki nakatulala lang siya at parang malalim ang iniisip. Walang nagsasalita sa amin ni Je.Busy kami pareho sa panonood sa susunod na gagawin ng lalaki. Tumayo ka at sundan mo siya! Gusto kong isigaw sa lalaki na hanggang ngayon ay parang tuod pa rin sa pagkakaupo. Mukhang matatalo na naman ako. I glance at my wrist watch.Five minutes na siyang nakaupo.Mukhang wala na siyang balak sundan ang babae.Talo ka na naman ng bruhang katabi mo. Nakasimangot akong bumaling sa katabi ko. "I won...again." Nakangising sagot niya na ikinairap ko. "Sa tingin mo,bakit hindi sinundan ng lalaki 'yung babae?" Dugtong niyang tanong. "Siguro pagod na siyang maghabol." Sagot ko. "Mali." Sabi ni Je saka bumaling ulit sa lalaking nakaupo pa rin kung saan siya iniwan ng babaeng mahal niya. "Why you think so?" Kunot-noong kong tanong. "Hindi niya sinundan ang babae dahil hindi naman talaga sila magkakilala." "Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko na ikina-hagalpak niya ng tawa. "Bwisit ka!" Hinampas ko ang braso niya sa kainisan ko sa kanya. "Aray!Aray!Ano ba,masakit!" Sita niya sa akin habang patuloy akong pinagtatawanan. "You always making fun of me.I hate you!" Inirapan ko siya at bumaling sa kabilang side. Ayokong makita ang pagmumukha niya! Kainis siya! "Seryoso na." Kalabit niya sa balikat ko. "Ewan ko sayo!" "Seryoso na nga kasi." Pilit niya akong iniharap sa kanya. At hinaplos ang kilay kong magkasalubong dahil sa ka-badtrip-an ko sa kanya. "Huwag ka ngang sumimangot.Mas lalo kang pumapangit." Pang aasar pa niya. Sabi ko nga hindi siya marunong mag seryoso.Last na 'yong kanina. Tinapik ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa mga kilay ko. "Bwisit ka talaga kahit kailan!" Natahimik kami pareho ng mapansing tumayo ang lalaki at naglakad papunta sa kabilang direksyon.Hindi na nga niya sinundan ang babae. "Hindi niya sinundan 'yung babae kasi masyado niya 'tong mahal." Seryosong sabi ni Je kaya napalingon na naman ako sa kanya.Nakatitig lang siya sa papalayong lalaki. "Kung mahal niya talaga ang babae,dapat hinabol niya.I guess,hindi niya mahal kaya mabilis niyang isinuko." Kontra ko sa sinabi niya. "Hindi lahat ng pagmamahal kailangan ipaglaban." "Bakit,hindi? Kapag mahal mo,ipaglalaban mo." Katwiran ko. Ganoon naman talaga ang pagmamahal, hindi matatawag na totoong nagmamahal ka kung hindi mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo. "Kapag mahal mo,hahayaan mo siyang maging masaya kahit hindi ikaw ang maging dahilan." Tumingin siya sa akin kaya nagtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang sarili kong repleksyon sa mga mata niya.Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "What do you mean?" "May mga tao na kahit ipaglaban mo ng p*****n,matatalo ka pa rin sa huli. Kasi 'yung taong gustong mong ipaglaban, ikaw ang napili niyang mamatay sa laban." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya.Malalim pero may mahalagang pakahulugan. Alam kong ako at si Gelo ang pinag uusapan namin dito. Ang babaeng naglakad papalayo ay parang si Gelo.At magiging ako ang lalaki kanina kung hindi na ako maghahabol sa kanya. Nabuo sa isip ko ang isang desisyon. "Je, gusto kong maging kasing tapang niya." Seryoso kong sabi sa best friend ko na ikinangiti niya. "I'll help you." A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD