Nagising akong parang pinupukpok ng kung anong matigas na bagay ang ulo ko.Napahilot ako sa sentido dahil ramdam ko ang pagkirot nito. Ugh!Hindi na ako iinom!Sus!Pang ilan na promise mo na ba 'yan? Sabat naman ng kabilang bahagi ng utak ko. Muli akong pumikit para ipagpatuloy ang pag tulog pero napamulat din kaagad ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ni Je. Iginala ko ang paningin at na-realized na nandito pala ako sa kwarto ni Je.Marahil dito na niya ako iniuwi kagabi. Sinipat ko ang katabi ko pero blangko na ito.Mukhang mas maaga siyang nagising sa akin.
Muli akong pumikit ng makaramdam ulit ng antok. Wala naman akong pasok ngayon kaya dito na lang muna ako sa apartment ni Je.Mamaya ko na lang tatawagan si Mama.Sigurado naman na-informed na siya ni Je kagabi na dito ako matutulog.
Teka,ano nga bang nangyari kagabi? Nagmulat ako para alalahanin. Oo nga pala,I saw 'that' jerk kissing someone. Nakaramdam na naman ako ng kirot pero hindi ko na lang pinansin at muling pumikit.
F*ck*ng sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng may ilang senaryong pumasok sa isip ko. Sh*t!Sh*t!Sh*t! Ginulo ko ang sadya ng magulong buhok.Kung wala lang sana akong kasama kanina pa ako sumigaw sa sobrang pagkataranta. Hindi ka totoo!Please,umalis ka sa isip ko!Alis!Alis! Lalong sumakit ang ulo ko sa isiping may naging kahalikan ako kagabi.
Ang masaklap,si Je iyon. Ang best friend ko! F*ck!
Muli akong humiga sa kama para pakalmahin ang sarili. It's just a dream,Kao. Pag kombinsi ko sa sarili pero heto na naman 'yung senaryo kagabi, paulit ulit nag pa-flashback sa utak ko. Napasipa tuloy ako sa kama at parang bulateng nilagyan ng asin sa isiping iyon.
Sh*t ka,Kao!Ano ng gagawin mo?Paano ka haharap ngayon kay Je? Nakagat ko ang sariling labi nang muling may maalala. That kissed. I can't deny that it was a kiss to make angels faint and demons weep. It was wonderful.
"Ugh!" Nagpa gulong-gulong ako sa kama sa pag asang mahihilo ako at hindi ko na ito maaalala. Imposible! The kissed we shared last night was one I shall never forget. I f*ck*d up!
Pilit kong pinakalma ang sarili para makapag isip ng solusyon sa problema ko. Mag pretend na lang kaya akong walang naaalala? Napa bangon ulit ako sa naisip. Yes,that's a good idea! Kaagad kong inayos ang kama saka nag punta sa maliit na c.r sa loob ng kwarto ni Je para mag ayos ng sarili at para paghandaan na rin ang pag harap ko sa kanya.Mayroon akong personal na gamit sa kwarto niya dahil madalas din naman ako rito.
Matapos ang morning routine ko ay nagpasya akong lumabas ng kwarto. Act cool,Kaori.Kaya mo 'yan! Pagpapalakas ko ng loob sa sarili.
Bago ako lumabas ng pinto ay sinilip ko muna sila at nakita ko nga na nag uusap sila ni Karina sa may living area.
"Balak ko sanang magluto ng breakfast para sa boarder natin.Nakakahiya naman kung wala siyang magigisnan na almusal." Narinig kong sabi ni Karina. Mabait din talaga siya.Hindi nga lang kami nabibigyan ng pagkakataon na mag bonding dahil madalas siyang wala kapag nandito ako.
"Here." Ipinatong nito ang tasa ng kape sa lamesang kaharap ni Je.
"Thanks,Kare." Hindi ko makita ang reaksyon ni Je dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. "About sa breakfast, light lang ang tina-take niya.Hindi siya nag ra-rice sa umaga." Napangiti ako sa isinagot niya kay Karina.Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Gano'n ba?Sayang naman,balak ko sana siyang lutuan ng tapsilog."
"Ang daya naman.Siya may pa tapsilog ka,ako simpleng kape lang.Mapait pa." Reklamo ni Je at mukhang ibinaba niya ang tasa ng kape niya.
"Asus, tamporurot naman kaagad si Jeje ko." Nakangiting lumapit si Karina sa kanya.
"Jeje?Parang 'hehe' lang ng jejemon,ah." Side comment naman ni Je sa pet name na ibinigay sa kanya ni Karina.
"Ano bang gusto mong breakfast,Jeje?" Nangunot ang noo ko ng pumunta siya sa likod ni Je at niyakap ito mula sa likod.
"Pancake!" Magiliw na sagot ni Je. Ganito ba sila 'tuwing umaga? Hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng mga paa ko papalapit sa kanila.
