Paunawa: Ang mga pangalang nabangit at mababanggit sa istoryang ito ay walang kinalaman sa reyalidad.
Inuulit ko,isa lamang itong fanfiction.Gawa ng malikot na isipan ng may akda. Wala itong intensyon na makasakit sa damdamin ng iba. Ipagpaumanhin din ang mga sensitibong salita na nakapaloob dito.Maraming salamat!
..
It's been a month simula noong huling pag-uusap namin ni Je,kung matatawagan ngang 'pag-uusap' iyon. Simula noong gabing iyon ay hindi na niya nagawang magparamdam o kahit man lang magpakita sa akin. And it's torturing inside.
Alam kong sobrang nasaktan ko siya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit iniiwasan na niya ako. But every day without seeing her or talking to her seems ages. Para na akong mababaliw sa pangungulila sa kanya. I missed her so much!
Napayakap ako sa unan ko at muling nag-iiyak.Ito ang binging saksi sa mga hikbi at pag tangis ko sa mga araw na naaalala ko siya. Palagi iyon dahil walang araw na hindi ko siya naiisip.
Bumalik ako sa malulungkutin na ako.Sa walang direksyon na ako. Hindi ko alam kung saan ba ako papunta?Anong una kong iisipin?Anong gagawin ko?Pakiramdam ko'y kusa na lang kumikilos ang katawan ko sa pang-araw araw na gawain,pero ang puso't isipan ko ay tangay-tangay ni Je kung nasaan man siya ngayon.
Minsan naitatanong ko sa sarili, namimiss niya rin kaya ako?Wala rin kaya siyang maayos na tulog o kain?Sino kaya ang mga nakakasama niya?
Hay!Ang hirap!
Pakiramdam ko ay dalawang tao ang nawala sa buhay ko.Ang best friend ko at ang taong mahal ko.
Dapat ba akong magsisi kung ang kapalit naman nito ay ang malinis naming pangalan at ng pamilya namin? Hindi ko yata kayang masadlak sa kahihiyan ang pamilya namin dahil sa nararamdaman namin sa isa't-isa. Hindi ko kayang makita o marinig ang mga masasakit na salita na pwedeng ibato sa amin ng mundo. Kaya mas pinili mong pakawalan siya? May pang uuyam na tanong ng utak ko.
Noong tinanong niya ako kung nararamdaman ko rin ba ang nararamdaman niya,kusang sumagot ang puso ko ng 'oo'. I knew it was a signal.A signal that maybe,no, I'm sure that I'm beginning to love her as a girl not as my best friend.It was a call of siren to run away as fast as I could,but I didn't do anything about it.Hinayaan ko ang sarili na maging masaya sa piling niya.Hinayaan kong maging masaya sa mundo naming dalawa.Pero ang narinig ko sa dalawang lalaking kaklase ang gumising sa akin sa katotohanan.
"Ano tol?Ipinagpalit ka ng girlfriend mo sa isang lesbiana?"
"Nakakahiya man sabihin pero 'oo'.P*tang-ina!Ipagpapalit na nga lang niya ako doon pa sa walang *****!"
"Ang malas mo naman tol.Swerte 'nung loko kay Devon niyan.''
"Hindi ako ang malas kundi si Devon.Pinatulan niya talaga ang freak na 'yon?Ano ba ang maibibigay n'un sa kanya?Mabibigyan ba siya n'un ng anak?Nang normal na buhay?Kukutyain lang sila ng mundo!Ang tanging maibibigay lang ng hayop na 'yun sa kanya ay kahihiyan!Ipapahiya lang niya ang sarili niya sa mga tao,pati pamilya niya ay idadamay pa niya sa ka-hayop-an nila!They're so disgusting!"
Isang malaking sampal sa mukha ko ang katotohanang hindi nga lang pala kami ang tao sa mundong ito.Isang reyalidad na sobrang sakit tanggapin.Ito ang reyalidad na hindi kami pwede at hindi kailanman magiging.
Ang isa pang dahilan kung bakit mas pinili ko ito ay dahil natatakot ako sa kanya.Yes,I was scared that I was falling too fast and petrified that she will going to hurt me.Sa possibility na magsasawa rin siya sa akin katulad sa mga exes niya. That she will dump me kapag naramdaman niyang nabo-boring na siya. Kaya inunahan mo siya? Epal na naman ng kabilang bahagi ng utak ko.
I wish I was brave enough to love her but sad to say,hindi ako kasing tapang niya. Hindi ko kayang ipag sa walang bahala ang mararamdaman ng pamilya namin kapag nalaman nila ang totoo.
Oo,matapang siya na ipaglaban ang nararamdaman niya para sa akin. But I can say that I'm braver than her. Why?Because I'm brave enough to break my own heart,and I feel sorry for her because it resulted in me breaking hers,too.
Gad!What happened between me and her was so messy!Pero hindi ko dapat pagsisihan ang naging desisyon ko dahil para rin ito sa amin,sa kanya. Gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya sa buhay at alam kong hindi iyon mangyayari kung mag sasama kami at patuloy na huhusgahan ng mundo.
Yes,it was messy but I guess, it was a beautiful mess.
..
"Good morning, 'nak." Nakangiting pagbati sa akin ni Mama.Nabungaran ko siya sa kusina.
"Morning po.Ano pong meron?Ang dami niyo namang pinamili?" Tanong ko matapos humalik sa noo niya.
"Hindi ba sinabi ni Jelay sayo?" Tumingin siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya. Siguradong mahahalata niya ang pamumugto ng mga mata ko.Ewan ko ba pero ginawa ko ng hobby ang pag iyak gabi-gabi.
"P-Po?" Muli akong bumaling sa kanya ng ma-realized ang pangalan na binanggit niya.
"Naku,lagot! Surprise yata 'yon." Natutop niya ang bibig saka umiwas ng tingin sa akin.
"Ano po ba 'yon,Ma?" Kinakabahan kong tanong. "Please,sabihin mo na po." Nag puppy eyes pa ako para sabihin lang niya ang tungkol kay Je.
"Tumawag si Ai sa akin." Oo nga pala, two weeks na dito sa Pinas si ate Ai. Hindi ko pa ito malalaman kung hindi siya nag direct message sa akin.Asking kung bakit hindi ako kasama ni Jelay na mag bakasyon sa kanila?Wala naman akong nagawa kundi ang mag sinungaling.
"Bibisita raw sila ni Jelay dito ngayon.Akala ko naman alam mo na." Sa sinabi niyang iyon ay nanlaki ang pugto kong mga mata. Parang nabuhay ang katawang-lupa ko.
"As in ngayon po?!" Hindi makapaniwalang paglilinaw ko.
"Oo,dito sila mag tatanghalian.Saka ibibigay na rin ang mga pasalubong ni natin."
"Sh*t!" Natutop ko ang bibig dahil sa pagmumura.
"Kaori,your mouth please!" Sita ni Mama saka bumalik sa ginagawa.
"Oops!Sorry po." Alangan akong ngumiti saka nag peace sign. "Pwede po bang later ko na lang kayo tulungan?Maliligo na muna po ako." Nakangiting pag papaalam ko.
"Himala at nakangiti ka ngayon." Puna ni Mama.Palagi niya kasi akong nakikitang nakatulala at madalas ay bad mood.Ewan ko pero nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. "Sige na,maligo ka na.Kaya ko na 'to."
"Thanks,Ma!" Niyakap ko siya saka dali-dali umakyat ng kwarto ko para paghandaan ang muli naming pagkikita ni Je. Feeling ko ay nanginginig pa ang mga kamay ko habang namimili ng damit na maisusuot.
Hindi ka naman excited niyan,Kaori? Kantyaw ng kabilang bahagi ng utak ko na hindi ko naman pinansin.Masyado akong busy para umepal pa siya.
..
"Tita!" Narinig ko ang malakas na boses ni ate Ai habang bumababa ako ng hagdan.
"Ailyn!Naku kang bata ka,mas lalo kang gumaganda." Sinalubong siya ni Mama at mahigpit na niyakap.
"Asus,bolera ka pa rin,Tita.Kamusta po kayo rito?Namiss ko po kayo!" Magiliw naman na sagot ni ate Ai.
"Mabuti naman kami.Namiss ka rin namin." Pinisil pa ni Mama ang mag kabilang pisngi ni ate. "Oh a'yan na pala si Kaori." Saka sila bumaling sa direksyon ko.
"Hi,sis!" Binigyan niya ako ng halik sa pisngi ng makababa ako sa hagdan.
"Hello,ate!" Nakangiti ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap. "How are you?" Excited kong tanong sa kanya.
"Still looking great.Charot!" Nag flip pa siya ng buhok niya na ikinatawa namin ni Mama. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.Kwela pa rin.
"Halina kayo sa hapag.Doon na lang tayo mag kamustahan." Pag aaya ni Mama.
"Ah wait po,Tita." Tumigil kami sa paglakad ni Mama dahil sa pag pigil nito. "Kasama ko po si Palalay." Sa idinugtong nito ay parang ang t***k ng puso ko naman ang gustong tumigil. Sh*t!Akala ko ba sabi ni Mama hindi siya makakarating?! Biglang nataranta ang sistema ko at wala na akong naiintindihan sa pinag uusapan nila.
"Naku, isa pa 'yang bata na 'yan.Halos mag iisang buwan na hindi nagagawi rito."
"Huwag na po kayong mag tampo." Sa boses na narinig ay napatingin ako sa direksyon ng pinto. Nakita ko roon ang nakangiting babae. Simple lang ang suot niya.A maong faded short, maroon spaghetti top and white chucks.Ang mapapansin sa kanya ay ang kakaibang kulay ng buhok niya.Ang dating itim ay may highlights na kulay pula na ngayon.Nakalugay ito na lalong nagpatingkad sa kagandahan niya. Napaka lakas pa rin talaga ng appeal niya at dating niya sa puso ko.
"Jelay!" Excited siyang sinalubong ni Mama.
"I miss you,Tita!" Niyakap niya si Mama at nagpaikot-ikot pa sila habang mag kayakap.
"Namiss din kita!Saan ka bang lupalop naroroon at hindi mo man lang kami mabisita rito?" Himig pag tatampo na tanong ni Mama.
"Sorry na,Tita.I'll make bawi na lang po,okay?" Hinalikan pa niya sa pisngi si Mama. Hindi pa rin siya nagbabago.Sweet pa rin.
"Mukhang mas namiss mo si Tita kaysa sa best friend mo,ah."
Puna ni ate Ai na nasa tabi ko lang. Kinabahan ako at naglilikot ang mga mata noong bumaling si Je sa direksyon ko.
"Kaori." Banggit niya sa pangalan ko. Nanibago ako. Hindi sa ganitong paraan niya madalas banggitin ang pangalan ko.Dati-rati ay palaging may kasamang excitement iyon.Pero ngayon? Wala itong ka-emo-emosyon na nag dulot ng kirot sa puso ko. Pinilit kong ngumiti kahit gustong-gusto ng bumagsak ng mga luha ko.
"J-Je,k-kamusta?" Nagawa kong itanong sa kanya kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang yakapin. Miss na miss na kita!
"Hello po." Hindi na niya nasagot ang tanong ko ng may biglang pumasok na babae sa pintuan ng bahay.
Sino siya?!
"S-Sorry po kung pumasok na ako." Nahihiyang dugtong nito.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. May mahaba siyang buhok at magandang mga mata.Matangos ang ilong niya at may pagka morena.Maliit siya kumpara sa amin ni Je.
Sa suma-total ay masasabi kong maganda siya.
"Kyzha!" Nakaramdam ako ng inggit ng banggitin ni Je ang pangalan niya.Punong-puno yun ng excitement na para bang ilang taon silang hindi nagkita.Parang kailan lang n'ung ganoong way pa niya tawagin ang pangalan ko. Bukod sa buhok niya,mukhang marami na ngang nagbago sa kanya.
"Bakit ang tagal mo?Kanina pa ako naghihintay sa labas." Nangunot ang noo ko ng magka hawak-kamay silang lumapit sa amin.
"Sorry,Bi.Naligaw ako papunta dito eh." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang itinawag niya kay Je. Tiim-bagang kong pinakalma ang sarili. Booset!Sino ba ang babaeng 'to?!
"Oh sorry.Halika, I'll introduce you to them." Nakangiti pang sagot ni Je sa babae na hindi naman niya nagawang gawin sa akin kanina. Bakit ka ba kasi nagkukumpara,Kaori?! Sita ko sa hindi pa rin kumakalmang sarili.
"Hi po." Nagmano siya kay Mama na ikinataas ng kilay ko pero bumaba rin kaagad ng bumaling siya sa akin."Hi." Ang sweet ng mga ngiti niya at ang pait naman ng sa akin. Tumango lang ako saka nag iwas ng tingin. Ang sakit nila sa mata! "Hello,ate Ai."
"Hello,Ky. Tagal mo ah." Response ni ate Ai sa babae.
"Naligaw siya,ate." Sabi ni Je.Samantalang humalikipkip ako na parang naiinip. Mali,naiinip na talaga ako!Gusto ko ng palayasin 'tong babaeng 'to na parang sawa kung makapulupot kay Je!Bwisit!
"Buti na lang nakarating ka pa rin." Sagot ni ate Ai.
"I'm always find ways for Bi." Banat n'ung babae na ikina-irap ko.
"BDO,ikaw ba 'yan?" Sarcastic kong bulong na narinig pala ni Mama.Nasa tabi ko nga lang pala siya.
"Kaori!" Sita niya sa akin.
"Tara na,kumain.Bigla akong nagutom." Nauna akong mag lakad papunta sa dining. Nagugutom talaga ako at parang gusto kong kumain ng malalandi!
..
"Saan ba kayo nagkakilala nitong si Jelay,Hija?" Curious na tanong ni Mama na kanina ko pa rin gustong-gustong itanong.
Matapos itong ipakilala ni Je sa amin ay nag umpisa na naming pagsaluhan ang mga pagkain sa hapag.At kanina pa rin wala sa hilatsa itong pagmumukha ko.Paano ba naman ako gaganahang kumain kung mismong sa harapan ko pa sila naka pwesto?Take note: Asikasong-asikaso pa siya ni Je. Bata ba siya para hindi makayang kumain mag isa?!
Nag punas muna ng bibig si Kisha,Kesha?Kayzha?Ah ewan!Hindi rin naman ako interesado sa pangalan niya. "Actually po, work mate po ni ate Ai 'yung brother ko.Siya po ang nagpakilala sa akin kay Bi,I mean kay Jelay." Nakangiting sagot nito sa itinanong ni Mama. Nanghaba na naman ang nguso ko dahil sa itinawag nito kay Je. Bi?Short for baby, gan'on?Ah basta!Mas maganda pa rin 'yung sa amin!
"Hindi naman sa malisyosa ako pero may relasyon ba kayo?"
Walang prenong tanong ni Mama na ikinahinto ko sa pag subo.
"W-Wala pa po,Tita." Nahihiyang sagot ni Je.
"Wala pa?" Paglilinaw ni Mama halos pinigil ko ang pag hinga habang naghihintay ng sagot mula kay Je.
"Actually,I'm courting her po." Napahigpit ang hawak ko sa spoon and fork.Pakiramdam ko ay kayang-kaya ko itong mabali sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Kailan pa?" Mahina ngunit puno ng bitterness kong tanong. Gustong-gusto ko ng maiyak!F*ck!
"Huh?" Tanong ni...n'ung babae.
"I-I mean,kailan pa ba umalis si Criza at si Moi,Ma?" Bumaling ako kay Mama kahit pakiramdam ko'y namumula na ang mga mata ko sa pag pipigil ng iyak. Si Criza ay kapatid ni ate Angel.
"Kanina pa sila naka alis.Busy ka sa pag papaganda eh,pupunta ba dito si Gelo?"
"H-Hindi po." Awkward na sa pakiramdam kapag naisisingit si Gelo sa usapan. Wala na talagang epekto sa akin ang pangalan na iyon. Hindi na makuha ng pangalan niya ang kahit katiting na interes ko. Oo, magka relasyon pa rin kami pero wala na akong pakialam sa kanya.Gawin niya kung anong gusto niya. Pero hindi mo naman magawang gawin kung ano ang gusto mo.Kung anong gusto ng puso mo. Malungkot akong sumulyap kay Je na todo ang pag aasikaso doon sa isa.
"Maiba tayo, sigurado ka bang nanliligaw ka dito kay Jelay,Hija?" Muling nakuha ang atensyon ko sa itinanong ni Mama.Maging ako ay hindi makapaniwala dahil mas kikay pa itong gumalaw kay Je.Mas barako pa nga akong kumilos sa kanya. Hindi sila bagay!
"Hindi po ba halata na deads na deads ako sa kanya?" Humawak ito sa naka patong na kamay ni Je saka pinisil iyon na ikinangiti ni Je. Tumungo ako para iwasan ang tagpong iyon.
"Oh siya,basta kung saan masaya si Jelay,doon ako.'Wag na 'wag mo lang siyang papaiyakin,isa ako sa makakalaban mo,Hija." Sa sinabing iyon ni Mama ay lalong nadurog ang puso ko. Binigyan niya ng basbas ang babae para makapasok sa buhay ni Je.Kung ako ba ang nag tanong sa kanya,ibibigay rin ba niya ang blessing niya sa amin ni Je? I doubt it!
"Ang sweet naman ni Tita." Magiliw na sagot ni Je.Hindi ko siya nakikita dahil hanggang ngayon ay naka tungo pa rin ako at wala sa sariling pinag pira-piraso ang pagkain na nasa plato ko.
"Pangako po,hindi ko siya sasaktan at paninindigan ko po siya kahit na ano pang mangyari." Sagot ng babae na para bang pinatatamaan pa niya ako. Guilty ka lang talaga!
"Tita,ang daming langgam dito.Kanina pa ako kinakagat."
Pagbibiro ni ate Ai na ikinatawa nila. Ito ang kauna-unahang pagbibiro niya na hindi ako natawa. Isa itong biro na nakakasakit.
"Oo nga pala,Bi pwede ba kitang panoorin mag perform sa gig mo?" Napaka lambing ng boses nito na para bang inaakit niya si Je.
"Why not?I'll call you once na may gig kami." Masigla pa rin sagot ni Je. Para bang wala siyang pakialam na naririnig ko sila. Gusto ko tuloy isigaw sa pagmumukha niya ang mga salitang, please stop breaking me!
"Thank you."
"Sus!Ikaw pa ba?Malakas ka sa akin."
"E-Excuse me!" Pabalang akong tumayo. Hindi ko na kaya!Pakiramdam ko'y any time ay sasabog na ako! "K-Kukuha lang ako ng maiinom." Garalgal ang boses ko ng makaalis ako sa dining area at dali-daling tumakbo sa kusina.
Humarap ako sa tapat ng ref at halos nanginginig ang mga kamay ko sa pagkuha ng pitsel ng tubig mula roon.Matapos iyon ay ibinaba ko ito sa tabi ng lababo para kumuha ng tray at mga baso.
Napatitig ako sa mga kamay ko na nanginginig pa rin.Hindi ko alam kung dahil sa selos,sa galit o sa sakit.Nag halo-halo na sila na dahilan ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.Tutop ko ang bibig para hindi nila marinig ang pag hikbi ko.
Ganito ba dapat kasakit?! Sobrang sakit na wala akong magawa para sa taong mahal ko. Bakit ba napaka duwag mo,Kaori?! Bulyaw ko sa sarili habang patuloy sa pag hikbi. Sinabi ko na hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko pero bakit ngayon,ramdam na ramdam ko ang pagsisisi?
"Need help?" Kaagad kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko ng marinig ang boses ni Je sa likuran ko.
"Ahm..." Bumaling ako paharap na naging sanhi ng pag bangga ng tray na hawak ko sa bandang tyan niya.Hinawakan niya rin ang tray kaya nag dikit ang mag kabilang kamay namin. Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa akin.Para pa rin itong boltahe ng kuryente na kumikiliti sa bawat bahagi ng katawan ko.
Nagka titigan kami.
Lumaban ako ng titigan at ipinarating gamit ang mga mata ko na sobra na niya akong nasasaktan.Ngunit hindi ko na kayang basahin ang sinasabi ng mga mata niya.Ganito na ba siya kagaling magtago ng nararamdaman?O wala na lang talaga siyang nararamdaman para sa akin? Ouch!
"Bi." Naputol ang titigan namin sa pag sulpot ng kabute. Nandito pa pala siya?Akala ko kinain na siya ng lupa!
Tinalikuran ako ni Je at hinarap ang kabute. "Bi!" Tawag rin niya sa babae.Halos mabitawan ko ang tray na hawak dahil sa sakit na dinaranas ko ngayon. Double ouch!
"Ang tagal mo." Malambing itong lumapit kay Je habang hindi napapawi ang pagkakangiti. Maganda talaga siya kung hindi ko nga lang siya karibal.
"Namiss mo kaagad ako?" Namiss ko ang ganoong boses niya na para bang batang naglalambing. Sadly,hindi naman na ako ang nilalambing. Triple ouch!
"Ayaw mo?" Sagot naman nitong isa na ikinatawa ni Je. Umalis ka na dyan,Kaori! 'Wag mo ng paulit-ulit na saktan ang sarili mo! Kumilos ako para lampasan sila pero kaagad ding bumaling sa akin si Je.
"Sige,Kaori.Ako na ang mag dadala nito." Dinampot niya ang pitsel ng tubig at nauna ng lumabas ng kusina kasama ang babae.
Muling nag bagsakan ang luha sa mga mata ko. Tinalikuran mo na naman ako,Je pero mas masakit sa pagkakataong ito.Dahil tumalikod ka habang may kasama ng iba.
..
"J-Je,can we t-talk?" Naabutan ko siyang nakaupo sa bench ng mini garden namin. Mabuti na lamang at makulimlim ang panahon. Nakikisama siguro ito sa nararamdaman ko ngayon.
"Sure." Hindi siya nakangiti pero nagawa niyang mag bigay ng space sa inu-upo-an niya para makaupo ako.
Naupo ako rito at napansin ang mahabang pagitan sa pwesto namin. Nag dulot na naman ito ng kirot sa puso ko.
"How are you/Kamusta ka?" Mag kasabay naming tanong na mahina niyang ikinatawa.
"I'm good.Ikaw, kamusta?" Nauna siyang sumagot saka bumaling sa akin.
"O-Okay naman." Umiwas ako ng tingin at doon na lamang tumingin sa mga bulaklak sa harapan.
"Saan ka ba nag bakasyon?" Civil niyang tanong.
"Dito lang sa bahay." Mabilis kong sagot.Kahit paano ay nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko dahil nagagawa na niya akong kausapin ngayon. But is it a good sign or bad? Good nga ba na kinakausap na niya ako or bad dahil sa isiping naka moved-on na siya sa nararamdaman niya para sa akin? "B-Balita ko,umuwi ka?" Nang hindi ako kasama. Gusto ko sanang idugtong ngunit nanatili akong tahimik.
"Yeah, sa Gensan ako nag bakasyon,kasama ko si Kare." Naramdaman ko ang kasiyahan sa boses niya ng mabanggit niya ang pangalan ni Karina. Siya na ba ang best friend mo ngayon? May bitterness na tanong ng utak ko na hindi ko naman maisatinig.
"K-Kamusta si Tita Shie?" I missed her Mom so much!Medyo matagal na rin na hindi ko siya nakikita.
"Okay naman siya.Kinakamusta ka niya saka ni Par."
Sagot niya na ikinatango ko.
"I-chat ko na lang sila later."
Ilang minutong namayani ang katahimikan. Awkwardness ang tawag dito. Ano ba,Kaori!Magsalita ka!
"Kayo ni Gelo,kamusta na?" Naunahan niya akong magsalita at sa pangalang narinig ay napasimangot ako.
"O-Okay naman kami." Naka ngiwi kong sagot. Okay naman siya at ako hindi.
"That's good!Isama mo siya kapag gumimik tayo nila ate Ai."
Nagawa kong bumaling sa kanya kaya nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin?Ganoon mo ba kabilis nakalimutan ang lahat?! Ang daming tanong sa utak ko ngunit marahil ay mananatili na lamang ang mga itong tanong dahil natatakot din naman akong malaman ang sagot.
"S-Sure." Peke akong ngumiti saka muling nag iwas ng tingin sa kanya.
"Let's get inside." Tumayo siya at pinagpagan ang shorts niya.
"Baka hinahanap na ako ni Kyzha." Sino ba siya sa buhay mo? Isa pang tanong na hindi ko naman maisatinig.
Kumilos siya para mag umpisang lisanin ang lugar na ito pero kaagad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pag hawak ko sa kamay niya.
"J-Je..." Tumigil siya at muling bumaling sa akin.Tumingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa kanya. "A-Are we...good?" Kinakabahan kong binitawan ang kamay niya.
"Oo naman." Matamis siyang ngumiti saka iniabot ang sariling kamay sa harapan ko. "Friends?" Napatitig ako sa nakalahad niyang kamay.
Dapat masaya ako, 'di ba?Pero bakit nararamdaman ko ang matinding kirot sa dibdib ko? Ito ang gusto ko, 'di ba?Pero bakit para akong pinapatay sa simpleng tanong niya? Ganito rin ba ang naramdaman niya ng ipilit ko sa kanya ang pagkakaibigan namin at kalimutan na ang nararamdaman namin para sa isa't-isa?
Sobrang sakit pala talaga!
Pilit pa rin akong ngumiti at tinanggap ang palad niya.
"F-Friends."
A.❤