17

3069 Words
"Mimi,why are you crying?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko ng mabungaran si Moi sa may pintuan ng kwarto ko.Hindi ko pa pala ito nai-lock. "Napuwing lang si Mimi,baby." Matapos punasan ang mga luha ay sumenyales ako na lumapit siya sa akin. "Masakit po ba?" Nag aalalang tanong niya ng makalapit sa akin. Oo,sobrang sakit! Muli kong naalala ang nakita ko sa IG ni Je kanina.Yes, naka unblocked na ako sa kanya pero parang mas gusto ko na lang na naka block ako sa kanya.Sana hindi ko nakita 'yung latest posts niya with that girl. Random photos ito na magkasama silang dalawa. Mayroong nanonood sila ng basketball game.Meron ding nag da-date sila sa labas.Sobrang saya nilang tingnan. May caption itong A happy couple. Oo,sinagot na niya ang babae at ako lang yata ang nagluksa para rito. "H-Hindi.Okay na ako." Kumurap-kurap ako para pigilan ang pag sungaw ng luha dahil sa katotohanang iyon.Katotohanang may nagmamay ari ng iba sa kanya. Niyakap ko si Moi para hindi niya mapansin ang pangingilid ng luha ko. "Mimi." "Hmm?" "Can you make a call to Mimi Yang?I miss her." Miss na miss ko na rin siya. Isang linggo mula noong nagpunta sila dito ay hindi pa ulit ito nasusundan. "Ahm nasa work pa kasi si Mimi Yang baby eh." Pagdadahilan ko. "Bakit hindi po siya pumupunta dito?" Kumalas siya ng yakap at tumunghay sa akin. "Busy pa siya sa schooling niya saka sa work." At sa ibang babae. "Please tell her, I miss her." Malungkot na pakiusap nito. "I will." Pilit akong ngumiti. "Can I sleep here,Mimi?" Naupo na ito katabi ko sa kama. "Sorry baby,pero aalis si Mimi." "Saan ka po pupunta?" Inosenteng tanong pa nito. "Sa work place ni Mimi Yang." "Are you going to see her?" Nahimigan ko ang excitement sa boses ng bata.Marahil sobrang namimiss na niya talaga si Je. "Can I come?" Umiling ako sa tanong niya. "Ow-kay." Malungkot siyang tumungo at pinag diskitahan ang mga daliri niya. "We'll make it up to you,soon okay?" Hindi ito umimik kaya muli akong nagsalita. "Smile ka na." Ibinaling ko siya sa akin at ni-pinch ang mag kabila niyang pisngi. "Promise?" Naniniguradong tanong nito. "P-Promise." Hindi siguradong sagot ko.Pakiramdam ko'y inabandona na kami ni Je. Feeling legal wife,Kaori? Humalik si Moi sa pisngi ko kaya natigil ang pakikipag talo ko sa sarili. "Oh para saan 'yon?" Nagtatakang tanong ko sa bata. Ngumiti siya ng pagka tamis-tamis. "A kiss to Mimi Yang.Just give it to her,okay?" Natigilan ako sa pabor niya. Ano?!Gusto niyang bigyan ko ng halik si Je para sa kanya?! "Good night,Mimi Yin!" Nakababa na pala siya sa kama ko ng hindi ko namamalayan. "Good night,baby." Lumabas siya ng kwarto ko habang ako naman ay natulala. Gagawin ko ba talaga ang pabor niya? Sa isiping iyon ay nag init ang pisngi ko. Gad!Hindi ko yata kaya! .. "Babe,we're here." Boses ni Gelo ang ikinabalik ko sa wisyo.Kanina pa kasi akong hindi mapakali. Ngayong gabi ay may gig sila Je at magkikita kita kami sa work place niya.Hindi ko nga sana isasama itong isa, kaso narinig niya akong pumayag kay ate Ai kaya nagpumilit siyang sumama. Kaasar! Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan pero hindi ako nag abalang magpasalamat. Wala ako sa mood dahil sa pag buntot niya! "Nasaan ba 'yung mga friends mo?" Tanong niya ng makapasok kami sa resto-bar.Marami ng tao rito,halos occupied na ang mga seats. "Doon tayo." Turo ko sa kanya ng mapansin ang pag tayo ni ate Ai para marahil salubungin kami. "Hi,Kao-Kao!" Nakipag beso siya sa akin matapos makalapit. "Hi,ate Ai.Si Gelo pala. Gelo si ate Ai, kapatid siya ni Je." Introduce ko sa kanilang dalawa dahil hindi pa sila nagkaka kilala ni ate. Pasalamat siya dahil ipinakilala ko pa siya.Hindi nga lang bilang boyfriend ko.Yuck! "Hello beautiful,nice to meet you." Mapanukso niyang ngiti kay ate Ai na ni-dedma lang naman ni ate. What a jerk! "And you are?" Baling nito sa kalalapit pa lamang na babae. Para talaga siyang kabute kung saan-saan lumilitaw. "Ahm she's..." Ano nga ulit pangalan niya? "She's Kyzha." Pagpapa kilala ni ate Ai sa babae. "I'm Je's girlfriend." Nag panting ang tenga ko sa sinabi niya. Kailangan pa talagang ipamukha?Letse! "Girlfriend? Really?Wow!" Amaze or Sarcasm?I don't know!Wala na akong pakialam sa opinyon niya! "L-Let's go.Saan ba tayo?" Pagputol ko sa not so good nilang topic. "There.And'un na si Kare." Sagot ni ate Ai saka kami sumunod sa kanya. .. May twenty minutes na kami rito at matatapos na rin kaming kumain ng lumitaw si Je. "Jeje!" Masiglang bati ni Karina. O.a!Para namang hindi sila nagkikita sa apartment. "Hi guys!" Nakangiti niyang pagbati. Napatitig tuloy ako sa labi niya at biglang naalala ang bilin sa akin ni Moi. "So,kamusta?If you need anything,sabihan niyo lang ako." Napalunok ako saka binatukan ang sarili sa isipan. Sa pisngi ka lang ni-kiss ng bata tapos gusto mo sa labi ka hahalik?Kapal mo,Kaoreng! "Wow,ikaw ang owner?" Sarcastic na tanong ni Karina. "Eh kung palabasin na lang kaya kita,you want?" Sagot naman ni Je na may nakataas pang kilay. Deym!Bakit ang hot? "As if kaya mo.Masyado mo akong mahal, 'di ba Jeje ko?" Pang aasar pa nitong si Karina kaya hindi ko na natapos ang pag kain ko. Nawalan na ako ng gana! "I think,I'm jealous." Isa ka pa! Gusto ko sanang ibulyaw sa kabute kaya lang ay mas inuna kong pakalmahin ang sarili. "Ayy oo nga pala.Nandito ang girlfriend." Hirit pa ni Karina saka muling bumalik sa pag kain. "Hi,Bi." Lumapit siya sa babae at binigyan ito ng isang halik sa sentido. "Sus!Ngayon mo lang ako pinansin." Nag pout pa ito na hindi naman niya ikinaganda. "Ang ganda mo tonight,Bi." Kontra ni Je sa gusto ko sanang sabihin. "Ngayong gabi lang?" Pagpapa cute pa ng babae. Sa sobrang cute niya, ang sarap niyang isako!Promise! "Syempre,palagi." Muli siyang humalik sa sentido ng babae."Namiss kita." "I miss you,too,Bi." Malambing naman na sagot ng kabute na ikina-asim ng hilatsa ng mukha ko. Ano ba 'tong drinks ko?Suka (vinegar)? "Kaumay kayo!Sa I.G ganyan na,pati ba naman dito?" Ngayon lang ako sasangayon sa sinabi ni Karina. "Bitter ka,sis?" Natatawang tanong ni ate Ai kay Karina. Bitter na bitter ate Ai! Sagot ng isipan ko. "Oo,te.Hindi na kasi siya pinapansin ni Aljon." Pangungulit pa ni Je. "Hoy,ang kapal mo!" Nakatanggap tuloy siya ng kurot sa bewang galing kay Karina. Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya sa dalawang mang aagaw. Tss! Nagtagumpay naman ako dahil bumaling siya sa direksyon namin ni Gelo. "Hi,Kao,Gelo.Enjoy kayo,huh." Nakangiti niyang sabi na sinuklian ko rin ng isang matamis na ngiti. Matamis pa sa ngiti ni Karina at ni... never mind! "Thanks,bro." Nahimigan ko ang pagiging sarcatic ni Gelo ng idugtong niya ang salitang bro. Nakita ko rin ang pag iiba ng timpla ni Je dahil sa sinabing iyon ni Gelo. Bwisit kang lalaki ka!Ang sarap mong itapon sa ilog habang wala ng buhay! "Salamat,Je.Galingan mo,huh." Pagkuha ko muli sa atensyon niya kaya nag tama ang paningin namin. "I will." Muli siyang ngumiti sa akin. "So,balik na muna ako.Last song na nila then set na namin." Pag papaalam niya sa grupo namin. "Yay!I'm so excited." Singit na naman ng kabute. Excited na rin akong itanim ka sa lupa!Grr! .. Naka dalawang kanta na ang Rhymes at ito ay sa pangunguna ni Lie.Ito kasi ang bokalista nila. Nagpalakpakan kami ng matapos ang pangalawa niyang kanta. "Ang third song namin ay kakantahin po ni ate Jelay." Nabuhayan ako ng dugo ng marinig na kakanta si Je.Namimiss ko na rin kasi ang singing voice niya. Inayos ni Je ang mic habang naka sabit pa rin sa balikat niya ang paborito niyang gitara. "Hello,magandang gabi sa lahat." Naghiyawan ang mga naririto sa unang pagbati ni Je.Hindi makakaila na sikat siya sa resto-bar na ito. "Go,Bibi ko!" Sigaw ni never mind na ikina irap ko.Mabuti na lamang at hindi nila napansin. "Jeje!" Hiyaw din ni Karina na parang nagpa fan girling lang. "Kapatid ko 'yan!" Segunda naman ni ate Ai. So,dapat sisigaw rin ako? Mahal ko 'yan! Sigaw ko sa isip. Na hindi ko maipag laban. Epal naman ng mahadera kong self. Kainis! "Ang third song namin ay para sa mga taong hindi napigilang umasa at maniwala." Muling nag hiyawan ang mga tao sa paligid habang nanatili naman akong naka titig sa kanya. "Para sa inyo 'to." Pilit nating iniwasan Ganitong mga tanungan Her singing voice is like symphony to my ears. At kahit 'di sigurado Tinuloy natin ang ating ugnayan Parang hinehele ako nito at dinadala sa ibang dimensyon. Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan Nagsimula nang magsisihan But there's something in her voice,right now. Lahat ay parang lumabo 'Di alam kung sa'n tutungo Mayroon itong kasamang sakit at nagagawa niyang maipasa iyon sa akin sa pamamagitan ng pag kanta. Sabi ko na nga ba Dapat nung una pa lamang 'Di na umasa 'Di naniwala Ngayon ko lamang naisip na para sa akin ang kanta niya. Hindi tayo pwede Pinagtagpo pero 'di tinadhana Tumigin siya sa direksyon namin at nag tama ang paningin naming dalawa. 'Di na posible Ang mga puso'y 'wag nating pahirapan Kinakausap niya ako gamit ang kanta kaya muli akong nakaramdam ng 'di maipaliwanag na kirot sa dibdib ko. Suko na sa laban Hindi tayo pwede Tandang-tanda ko pa noong gabing sinabi ko ang mga salitang iyon sa kanya.At kung alam ko lang na ganito kasakit, hindi ko na lang sana sinabi. Kay bigat na ng damdamin Bakit 'di pa natin aminin Dahil sa una pa lamang Alam nating wala tayong laban Isinusuko na niya ako at sinasabi iyon sa akin ng mga mata niya. Sabi ko na nga ba Dapat nung una pa lamang 'Di na umasa 'Di naniwala Iniwasan ko ang mga titig niya at tumungo na lamang na sana ay hindi ko ginawa,dahil nag unahan sa pag patak ang mga luha ko. Hindi tayo pwede Oo,hindi tayo pwede. Kailan nga ba maaaring maging pwede? Pinagtagpo pero 'di tinadhana 'Di na posible Ang mga puso'y 'wag nating pahirapan Suko na sa laban Hindi tayo pwede Sobrang hirap!Sobrang hirap na mahal na mahal mo 'yung tao pero wala kang magawa kundi ang tingnan na lang siya sa malayo. Hindi tayo pwede dahil una pa lang Alam naman nating mayroong hangganan At kahit ipilit, hanggang dito na lang Dito na lang Ang dating hanggang dulo ay naging hanggang dito na lang. Hindi ako pinatay ng mga salitang ito but something inside me die this night. It broke my heart into pieces. Hindi tayo pwede Pinagtagpo pero 'di tinadhana 