14

2693 Words
Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko habang nagmamaneho. Napasulyap pa ako sa boquet ng bulaklak na ngayon ay nasa passenger seat. Balak kong sunduin si Kao sa kanila pero sinabi ni Tita Qel na kasama raw ito nila Reign para mag celebrate sa pagka panalo niya.Ni-text ko si Reign kung saan sila nag ce-celebrate pero hindi siya nag response kaya si Ashley ang sunod kong ni-text. Kaagad niyang sinabi kung saan place sila naroroon. Excited akong nagmamaneho papunta roon.Sinadya kong hindi i-text si Kao dahil gusto ko siyang i-surprise. Ngayong gabi ko napag pasyahan na aminin na kay Kao ang totoo kong nararamdaman.Nag set-up pa kami ni Kare ng candle light dinner para sa gabing ito.Planado na ang lahat.Ang tanging kulang na lamang ay si Kao at gagawin ko ang lahat maitakas lang siya sa celebration nila ngayon. Mabilis akong nakapag park sa parking lot ng resto-bar.Dali-dali pa akong bumaba at tinungo ang pinto saka pumasok. Maingay sa loob dahil may nagpapa tugtog na banda sa entablado nila.Kaagad naman akong nagmasid sa paligid upang hanapin kung saan naka pwesto sila Ashley. Nag liwanag ang mukha ko ng makita si Ashley na kumakaway sa akin. Excited akong nag lakad sa pwesto nila habang naka ngiti.Ngunit napa tigil ako sa kinatatayuan ng may mahagip ang mga mata ko. It's Kaori and Gelo, kissing. Nanlamig ang katawan ko na para bang anytime ay mag co-collapse ako. Para bang tumigil ang pag inog ng mundo sa nasasaksihan ng dalawang mata ko. Ang sakit sa mga mata pero mas walang kasing sakit sa puso. Dahan-dahan mong bitawan Ang puso kong di makalaban Naririnig ako ang boses ng kumakanta at mas lalo iyong nagbibigay ng kakaibang sakit dito sa puso ko. P*ta!Sobrang sakit! Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil para itong pinipiga na nagdudulot ng pagka paralisa ng buong katawan ko. Dahil minsan mong iniwan Labis na nahihirapan Nakita ko ang pag iiba ng ekspresyon ni Ashley.Naka kunot-noo siya na para bang naguguluhan kung bakit nakatayo lang ako ilang metro ang layo sa kanila. F*ck!I feel betrayed! Muli kong sinaktan ang sarili at bumaling sa direksyon ni Kao. Nag tama ang paningin namin. Nakita ko ang pag tayo niya kaya kaagad akong umatras upang lumabas. Nakalabas ako ng resto-bar at dali-dali dinukot ang remote car key sa bulsa ko kaya lang ay nahulog ito dahil sa panginginig ng kamay ko.Mabilis ko iyong pinulot at humakbang papalayo. "Je!" Napa tigil ako sa kinatatayuan sa boses na narinig. Sh*t!Sh*t! Nataranta ako kaya muli akong humakbang. "Jelay,sandali!" Sigaw niya at narinig ko ang pag tunog ng takong niya.Papalapit na siya sa akin. "What are you doing here?" P*ta!Anong klaseng tanong 'yan? Gusto kong i-bulyaw sa kanya pero wala akong magawa kundi ang tumayo.Ni hindi ko magawang humarap sa kanya. "Ah n-napadaan lang.Aalis na rin a-ako." Sagot ko at pinilit humakbang para tumakbo.Para takasan ang nag uumpisang sakit dito sa puso ko. "Je, a-about sa nakita mo." Pag pigil niya muli sa akin. Hinintay ko ang paliwanag niya at tahimik na nag dasal. Please Kao,tell me na hindi totoo ang nakita ko.Please, tell me a lie and I would choose to believe. "K-Kami na ulit ni Gelo." Nag unahan sa pag patak ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Nakuyom ko ang dalawang kamao dahil sa sari-saring pakiramdam na kumakain sa sistema ko. Pakiramdam ko'y dinudurog ng unti-unti ang puso ko. "C-Congrats,then." Pumiyok ako at bahagyang tumingala at kumurap-kurap upang pigilan ang pag iyak. "You understand,right?" Tanong niya. Naiintindihan ko nga ba? Oo,naiintindihan ko na hindi ako ang mahal mo. Pasimple kong pinunasan ang mga luha sa mata ko saka walang paalam na muling humakbang. "Je,tell me that you understand." Kinabig niya ang kanan kong kamay dahilan upang mapabaling ako sa kanya. "Intindihin?" Hindi ko alam pero gusto ko ng sumabog sa mga oras na ito. "Hindi ba't 'yun na ang ginawa ko sa halos apat na taon,Kao?Kung trabaho lang sana ang intindihin ka,mayaman na ako." Madiin kong sabi habang titig na titig sa mga mata niya. "Please, intindihin mo pa rin sana ako." Nakikiusap ang mga mata niya habang nakatingin rin ang mga ito sa akin. "How 'bout me,Kao?Paano naman ang nararamdaman ko?" Mahina kong tanong na alam kong malinaw pa rin niyang narinig. "Je,alam mong hindi p-pwede." Sa sinabi niyang iyon ay napigtas ang pag titimpi na kanina ko pa pinipigilan. "Oo,alam ko!" Nagtagis ang bagang ko dahil hindi ko na makontrol ang galit ko. "Pero paano ko mapapaniwala ang sarili ko na hindi pwede,kung ikaw mismo ang nagparamdam sa akin na pwede?Umasa ako na baka nga pwede!Naniwala ako sa 'pwede'!" Sigaw ko sa sobrang galit na nararamdaman. Pinaasa niya lang ako sa wala!Akala ko,ako ang magaling mag laro dito?Pero bakit ako ngayon ang napapaglaruan?! "J-Je,I'm s-sorry.Hindi 'to madali para sa akin." Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko itong tinabig. "At sa tingin mo madali para sa akin?" Pang uuyam kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung ilang mga gabi na hindi ako makatulog sa isipin na may gusto ako sa best friend ko!Hindi mo alam na halos mabaliw ako sa kaiisip kung paano 'to mawawala?" Ilang ulit kong hinampas ang tapat ng dibdib ko. "How can I suppress it?How can I unlove you?!" Nag unahan muli sa pag patak ang mga luha ko.Para itong bukas na gripo na hindi huminto-hinto. "Please,ayusin natin 'to." Masakit sa akin na makita siyang umiiyak. Pero paano naman ako?Paano naman ang sakit na nararamdaman ko? Babalewalain ko na naman ba ang sarili ko para sa kanya? "Tapos ano?Magpapanggap akong best friend mo lang?" Pagak akong tumawa saka muling nag salita. "Ayoko na,Kaori.I don't want to play this game of yours,anymore.Sa larong ako lang ang nag hahanap.Ako lang ang humahabol.Sa larong ito ako palagi ang taya." Naitanong ko tuloy sa sarili, Am I not enough?Ano pa ba ang kulang? "Bakit nga ba,Kao?" Muli akong nakipag titigan sa mga mata niya.Nabasa ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan. "Bakit hindi mo ako makita-kita?Bakit hindi mo ako magawang habulin?Bakit sa larong 'to,ako palagi ang talo?" May hinanakit kong tanong sa kanya. Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya siya.Pero bakit hindi niya makita ang halaga ko?! Bakit hindi ako maging sapat?! "J-Je..." Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako pero umatras ako at muling nag salita. "It's because of Gelo,right?" Masakit man aminin pero ang p*tang-inang lalaking iyon ang mahal niya. Ano bang laban ko sa gagong 'yon?! "Siya lang ang gusto mong matagpuan.Siya lang rin ang gusto mong habulin kaya hindi mo ako magawang lingonin." Garalgal kong pagsasabi sa laman ng puso ko. "Gunting lang ako kumpara sa kanya na bato,kaya kahit kailan hindi ako manalo-nalo diyan sa puso mo!" "H-Hindi totoo 'yan!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. "At ano ang totoo?!" Galit kong tanong dahil gulong-gulo na ako! Hindi ko na alam ang dapat maramdaman. "Mahal kita!" Sa sinabi niyang iyon ay parang nawala ang lahat ng sakit na idinulot niya kanina. Muli kong naramdaman ang pagka buhay ng puso ko. "B-But I'm scared..." Nangunot ang noo ko sa idinugtong niya. Sh*t!Bakit ba palaging may 'pero'?Hindi ba pwedeng mahal kita at wala ng pero-pero?! Tumingin siya sa paligid at dinugtungan ang gusto niyang sabihin. "I'm scared to this world that I am about to enter dahil mahal kita." Hagulhol niyang sabi.Halos nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang takot. "Natatakot kang mahalin ako." Mahinahon ngunit puno ng bitterness kong sabi. "Natatakot akong mahusgahan!Huhusgahan nila tayo,Je!Hindi mo ba naiintindihan?!" "P*tang ina naman,Kao!Nandito tayo sa mapanghusgang mundo!Anong gusto mo?Palakpakan ka nila?Kahit anong gawin mo,pumatol ka man o hindi sa akin,huhusgahan ka pa rin nila!" Balik kong pag sigaw sa kanya.Gusto kong matauhan siya. I just want her to realize that someone else isn't going to be better for her.That I am the best for her. "At anong gusto mong gawin ko?!" Frustrated niyang pinunasan ng dalawang kamay ang mga luha sa mga mata niya.I want to yell at her and tell her that what we had was too amazing to walk away from.I wanted her to fight for love for once because we both deserve it. "I wanted you to want me as much as I wanted you.I wanted you to look for me like I look for you.I wanted you to fight for me because I am willing to fight for you,for us." Hagulhol kong sabi sa kanya.Halos kaposin ako sa pag hinga dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sabi ko na nga ba,eh! Masakit ang magmahal.Puno ito ng pait at pagdurusa.I knew from the start that falling was never the best part!Bakit napaka tanga ko para subukan pa 'to?! "H-Hindi ko kaya,Je." Lalong nalunod sa kumunoy ng pagdurusa ang puso ko dahil sa isinagot niya.Halos mamanhid ako dahil sa sakit na nararamdaman.Muli na naman niyang pinatay ang puso ko. "H-Hindi mo..." Huminga ako ng malalim dahil hindi ko matanggap na hindi niya ako kayang ipaglaban. "H-Hindi mo kayang mahusgahan kaya a-ako na lang ang isasakripisyo mo." It's not a question.It's a statement. "M-Mahal na mahal kita..." Tiningnan ko siya, mata sa mata.Hindi na siya nabigla sa sinabi ko. Hindi sa ganitong sitwasyon ko gustong ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kanya.Ngunit marahil ito ang pagkakataon na hinihingi ng kapalaran. "P-Pero itong pagmamahal ko para sayo ang unti-unting p-pumapatay sa akin." Patuloy sa pag landas ang mga luha sa mag kabilang pisngi ko.Mabilis ko itong pinunasan saka walang babalang tinalikuran na siya. "Je,please." Yumakap siya sa likod ko para pigilan ang pag alis ko. Naramdaman ko ang pagka basa ng likuran ko dahil sa patuloy din niyang pag iyak. "Pwede pa tayong bumalik sa dati.Tulungan mo ako para maayos natin 'to." Nagmamakaawa niyang pakiusap na muli kong ikinahagulhol ng iyak. Sana nga ganoon lang kadali. Sana nga itutulog lang namin ito at pag gising namin ay makakabalik na kami sa dati. Gustohin ko man,pero hindi na kami makakabalik pa.Sirang-sira na kami. "H-Hindi ko na kayang maging kaibigan mo lang,Kao." Kinalas ko ang dalawa niyang braso na naka yakap sa bewang ko.Pinilit pa niyang 'wag maalis ito pero mas malakas ako sa kanya. Muli ko siyang hinarap. "Kaibigan na palaging nandyan lang sa likuran mo para suportahan ka.Palaging nandito sa harapan mo para protektahan ka.Kung hindi mo ako kayang ilagay dyan sa tabi mo, maybe you don't deserve me." Nag pasya ako para sa sarili. This time,ako naman.Sarili ko naman ang iintindihin ko.Sarili ko naman ang uunahin ko. Muli ko siyang tinalikuran kasama ng wasak-wasak kong puso.Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakaka hinga?Hindi ko alam kung bakit buhay pa rin ako kahit kanina pang namatay ang puso ko. I click the remote key at tinangkang buksan ang sasakyan ko. "But you promised me!" Umiiyak pa rin niyang paghabol sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko para hindi ko tuluyang mabuksan ang pintuan ng sasakyan ko. "You promised me na hanggang dulo,di ba?Kakalimutan mo na lang ba 'yon?!" Nabasa ko sa mga mata niya ang matinding sakit at takot.At ang kaunting pag asa na maibabalik pa namin ang dati. Oo,ayokong mawalan ng best friend pero mas ayokong maiwala ulit ang sarili dahil sa kagustuhan kong maayos pa ang pagkakaibigan namin. "Oo hanggang dulo..." Malungkot akong ngumiti habang hilam pa rin ng mga luha ang mga mata.At sinabi ko ang mga katagang ni sa panaginip ay hindi ko akalain na masasabi ko sa kanya. "At nandito na tayo sa dulo,Kaori." Kaagad kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko at walang lingon na sumakay dito.Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko dahil sa takot na baka kapag hindi pa ako nakalayo roon ay muli ko siyang balikan. Muling nag unahan sa pag patak ang mga luha ko.Nag blu-blurr na ang tingin ko sa daan sanhi ng pag iyak.Minabuti kong tumabi muna upang huminto.Nang maitabi ko ang sasakyan ay saka ako napahagulhol ng iyak at tumungo sa manibela.Nag taas-baba ang balikat ko dahil sa paghagulhol.Pigilan ko man ito ay hindi ko magawa.Para bang may sariling buhay ang mga luha ko at patuloy lamang sa pagpatak ang mga ito. Tumunghay ako at napansin ang boquet ng bulaklak na dapat ay ibibigay ko sa kanya.Sinadya kong iwan iyon kanina para hindi magtaka sila Reign. Dinampot ko iyon saka binuksan ang bintana ng sasakyan ko at walang pag da-dalawang isip na itinapon ito. Katulad ng pagtapon niya sa puso ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi para pigilan muli ang pag iyak.Akala ko masakit na 'yung malaman mo na hindi ka mahal ng taong mahal mo,pero mas masakit pala 'yung alam mong mahal ka niya pero hindi ka niya kayang panindigan. Walang kasing sakit! Bakit napaka duwag mo,Kaori?! Muli akong napahagulhol ng iyak sa sobrang awa sa sarili. Pakiramdam ko'y pinaglaruan at trinaydor ako ng pag-ibig.Pag-ibig na buong puso kong niyakap at siya ring unti-unting sumisira ngayon sa akin. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong maramdaman. 'Yung sakit ba?Takot?Panghihinayang?Hindi ko alam.Gulong-gulo na ako.Ang tangi lamang malinaw sa akin ay ang hindi pagpili sa akin ng taong mahal ko. Mahal pero hindi ako ang pinili.P*tang-ina! Napatitig ako sa side view mirror na bahagyang nakaliko.Nakita ko rito ang isang wasted na babae.Sobrang lungkot ng namumugto niyang mga mata.Wala itong kinang katulad ng ulap sa kalangitan kapag wala ang mga tala.Nagsalita ang babae at sinabi niya sa sarili, You need to let her go,Jelay. It maybe one of the hardest things you have to do,but you also deserve to be loved the way that you love.Do not let your feelings for her make you worth any less than you are. Please,stop crying. "It's so d*mn hard!" Muli akong napadukdok sa manibela at parang batang nag iiyak.Ilang ulit ko pang hinampas ang manibela dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ilang minuto akong nakatungo sa manibela.Walang tigil ang pagluha ko na para bang hindi ito maubos-ubos.Tumunghay lang ako ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko. Kaagad ko itong dinampot ng makita ko sa screen kung sino ang tumatawag. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata saka ito sinagot. "Hello?" Panimula ng boses na naging dahilan ng muling pag daloy ng mga luha sa pisngi ko. "Jeje?Ano na?Nasaan na ba kayo?" Excited niyang tanong.Naroon kasi siya sa lugar kung saan ko balak i-surprise si Kao. Walang kami,Kare at walang magiging kami. Napa takip ako sa bibig upang hindi niya marinig ang pag hikbi ko. "Teka,umiiyak ka ba?What happened?" Naramdaman ko ang concern sa boses niya kaya hindi ko na napigilan na umiyak ng malakas. Nagkasinok-sinok na ako sa sobrang pag iyak. "Tell me,Jelay anong nangyari?!" "K-Kare?" Sagot ko sa kabilang linya.Para bang batang gustong mag sumbong ng boses ko. "Nasaan ka?!Pupuntahan kita." Natataranta niyang tanong. "K-Kare,uwian na." Tumahimik siya sa kabilang linya dahil sa sinabi ko kasabay nito ay ang pag dugtong ko sa tatlong salitang, "H-Hindi na masaya." A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD