Isang linggo ang nakalipas simula ng gabing nag walk out si Kaori at muntik ko na siyang habol-in.Pinigil lang ako ni Karina at Kyzha at paulit-ulit akong binatukan dahil marupok daw ako. Ano bang magagawa ko kung mahal ko 'yung tao? Lahat naman tayo ay nagiging marupok kapag nagmamahal, 'di ba?
Dalawang araw na lang ay matatapos na ang foundation week namin. May laro kami ngayon at bukas naman ay gaganapin ang pinaka malaking pageant ng H.U. Hindi ko pa ulit nakikita si Kao, marahil busy siya sa pag pe-prepare sa pageant kung saan siya kasali. At mukhang wala na rin siyang balak magpakita. Napasimangot ako sa isiping iyon.
Ilang linggo na rin noong umpisahan namin ang plano na pagselosin siya.Kasabwat ko sa plano si Karina at Kyzha. Ang totoo niyan ay hindi naman dapat si Kyzha ang magpapanggap na girlfriend ko.Si kuya Akie ang dapat na magpapanggap na boyfriend ko. Siya ang katrabaho ni ate Ai at inirereto sa akin. Hindi dumating si kuya Akie at ang kapatid niya ang sumipot sa friendly date sana namin.
Ang kapatid na tinutukoy ko ay walang iba kundi si Kyzha.
At dahil desperada ng makaganti si Karina kay Kaori,pinaki usapan niya si Kyzha na magpanggap na girlfriend ko. Pumayag naman ang gaga. Katwiran niya ay exciting daw iyon kaya gusto niyang subukan.
Ilang linggo na rin akong umaasa na babalikan na ako ni Kaori pero hanggang ngayon ay nganga pa rin ako. Naghihintay yata ako sa wala.
"Anong klaseng pagmumukha 'yan?" Approach sa akin ni Kyzha.Nag simula naman akong mag stretching dahil ilang minuto na lamang ay laro na namin.Kailangan namin itong maipanalo dahil siguradong patatakbuhin kami ni coach ng dalawampung beses sa buong court kapag natalo kami. Daig pa namin ang kalahok sa track and field. Napaka brutal! "Hindi pa kayo naglalaro,mukha ka ng talunan." Dugtong pa niya kaya huminto ako sa ginagawa.
"Sa tingin ko dapat na natin 'tong itigil." Seryoso ko siyang hinarap.Maririnig naman ang sari-saring ingay sa paligid dahil nandito na kami ngayon sa basketball court. Maraming gustong manood ng game namin. Kaya lang ay wala naman dito ang babaeng gusto kong makapanood sa akin.Marahil ay wala siyang balak panoorin akong maglaro. Aray!
"Ano ka ba!Ngayon ka pa ba hihinto kung kailan may progress na?" Kunot-noong komento ni Kyzha.
"Progress?It's been two weeks simula ng kaladkarin ako ni Kare sa planong 'to.Pati ang image mo ay nadamay pa." Yes!Straight siya at ginagawa lang niya ito para tulungan ako. "Wala na rin naman 'tong pupuntahan." Napapailing kong dugtong.Pakiramdam ko'y nanghihina ako kapag naiisip na wala talaga siyang balak na ipaglaban ako.
"Ilyang,malapit na tayo,hindi mo ba nakita na nasasaktan siya?May epekto ka pa rin sa kanya." Seryoso niyang sabi.Desidido talaga sila sa plano nilang ito.
"Hindi ko na kayang makitang nasasaktan siya." Malungkot kong pagtatapat ng totoo. Ramdam ko na mahal pa rin niya ako.Ramdam ko na nagseselos siya pero mas gusto ko pa rin na ipaglaban niya ako ng kusang loob. Ayokong dahil na-trigger lang siya.
"Kailangan niyang masaktan para matauhan siya." Sadista nitong sabi. Isa pa 'tong brutal! "Halika nga rito." Hinila niya ako at inayos ang nalukot kong jersey.
"Huwag mo na muna siyang isipin,okay?May laro kayo ngayon,mag focus ka na muna." Tinapik pa niya ng mahina ang kanan kong pisngi.
"Salamat,huh at pasensya na kung nadamay ka pa sa planong 'to." Medyo nakatungo ako dahil maliit siya kung ikukumpara sa height ko.
"Sus!Drama mo." Mas lumapit siya sa akin saka tumingkayad para may abutin.
"T-Teka anong gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong pero hindi ko na nagawang umiwas ng mag landing ang labi niya sa labi ko.
"Bwisit ka!Bakit ka nanghahalik dyan?!" React ko ng makabawi sa pagkabigla. Siguradong may nakakita sa ginawa niya. Sh*t ka,Kishang!
"Shh!" Bumulong siya sa akin saka hinaplos muli ang mag kabila kong pisngi. "Nandito si Kaori.Act cool,okay."
Sa narinig na pangalan ay halos magtatalon sa saya ang puso ko. "N-nasaan?" Lilingon sana ako pero pinigilan niya ako.
"Papalapit siya.Umayos ka!'Wag mong sirain ang pinaghirapan namin ni Rere!" Pagbabanta niya sa akin at pinanlakihan pa ako ng mga mata.
"Galingan mo,Bi huh.Nandito lang ako to support you." Ngumiti siya ng pagka tamis-tamis. Ang galing umakting,pwede ng pang Famas.
Magpapatalo ba naman ako?Kaya kahit kinakabahan ay nagawa kong tumugon sa kunwaring paglalambing niya.
"T-Thank you,Bi gagalingan ko f-for..."
"Jillian." Approach ng babaeng sobrang namiss ko.Pero bakit kasing lamig yata sa North Pole ang boses niya?
Lumingon ako at nakita ang pinaka magandang babae sa paningin ko. "K-Kaori."
"Can we talk?" Seryoso niyang tanong at deretso lamang na nakatingin sa akin.
"P-Pwede bang mamaya na lang,Kao?" Napakamot ako sa ulo.
Ano ba naman,Jelay? Na- practice niyo na 'to, 'di ba?Umayos ka kung ayaw mong managot sa dalawang bruha! "Malapit na ang game namin eh."
"Okay,after your game." Titig na titig pa rin siya sa akin. ' Wag kang ganyan,marupok ako!"
"S-Sige." Alanganin kong sagot.
"Wait,Bi 'di ba may date tayo after ng game niyo?" Heto na naman ang pang best actress na aktingan ni Kishang. "You promised..."
"Pwede ba, 'wag ka munang umepal." Nanlaki ang mga mata ko sa pagmamaldita ni Kaori. Teka,kailan pa siya naging ganyan?!
"What did you say?" Pag patol ni Kishang sa sinabi ni Kaori sa kanya.
"Ang sabi ko,epal ka." Walang katakot-takot na sagot naman ng maldita.
"What the hell!" Lumapit si Kishang sa kanya at parang makikipag away kaya kaagad ko itong pinigilan.
"W-wait...wait!" Pag hila ko sa bewang ni Kishang.
"Ulitin mo 'yung sinabi mo!" Bulyaw nito kay Kaori na prente pa ring nakatayo.
"Epal ka!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa deretsong sagot ni Kao. Naknang teteng ka, Kaori!
"You,b***h!" Sigaw naman ni Kishang na pilit kumakawala sa pagkakahawak ko. Nakaka agaw na kami ng atensyon dahil sa pagbubulyawan nila.
"Same to you!" Bulyaw din naman ng maldita at nakapamay awang pa ang loka. Ang laki pa rin talaga ng sapak niya!
"Ikaw ang epal!" Pag duro pa ni Kishang kay Kaori.
"Ano ba!Tumigil na nga kayo!" Sigaw ko kaya pati team mates ko ay napabaling na rin sa amin.Kabilang doon si Reign.
"She started it!" Nanggagalaiting sabi ni Kishang.Pilit pa rin nitong inaabot ang walang katinag-tinag na si Kaori.
"Please,stop!Gumagawa na kayo ng eksena." Nagtitimpi kong pakiusap sa kanila saka tuluyang bumaling kay Kao.
"Umalis ka na muna,Kao." Nakita ko ang sakit na dumaan sa magandang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Tiim-bagang niya akong tinitigan saka napabuntong-hininga.
Lumapit siya sa akin saka muling nag salita.
"Kung makikipag PDA ka lang naman, siguraduhin mong mag eenjoy ang mga manonood." Taas-kilay niyang sabi sa akin saka tumingin sa katabi ko kung nasaan si Kishang.
"Kabute,panoorin mo ang tamang pakikipag PDA." Sinabi ba niyang kabute si Kishang?Pfft! Matatawa na sana ako pero hindi ko naituloy dahil hinatak niya ako papalapit sa kanya saka kinabig ang batok ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko.Gumalaw ito at bes gustong-gusto ko ng tumugon.
Dumagundong sa lakas ang t***k ng puso ko.Para bang may musikong tumutugtog sa loob nito. Gass!I really miss her kiss.It's so intoxicating. So magical. Nakaramdam ako ng mga nagliliparan sa tyan ko at mga nag tatakbohan sa dibdib ko. Para bang huminto ang buong paligid sa mahiwagang halik na ito.Halos habulin ko pa ang labi niya ng umagwat siya sa akin.
"Music room.After your game." Seryoso niyang sabi habang pinupunasan ang labi ko gamit ang kamay niya.Marahil nagkaroon ako ng lipstick dahil naka lipstick siya ngayon.
Matapos niyang punasan din ang sariling labi ay bumaling siya kay Kishang na nakatulala lang din dahil sa nangyari. "Sana may natutunan ka." Ngumisi siya sa tulaley na si Kishang saka walang paalam na naglakad palayo na para lang siyang naglalakad sa red carpet.
Siya ba talaga 'yon?Paano niya nagawa 'yon?! Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.Hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa labi kong kanina lamang ay pinapak niya.
"Yieeee!" Tili ni Kishang ang ikinabalik ko sa wisyo.Nagawa pa niya akong dambahin ng yakap. Sira ulo ba talaga 'to?Masaya pa siya kahit tinawag na siyang kabute n'ung isa?
"Ano ba,Kishang ang bigat mo!" Reklamo ko. Ang liit-liit niya pero ang bigat niya bes!
"Sh*t!Kinikilig ako sa inyo!" Para siyang bulateng nilagyan ng asin.Halos magkikisay siya sa kilig.
"Baliw!Bumaba ka na nga para kang tarsier dyan." Natatawa kong sabi habang pilit kumukuha ng balanse dahil nakayakap pa rin siya sa leeg ko.
"Sus!Kilig na kilig ka naman?" Bumaba siya at malisyosa akong tiningnan.
"H-Hindi ah." Nag iwas ako ng tingin.Napansin ko ang ilang mga taong nakatingin sa akin. Shocks!Nakita nila!Nakalimutan kong nandito nga pala kami sa basketball court! Nahalikan ka lang,naging ulyanin ka na.Shatap,mind.
Bumalik ang tingin ko sa nanunukso pa ring si Kishang.
"Hindi raw pero 'yung ngiti mo wagas,bes." Kiniliti pa niya ako na ikinatawa ko.
"Issue ka." Nailing kong sabi habang hindi mapigilan ang pag tawa.
"Huwag ka na kayang maglaro.MVP ka na eh." Pang aasar pa rin niya sa akin.
"MVP?" Kunot-noong tanong ko.
"Masarap humalik si Ves, Panalo.Ayieeee!" Pinitik niya ang ilong ko saka nagtatakbo papalayo sa akin.
"Raulo ka,Kishang!Lagot ka sa akin mamaya!" Pinakitaan ko siya ng nakatikom kong kamao. Tanging pag belat ang isinagot niya sa akin.
Isip-bata! Naiiling kong bulong sa sarili saka muling napangiti ng maalala ko ang tagpo kanina.
Hinalikan ako ng isang Kaori Oinuma sa harapan ng maraming tao!Is this really for real?! Gusto tuloy mag party ng mga lamang-loob ko!
Tama nga ang sinabi ni Kishang...
MVP nga ako.
Marupok kay Ves, Punyeta!
..
After ng pagka panalo namin ay kaagad akong tumakbo sa shower room para mag ayos ng sarili.Magkikita kami ngayon ni Kao at kanina pa ako kating-kati na matapos ang game para makipag kita sa kanya.
Ilang ulit pa akong pinaalalahanan nila Kare na 'wag ko daw munang isusuko ang bataan.Baka daw ngitian lang ako ni Kao ay bumigay na kaagad ako. Nabatukan pa nila ako ng i-try kong isagot ang pwede rin.
Mabilis ang pag lalakad ko dahil isang oras na akong late sa tagpuan namin. Jelay,kumalma ka!
"What do you mean by that?!" Napatigil ako sa pag pasok sa music room ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki.May iritasyon sa boses niya kaya masasabi kong galit siya sa kausap niya.
"Hindi ko na kailangan ulit-ulitin,Gelo." Heto na naman ang papansin na t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses ng babae na kausap ni Gelo.
"Are you kidding me,right?Paanong makikipag hiwalay ka sa akin samantalang hindi mo nga makaya ng wala ako?" Nakuyom ko ang kamao dahil sa kayabangan niya.
"Hindi na kita mahal o baka nga hindi naman kita minahal.Mahirap bang intindihin 'yon?!" Naiirita na ring tanong ni Kao.Yes,si Kaori ang babaeng kausap ni Gelo.Hindi ko sila nakikita dahil may pinto sa pagitan namin ngunit dinig na dinig ko pa rin ang pag uusap nila.
"I don't believe you!Bumabawi ka lang sa akin dahil sa mga kalokohan ko!"
"Isipin mo kung anong gusto mong isipin.Basta ayoko na.Break na tayo." Mahina ngunit may diin na sagot ni Kao.
"At akala mo gano'n lang 'yon?!"
"Aray!Ano ba!" Dumaing si Kao kaya naalarma ako.
"Sino ang ipinalit mo sa akin?!" Galit na galit ang boses ni Gelo.Hindi ko naiwasang mag alala para kay Kao.
"A-Ano ba,Gelo!Nasasaktan ako!Let go of me!"
"Masasaktan ka talaga kapag..."
"Bitiwan mo siya!" Hindi ko na napigilang makialam kaya pumasok na ako sa music room.
Napabaling sila pareho sa akin.Hawak-hawak ni Gelo ang braso ni Kao at pinipigilan itong umalis.
"J-Je." Nagtama ang paningin namin ni Kaori. Nabasa ko ang kasiyahan sa mga mata niya kahit nasa ganito siyang sitwasyon.
"Huwag kang makialam dito!" Galit na galit pa ring sabi ni Gelo.Kaagad akong lumapit sa kanila at walang pag da-dalawang isip na hinatak ang kabilang kamay ni Kaori.
"Sinabi ng 'wag kang makialam!"
"Bitawan mo siya!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.
"P*tang-ina!Siya ba,huh?!" Nagbabaga ang tingin niya kay Kaori bago ito patulak na binitawan.Kaagad ko siyang nasalo at niyakap. "Tell me,Kaori!Siya ba ang ipinalit mo sa akin?!" Galit na galit na sigaw nito habang dinuduro ako.
"Halika na,Kao." Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Kao para makaalis sa lugar na ito ngunit hindi siya umalis sa pwesto niya. "K-Kao?" Nagtataka ko siyang sinulyapan.
Nakatungo siya pero kaagad din tumunghay sa direksyon ni Gelo.
"Yan bang lesbiana'ng 'yan ang ipinalit mo sa akin?!Sumagot ka!
"Oo!" Nabitawan ko ang kamay niya sa isinagot niya kay Gelo.
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
"P*tang-ina niyo!" Biglang sumugod sa direksyon namin si Gelo kaya iniharang ko ang sarili kay Kao. "Nakakadiri kayo!" Inambaan niya ako ng suntok habang pinipilit naman akong ilayo ni Kao. Po-protektahan kita kahit anong mangyari.
"Sige, subokan mo!" Paghahamon ko sa kanya.Para naman nag slow motion ang kamao niya. "Suntokin mo ako!" Matapang kong sigaw na naging dahilan ng pag tigil ng kamao niya sa ere. "Ipakita mong lalaki ka at lesbiana lang ako!" Nanggigigil niyang ibinaba ang kamao niya kasabay ng isang malutong na mura.
"Hayop ka!" Nanlilisik ang mga matang nakipagtitigan siya sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang nanginginig na kamay ni Kao na nakahawak sa braso ko.
Bumaling ang lalaki kay Kao saka muling nagsalita. "Hindi pa tayo tapos!" Pagbabanta nito bago kami talikuran.
"Tapos na tayo,Gelo!" Nag tatapang-tapangan na hirit pa ni Kao bago makalabas ang lalaki.Pinanlisikan niya muna kami ng mga mata bago padabog na lumabas.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na itong nakalabas.Si Kao naman ay pabagsak na naupo sa upuan na malapit sa kanya.
"O-Okay ka lang ba?" Bumalik na naman ang kaba ko dahil sa isiping kami lang dalawa ni Kao dito.
Nagulat pa ako ng mahina siyang tumawa saka lumakas ng lumakas. Nababaliw na ba siya?!
"Oh my gad!I did it!" Proud na proud niyang sabi sa sarili.Nakalimutan niya yatang kaharap niya ako.
Tumingin siya sa akin matapos ng ilang minutong pagtawa.Nakaupo pa rin siya at nakatayo pa rin ako sa harapan niya.Napalunok pa ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin saka pinilit na mag salita. "N-Next time na lang tayo mag usap kasi para kang baliw dyan eh." Gusto ko sanang idugtong pero naumid na ng tuluyan ang dila ko.
"No!Ngayon tayo mag uusap." Maotoridad niyang sabi na ikinabaling ko ulit sa kanya.Nasundan ko ng tingin ang legs niya ng nag de-cuatro siya ng upo. Juicekopo'ng mahabagin! Sunod-sunod akong napalunok sa nasasaksihan ng mga mata ko.Naka shorts pa naman siya.
Mabining tawa ang muli kong narinig mula sa kanya.Para itong musika sa pandinig ko na may kakayahang makagamot sa anumang pagod na nararamdaman ko.
Nag angat ako ng tingin at nakita ang mapanukso niyang ngiti. Putspa!Nahuli niya akong binobosohan siya!
Nakagat ko ang mga kuko sa daliri dahil sa sobrang hiya sa kanya. "A-Ano bang p-pag uusapan natin?" Bulol-bulol kong tanong at nag lumikot na naman ang mga mata ko. Jeske!Gusto ko ng kainin ng lupa! I cannot!
"Here." Nakatayo na siya sa harapan ko at may iniaabot.
"A-Ano to?" Nanginginig kong inabot ang papel na ibinibigay niya.
"Just read it after nating mag usap." Hindi na siya kinakabahan samantalang kanina ay halos maihi na siya sa sobrang takot kay Gelo.
"Ow-kay." Alanganin kong sagot saka isinuksok sa bulsa ang papel na iniabot niya. "S-Sige,mauuna na ako." Pilit akong ngumiti dahil sobrang nakaka ilang talaga siyang tumingin.Tapos naiisip ko pa ang pag amin niya kay Gelo.Gusto tuloy mag tumbling ng puso ko.
Nilampasan ko siya pero kaagad ding natigilan ng mag salita siya. "Kapag dumating ka bukas..." Panimula niya kaya napabaling muli ako sa kanya. "Ibig sabihin,handa ka ng ligawan ako." Literal akong napanganga dahil sa sinabi niya. Hanu daaaaw?!
Ano ba 'tong iniabot niya?Love letter?! Saan naman kaya ang tagpuan namin? Para tuloy gusto ko ng umuwi at basahin.
"At kapag hindi ka dumating..." Napalunok ako sa maaari niyang idugtong. Please, 'wag mong sabihing susuko ka na.
"K-K'wan..." Hindi siya mapakali at nakagat na rin niya ang pang ibabang labi dahil sa frustration na sabihin ang bagay na hindi niya masabi-sabi.
"Sige na nga!" Naiinis siyang pumadyak saka muling nag salita. "Kapag hindi ka dumating bukas...ako ang m-manliligaw sayo." Nag likot ang mga mata niya habang nakagat ko naman ang sarili kong labi. Jusko!Ang harot-harot mo,Jelay! Pinigilan kong 'wag ngumiti kahit gusto ko ng mag lulundag at sumayaw sa sobrang saya. Win-win situation ito para sa akin!
Sumubok akong tingnan siya at saktong nag tama ang paningin namin. Ramdam kong katulad sa kanya ay sobrang pula rin ng mukha ko. Powtah ka,self!Ang landi mo!
"B-Bahala na." Sorry na! Speechless ako eh. "M-Mauuna na ako." Dali-dali akong tumalikod at nag lakad dahil hindi ko na kayang pigilan ang kilig ko. Ayoko namang mapasayaw ng budots sa harapan niya. Dyahe!
"Je!" Tawag niya sa akin bago pa 'man ako makalabas.Hindi ako bumaling sa direksyon niya at hinintay na lamang siyang mag salita. "Please,pumunta ka.H-Hindi ako marunong m-manligaw.Letse ka!" Akala ko hundred percent na 'yung kilig ko kanina,may mas malupit pa pala. Naisip ko bigla...
May namamatay ba sa sobrang kilig?I-admit niyo na ako!Parang awa!
A.❤