'Di na posible Ang mga puso'y 'wag nating pahirapan Muli akong tumunghay matapos punasan ang mga luha at muli rin ay nagka titigan kami. Sumuko ka sa laban Hindi tayo pwede I'm sorry,Je. I'm sorry for not fighting for us. I'm sorry for letting you go. .. Natapos ang kanta at sandaling natahimik ang mga tao.Ilang segundo pa bago sila nahimasmasan at nagpalakpakan. "Masakit ba mga,beshies?" Tanong ni Lie samantalang tumalikod si Je para marahil ayusin ang gitara niya. "Gusto niyo pa ba ng isa?" Muling nag hiyawan ang mga tao. "Paano ba 'yan ate Jelay,mabenta ka ngayong gabi." Muling humarap si Je at ngumiti sa mga tao. "Okay at dahil dyan,kailangan namin ng makakasama sa stage.Sino ba ang gustong makaduet si ate Jelay?" Lalong naghiyawan ang mga tao.Gusto kong itaas ang kamay ko at sabihing ako pero hindi na nga pala ako. "Sino?" Tanong muli ni Lie. "Oh may pinagkakaisahan yata d'un." Tumuro siya sa pwesto namin kaya napabaling ako sa tatlong babaeng kasama.Itinuturo ni ate Ai at Karina ang nahihiyang si never mind. "Kilala mo ba siya,ate Jelay?" Tanong ni Lie na naka mic pa rin.Napansin kasi nito na kasama si ate Ai sa grupo namin.Alam niyang kapatid ito ni Je. "Yes." Nakangiting sagot ni Je at ang karugtong ang siyang nagparamdam sa akin na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. "She's my girlfriend." "Wow!Ang lupit mo,beshy!" Lahat ay may kanya-kanyang reaksyon. "Sorry na lang boys,taken na sila sa isa't-isa." Kantyaw pa ni Lie sa mga lalaking naroroon.Saka ko lamang napansin na wala na pala sa tabi ko si Gelo.Nanatili akong nakaupo at hindi na siya pinag ka-abalahang hanapin. "So, girlfriend pwede mo bang samahan ang girlfriend mo dito sa stage?" Pinilit ni Karina na patayuin si never mind. "Don't be shy." Pangungulit pa ni Lie.Walang nagawa ang babae kundi tumayo at umakyat sa stage. "Woah!Bagay ba?" Tanong ni Lie ng magtabi sa stage si Je at si never mind. Are you a masochist, Kaori?Bakit hinahayaan mong makita pa 'to?! "Ang next song po namin is Tagpuan. I hope magustuhan niyo pong lahat." Sabi ni Je saka nag simulang tumipa sa gitara niya. Di, di ko inakalang Darating din sa akin Nung ako'y nanalangin kay bathala Naubusan ng bakit Tumunghay siya mula sa pag tipa sa gitara niya at muling tumingin sa akin. Bakit umalis ng walang sabi? Bakit 'di siya lumaban kahit konti? Bakit 'di maitama ang tadhana? Alam kong ito ang mga tanong sa isipan niya.Sana kaya kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Ang gusto ko lang naman ay normal na buhay para sa ating dalawa.Ayoko lang naman na husgahan tayo ng mundo.Je,patawarin mo ako kung hindi ako naging kasing tapang mo. Muling nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko. At nakita kita sa tagpuan ni bathala May kinang sa mata na di maintindihan Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan Naka tingin na siya ngayon kay never mind na halatang kilig na kilig sa pag kanta niya. At tumigil ang mundo Nung ako'y ituro mo Siya ang panalangin ko Nag simula ulit siyang tumipa sa gitara niya at ang babae naman ang nag simulang kumanta. At hindi di mapaliwanag Ang nangyari sa akin Tumingin siya kay Je kaya nag hiyawan muli ang mga tao.Habang humihiyaw naman sa sakit ang puso ko. Saksi ang lahat ng tala Sa iyong panalangin Pano nasagot lahat ng bakit? Di makapaniwala sa nangyari Pano mo naitama ang tadhana? Ngumiti sila sa isa't-isa at parang may sariling mundo na kinanta ang chorus ng awitin. Nung nakita kita sa tagpuan ni bathala May kinang sa mata na di maintindihan Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan At tumigil ang mundo Nung ako'y ituro mo Hinaplos ng babae ang pisngi ni Je habang hindi napapawi ang ngiti sa labi nito. At hindi ka lumayo Nung ako 'yung sumusuko Nag solo ulit sa pag kanta si Je. At nagbago ang mundo Nung ako'y pinaglaban mo Muli na naman niya akong sinampal ng katotohanan na hindi ako ang babaeng itinadhana para sa kanya dahil hindi ko siya kayang ipaglaban. At tumigil ang mundo Nung ako'y pinili mo Siya ang panalangin ko Pinagtagpo lang kami at hindi itinadhana dahil ang taong itinadhana sa kanya ay ang taong pinili na tabihan siya kahit husgahan pa sila ng mundo. Mabilis akong nagtatakbo palabas dahil hindi ko na kayang pigilan ang pag iyak ko. Sobrang sakit na ng dibdib ko sa pag pipigil na 'wag umiyak sa harapan nila.May ilan pa akong taong naka bangga bago makalabas dahil sa pag blu-blurr ng paningin ko. Kaagad akong napahagulhol ng iyak at napa upo sa pinaghintuan ko. Para akong batang iniwan ng Mama niya.Naliligaw ako.Hindi ko alam kung anong gagawin.Kung paano ako makakabalik. Makakabalik pa nga ba ako? "Masakit ba?" Napahinto ako sa paghagulhol sa boses na narinig. Lumingon ako at napag sino ito. "K-Karina." "Masakit,no?'Yung na sayo na sana kaya lang duwag ka." Seryoso niyang sabi na unti-unting nag tri-trigger sa akin. "Please,don't start.Just leave me alone." Ayoko siyang patulan. "Tapos?Iiyak ka lang dyan at wala kang gagawin?" Natatawa niyang tanong. Nag tagis ang bagang ko dahil sa pang iinsulto niya sa akin. Tumayo ako at hinarap siya. "Wala kang alam kaya 'wag kang makialam." Madiin kong sabi saka nakipag titigan sa kanya. "Of course marami akong alam." Nakangisi niyang sagot sa akin.Hindi man lang siya natakot sa paraan ng pag tingin ko. "Alam ko noong mga gabing umiiyak siya ng palihim.Alam ko noong mga araw na halos hindi siya nakakatulog o nakaka kain man lang.Alam ko at narinig ko kung paano niya paulit ulit na tawagin ang pangalan mo sa'twing malalasing siya. Alam ko kung paano nawalan ng direksyon ang buhay niya at dahil 'yun sayo." Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin.Nakatikom ang mga kamao niya at alam kong gustong-gusto na niya akong saktan ng pisikal ngayon. Hindi ako nagsalita dahil wala akong mahanap na salita para ipaliwanag ang sarili. Bakit pa nga ba ako magpapaliwanag? Ganoon naman palagi, 'di ba? 'Yung iniwan ang kawawa tapos 'yung nang iwan ang masama. "Pero sige,hindi ako makikialam but I'll give you a little piece of advice." Huminahon ang boses niya. "Kaori,hindi mo kailangang humabol.Ang kailangan mo lang ay bumalik.Bumalik ka bago pa man may makaupo sa upuan na iniwan mo.Pwesto mo 'yon kaya sana ipaglaban mo bago pa maagaw ng iba,unless kung kaya mo ng tanggapin na wala ka ng babalikan pa." Matapos sabihin iyon ay muli siyang naglakad papasok ng resto-bar.Habang ako ay nakatitig lamang sa likuran niya at malalim na nag iisip. Kaya ko na nga bang makita na tuluyan na niya akong ipagpalit? Kaya ko na bang tanggapin na unti-unti na akong kinakalimutan ng babaeng hindi ko magawang kalimutan? Isipin ko pa lang ay para ng may mabigat at malaking bato na nakadagan sa dibdib ko. Hindi ako makahinga!Hindi ko kaya! Pero saan ko nga bang lupalop mahahanap ang katapangan upang ipaglaban siya?! A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD