It's been a month since mangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan.Aaminin kong naguguluhan ako. Sino ba naman ang hindi? Parang kanina lang nag iisip ako kung paano ko makakalimutan si Gelo?Ganito ba talaga kabilis mag bago ang mundo? Tama siguro ang sabi nila,there is change,whether you remain or hold on. Permanency is a paradox.
Maraming nagbago lalo na ang pakikitungo ko sa kanya,sa best friend ko. Minsan natutulala na lang ako sa kawalan at napapa isip. Nangyayari ba talaga lahat ng 'to?
I tried to suppress it dahil may ideya na ako kung ano bang pakiramdam 'to. But how can I suppress it?She always seems to be running through my mind.I lose sleep because of her.She always making sure that her presence is felt in my life.
Pati ang mga kilos ko ramdam na ramdam ko na nag iba na rin. Dati-rati ay kaya kong humarap sa kanya na magulo ang buhok,hindi pa naka toothbrush o kahit pa yata may muta ako sa mga mata. But right now,I'm acting weird.I'm always feel like I need time to prepare and gather myself before I can interact with her. Madalas ko rin kasing mapansin na tinititigan niya ako and I just lose my cool whenever she do that. I become really anxious and nervous and I just don't know how to act normal in front of her.
Isa rin sa mga nagbago ay ang pagiging mahigpit ko sa kanya, especially sa mga nakaka sama niya. Kung noon ay okay naman sa akin na may iba siyang nakakasama dahil at the end of the day,ako pa rin naman ang best friend niya. I hate to say this pero hindi na gan'on ngayon. I don't want to compete with anyone else for her attention but I can't help myself. Pakiramdam ko ay anytime ay pwede siyang mawala sa akin.Isa rin ito sa ipinagtataka ko sa sarili.Hindi naman ako ganito ka-possesive kay Gelo noon. Hindi ako selosang babae pero bakit kay Je,nagkaka ganito ako?Kulang na lang i-kahon ko siya sa sobrang selos. Okay, I admitted it already. I'm a jealous type of girl when it comes to her.
Tatlong salita lang ang masasabi ko sa lahat ng mga nangyayari at nararamdaman ko ngayon. Magulo pero masaya. I'm happy.She makes me happy.It's a simple as that.
"Bye,girls!" Nakangiti kong pag papaalam sa mga co-candidates ko. Candidates?Yes! Sumali ako sa pageant dito sa department namin na ginaganap taon-taon. Kung sino ang mananalo rito ay siya namang magiging representative ng department namin sa gaganaping Miss.H.U 2019 na taon-taon ding ginaganap.
Kung bakit ako sumali?Isa lang ang dahilan.Gusto kong manalo para maging title holder. Hindi second,hindi first kundi title. If you know what I mean.
"Bye,Kaori,see you the day after." Kumaway ako sa kanila kasabay nang, "Ingat kayo."
Habang naglalakad palabas ng building ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko.
Bebe,how are you?Nakauwi ka na ba? Pauwi na ako.
Text ko kay Je dahil kanina pa ako hindi nakaka pag update sa kanya. Ilang oras din kasi kaming nag practice.
"Holdap 'to!"
"Oh my gad!" Halos mahulog ko ang cellphone ko sa sobrang gulat. "Akin na ang puso mo!" Dugtong pa ng babaeng naka akbay sa akin.
"Je?!You scared me!" Reklamo ko sa kanya. Papatayin ba niya ako sa gulat?!
"You should've seen your face." Tawang-tawa pa niyang komento sa ginawa niya. Akala ko tuloy ay may nakapasok na talagang holdaper dito.
"Funny!" Siniko ko siya sa tagiliran kaya inalis niya ang pagkaka akbay sa akin. "I thought nakauwi ka na?Maaga kayong na dismissed kanina di ba?" Tanong ko habang siya ay namimilipit pa rin sa sakit. Bagay sayo 'yan.
"Ah kasi gani..." Inayos niya ang pagkakasabit ng gitara sa balikat niya.
"Saka bakit nandito ka sa building namin?" Taas-kilay kong tanong. Sa pagkakaalam ko wala naman siyang ibang kaibigan sa department namin maliban sa amin nila Reign.
"May pinunta..."
"Sino? Siguraduhin mo lang maayos 'yang sagot mo,Jelay." Humalikipkip ako at ipinakitang seryoso ako sa pagtatanong.
"Teka lang,paano ba ako makakasagot, hindi mo ako pinapatapos magsalita." React niya ng makabawi sa sakit ng pag siko ko kanina.
"Dahil mag dadahilan ka lang.So tell me,sinong pinuntahan mo dito?"
"I-Ikaw." Nag lumikot ang mga mata niya kaya alam na alam ko na nag sisinungaling siya.
"Sigurado ka?" Naningkit ang mga mata ko ng tumango siya. "Liar." Singhal ko at nag umpisa ng maglakad.
"Hello,Miss Kaori." Tumigil ako saglit dahil sa pag approach ng isang lalaki sa akin.
"Yes?" Mataray kong tanong. Napansin kong nakasunod na pala sa akin si Je.
"Para po sayo." Magalang naman nitong iniabot ang boquet ng bulaklak na para raw sa akin.
"Sinong nagpapa bigay?" Huminahon ang boses ko dahil mukha namang mabait itong kausap ko. Sa tingin ko nasa lower year siya.
"Hindi ko po kilala.Basta ang sabi iabot ko lang daw po sayo."
Tiningnan ko siya at katulad ni Je ay nag sisinungaling siya. "Sige po,mauna na po ako." Mabilis siyang nagpaalam at nagtatakbo papalayo.
"Halika na." Natauhan lang ako ng nilampasan ako ni Je at nauna ng maglakad. Hindi man lang ako hinintay.
"Hoy!Teka,bakit ba ang bilis mong maglakad?" Reklamo ko sa kanya ng maabutan ko siya sa labas na ng building namin.
"Kanino kaya nanggaling 'to?Wala man lang card." Curious kong sinimpat ang boquet na hawak habang naka upo na sa sasakyan ni Je.
"Oo nga pala,bebe alam mo ba..." Nag simula akong mag kwento tungkol sa nararanasan ko sa practice namin sa pageant. Mahirap pero satisfying. Naisip ko rin kasi na huling taon ko na ito sa Howell,so much better kung susulitin ko na.Matagal na rin naman akong kinukulit ni Prof.Masangkay. Siya ang coordinator ng pageant sa department namin.Tuwang-tuwa siya noong nag punta ako sa office niya at nag sign para maging official candidate sa Miss CICS 2019.
"Hey!Are you listening?" Sa dami ng naikwento ko sa kanya ay hindi siya nag react man lang.Focus siya sa pag da-drive habang naka kunot ang noo. Sarap plantsahin!
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko pero parang wala naman siyang naririnig. "May problema ka ba?" Nag aalala kong tanong.
"Look,kung about 'to sa pag punta mo sa building namin,naniniwala na ako." Sabi ko dahil baka nagtampo siya sa akin. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin?Bababa na lang ako." Nakakainis na parang wala siyang kasama ngayon!
"What?" Lumingon siya sa akin saka muling ibinalik ang paningin sa pag da-drive.
"Stop the car.Bababa ako!" Nagtagis ang bagang ko. I'm so pissed off!Nakakainis siya!
"Ano bang problema mo?!" Itinabi niya ang sasakyan habang nakakunot pa rin ang noo.
"Ikaw ang may problema!" Bulyaw ko sa kanya. Okay naman kami kanina,tapos biglang aarte siya ng ganito! Ayaw naman niyang sabihin kung bakit?
"Ano ba kasing problema,Je?Hindi ako manghuhula." Pinilit kong huminahon dahil ayokong mag away kami sa isang bagay lalo na at hindi ko naman alam kung bakit siya nagkaka ganito.
"H-indi mo sinabing gusto mo pala ng bulaklak..." Bumaling siya sa kabilang side kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. "Eh di sana binili-han kita." Nakagat ko ang lower lip ko para pigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ko. Gusto ko tuloy kumanta nang, you making me kilig.Kilig na kilig.
"Anong ngini-ngiti mo diyan?!" Hindi maipinta ang mukha niya ng bumaling siya sa akin. Ang kyot-kyot ng bebe ko. Gusto ko tuloy i-pinch ang mag kabila niyang pisngi.
Hindi ko na naiwasang matawa sa ekspresyon ng mukha niya. "Are you jealous?" Natatawa pa ring tanong ko sa kanya.
"W-What?No!" Namilog ang chinita niyang mga mata at naglilikot na naman ang mga ito.
"Je,are you jealous?" Ulit ko sa tanong ko.
"No." Bumaling siya sa harapan ng sasakyan at iniwasan ang mapanudyo kong tingin.
"Bebe,are you jealous?" Pangungulit ko pa sa kanya.
"I already told you,no!" Singhal niya sa akin na ikinasimangot ko. In denial queen!
"Okay,sabi mo eh." Iniangat ko ang boquet at akmang aamoyin ito.
"Akin na nga 'yan!" Hinablot niya ito sa mga kamay ko saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa tabi niya.
"Hoy!Anong gagawin mo?" Sita ko sa kanya ng makalabas siya ng sasakyan.
"Aba't..." Nanlaki ang mga mata ko ng itinapon niya ang boquet ng bulaklak sa basurahan sa 'di kalayuan. Sira ulo talaga 'to.
Confident pa siyang nag lakad pabalik kaya hindi naiwasan ng ibang dumaraan na mapatingin sa kanya. Maging ako ay napatulala. Sa pagtitig ko sa kanya ay napatunayan kong nasa kanya na nga ang lahat. She's smart,interesting,witty,talented and beautiful.Most especially,she's incredibly kind. She's indeed a rare of gem.
"Are you crazy?" Natatawa kong tanong ng makabalik siya sa sasakyan. "Bakit mo itinapon?"
"Ibibili na lang kita ng bago.'Yung mas fresh. 'Yung mas maganda,kasing ganda mo." Balewala niyang sagot saka muling binuhay ang makina ng sasakyan.
Pinupuri niya ba ako? Mas lalong lumapad ang pagkaka ngiti ko dahil sa compliment na iyon. My gosh,Kaori pwede ka ng pamalit kay McDonald's.
"Obvious nga na hindi ka nag seselos." Ngiting-ngiti kong pang aasar sa kanya. Ang selosa rin pala nitong bebe ko.Kilig ka naman? Kantyaw ng malandi kong self.
"Oo nga pala,sa bahay ka na mag dinner.Ite-text ko si Mama."
Iniba ko ang usapan dahil parang ayaw na niyang maalala pa ang kaawa-awang bulaklak na iyon.
"Huwag na,Kao.Ihahatid lang talaga kita." Sagot niya.
"Bakit?Saan ka pupunta?"
"May sleep over ako kayna Yen.Matagal na niyang hinihirit sa akin 'yon." Sumulyap siya ng bahagya sa akin and this time,alam kong nagsasabi na siya ng totoo.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Pagtatampo ko.
"Sinabi ko na ngayon." Sagot niya na ikinairap ko. Wala talaga siyang matinong sagot.
"Sino pang kasama niyo?" Curious kong tanong.
"Kami lang dalawa."
"Sure?" Naninigurado ko siyang tiningnan.
"Oo nga."
"Alright.Itext mo na lang ako once you get there." Sagot ko saka inayos ang mga gamit ko dahil malapit na kami sa bahay.
"Copy." Nakangiti na niyang sagot. May saltik din talaga siya paminsan-minsan.
"Thank you sa paghatid,bebe.Mag iingat ka sa pag da-drive,huh." Bilin ko pa sa kanya saka bahagyang binuksan ang pinto sa tabi ko.
"I will.Pasok ka na.Good night."
"Good night." Madiin kong hinalikan ang pisngi niya bago bumaba ng sasakyan.
..
"Oh tulog na ba si Moi?" Tanong ni Mama sa akin ng makababa ako ng hagdan galing sa kwarto ni Moi.Pagka dating ko kanina ay naglambing ito sa akin kaya ako na rin ang nagpatulog sa bata.
"Opo,Ma.What's for dinner?" Magalang kong sagot saka naupo.
"Sinigang." Sagot niya saka naghain ng pagkain para sa akin.
"Sabay na po tayong kumain." Pag aalok ko sa kanya.
"Napansin ko ang sasakyan ni Jelay kanina.Bakit hindi mo siya dito pinag dinner?" Tanong niya ng makaupo kaharap ko.
"May sleep over po siya du'n sa isang band mate niya." Sagot ko kasabay ng pag sandok ng kanin at ulam upang ilagay sa pinggan ni Mama.
"Kamusta pala 'yung pagsali mo sa pageant sa school niyo?" Tanong muli niya habang kumakain.
"Mabuti naman po.Marami akong natututunan." Sagot ko habang kumakain na rin.
"Proud ako sayo,nak." Tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Si Mama naman, gusto pang mag drama." Gusto kong maiyak pero idinaan ko sa biro ang nararamdaman.Minsan lang kasi siya mag sabi ng ganito sa akin kaya touch na touch ako.
"Basta galingan mo,huh.Manonood kami." Nakangiti niyang sabi na ikinatango ko.
"Promise,gagalingan ko po." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay sign na totoo ang pangako ko.
"Maiba tayo, 'yan bang si Jelay ay may boyfriend na?" Muntik na akong masamid sa out of nowhere na tanong ni Mama.
"P-Po?" Naramdaman ko ang malakas na pag t***k ng puso ko.Pakiramdam ko ay lalabas ito sa dibdib ko at mapupunta sa pinggan ko.
"Kako,kung may boyfriend na 'yang bestfriend mo?" Ulit niya sa tanong kanina.
"W-Wala po yata." Tumungo ako para bumalik sa pag kain.
"Sayang.Kung binata pa sana ang kuya Renz mo,napaligawan ko na sana sa kanya si Jelay."
"Ma!" Napa angat muli ang tingin ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ka po ba boto kay ate Angel?" Dinampot ko ang pitsel at mabilis nagsalin ng tubig sa basong hawak ko.
"Gusto ko ang ate Angel mo." Sagot niya. Nilagok ko ang laman ng tubig sa baso ko habang nakikinig sa kanya. "Pero gusto ko rin sanang maging manugang si Jelay." Nagkasamid-samid ako dahil sa sinabi niya. My gad!Ma!
"Ano ba naman 'yan,Kaori!" Sita niya sa akin sa pagiging clumsy ko. Sisihin mo ang sarili mo,Ma!Kung anu-anong sinasabi mo!
"S-Sorry po." Pinunasan ko ang bibig saka muling nag tanong kay Mama. "Ano po bang wala sa iba na meron kay Jelay?"
"Marami,anak.Sana ay makita lahat iyon ng taong mamahalin niya." Nakangiti niyang sagot.
"Kung nandito 'yun,mag ya-yabang na naman 'yun sakin." Natawa si Mama sa sinabi ko. Ang totoo, siya ang gusto kong ipagmayabang sa lahat. Napaka sarap sa pakiramdam na mayroon akong Jelay sa buhay ko.At alam kong nag iisa lang siya.
..
Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maaga pa naman ang pasok ko bukas,siguradong mapupuyat na naman ako. Nakatitig ako sa kisame at natagpuan ang sarili na naka ngiti. Naaalala ko na naman kasi ang nangyaring pag seselos ni Je kanina. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang saya ko na alam kong nagseselos siya.Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi mapawi-pawi ang ngiti sa labi ko. Heto siguro 'yung pakiramdam kapag ipinaramdam sayo ng isang tao na ayaw ka rin niyang mawala. It's a feeling that I never knew existed and now I never want to lose these feelings not even for a moment.
Ilang minuto na ngunit hindi pa rin talaga ako dalawin ng antok.Galit yata siya sa akin ngayon.Kagaya ng naka gawian ko,kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng study table at nag text kay Je.Saying good night at 'wag siyang magpupuyat.After ay nag open ako ng IG at nakita na naka live si Yen,which is kasama niya si Je.
Napangiti kaagad ako ng makita ang maganda niyang mukha. Naka tungo siya at nag te-text.Saka naman tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Ako 'yung ni-text niya. Hindi ko tuloy naiwasang kiligin na naman.
Nag comment ako ng simpleng 'Hoyyy' para kunin ang atensyon ni Je na ngayon ay naka tingin na sa screen. Dumapa ako sa kama at nakangiting pinanood sila ni Yen habang nag kukulitan.
Maya-maya ay nakita na niya ang comment ko pero nawala ang sounds nila kaya hindi ko narinig ang sinabi niya.Hindi ko man narinig,nabasa ko naman sa pamamagitan ng pag bukas ng labi niya ang sinabi niya.
I miss you,bebe.I love you.
Tumihaya ako at ipinadyak ang dalawang paa sa ere dahil sa kilig. Bwisit ka,Je!Ang lakas mong magpa kilig!
Muli akong bumalik sa panonood sa kanila ng ma-handle ko na ang kilig ko. Nag comment ulit ako nang 'bakit walang sounds!!!' Natawa pa ako sa reaksyon ni Je dahil sa pagka wala ng sounds nila. Happy pill ko talaga siya.
Maya-maya ay nawala siya sa screen kaya hinintay ko siyang bumalik ulit. Tumunog ulit ang cellphone ko para sa isang mensahe. Inaalok niya ako ng fries na kinakain niya. Sweet!
Hindi ako naka pag reply dahil muli siyang bumalik sa pagkakaupo kanina. Kumakanta sa tabi niya si Yen habang nakikisabay naman siya. Magagawa ko siyang panoorin kahit hanggang umaga. Nakangiti kong bulong sa sarili na kaagad ding napawi ng may biglang sumingit sa screen.
It's Ashley.
At anong ginagawa niya diyan?!
Hindi pa siya nakuntento at nagawa pa niyang kumandong kay Je.
JILLIAN!HUMANDA KA SA AKIN!MALILINTIKAN KA TALAGA! Kung pwede lang pumasok ako sa screen para makaladkad siya pauwi. BWISIT SIYA!
Halos sirain ko ang screen ng cellphone ko sa sobrang galit.Tinawag pa niyang 'bebe' si Ash! D*mn!I can't control myself!Gusto kong manakit!
Kaagad akong nag out sa IG dahil hindi ko na kayang panoorin ang dalawa. May pa-sway-sway pa sila!Mga hudas!
Ni-reply-an ko ang text niya sa akin kanina na inaalok niya ako ng fries. Isaksak mo sa baga mo 'yang fries mo!
Hindi pa ako nakuntento at muling nag text dahil sa sobrang inis. Kapag hindi ka pa tumayo diyan, I'm going to get you there now,just to kick your a$$,break your bones and put it on your pocket!
Kaagad nag ring ang cellphone ko. Gustohin ko man i-ignore ang tawag niya pero hindi ko ginawa.Mas gusto ko siyang bulyawan dahil sa ipinaparamdam niya sa akin.
Kung nananadya siya,pwes hindi na siya nakakatuwa!
"Hello,beb..."
"Ano na naman 'yung nakita ko,Jelay?!" Madiin kong tanong kasabay ng pag tayo at hindi na pinatapos ang sasabihin niya.
"Huh?"
"Don't play innocent!Alam mo ang tinutukoy ko!" Bulyaw ko sa kanya sa kabilang linya. "You told me na kayo lang dalawa ni Yen dyan.So,bakit nandyan si Ash?!" Galit na galit kong tanong.Sa sobrang galit ko,hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.
"Bebe,hindi ko naman ineexpect na nandito siya.Malay ko bang mag best friend pala sila." Pangangatwiran niya na ikinataas ng kilay ko.
"So kasalanan ko pa ngayon?"
"Hindi naman sa gano'n. Kaya lang..."
"Ano na naman?Na-bored ka na naman kaya hinayaan mong magpa kandong siya sayo!" Naisip ko na naman ang eksenang iyon at gusto ko na namang mag histerikal.
"Kaori, hindi mo..."
"Mag dadahilan ka na naman?Kitang-kita ko,Jelay.May pa sway-sway pa nga kayo eh!" Naiiyak kong sabi sa kanya. Ewan ko ba kung bakit napaka baba ng luha ko pagdating sa kanya. Naiinis na rin ako sa sarili. Bakit ba ako nagkaka ganito?! I know she's just being nice and kind,but the fact that she came into contact with another human being who's as pretty or better than me is enough to unleash the monster within.
"Bebe,please hayaan mo muna akong magpaliwanag." Nakikiusap ang boses niya sa akin so I give her a chance to explain her self.
"Go ahead.I'll give you one minute." Naupo ako kasabay ng pag punas ng mga luha sa pisngi ko.
"Ganito kasi 'yon..."
"Fifty seven." Sagot ko saka tumingin sa wall clock para orasan siya.
"Nu'ng dumating ako dito wala pa naman siya..."
"Fifty four."
"Hindi ko naman akalain na magka kilala pala sila saka..."
"Fifty."
"Saka ano..." Nawala ang sasabihin niya dahil marahil na di-distract siya sa pag bibilang ko. "Hindi ko talaga alam na siya pala ang tinutukoy ni Yen na best friend niya."
"Fourty five." Hindi pa rin ako kumbinsido.
"Hindi naman ako pwedeng umalis dahil nakakahiya kay Yen."
