Kasalukuyan naming binabagtas ni Mama ang daan papunta sa university. Ngayong araw gaganapin ang pinakamalaking pageant sa H.U at isa ako sa candidates na mag re-represent sa department namin.
"Bakit ang tahimik mo, 'nak?Kinakabahan ka ba?" Napuna ni Mama ang pagiging tahimik ko mula pa kaninang makaalis kami ng bahay.
"M-Medyo po." Tipid akong ngumiti sa direksyon niya.
"I know you can do it.May tiwala ako sayo." Nakangiti niyang sagot habang nag da-drive.
"Salamat po sa pagpapa lakas ng loob ko,Ma." Sincere kong sabi sa kanya na muli niyang ikinangiti.
Muli akong natahimik dahil may kanina pa akong gustong itanong sa kanya. Itong bagay na ito ang totoong dahilan kung bakit ako tahimik sa buong byahe.
"M-Ma?" Kinakabahan kong approach sa kanya.
"Hmm?"
"Wala na po kami ni Gelo."
"Hay!Salamat naman." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. "A-Ang ibig kong sabihin, mas mabuting mag focus ka muna sa pag aaral mo,Kao." Bahagya akong napangiti dahil sa pagkataranta niya. Ayaw niya talaga kay Gelo noon pa man.
"Can I ask something,Ma?"
"Oo naman.Ano ba 'yon?" Saglit siyang sumulyap sa akin saka muling bumalik ang paningin sa sasakyan.
"Paano niyo po nasabi na si Tito Samuel ang soulmate niyo?" Madalas niyang i-kwento sa amin ni kuya Renz na si tito Samuel daw ang soulmate niya.Si tito Samuel ay ang papa ni kuya Renz.Namatay siya noong limang taon pa lamang si kuya. "Paano po ba mahahanap 'yon?" Curious kong tanong.
Ngumiti siya ng mabanggit ko ang pangalan ni tito.May malaki pa rin talagang epekto si tito sa kanya. "Anak,hindi siya hinanahap dahil kusa siyang darating sa buhay mo. Isang tao na sa unang pagtatama pa lamang ng mga mata niyo ay may kakaiba ka ng mararamdaman. Sa isang tingin ay kaya niyang pabilisin ang t***k ng puso mo at pakalmahin ito. Kapag nakita mo na siya, makakarinig ka ng mga nag aawitang mga ibon. May uusbong na mga bulaklak sa paligid ninyo. At sa isang iglap,para kang nasa isang paraiso kasama ang taong ito." Kung noon ko sana ito naitanong kay Mama ay siguradong mapag tatawanan ko siya sa sagot niya. Sa mga movies ko lang kasi napapanood ang mga ganoong eksena. Pero iba na ang sitwasyon ko ngayon. Ako ang buhay na magpapatunay na totoo ang mga sinasabi niya dahil nararanasan ko ito ngayon.
Nagpatuloy siyang mag salita habang naka focus ang mga mata sa daan. "Isang taong tanggap ka at ang buong pagkatao mo. Isang taong iintindi at magpapahalaga sayo. Taong sasamahan ka sa lahat ng struggles na pwede mong pagdaanan. Iiyak kapag nasasaktan at nalulungkot ka; at mas unang magiging masaya sa tagumpay mo. Isang taong su-suporta at mag tsi-cheer sayo everytime na mawawalan ka ng pag asa..." Nangilid ang mga luha ko ng pumasok ang nakangiting imahe niya sa utak ko.
"Isang taong sasakay sa lahat ng kabaliwan mo. Taong sasamahan kang maligo sa ulan. Kakain ng nakakamay kasalo ka. Ipagluluto ka at pupurihin ang luto mo kahit hindi ito kasing sarap ng sa kanya." Natawa ako habang hindi na napigilan ang pag luha. Lahat ng sinasabi ni Mama ay tumutugma lahat sa kanya at hindi ko maiwasang ma-overwhelmed dahil sa reyalidad na matagal ko na palang natagpuan ang soulmate ko.
"Isang taong kakarga sayo kapag tinatamad kang maglakad o bumangon sa kama. Isang taong babatok sayo kapag nagkakamali ka. Isang taong susuyuin ka kahit alam niyang ikaw ang may kasalanan sa inyong dalawa. Isang taong mas kilala ka kaysa pagkakakilala mo sa'yong sarili." Ilang ulit kong pinunasan ang sunod-sunod na pag patak ng mga luha ko. But this time,hindi ito dahil nasasaktan ako kundi dahil napakasaya ko. Napakasaya ko na hindi ko na kailangan pumunta sa malayo o maghintay ng matagal para makilala ko ang soulmate ko. Apat na taon. Halos apat na taon ko na siyang kasama.
Yes! Je is my soulmate.
"Siya ang nag iisang taong mamahalin mo ng sobra at mamahalin ka rin pabalik. Napaka swerte mo kapag natagpuan mo siya." Iyak-tawa ako habang pinapakinggan si Mama. Yes!I'm so much blessed.
"Oh bakit ka umiiyak? Masyado bang madrama ang sinabi ni Mama?" Nag aalalang tanong nito ng masulyapan ako sa passenger seat.
"H-Hindi po." Nakangiti kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Salamat po,Ma."
"Para saan?" Kunot-noong tanong niya.
"Sa paglilinaw sa akin ng lahat."
"Hindi kita maintindihan pero sige, you are welcome." Napangiti ako sa isinagot niya. May pag ka joker din kasi ito kaya nga sila nagkakasundo ni Je. Speaking of Je...
"Ma, 'di ba sinabi mo na gusto mong maging m-manugang si Je?" May pag aalinlangan kong tanong.
"Aba,oo naman.Isa 'yon sa mga pangarap ko." Muli siyang bumaling sa akin habang nakangiti. "Kung may kapatid ka pa sanang lalaki eh 'di napaligawan ko na 'yang bestfriend mo." Dugtong pa nito saka bumalik ang paningin sa daan.
Kinagat ko muna ang lower lip ko saka muling nag tanong sa kanya. "P-Pwede po bang..." Sh*t!It's hard!Kaya ko ba?
Huminga ako ng malalim at ilang ulit na ibinulong sa sarili, You can do this,Kao!It's now or never!
"Pwede po bang ako na lang ang tumupad sa pangarap niyo?"
Dere-deretso kong tanong na ikina-preno ni Mama. Muntik pang tumama ang mukha ko sa salamin ng sasakyan.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Gulat na gulat niyang tanong saka itinabi ang sasakyan.Mabuti na lamang at wala kaming kasunod kanina. Shocks!Muntik na kaming maaksidente dahil sa sinabi ko!
"Kaori?" Seryoso siyang bumaling sa akin matapos itabi ang sasakyan. Ilang ulit akong napalunok. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses sa paraan ng pag tingin niya sa akin.
Malalim akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. "M-Ma..." Kahit kinakabahan ay nagawa kong magsalita. "I'm in love with Je. I'm in love with my best friend." Lakas-loob kong pagsasabi ng totoo habang nakatingin ng deretso sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mama.Ilang ulit pa siyang kumurap-kurap. Marahil ipina-process pa niya sa isip ang sinabi ko. Nakaka bigla naman talaga ang confession kong ito at hindi ko siya masisisi kung itatakwil niya ako.
"S-Sorry po." Sa isiping hindi niya ako matatanggap ay nag unahan muli ang mga luha ko sa pag patak.
"Shh!" Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.
"I'm sorry to disappoint you,Ma." Muli ko siyang tiningnan habang hilam pa rin ng mga luha ang mga mata ko.
"Huwag kang umiyak.Tahan na." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya habang hinahaplos ang braso ko.
"P-Pinigilan ko,Ma pero hindi ko po talaga k-kaya." Napahagulhol ako ng iyak sa isiping nasasaktan ko siya ngayon. "Mahal na mahal ko po siya." Pag amin ko sa totoo kong nararamdaman.
Hindi siya nag salita at kinabig lang ako para bigyan ng yakap.Niyakap ko rin siya ng mahigpit habang walang patid ang pag hingi ko ng tawad.
"Isa lang ang itatanong ko sayo,anak." Napatigil ako sa pag iyak sa sinabi niya. Kumalas ako ng yakap para tingnan siya.
"Handa ka ba?" Seryoso niyang tanong. "Handa ka ba sa lahat ng ibabato sa inyo ng mundo?" May pag aalala niyang tanong. Naiintindihan ko siya at ang nararamdaman niya.Mahirap bilang isang ina na makarinig ng kung anu-ano tungkol sa anak niya.Mas masakit ito kumpara sa kahit anong pisikal na sakit na pwedeng maramdaman ng isang ina. Maiintindihan ko kung hindi niya ako kaagad matatanggap.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago sumagot. "Ang mas mahalaga po sa akin ay 'yung sasabihin niyo at opo,handa po ako." Matapang kong sagot. Hindi ko na kailangan mag dalawang isip. Susugal ako para ipaglaban ang nararamdaman ko.
"Eh bakit ka umiiyak?Dapat matibay ka,dapat malakas ka. Hindi biro ang papasukin niyo pero palaging nandito si Mama para suportahan ang desisyon mo." Hinaplos niya ang pisngi ko at sa haplos na iyon, naramdaman ko ang pagtanggap niya sa akin.
"Tinanggap ko nga si Gelo noon kahit hindi ko siya gusto para sayo. Si Jelay pa kaya ang hindi, eh botong-boto ako sa batang 'yon."
"Mama!" Iyak-tawa ko siyang sinita. Mapang-asar din talaga!
"Halika nga rito,payakap ulit si Mama." Paglalambing niya kaya mabilis akong nag lean para bigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Salamat po,Ma.The best ka talaga." Kung mawawala ako sa mundong 'to, at muling mabubuhay, gusto kong siya pa rin ang maging Mama ko. Wala ng hihigit pa sa kanya.
"Sus!Nambola ka pa." Natatawa niyang sabi matapos bumitaw ng yakap.
"Ma,pwede ba akong bumaba saglit?" Tanong ko ng mapansin na malapit pala sa park itong pinaghintuan namin.
"Huh?Bakit?Saan ka pupunta?"
"Mauna na po kayo sa Howell. May dadaanan lang po ako." Gusto ko sanang bisitahin si nanay Melba. Ilang buwan na rin akong hindi nakaka bisita sa kanila ni Oryang.
"Sigurado ka ba?Baka mapagalitan tayo ng handler mo?" Nag aalalang tanong ni Mama. Medyo strict din kasi 'yung handler ko lalo pa at mamayang gabi na ang pageant. "Pati na nang coordinator niyo?"
"Promise,Ma.Mabilis lang po ako." Pangungumbinsi ko sa kanya. Sisiguraduhin ko naman na makakarating ako bago ang pageant.
"Eh kung hintayin na lang kita?" Pag aalangan niyang payagan ako.
"Kaya ko na po.Mauna na po kayo." Binuksan ko ang pinto ng sasakyan sa gawi ko.
"Sige,mag iingat ka.Call me kapag wala kang masakyan." Pag payag niya. Humalik siya sa pisngi ko saka ako tuluyang bumaba.
"Salamat po.Take care,Ma." Isasarado ko na ang pintuan ng muli siyang nag salita.
"Oo nga pala,may bilin ako."
"Po?" Kunot-noong tanong ko.
"Hayaan mo munang maka graduate si Jelay bago niyo kami bigyan ni Shie ng apo,huh?" Sabi niya kalakip ng isang nakakalokong ngiti.
"Mama!" Pakiramdam ko'y nag kulay kamatis ang pisngi ko sa panunukso niya. Tanging halakhak lang ang isinagot niya bago hilahin ang pinto at umalis.
..
Naglalakad na ako papunta sa pwesto ni nanay Melba ng mapansin kong wala siya roon. Marahil hindi siya nag tinda ngayon. Sa isiping iyon ay napa simangot ako.
Pinagmasdan ko ang paligid. Maaga pa lamang ay marami ng tao dito sa park. May mga naglalaro pa ng basketball sa gawing kanan ng park kung saan may half court. Ang iba naman ay pabalik-balik habang nag ja-jogging. Napa hinto lang ang paningin ko sa isa sa mga bench sa park. Parang pamilyar kasi ang babaeng naka upo roon. Nagliwanag ang mukha ko ng maalala kung saan ko siya unang nakita.
Siya 'yung babaeng nakita namin ni Je,dito mismo at sa mismong ni-uupuan niya. Pero bakit hindi na niya kasama 'yung lalaki?Hiwalay na ba sila? Dahil sa curiosity ay nagawa kong humakbang papunta sa direksyon ng babae.
"Hi." Nakangiti kong approach sa babae na dahilan ng pag tunghay niya.
"H-Hello." Sumagot siya pero nahihimigan ko ang pagtataka sa boses niya. Sino ba namang hindi magtataka kung bigla na lang may lalapit sayong isang stranger?
"Pwedeng maki upo?" Tinuro ko pa ang bench kung saan siya naka upo.
"Sure.Sure." Nagbigay siya ng space para makaupo ako.
"Salamat." Nakangiti ko pa ring sagot matapos makaupo. "Palagi ka ba dito?" Baling ko sa kanya. Sa tantya ko ay nasa mid' 20's na siya. Meron siyang maikling buhok na parang kay Dora. Balingkinitan siya at may maputing complexion. May foreign blood yata siya base sa pagka singkit ng mga mata niya. Sa hula ko ay may lahi siyang Chinese.
"Dati." Maikli niyang sagot kasabay ng malalim na pag buntong-hininga.
"Minsan na kitang nakita dito,same spot pa nga.Kasama mo ang boyfriend mo." Nakangiti kong sabi.
"Boyfriend?" Kunot-noong tanong niya sa akin.
"Ah oo?Siguro?" Hindi siguradong tanong ko. Bakit nga ba kami nag assumed ni Je na mag ka-relasyon sila?
"Si Randon ang tinutukoy mo." Tipid siyang ngumiti. "He's not my boyfriend. He's my best friend."
"B-Best friend?" Hindi ako makapaniwala dahil mukha talaga silang mag dyowa n'ung makita namin sila.
Tumango siya saka bumaling sa akin. "Can I tell you a story?"
Ako naman ang napa tango sa itinanong niya.
"Noong panahong nakita mo kami dito,nag confessed siya sa akin na mahal niya ako higit sa pagiging kaibigan." Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shocks!Tapos pinag pustahan pa namin sila ni Je?Jusko!Patawarin!
"I was scared that time kaya sa halip na sabihin ko sa kanya na mahal ko rin siya, sinabi ko sa kanya na hindi ko siya mahal,na kaibigan lang ang pagtingin ko sa kanya." Malungkot niyang inalis ang paningin sa akin habang nanatili akong nakatingin sa kanya.
"Nag sinungaling ako para sa kapakanan naming dalawa. Noong mga panahong iyon kasi, isang linggo na lang at ikakasal na ako sa taong hindi ko naman mahal. It was a fixed marriage." Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa mga naikwe-kwento niya. Naiintindihan ko kung bakit natakot siya. Ang pinaka mahirap na kalaban sa pag-ibig bukod sa sarili ay ang pamilya. Hindi naman maaaring ipag sa walang bahala na lamang ang nararamdaman nila para sa sariling kagustuhan. Mahalaga ang opinyon nila dahil sila rin naman ang dadamay sa atin kapag nagkamali tayo ng desisyon.
"T-Tinalikuran ko siya na sana h-hindi." Pumiyok siya sanhi ng pag pipigil ng pag iyak. "Sana ipinaglaban ko
ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Sana bumalik ako sa upuan na pinag iwanan ko sa kanya." Ramdam na ramdam ko ang labis niyang pagsisisi. "S-Sana buhay pa siya ngayon." Hindi na niya napigilan ang pag iyak.Habang ako ay napatulala na lamang dahil sa nalaman.
"He passed away. A car accident.Noon din mismong araw na 'yon." Kusang pumatak ang mga luha ko ng marinig iyon mula sa babae. It's so heart-breaking!
"I'm sorry." Pag hingi ko ng paumanhin kasabay ng pag punas ko rin ng mga luha. Bakit mo ba kasi pinaalala pa sa kanya?
Stupid,Kaori!
Malungkot siyang ngumiti. "Siguro gano'n talaga. Magkaiba ang soulmate sa destiny. Yes,he's my soulmate pero hindi siya ang itinadhana ng langit para sa akin." Natigilan ako sa sinabi niya at napa isip. Tama siya. Magkaiba ang dalawa. Maaaring si Je ang soulmate ko pero siya nga ba ang itinadhana para sa akin?
"But I realized something because of what happened." Tumingala siya sa langit at mababakas sa magandang mukha niya ang pangungulila sa lalaking minamahal. "Hindi mo kailangan matakot dahil ang totoong pagmamahal ay ipinaglalaban." Saka siya bumaling sa akin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. Ngiti ng pagpapalaya.
Kanina pang nagpaalam ang babae at ilang minuto na rin akong naka upo sa bench na ito. Ni hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya o kung natuloy ba ang kasal niya? Hiling ko na sana ay mahanap na niya ang kasiyahan na ipinagkait sa kanya ng langit.
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Napangiti ako sa kawalan ng marinig ang tunog ng jeep na kakadaan lang. Naisip ko si Je at ang unang araw ng pagtatagpo namin. I don't know if she really remember how we met,but for me, it was magical. We understood each other perfectly. We connected instantly. I never thought it was possible,that I could meet someone who knows what I am thinking, someone that,despite of all our differences,is always there by my side through ups and downs,someone I can't imagined I could love so much as I love her.
Sometimes I wonder how did I even so lucky to found my soulmate. Yes, I am hundred percent sure that she's my soulmate. But what if she's not my destiny?That she's not the one for me?
Tumayo ako saka naglakad paalis. Buong-buo na ang pasya ko. Hindi ako papayag na hindi si Je ang taong itinadhana para sa akin. Gagawa ako ng paraan para pabor-an kami ng langit. At ang unang paraan ay ang ipaglaban siya ng walang pag aalinlangan,ng walang takot.
Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba Je! You're my soulmate and my destiny! And I will claim what's mine! Ang bumangga,giba!
Giba-Tibag
A.❤