Today is Miss CICS 2019 Coronation night. Naririnig ko na ang malakas na sigawan ng mga tao sa labas.At isa ito sa nag dadagdag ng kaba sa dibdib ko.Pakiramdam ko ay mas malakas pa ang t***k ng puso ko kaysa sa sounds system sa labas.Kahit malamig naman dito sa dressing room ay pinagpapawisan pa rin ako.
"Hindi ko yata kaya.Mag back out na lang kaya ako?" Natataranta kong sabi kay Je na abalang nag pupunas ng mumunting pawis sa noo ko.Pansamantala akong iniwan ng handler ko at kasamahan niya para kahit papaano ay makapag relax bago ako sumabak sa production number.
"Sira!Nandito ka na,ngayon ka pa ba aatras?" Tumigil siya sa ginagawa at seryoso akong tiningnan. Kami lang ang nandito ngayon dahil lahat ng mga candidates ay may kanya-kanyang dressing room.
"Paano kung magkamali ako sa pag lakad o kaya makalimutan ko 'yung..." Tumayo ako at ipinaypay ang sariling palad sa tapat ng mukha ko. Pakiramdam ko ay nanginginig pa ito.
"My loves."
"Tapos hindi nila magustu..."
"My loves,look at me." She commanded saka hinawakan ang dalawa kong balikat para maiharap ako sa kanya.
"Look at me." Tumaas ang dalawa niyang kamay sa mag kabila kong pisngi.
"My loves, I feel so nervous." Naiiyak kong pagsasabi ng totoo. Pagsisisihan ko na ba kung bakit sumali ako rito? Hindi!Gusto kong makuha ang crown para sa kanya. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya kay Karina noon, ' Ayoko sa runner up,mas gusto ko ang title holder' .Hinding-hindi ko iyon makakalimutan dahil ang pangungusap na iyon ang nag triggered sa akin kung bakit ako nandito ngayon.
"It's normal,okay?" Hinaplos niya ang kanan kong pisngi kaya napatitig ako sa mga mata niya. "Just give your best shot.Marami kaming naniniwala sayo,please believe in yourself as much as we believe in you." Sincere niyang sabi na nagpa kalma sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nagawang pakalmahin ang puso ko sa simpleng pagtitig na iyon. It's like a magic.
Nabitawan niya ang pisngi ko ng may kumatok sa pinto ng dressing room ko. "Start na tayo in five minutes.Ready,girl!"
Tumango ako sa handler ko bago niya muling isarado ang pinto.
"Nasa audience lang kami ni Tita.Be brave.Kaya mo 'yan." Nakangiting sabi ni Je na nag palakas ng loob ko.
"Kaya ko 'to!" Nakangiti ko ring sagot kahit na nandito pa rin ang matinding kaba sa dibdib ko.
Humalik siya sa sentido ko saka ako tinalikuran para puntahan si Mama sa audience seats.
"My loves?" Tawag ko sa kanya bago niya mabuksan ang pinto ng dressing room.
"Huh?" Bahagya siyang lumingon sa akin habang nakahawak sa door knob ang kanan niyang kamay.
"Thank you for everything." Ngumiti ako ng ubod tamis sa kanya. Sobrang naappreciate ko ang efforts niya lalo sa panahong ganito. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kung wala siya sa buhay ko. I am a better version of myself now because of her.
"Crown ang gusto kong kabayaran sa lahat,Kao." Seryoso niyang sagot na ilang ulit kong ikinatango.
"Kukunin ko ang crown para sayo." Desidido kong sagot na para bang nangangako ako sa sinabi ko.
"I trust you." Sabi niya saka tuluyang lumabas ng dressing room.
..
"Thank you so much Sir, for that heart-warming welcome address." Narinig kong sabi ng emcee habang naka pila kami sa back stage.Lahat ng co-candidates ko ay makikitaan ng kaba sa mga mukha nila at kasama ako roon.
"Now,let give it up,ladies and gentlemen,for our lovely Miss. CICS 2019 candidates in their production number." Malakas na announcement ng emcee na naging go signal namin para isa-isang lumabas sa stage.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako lumabas sa stage upang i-perform ang sayaw na Bratatat.
"Magaling,girl.Keep it up!" Palakpak ng handler ko matapos ang umaatikabong production number.Halos mahimatay ako ng makalabas ako ng stage kanina at makita ang ilang daan na tao na nanonood sa amin.Kaagad kong iginala ang mga mata ko habang sumasayaw para hanapin si Je at si Mama sa audience. Nakita ko naman sila habang nag chee-cheer sa akin kaya mas lalo kong ginalingan ang ginagawa.
Next ng appearance namin sa stage ay introduction,kung saan isa-isa kaming lalabas upang i-intro at makilala ng madla.
Mabilis akong nakapag bihis sa tulong na rin ng mga kasama ko na ni-hired ni Mama.Mula sa handler,make up artist,hair stylist at sa wardrobe.
Habang inaayosan ay narinig ko ang pagpapakilala sa pannel of judges pati na rin sa pagsasabi ng criteria.
"Wow!Now this year has surely got it in for us.As we witness our eight mesmerizing candidates for this year's Miss. CICS 2019.I believe it will be a hard time selecting who will wear the crown."
Echos ng emcee habang nandito na ulit kami sa back stage para isa-isang ipakilala sa madla. Muli akong nag antanda at tahimik na nag dasal.
"Exactly, Josh!Well,to formally introduce the Miss.CICS 2019 candidates,let us call on candidate number 1" Nag hiyawan ang mga tao ng lumabas si candidate number 1. Hanggang isa-isa na kaming tinawag sa stage.
Matapos ang introduction ay casual wear naman ang ibibida namin. Unti-unti ay nawawala ang kaba ko,marahil nasasanay na ako sa presensya ng mga tao sa labas.Kapag tinatamaan naman ako ng kaba ay titingin lang ako sa direksyon ng mga classmates ko kung saan naka upo ang dalawang importanteng babae sa buhay ko.Si Mama at si Je. Ang mga ngiti at hiyaw nila para i-cheer ako ang ginawa kong sandata para magpatuloy sa laban na ito.
"Alright, let us give you once again the Miss. CICS 2019 candidates in their casual and fun wear." Announce ulit ng emcee kaya sunod-sunod na kaming lumabas sa stage.
"Around of applause for candidate number 5." Nakangiti akong rumampa at hindi ipinakita na kinakabahan ako.I give them my best smile na naging dahilan ng hiyawan nila. May tiwala ako sa mga 'ngiti' ko dahil si Je ang nagsabi na ako ang may pinaka magandang ngiti na nakita niya sa buong buhay niya. Ewan ko kung binobola lang niya ako but I choose to believe.
"Good job,Kaori!Ipapanalo natin 'to!" Tuwang-tuwang sabi ng handler ko kasabay ng pag abot sa akin ng bottled water.Kaagad ko iyon tinanggap at nagpasalamat sa kanya.
Naupo ako at pansamantalang nag pahinga dahil nakaka pagod din pala itong pag pa-pageant.Halos mahilo na ako kung ano ang uunahin na gawin.Buti na lang at nandito ang team ko para asikasuhin ang mga kailangan ko.
"My loves!" Para bang nag liwanag ang paligid ko at nawala ang pagod ko ng makitang pumasok sa dressing room ko si Je.May nakasabit na I.D sa leeg niya na may nakasulat na STAFF.
"Ang galing mo,my loves!" Tili niya.Excited akong tumayo para salubungin siya ng yakap.
"Thank you!Si Mama?" Nakangiti kong tanong ng mag bitaw kami ng yakap.Saka ko lamang napansin na nandito nga pala ang team ko. Sh*t!Narinig nila! Sinulyapan ko sila at nakita ang nakakaloko nilang mga ngiti. Sana lang ay hindi nila ako isumbong kay Mama. Tiningnan ko ang handler ko at nag thumbs up lang siya sa akin na ikinahinga ko ng maluwag.
"Hay'un hindi makaalis sa upuan sa sobrang kaba.Umiiyak nga 'tuwing lalabas ka na." Natatawang sagot niya at parang balewala lang sa kanya na may iba kaming kasama rito. Hindi man lang siya naiilang o ano.
"Drama queen talaga si Mama." Naiiling akong muling naupo.Naririnig pa namin ang tunog ng sayaw na pine-perform ngayon ng Indak dance troupe. Ang Indak dance troupe ay ang official dance troupe ng university kung saan ako kabilang. Alam ko ang sayaw na iyon dahil ilang ulit ko rin iyong na practice kasama sila bago ako mag decide na sumali sa pageant na ito.
"So,ano ng next?" Tanong ni Je kasabay ng pag upo sa tabi ko.
"S-Swimsuit." Nailang akong tumingin sa kanya
lalo pa at nakamasid ang mga kasama ko sa amin.
"Kahit ano pa 'yan, I will support you." Nakangiting sagot niya.Hindi siya kasama noong bumili ako ng swim wear na gagamitin ko sa gabing ito,kaya wala siyang ideya kung anong itsura ko kapag suot ko na ang mga ito.Nae-excite tuloy akong makita kung anong magiging reaksyon niya? "Basta 'wag ka lang mag huhubad sa harapan nila." Pilya niyang bulong na ikinapula ng buong mukha ko.
"Baliw!" Mahina ko siyang hinampas sa braso niya saka bumulong din sa kanya. "Sa harapan mo lang gano'n?" Bahagya kong kinagat ang earlobe niya saka humiwalay sa kanya.
Nakita kong nakatulala siya at parang nakakita ng multo.Namumula siya na parang kamatis. D*mn!She's beautiful while blushing.
"You're so cute,my loves." Mahina kong sabi saka ni-pinch ang mag kabila niyang pisngi.
"M-Matagal na." Sagot niya ng makabawi sa pamumula.
"Girl,magbihis na.Mamaya na ang landian." Lapit ng handler ko na may mapanudyong ngiti.Natawa pa ang tatlo naming kasama maging si Je.
"Good luck." Tumayo siya at humalik sa pisngi ko saka nagpasalamat sa mga kasama ko.
..
Muli na kaming naka pila para sa evening gown competition. I am wearing a royal blue sweetheart off-the-shoulder long dress with lace.Para sa details nito,meron itong embroidered lace and rhinestone bodice with lining train.Ang closure nito ay zipper at the back.I'm also wearing a four inches heels na lalong nagpa tangkad sa akin.About naman sa make up ko,light lang ito at hindi na nila pina singkit ang mga mata ko dahil natural na ito.Itinaas nila ang buhok ko at hinayaan lamang bumagsak ang bangs ko sa magka bilang gilid. Kampante ako sa looks ko pero hindi ko man lang magawang ngumiti sa pagkakataong ito.
Kung bakit?Mula kaninang swimsuit competition ay hindi ko pa ulit nakikita si Je.Pinaghandaan ko pa naman ang swimsuit competition para sa kanya,tapos makikita ko lang na blangko ang seat niya. Nasaan ba kasi siya?Naiinis ko ng tanong sa sarili.Kung kailan nasa dulo na ako ng kompetisyon ay saka naman siya mawawala na parang bula. Nakakainis!
"Moving on,we have seen how the candidates carry themselves in their casual and swimsuit attire,but we will see something more unique about them when they wear their evening gown." Dada ng emcee na ipinag sa walang bahala ko.Wala na ako sa mood na tapusin pa 'to.
"But wait,Josh there's more. The "Quarter note" band from CABE department will join us to serenade our lovely candidates!" Nanlaki ang mga mata ko sa announcement ng isa pang emcee. Ang Quarter Note band ay ang bandang kinabibilangan ni Je!Shems!Is she going to sing?! Natataranta kong tanong sa sarili.Kaya siguro siya wala kanina sa swimsuit competition ay nag re-ready sila ng banda niya para sa gabing ito.At kaya siya madalas pumunta sa building namin ay para mag ensayo. Sila ang tutugtog ngayong gabi dahil walang banda ang CICS department.Bakit ngayon ko lang 'to naisip?!
"Wow!Let's give them a big hand together with the candidate number 1." Nag hiyawan ang mga tao ng nag simulang tumugtog ang banda kasabay ng pag labas ng unang kalahok.
Oh yeah, oh yeah
Yeah, ooh, yeah
Boses lalaki ito at kilala ko ang boses niya. It's Gabby,ang bokalista nilang lalaki.
When a day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my love
Stay awake looking at your beauty
Telling myself I'm the luckiest man alive
'Cause so many times I was certain
You was gonna walk out of my life, life
Why you take such a hold of me, girl,
When I'm still trying to get my act right?
Lumabas ang pangalawang kalahok habang patuloy na kumakanta si Gabby.
What is the reason when you really could have any man you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle?
Sumunod ang pangatlo.Parang gusto ko ng sumunod sa kanya para makita kung tama ba ang hinala ko na nasa stage ngayon si Je. Bilisan mo ng maglakad ,please!
I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Lumabas ang pang apat at heto na naman ang puso ko.Kinakabahan na nae-excite ako sa mangyayari.
Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful
Don't wanna lose you, no
Ako na ang next!Shocks!
Malalim akong bumuntong-hininga bago lumabas.
Sa pag labas ko ay malakas na palakpakan at hiyawan ang maririnig kasabay nito ay pag i-iba ng boses ng kumakanta. Malapad akong napangiti ng mapag sino ito.
Ask myself why are you even with me
After all the s**t I put you through?
Why did you make it hard so with me?
It's like you're living in an igloo
It's Jelay,my loves.
Nasa bandang tagiliran sila naka pwesto ngunit hindi iyon magiging hadlang para hindi ko siya sulyapan.
But baby your love is so warm it makes my shield melt down, down
And every time we're both at war you make me come around
Nakangiti siya sa akin habang naglalakad ako.Kung pwede lang na makipag titigan sa kanya ay ginawa ko na.Full of confidence kong ibinalandra ang kagandahan ko sa lahat ng nanonood habang patuloy pa rin sa pag kanta si Je. Sisiguraduhin kong ang lahat ng mga nandito ngayon ay magiging estatwa habang pinagmamasdan ang kagandahan ko lalo na si Je.
What is the reason when you really could have any man you want?
I don't see what I have to offer
I should've been a season
Guess you could see I had potential
Do you know you're my miracle?
Muling nag tama ang mga mata namin.Sa karamihan ng tao,sa malakas na palakpakan at hiyawan,sa kumukuti-kutitap na entablado ay nakita ko,nabasa ko at naramdaman ko ang gustong sabihin ng mga mata niya-na sa lahat ng mga kalahok na naririto,ako ang pinaka maganda sa paningin niya.
I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Muli kong inalis ang paningin ko sa kanya at naglakad kung saan ang spot na dapat kong tayuan.
Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful
Don't wanna lose you, no
And you're so beautiful
Don't wanna lose you never
Oh, no
Sumunod na ang pang anim,pang pito at pang walong kalahok ngunit nanatili akong naka tingin kay Je habang nakikinig sa maganda niyang awitin.
How I love her singing voice.The way her lips,tounge and mouth form a letters and words,it resonate in my ears.Her voice is like a music set to a melody and sang by an angel.It comforts me and brings me hope and courage.It takes me places only imagined in dreams.Paradise once lost is found in her voice.
Every single day of my life I thank my lucky stars
God really had to spend extra time when he sculpted your heart
'Cause there's no explanation
Can't solve the equation
It's like you love me more than I love myself
I'm like a statue
Stuck staring right at you
Got me frozen in my tracks
So amazed how you take me back
Each and every time our love collapsed
Nag duet sila ni Gabby habang kami naman ay sabay-sabay na rumampa para sa final look.
Statue
Stuck staring right at you
So when I'm lost for words (statue)
Every time I disappoint you
Baby, it's 'cause I can't believe ('cause you're my statue)
That you're so beautiful (girl, you are the reason)
Stuck like a statue (the reason for living)
Don't wanna lose you, no (the reason for breathing)
Stuck like a statue (you're so beautiful)
And you're so beautiful (and I want you to feel it)
Stuck like a statue ('cause so bad I mean it)
Don't wanna lose you, no (you're the reason for breathing)
Stuck like a statue (you're so beautiful)
Whoa, whoa, whoa, whoa, yeah yeah yeah yeah
Muli akong sumilay sa kagandahan niya at muli nag tama ang paningin namin,na para bang hindi niya inalis ang paningin niya sa akin simula pa kanina.
Tumigil kaming lahat na kalahok sa gitna kasabay ng pagka wala ng tugtog.
When the day is said and done
In the middle of the night, and you're fast asleep, my loves
Malapad akong napangiti dahil sa solo niyang pag kanta ng huling lines sa awitin.Kahit hindi ako nakatingin sa kanya,alam ko at ramdam ko na naka tingin siya sa akin at para lang sa akin ang awitin niyang iyon.
I'm the luckiest human alive.
Ipinakita ko sa lahat ang pinaka magandang ngiti na magagawa ko at matutunghayan nila sa gabing ito.
Ito ang ngiti ng kasiyahan.At isa lang ang natatanging tao na dahilan.
Siya lang.
And I'm the luckiest girl alive because I have her in my life.
She's my beautiful statue.
A.❤