"Fourty one."
"At about d'un sa pag kandong niya..." Sa sinabi niyang iyon ay uminit na naman ang ulo ko. Kailangan talagang ipaalala?!
"Thirty."
"Hoy,teka!Bakit ang bilis?" Natataranta niyang sabi. Mag dusa ka!
"Twenty five."
"Siya ang kumandong at hindi ako." Rinig ko sa boses niya ang frustrations sa pag e-explain sa akin.
"Twenty."
"Hindi ko siya pwedeng itaboy,Kao.Naka live kami,ayoko siyang ipahiya."Nakikiusap ang boses niya pero nag patuloy pa rin akong mag bilang.
"Fifteen."
"Kaibigan ko na rin naman 'yung tao."
"Ten."
"Saka napag usapan na namin na hanggang d'un lang."
"Five."
"Bebe,trust me,please."Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. At ang sinseridad sa pakiusap niya na pagka tiwalaan ko siya.
"Tapos ka na?" Mataray kong tanong. Bumuntong-hininga lang siya imbis na sumagot. "Do me a favor." Dugtong ko.
"Ow-kay.What is it?" Nag aalangan niyang sagot.
"Don't you ever call me 'bebe' unless I'm the only one you're calling that!" Muling singhal ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong gan'on!Ilan ba kaming tinatawag niyang gan'on?Letse siya!
"I'm sorry." Malungkot niyang sagot.
Ilang segundong dumaan ang katahimikan sa pagitan namin.
Ibababa ko na sana ang tawag dahil parang wala naman na siyang balak mag salita. "So,kung hindi na pwede ang 'bebe'..." Hindi ko naituloy ang pagbaba ng tawag ng mag salita siya ulit.
"C-Can I call you my loves,instead?" Sa itinanong niyang iyon ay parang sasabog ang puso ko. Sh*t!Kinikilig na naman ba ako? Ramdam ko ang pamumula ng mag kabila kong pisngi.
"M-My what?" Nangingiti kong tanong.Gusto kong maka sigurado kung tama ba 'yung narinig ko.
"L-Loves.My loves." Sagot niya na ikinatili ko.Kaagad kong tinakpan ng palad ang bibig ko para hindi niya marinig pati na rin nila Mama sa kabilang kwarto.
"Kao?" Tawag ni Je sa kabilang linya. Akala niya siguro ay nawala na ako. Hindi niya alam na nagwawala lang ako sa sobrang kilig. Aminin mo na,pokmaru ka pagdating sa kanya! Oo na,epal ka! Singhal ko sa kabilang bahagi ng utak ko.
"Okay." Ngiting-ngiti kong sagot. Ang landi mo,Kaori! Kantyaw na naman ni mahaderang inner self.
"O-Okay as in..." Nag aalangan niyang tanong na kaagad kong sinagot.
"Oo."
"T-Talaga?" Bulol-bulol pa niyang tanong. I want to see her reaction,right now.
"Oo nga." Kunwaring may pag angil kong sagot. Narinig kong may kumalabog sa kabilang linya.May nahulog yata.
"Ouch!" Mahinang daing ni Je na narinig ko naman. Siya ba 'yung nahulog?
"Hoy, ate Jelay?Anong ginagawa mo diyan?Diyan mo ba balak matulog sa sahig?" Natatawang tanong ni Yen.
I can't help myself but to laugh ng marinig iyon mula kay Yen.
Nahulog si Je sa kama dahil hindi rin niya siguro nakayanan ang kilig. Hay!Jillian Shane Pilones,bakit ang cute-cute mo?!
"Baliw!Matulog ka na nga!" Narinig ko pang sagot ni Je kay Yen na tinawanan lang ng isa. "K-Kao?"
"Hmm?" Hindi ako makapag salita sa sobrang pag pipigil ng kilig.Believe me friend,ang hirap!
"Matutulog na kami,don't worry, hindi siya dito matutulog." Nakangiti akong bumalik sa pag higa. "Good night, my loves." Napayakap tuloy ako sa unan sa sobrang lambing ng boses niya. Jelay!Nababaliw na yata ako sayo!
"Good night..." Sa unang pagkakataon ay sinabi ko ang laman ng puso ko para sa kanya sa pamamagitan ng simpleng eanderment. "My loves."
Oo,mahal na nga yata kita,Jelay.
A.❤