15

2212 Words
"Cheers!" Itinaas ko ang shot glass na hawak para makipag toss kay Kare.Nandito kami ngayon sa Gensan dahil may two weeks kaming bakasyon.Dumating din si ate Ai mula Singapore kaya pinili kong dito mag bakasyon at isinama ko dito si Kare. Pinili ko rin munang lumayo dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit. It's been two weeks since I've seen her.Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay sa araw-araw na hindi ko siya nakikita. Naka blocked na rin siya sa kahit anong social media accounts ko. Ayaw kong gawin ito pero ito ang kailangan.Kailangan kong tulungan ang sarili ko na kalimutan siya at itong letseng nararamdaman ko para sa kanya. I had to stop chasing her love and start giving it to myself. "Jeje,that's enough!Tayo na lang dalawa dito,oh." Sita ni Kare.Mabuti na lang at hindi ako iniiwan ni Kare kahit pa isa akong malaking sakit ng ulo sa kanya. "So?Bawal bang mag inuman kapag dalawa lang?" Sarcastic kong tanong saka nilagok ang laman ng shot glass na hawak. "Lasing ka na." Naiiling niyang sabi. "Kare,hindi ako lasing.Dahil kung lasing ako,hindi ko mararamdaman ang sakit dito." Mapait kong sagot kasabay ng pag turo ko sa tapat ng dibdib ko.Mas mapait pa ito kaysa sa alak na iniinom ko. "Tumalon na lang kaya ako dito para tapos na ang paghihirap ko?" Pagbibiro ko kasabay ng pag dungaw sa ibaba ng veranda namin.Nag uumpisa na naman akong makaramdam ng sakit dito sa puso ko.Sumasakit lang naman ito kapag naaalala ko siya. Kahit sabihin kong tama na,ititigil ko na,it seems na hindi marunong makinig ang puso ko sa sinasabi ng utak ko. Napaka sutil ng puso ko. I didn't mean to fall in love with her in the first place.I never see it coming either.I built what I thought was an indestructible tower around my heart.She pushed through it like it was made as something as simple as sand; it came down without warning.Yes, I never wanted this pero anong magagawa ko kung siya ang itinitibok ng puso ko?Kung siya ang nakatibag sa pader na ginawa ko para sa sarili. I never expected it to go this far.Falling in love with my best friend was not a part of my plan.But it happened slowly,but then all at once. I fell in love with her even when she didn't fight for us.That was the hardest part of me, realizing I needed to let her go. "Sige,baka sakaling pumunta siya sa lamay mo." Nakangising sagot niya na ikina irap ko.Muli akong naupo katapat niya at mabilis na tumagay. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.Tanging pagaspas lamang ng mabining hangin at ilang mga kuliglig ang maririnig.Wala ring kahit isang tala sa kalangitan.Napaka lungkot tuloy tingnan ng buwan. Parang ako lang dahil wala siya. "Tell me,Kare,am I not worthy?Hindi ba ako deserving na ipag laban?" Seryoso kong tanong sa kanya.Alam kong paulit-ulit ko na itong naitanong sa kanya.Sa halos dalawang linggo ay siya lang palagi ang nakakasama ko,marahil nabibingi na siya sa mga kadramahan ko sa buhay. "Ang lakas ng loob niyang sabihing mahal niya ako.Ang kapal ng mukha niyang sabihing, kapag mahal mo ipaglalaban mo. Eh nasaan siya ngayon?Nand'un sa unggoy niyang boyfriend!" Padabog kong ibinaba ang shot glass sa lamesa.Lumikha ito ng ingay. "Jeje,wala siya ngayon dito dahil hindi siya kasing tapang mo pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ka niya totoong mahal." Seryoso niyang sabi saka nag salin ng alak sa baso niya. "Ako ang mahal pero hindi ako ang pinili." Nalasahan ko ang bitterness sa sinabi ko.Kasing pait ito ng kapeng barako sa Batangas. "Believe me,Kare kaya kong mag hintay.Kaya ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal.But she already chose that a**shole over me! 'Yun ang hindi ko k-kaya." Pumiyok ako habang pinipigil ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko'y may nakabara na kung ano sa lalamunan ko dahil sa pag pipigil na maiyak. "Iyon lang siguro ang naisip niyang escape sa lahat ng nangyayari." Sagot niya saka ininom ang laman ng baso niya.Napangiwi pa siya dahil sa pait nito. "Escape?Bakit kailangan niyang takasan ang totoong nararamdaman niya para sa akin?!" May galit na tanong ko kay Kare.Kaagad kong dinampot ang shot glass ko at nilagyan ng laman ito.Staight kong ininom ang alak mula rito. "Hindi ko siya masyadong kilala pero alam kong hindi rin madali sa kanya lahat ng 'to.Isipin mo,best friend at mahal niya ang nawala sa kanya." "Dahil duwag siya!" Tiim-bagang kong sabi at halos mabasag ko ang shot glass sa sobrang higpit ng hawak ko rito. "Let her be. Huwag mo siyang piliting maging kasing tapang mo,Jeje. Hayaan mo siyang mahanap ang katapangan na meron siya." "Paano kung hindi niya makita?Paano kung habang buhay na lang siyang maging duwag?" Natatakot kong tanong.Oo, aaminin kong umaasa pa rin ako kahit konti.Nagbabaka sakali na matatauhan siya at maiisip that I'm worth fighting for,too.That not fighting for what we have isn't going to help her.I hope that she realize to not run away from it.To embrace it full force. "Eh di umpisahan mo ng mag move-on para hindi na gano'n kasak...ouch!" Binatukan ko siya sa suggestion niya sa akin.Buti nga hindi itong shot glass ang naipukpok ko sa ulo niya eh. "Bwisit ka rin eh no?" Inambaan ko siya ng isa pang sapok na ikina-ngisi lang niya. Ang ganda-ganda rin talaga ng loka! Muling namayani ang katahimikan at hindi namin namalayan na malapit ng maubos ang bote ng alak na pinagsasaluhan namin. Tumayo ako at saglit na nag paalam sa kanya.Pumasok ako sa loob at bumaba para kumuha ng panibagong bote ng alak at ng ice cube. Tumigil lang ako sa ginagawa ng mapansin ang mug na naka display sa ibabaw ng ref. It's a JelRi mug. Isa itong customized mug na may picture naming dalawa.Naka print din dito ang bold letters na JelRi. Regalo niya ito sa akin noong 2nd anniversary ng friendship namin. JelRi stands for Jelay and Kaori. At Jelay na lang ngayon. Sa pagtitig ko sa mug ay nag ulap ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.Napahawak ako sa naka saradong ref para kumuha ng suporta.Pakiramdam ko ay nanghihina ako.Nanghihina ako sa panghihinayang. Malayo na rin ang nilakbay ng pagkakaibigan naming dalawa at sa isang iglap ay nawala lang ito na parang bula.Dapat ko bang pagsisihan ang naging desisyon ko na kahit pagkakaibigan ay 'wag ng ibigay sa kanya? Pero ipinagdamot rin niya sa akin ang kakayahan niyang mahalin ako. Quits nga lang ba kami? Nakagat ko ang pang ibabang labi pero hindi nito napigilan ang pag hikbi ko. Miss na miss na kita,Kaori! I miss her when I stand in a room full of people and feel emptier than I've ever been. I'm always telling myself that I'm not alone.But gad,I'm so lonely.Missing her feels like I cannot breathe. I miss her eyes,her smile,her voice and her laugh.I miss her smell,her kiss and her touch.I miss everything about her. I miss being with her. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa ref at doon nag iiyak. Niyakap ko ang dalawang tuhod at isinubsob ang mukha rito. I'm f*cking miserable without her. I feel so lost. Life is so unfair! Why do the people we love the most always have to be the ones to hurt us? Napahagulhol ako ng iyak at lumakas ito ng lumakas. "Jeje." Narinig ko ang boses ni Kare.Sinundan niya pala ako rito sa baba. "I f-feel like a trash,K-Kare." Para akong batang inaway ng kalaro at nag susumbong kay Mama.Kaya lang,hindi na ito madadaan sa paborito kong laruan para tumigil ako sa pag iyak. Masyado na itong masakit! "I don't k-know what to do with myself." Muli akong sumubsob sa dalawa kong tuhod habang patuloy pa rin sa pag iyak. "Shh!" Naramdaman ko ang pag upo ni Kare sa sahig at pag tabi niya sa akin. "I'm just here if you needed me.I know there is no time limit to your pain,so there is no time limit to my presence." Niyakap niya ako ng mahigpit. Sa mga yakap niya ay naramdaman ko ang sinseridad niya.Naramdaman ko ang comfort at pagmamahal niya para sa akin.Naramdaman kong hindi na ako nag iisa na paglabanan ang matinding sakit dito sa puso ko. "Despite how she is making you feel right now,you deserve the entire world,Jeje.I hope even though you can't see that now, someday you will begin to see that again." Sa mga words of encouragement lang niya ako kumukuha ng lakas. Paano na kaya ako kung walang isang Karina sa buhay ko? Tumunghay ako at humarap sa kanya kahit namumugto na ang mga mata ko. Ngumiti siya sa akin at muling nag salita. "Totoo, you're like a trash,literal." Gagawa pa rin talaga siya ng paraan para asarin ako.Napasimangot tuloy ako sa pang aasar niya. "Pero 'wag mong kakalimutan na kahit basura ay may pakinabang.May magagawa pa rin.Kaya nga garbage 'can', 'di ba?Hindi naman sinabing garbage 'cannot'." Katwiran niya na ikinangiti ko. Tama siya! Magagawa ko pang i-recycle ang buhay ko. "Sinto-sinto ka rin talaga,but yeah,it makes sense.Thank you!" Sincere kong pagpapasalamat sa kanya. Tumayo siya saka iniabot ang kanan niyang kamay para hilahin akong tumayo. Para bang hinihila niya ako pataas mula sa kumunoy na kinasasadlakan ko.Tinanggap ko ito at kusang sumungaw ang ngiti sa labi ko. Isang totoong ngiti na siya ang dahilan. Karina is truly a heaven sent. And I'm sure that she's my guardian angel. .. "Par!" Narinig ko ang boses ni Wealand,naka pasok na ito at nakataas ng bahay ng hindi namin namamalayan ni Kare.Marahil lasing na talaga kami. "Par!Kamusta ka?" Tanong ko ng makalapit siya sa akin at nag high five. "Heto cute pa rin.Kailan ka pa dumating?" Masiglang tanong nito saka luminga sa paligid na parang may hinahanap. "Saka nasaan si Kaori?" Sa pangalang narinig ay muli akong nakaramdam ng matinding kirot sa puso ko. "Nakita mo?" Sarcastic kong sabi na ikina-iling naman ng lasing na si Karina.Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga taga H.U kapag nakita nila ang bangag na si Kare? Siguradong sira ang image niya. Napailing ako sa isiping iyon. "Par naman,nagtatanong lang eh." Kamot sa ulong sagot ni Wealand.May gusto kasi siya doon sa isa pero nabasted lang naman siya nito. "Huwag mo kasing hanapin ang wala." Simangot kong nilagyan ng alak ang shot glass na nasa harapan ko. "Apat na araw na kami dito." Iniabot ko iyon sa kanya. "Oo nga pala,kaibigan ko,si Karina.Kare si Wealand kababata ko." Pagpapakilala ko sa dalawa matapos makuha ni Wealand ang iniaabot ko. "Hi Karina,ang ganda mo." Nag wave pa ito kay Kare kahit malapit lang ang pwesto nila sa isa't-isa. "Thank you.Nice to meet you,Wealand." Inabot nito ang kanan na kamay upang makipag hands shake kay Par. "Salamat.Mabuti ka pa,mabait.Hindi katulad ng isa diyan." Nguso sa akin ni Wealand matapos tanggapin ang pakikipag hands shake sa kanya ni Kare. "Sayang, wala si Kaori." Palatak nitong dugtong kasabay ng pag upo. "Uminom ka na nga lang.Sumbagin kita diyan eh." Pinakitaan ko siya ng nakatikom kong kamao.Ewan ko ba kung bakit kahit pangalan lang niya ang mabanggit,sobrang naiinis na ako. Totoo,ang sakit! "Oo nga pala, may ipapakilala raw sayo si Ate Ai?" Pag iiba ni Karina sa usapan. "Saan mo naman nasagap ang balitang 'yan?" Simangot kong inagaw kay Kare ang baso niya at nilagok ang laman nito. "Sa kanya mismo." "Hindi ako interesado." Nangasim ang mukha ko sa isipin na inirereto ako ni ate Ai doon sa workmate niya.Sa totoo lang ay kahapon pa namin iyon pinagtatalunan ni ate.Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin niya ako at hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko. Ayoko! "Jeje, why not try it?" Isa pa 'tong si Kare.Nabulongan yata ni ate. "Oo nga,Par.Malay mo siya na ang poreber mo." Nakangising pang e-engkanto este e-engganyo rin nitong si Par. "Hindi pa nga ako tapos sa isa,mag dadagdag pa ba ako ng isa pang sakit sa ulo?" Baling ko kay Kare saka tumagay ulit. Tumahimik siya sandali at muling nag salita matapos ang ilang minuto. "I have a plan." Nakangising nag taas-baba ang kilay niya. Nawala ang anghel sa pagkatao niya sa paraan ng pagkaka ngisi niya. "A-Ano 'yon?" Kinakabahan kong tanong.Ang hirap maging curious. Sh*t! Mas lalong lumapad ang pag ngisi niya. It's an evil grin at para bang ipapahamak lang ako ng plano niya. Bwisit ka,Kare!Bakit ba ako nagpapa uto sayo?! A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD