Pumasok ako sa kwarto niya at natunghayan ko ang pinaka magandang babae sa paningin ko habang naka higa siya sa kama niya.Yakap-yakap pa niya ang unan niya na kakulay ng mga ulap.
Marahan kong isinarado ang pintuan at tahimik na nag lakad sa direksyon ng kama. Lumapit ako kung saan siya naka pwesto.Nasa gilid na siya ng kama niya at konti na lang ay mahuhulog na siya. Malikot ka talagang matulog,babae ka.
Umupo ako sa sahig at pinagmasdan ang kagandahan niya. Mukha siyang anghel kapag tulog. Oo,kapag tulog lang.Shh!
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa magandang mukha ng anghel.Matapos iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili na mag lean palapit sa mukha niya at bigyan siya ng munting halik sa ilong niya.Sa ginawa kong iyon ay unti-unting nag mulat ang anghel na para bang siya si Aurora sa palabas na Sleeping Beauty at ako ang kanyang prince charming. Nagising siya dahil sa mahiwagang halik ko.Char!
"J-Je?" Ang sexy ng moring voice niya. Hustisya sa parang boses ng ipis kapag nagigising. At kailan pa nagsalita ang ipis,Jelay? Sarcastic na tanong ng kabilang bahagi ng utak ko.
"What are you doing here?!" Lumaki ang chinita niyang mata ng ma-realized na talagang nasa kwarto niya ako. Napabalikwas pa siya ng bangon.
"Good morning to you,too my loves." Natatawa kong pag bati kasabay ng pag tayo.
"G-Good morning,my loves." Nahihiya niyang sagot.Naco-concsious na naman siguro siya sa itsura niya ngayon.
"Flowers for you,my loves." Iniabot ko sa kanya ang isang boquet ng sunflower na itinabi ko kanina sa study table.
"Congratulations again to our queen." Yes!Ang anghel na ito sa tabi ko ang naging title sa ginanap na Miss CICS 2019 kagabi. Halos wala akong pag lagyan ng kasiyahan ng ni-announced na si Kaori ang naka sungkit ng title.Nag lulundag kami ni Tita sa sobrang kagalakan.Daig pa namin ang totoong nanalo.
Nakita ko rin sa mukha ni Kaori ang labis na kaligayahan ng mismong ipinu-putong na sa kanya ang korona.Sa akin lang siya nakatitig and she repeatedly mouthed thank you.
"Thank you,my loves." Oh ha'yan na naman ang thank you niya.
Inamoy niya ang mga bulaklak habang hawak niya ito.Ang sarap sanang i-capture ng moment.Nag co-compliment kasi ang mga bulaklak sa kagandahan niya.She's blooming katulad ng mga bulaklak na hawak niya.
"You are welcome." Nakangiti kong sagot saka naupo kaharap niya. " So,how's the feeling?"
"Until now,hindi pa rin ako makapaniwala,but I'm happy.It's so overwhelming." Nahimigan ko ang excitement ng sabihin niya iyon. Totoong masaya talaga siya.
"Masaya akong masaya ka." Sincere kong sabi.
"Dahil 'yon sayo,Je.You makes me happy. Thank you for your undying support especially last night." Naiiyak na naman niyang pasasalamat.Gusto ko sanang isagot na 'hindi naman ako ang bumili ng crown mo' pero 'wag na lang.Ayokong mabatukan ngayong umaga.
"Again,you're welcome,my queen." Kinuha ko ang kaliwang palad niya at binigyan ng halik ang likod nito.
"Hmp!Tampo pa rin ako sayo." Inagaw niya ang kamay niya sa akin saka ako inirapan. "Hindi mo sinabing kayo ang kakanta kagabi.Hindi mo rin ako pinanood sa swimsuit competition.Pinaghandaan ko pa naman 'yon para sayo." Pag susungit pa niya na ikina-ngiti ko. Laki rin talaga ng sapak nito.
"My loves, hindi ko sinabi ang about sa pag tugtog namin para i-surprise ka.About naman dun sa swimsuit mo,ayoko rin 'yun panoorin.Ayokong makarinig ng ibang papuri sayo lalo na sa mga lalaki.Ayokong makita ang mga reaksyon nila habang nag papantasya sa katawan mo!Baka makapatay lang ako!" Mahaba kong paliwanag.
Totoo naman ang mga sinabi ko.Hindi ko maiiwasang makarinig ng kung anu-ano na magpapa trigger sa selos ko. Hindi ko naman sila pwedeng paalisin lahat doon at mas lalong hindi ako pwedeng umakyat ng stage para lang takipan ang katawan niya o hatakin siya papuntang back stage.Kaya ang pinaka simpleng paraan ang ginawa ko,ito ay ang 'wag manood.
"Kahit na!Eh di sana nag headset ka na lang para hindi mo sila narinig!Kainis ka!" Pag aalburuto pa rin niya.
"Kung gusto mo talagang makita kong suot mo 'yung swimsuit mo,pwede naman ngayon, 'di ba?Dito mismo." Saka ako ngumisi ng nakaka loko habang nagta-taas-baba ang mga kilay ko.
"Maniac!" Bulyaw niya sa akin pero sa pagkakataong ito ay nakangiti na siya habang may namumulang pisngi.
Pinalo pa niya ako ng unan na nahagip niya kaya mas lalong lumakas ang tawa ko.
"Oo nga pala,my loves,I brought some almusal for us." Sabi ko sa kanya ng humupa ang pag tawa ko.
"Ten minutes,my loves." Sagot niya saka ipinatong sa study table ang boquet ng bulaklak na ibinigay ko.
"Come here." Utos niya sa akin ng maka higa siya sa kama niya.
Ano kayang gagawin namin? Sh*t!Ano ba 'tong naiisip ko?! Umiling-iling ako at the back of my mind.
Kinakabahan akong lumapit sa pwesto niya.Hinila niya ako papalapit at napa higa sa tabi niya.
"I just want to stay like this at least ten minutes." Sagot niya saka yumakap sa akin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Para tuloy akong naparalisa at hindi alam ang gagawin.
"O-Okay,as you wish." Nagawa kong ilapit pa siya sa akin at mahigpit na yakapin pabalik. Gusto ko rin naman 'to,aarte pa ba ako? Kung pwede nga lang na forever na kami na ganito ang pwesto.
"Naririnig mo ba ang t***k ng puso ko?" Tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pag iling niya kasabay ng pag sagot. "Hindi.Ano bang sabi niya?"
"Ang sabi niya i-Kao i-Kao i-Kao." Napa giggle siya sa sagot ko. Sus!Kinikilig ka lang eh.
"Je,I want to confess you something." Napalunok ako sa sinabi niya. Juicekopo!Aaminin na ba niya ang nararamdaman niya para sa akin?Hindi pa yata ako ready!Sh*t na malupit!
"A-Ano 'yon?" Kinakabahan kong tanong kasabay ng ilang ulit na pag lunok.
"Natatandaan ko." Maikli niyang sagot na ikina-kunot ng noo ko.
"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.
"D-Doon sa kotse mo.Noong sinundo mo ako sa bar.Natatandaan ko,Je.That was our first k-kiss." Parang gustong lumabas ng puso ko sa confession niyang iyon.Nagtatatalon ito sa tuwa.
Bumitaw ako ng pagkaka yakap sa kanya para makita ang reaksyon niya pero nagsumiksik lang siya sa leeg ko. Nahihiya siya sa akin! Napapangiting bulong ko sa sarili.
"W-Wala ka bang sasabihin?" Nahihiya pa rin niyang tanong.Hindi niya talaga pinahintulutan na makita ko ang mukha niya.
"Masaya ako na naaalala mo.Akala ko ako lang ang nag struggle ng gabing iyon." Natawa siya sa sinabi ko at muling yumakap ng mahigpit.
"Can I ask you something?" Approach ko sa kanya ng hindi na siya umiimik.Naka tulog na naman yata.Sa bagay,puyat kasi siya kagabi dahil sa pageant samahan pa ng pagod.
"Hmm?" Inaantok niyang sagot.
"You feel it too, right?" Gusto kong malaman kung pareho ba kami ng nararamdaman at ito ang pinaka madaling tanong para malaman ko ang sagot mula sa kanya.
Please,Kao.Tell me that you feel it,too. Itong pakiramdam na parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya ngayong mag kayakap tayo.Ang pakiramdam ng natutunaw ako sa mga ngiti at titig mo.Pakiramdam na hahamakin ko ang lahat marinig lamang ang tawa at mga halakhak mo.Pakiramdam na nasa langit ako sa 'twing lalapat ang labi mo sa labi ko.Buhay pa ako pero pakiramdam ko ay patay na patay ako sayo,Kao. Gusto ko sanang sabihin ang lahat ng ito ngunit dinadaga ang dibdib ko kaya ang ginawa ko ay ang mag hintay na lamang sa response niya sa tanong ko.
"Yes,Je.I feel it,too." Sa sagot niyang iyon ay parang nag awitan ang mga anghel sa kalangitan.Naramdaman ko ang malakas na pag t***k ng puso ko.Siguradong maririnig na niya ang itinitibok nito.Maririnig niya ang paulit-ulit na pag sigaw ng puso ko...
I-Kao...I-Kao...I-Kao.
..
"Lapad ng ngiti natin diyan ah.Pwede ng pamalit kay McDonald's." Pansin ni Karina sa magandang mood ko.Nandito kami ngayon sa main library para kumuha ng mga informations sa thesis namin. Actually,pang fourth year pa naman ito pero pinag hahanda na kami ni prof.para sure ang pag graduate namin next year.
"Tse!" Irap ko sa kanya kasabay ng pag upo ko sa tabi niya.Maraming librong nakakalat sa ni-ocuppied niyang table.May pagka bookworm kasi talaga siya.Kaya nga bagay na bagay sila ni Aljon. Ayieeee!
"Bakit nga ba ang good mood mo ngayon?Hulaan ko,in love ka ano?" Naka ngisi niyang tanong.
"Dami mong alam,Kare." Sagot ko saka dumampot ng libro sa ibabaw ng table para tulungan siya. Kami kasi ang partner sa thesis na ito,kaya sigurado na ang pag graduate ko. Harhar!
"Sus!Obvious naman.Si Kaori 'yan ano?" Dere-deretso niyang tanong na ikinalaki ng mga mata ko.
"A-Ano?" Utal-utal akong napabaling sa kanya.
"Don't deny it.Halatado na kayo." Natatawa siyang bumalik sa pag ta-type sa laptop niya.
"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Gan'on na ba kami ka-obvious?
"Maliwanag pa sa sikat ng araw." Siguradong-siguradong sagot niya. Ang nakakatuwa,wala man lang siyang violent reaction.
"Natahimik ka?" Bumaling siya sa akin.Nakagat ko naman ang mga kuko ko saka nahihiyang nag tanong.
"O-Okay lang sayo?I mean...na ganito ako?" Nahihiya man ay hinarap ko pa rin siya.
"Ano bang ine-expect mo?Iiwasan at pandidirihan kita?" Tanong din ang isinagot niya sa tanong ko.
"O-Oo?" Hindi siguradong sagot ko.
"Ganoon ba ang pagkaka kilala mo sa akin?Ganoon ba ako kasama sa paningin mo?" May himig pagtatampo sa boses niya.
"Oo." Pagbibiro ko na dahilan ng pag batok niya sa akin.
"Ouch!" Reklamo ko habang haplos ang nasaktan na ulo.
"QUIET!" Sita ng librarian sa amin.Kung makapag utos na tumahimik,siya naman 'tong sumisigaw.Tss!
"Hindi kita huhusgahan kung ganyan ka.Kaibigan kita,Jeje at ang pagkakaibigan natin ang mas importante sa akin kaysa sa s****l preference mo.Hindi naman nasusukat doon ang pagkatao mo, 'di ba?" Muli siyang bumalik sa pag ta-type habang patuloy na nag sasalita. "I believe that a person who is homosexual should be given the same rights as any other heterosexual person because after all, we are all human being." Inakbayan ko siya dahil sa sinabi niya.
"Hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang aming Miss H.U 2018." Proud kong sabi sa kanya.
"Sira!I'm just stating the fact."
"Salamat dahil tanggap mo ako, Kare-Kare." Nakangiti kong inalis ang pagkaka akbay sa kanya at nag simula ng magbasa.
Maya-maya ay may naalala akong itanong sa kanya.
"Ahm, Kare-Kare?" Tumigil ako sa pagbabasa at siya naman sa pag ta-type.
"Yes?" Inalis niya ang eyeglasses sa mga mata niya saka ako tiningnan.
"D-Do you think she feel the same way?" Nahihiya tuloy akong napakamot sa ulo ko kahit hindi naman ito makati.
"Bakit?Ano bang nararamdaman mo para sa kanya?" Walang preno niyang tanong. Ang hilig niya talagang sumagot ng tanong din.Kalerk!
Nag dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya?Hindi ba dapat si Kao ang unang makaalam ng nararamdaman ko para sa kanya?
"Okay na,hindi mo na kailangang sagutin." Naiiling niyang sabi. "And I think,yes."
"Yes?" Kunot-noo kong tanong.
"Yes.I think she feel the same way,too." Nakangiti niyang baling sa akin na ikina-lapad din ng pagkaka ngiti ko.
"Well,base lang 'yun sa observation ko.Kailangan mo pa rin siyang tanungin." Muli niyang ibinalik ang eyeglasses niya sa mga mata at bumalik sa pag ta-type.
"Hindi ko yata kayang tanungin siya." Isipin ko pa lang ay para na akong mahihimatay sa kaba.
"Paano mo malalaman ang sagot kung hindi ka mag tatanong?" Tama naman siya pero kasi...
"Paano kung hindi pala kami pareho ng nararamdaman?Paano kung assuming lang pala ako?" Heto ang mahirap sa M.U eh.Bukod sa may malandi kaming ugnayan ay mayroon din kaming malabong usapan.
"Lahat ng naglalaro,Jeje ay tumataya." Seryoso ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.
"Laro?Sa tingin mo laro lang 'to?" Medyo sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya.
"No,you don't get it." Naiiling niyang sagot saka isinarado na ang laptop niya. "Inihambing ko lang ang laro sa nararamdaman mo ngayon.A metaphor."
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko.
"Masaya ka ba sa nararamdaman mo for her?" Heto na naman ang pag tatanong niya.
"Of course.Super happy." Mabilis kong sagot.
"Just like a game.Masaya mag laro lalo na kung gusto mo 'yung laro at 'yung kalaro mo." Simpleng paliwanag niya.
"Paano kung masugatan lang ako habang naglalaro?" Ito ang isa sa kinatatakutan ko.Ang masaktan ako.Takot akong masaktan kaya nga wala akong pinapasok dito sa puso ko maski isa sa mga naging boyfriends ko. Je, hindi mo pinapasok si Kao sa puso mo kundi matagal na siyang nandyan ng hindi mo namamalayan. Napa pikit ako sa realization na ito. Paano nga kung gano'n?Paano kung sa una pa lamang ay nasa kanya na pala ang susi sa puso ko kaya wala man lang maka pasok kahit isa rito?
"Eh 'di huminto ka saglit para gamutin ang sugat.Kapag naramdaman mong masaya ka pa rin kahit nasugatan ka, bumalik ka sa laro." Sagot ni Kare na ikinabalik ko sa wisyo.
"Paano kung mapagod ako?" Tanong ko.
"Mag pahinga ka tapos mag laro ka ulit.Hanggat nararamdaman mong masaya ka,mag laro ka lang." May punto siya.Bakit ko pipilitin supilin kung anuman ang nararamdaman ko kay Kao kung napapasaya naman ako nito?
"Paano kung hindi na masaya?" Sunod kong tanong.
"Eh di uwian na." Simple niyang sagot na ikinatulala ko.
Oo,tama siya.Ganoon naman tayo noong mga bata pa,hindi ba?Maglalaro tayo hanggat masaya tayo sa nilalaro natin.Hindi tayo mapipigilan ng mga magulang natin kahit makaramdam tayo ng pagkahapo at masugatan.Pero once na hindi na masaya ang nilalaro natin, tayo mismo ang umuuwi sa mga bahay natin at hindi na tayo kailangan pang sunduin ng mga magulang natin.
"Pero ang importante sa lahat ay 'yung malaman mo kung masaya rin ba ang kalaro mo?That's why you need to ask her,Jeje." Bumaling ako sa kanya at nakita na seryoso siya sa pagbibigay ng advice sa akin. "Be brave enough to ask her.Nakasalalay sa sagot niya kung mananalo ka ba o matatalo sa larong ito."
Maraming nakasalalay sa magiging desisyon ko. I'm scared of telling her how I feel because I can't bear the thought of losing the long, existential conversations,the intensive emotional support,and the never-ending stream of adventures we had. I'm so afraid of losing our friendship.
Pero paano kung naghihintayan lang kami?Paano kung hinihintay lang niya ako?Paano kung gusto rin niyang i-level up kung anumang mayroon kami ngayon? Oo,mahirap sumugal lalo na at walang kasiguraduhan kung mananalo ba ako pero mas mahirap na hindi ako tataya.Ayokong mabuhay sa what if's.Ayokong may pagsisihan sa huli. Normal ang matakot dahil totoong ang nararamdaman ko para sa kanya.If it was supposed to be easy it wouldn't be worth it.
Napa buntong-hininga ako bago nag desisyon para sa aming dalawa.
Susundin ko si Karina.
Minsan kong sinabi kay Kao ang mga katagang ' hindi lahat ng pagmamahal ay kailangan ipaglaban'. At ngayon nga ay kakainin ko ang salita kong ito.Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya because she's worth it. I'm willing to take a risk kung ang maaaring kapalit nito ay ang pang habang-buhay siyang magiging sa akin.
Yes!I want her to be mine.Forever mine.
A.❤