"Ehem." Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.Bumaling sila sa akin kasabay ng pagkalas ng yakap ni Karina kay Je.
"Oh hi,Kaori. Good morning." Nakangiting pagbati ni Karina.
"Good morning din sa inyo." Pinilit kong ngumiti saka tumingin sa direksyon ni Je.
"M-Morning,bebe.Hang-over?" Nagtama ang paningin namin pero kaagad din siyang nag iwas ng tingin. Sh*t!Naaalala rin niya ang nangyari!Malamang,nakalimutan mo yatang hindi naman siya lasing kagabi?Shut up! Bulyaw ko kay inner self.
"Y-Yes." Pinilit kong umakto ng normal.Hindi ko hahayaang magka ideya siya na natatandaan ko ang nangyari kagabi.
"A-Alak pa more." Halatang pinipilit niyang kumilos ng normal. Kung hindi ko siya kilala,hindi ko mapapansin na naiilang siya.Pero kilalang kilala ko siya at naiilang na siya! Anong gagawin ko?!
"You want coffee,Kaori?" Pag aalok ni Karina.
"Ah don't bother,Kare.Let me, iba kasi ang taste niya sa kape eh." Tumayo si Je at pumunta saglit sa kusina.
"Sige,ihanda ko lang 'yung pancake mo.Ikaw,Kaori?" Sagot ni Karina saka bumaling sa akin.
"Okay na ako rito." Nakangiti kong sabi ng makita ang sliced bread sa harapan ko.Naupo na ako at nilagyan ng palaman ang tinapay na hawak ko.
"H-Heto na 'yung kape mo." Bumalik si Je na may dala nang tasa ng kape.
"Salamat." Nakangiti kong tinanggap iyon mula sa nanlalamig niyang kamay.
"How's your sleep/Anong time ang pasok mo?" Magkasabay naming tanong kaya nagkatinginan kami.
"Ah i-ikaw muna." Nataranta siya ng mag tama ang paningin namin.I understand her actions,maging ako ay nakakaramdam ng awkwardarness.
"I-Ikaw na." Sagot ko saka kumagat sa tinapay na nilagyan ko na ng palaman.
"N-Nine pa." Maikli niyang sagot at bumalik sa upuan niya kanina.
"Okay naman.Sorry napasarap 'yung tulog ko." Pinilit kong 'wag mabulol dahil ayokong makahalata siya.Mas lalo siyang maiilang kapag nalaman niyang naaalala ko ang nangyari kagabi.
"Kaya pala nag i-snore ka pa." Ngumiti siya kaya napagmasdan ko ang labi niya. Nakaka akit ba,Kao? Tanong ng kabilang bahagi ng utak ko.
"No!That's not true!" Napalakas pa yata ang sagot ko dahil sagot ko rin ito sa naguguluhan kong utak.
"Oo kaya." Pang iinis niya.Nararamdaman kong nagagawa na niyang labanan ang awkwardness,kaya dapat ako rin.
"I hate you." Nakasimangot kong response kasabay ng muling pagkagat sa tinapay na hawak ko.
"Oh ang aga niyo namang mag away." Bumalik si Karina galing kusina at ibinaba ang plato ng pancake na para kay Je. "Here's your pancake,Jeje." How sweet! Nalasahan ko ang palaman ng tinapay ko. Bakit pumait yata?
"Ganito kami mag lambingan,Kare-Kare." Sagot ni Je saka nilantakan ang ginawang breakfast ng Kare-Kare niya. Parang ulam lang. I smirk with the thought.
"Cute, aso't pusa lang." Naupo na rin ito at nag umpisang kumain.
"Ikaw 'yung aso." Turo ko kay Je.
"Ayoko nga.Ako 'yung pusa." Sagot naman niya.Napansin kong naubos niya kaagad ang pancake na ginawa ni Karina. Naaala ko tuloy ang palpak na tinola at caldereta na iniluto ko noon para sa kanya.
"Ikaw 'yung aso because I love dogs." Sagot ko saka napatingin kay Je ng ma-realized ko ang sinabi ko.
"Ah eh...m-maliligo na ako." Kaagad siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya.
Lintik ka,Kaori! Stupid!
..
Nandito ako ngayon sa isang branch ng bakery namin. Naabutan ko si ate Cheng at ilang tauhan ni Mama habang busy sa pagmamasa ng tinapay.
"Magandang hapon po,Ma'm." Pag bati nila sa akin na ikinangiti ko.
"Good afternoon din po sa inyo." Magalang ko namang sagot saka nag tanong, "Ate Cheng,si Mama?"
"Nasa kabilang branch po,Ma'm." Sagot nito sa akin.
"Nasundo na po kaya niya si Moi sa school?" Tanong ko ulit dahil kanina pa ako tumatawag ay hindi naman niya sinasagot.
"Bumisita po kanina si Jillian dito,nag prisinta po siya kay Ma'm Qel na siya na ang susundo kay Moi sa school." Nagulat ako sa sinabi nito saka napatingin sa wrist watch kong suot. Alas tres na ng hapon.Maaga sigurong na-dismissed ang klase ni Je kaya may panahon siyang sunduin si Moi sa school nito.
"Deretso na raw po ba sa bahay o dadaan sila rito bago umuwi?" Muli kong tanong.
"Ang alam ko po,dadaan muna Ma'm.Hintayin niyo na lang po.Baka po kasi matagalan pa si Ma'm Qel sa kabila."
"Sige po,ate Cheng.Saka kung pwede po,Kaori na lang ang itawag niyo sa akin." Nakangiti ko pa ring sabi.Hindi ako komportable na may 'po' at 'opo' sila kapag kausap ako.Feeling ko ay tumatanda ako.
"Pero anak po kayo ng amo namin." Katwiran nito.
"Hindi naman po ako ang amo niyo eh." Katwiran ko rin sa kanya.
Iiling-iling muna ito bago muling nag salita. "Gusto mo ba ng merienda?"
"Mamaya na lang po siguro.Sa office na muna po ako." Paalam ko kay ate Cheng.Nagtungo ako sa maliit na opisina ni Mama saka pabagsak na naupo sa malambot na sofa. Ibinaba ko ang mga dalang gamit.Marami ito dahil mga gamit ko ito sa thesis.Katatapos ko lang kasing makipag kita sa dalawa kong groupmates para mapaghandaan ang nalalapit naming defense.
Napatingin ako sa dalawang picture frames na nakapatong sa lamesa ni Mama.Litrato iyon ng pamilya namin.Si Mama,kuya,ate Angel,si Moi at ako.Sa pangalawang frame ay makikita si Mama,ako,si Tita She at si Je. Tita She is Je's mother. Kinuhanan pa ito sa Gensan ng minsang mag bakasyon kami sa kanila.
Napatitig ako sa pangalawang frame partikular sa litrato ni Je. Tatlong araw na ang nagdaan mula ng mangyari ang aksidenteng halik na iyon. Oo,aksidente. Iyon na lang ang ipinasok ko sa utak ko.Hanggang ngayon,hindi pa rin namin napapag usapan ang nangyari.Hanggang ngayon,nagpapanggap pa rin akong walang alam. Hanggang ngayon,gumugulo pa rin ang halik na iyon sa isip ko. Nababaliw na yata ako!
Mabuti na nga lang at hindi na kami nagkaka ilangan ni Je.Marahil kinalimutan na niya 'yung halik na nangyari,pero bakit ako,hindi ko pa rin makalimutan?
"Mimi Yin!" Boses ni Moi ang ikina putol ng pag iisip ko.Mimi Yin ang tawag sa akin ng bata dahil noong nagsisimula pa lamang siyang magsalita ay hindi niya mabigkas ang Momy Kaori. Mimi Yi(Ri) ang madalas niyang nababanggit,na noong kalaunan ay naging Mimi Yin.
"Hello,Moi-Moi.How's your day?" Nakangiti kong sinalubong si Moi at hinalikan ito sa pisngi. Feeling hindi nagkikita sa bahay.Harhar.
"Very good po,Mimi.Sinundo po ako ni Mimi Yang." Magiliw na sagot ng bata saka itinuro ang papalapit na babae. Mimi Yang naman ang tawag niya kay Je dahil naririnig niyang tinatawag itong Jilyang ni Kuya Renz. Hindi niya mabanggit ang Jil kaya naging Yang na lang. Nakakatawa mang isipin pero bagay ang pet names na ito sa pagkakaibigan namin ni Je. A Yin-Yang.
"Hello,Kao." Nakangiting bati ni Je sa akin at ewan ko kung bakit bigla na naman akong nailang.
"S-Salamat sa pag sundo kay Moi,bebe." Pinilit kong ngumiti at hindi pinahalata na ninenerbyos ako. Bakit nga ba ako ninenerbyos?
"You're welcome." Sagot niya.Magtatanong pa sana ako kung bakit maagang natapos ang klase niya pero nangulit na itong si Moi sa tabi ko.
"Mimi!Mimi!" Paghila pa nito sa laylayan ng damit ko.
"Yes,baby?" Tumungo ako para kausapin ito.
"I'm hungry na po." Ngumuso ito saka hinaplos ang tyan.
"Ah ayaw niya kasing kumain kanina sa canteen nila." Sagot ni Je na ikinabaling ko sa kanya.Saka ko lamang napansin na hindi siya naka uniform.Marahil umuwi muna siya bago sinundo si Moi.Nakasuot siya ng blue sweatshirt na croptop at may naka print sa harapan nito na Los Angeles .Ang pants niya ay itim na high-waist at nakasuot siya ng puting rubber shoes. Nakasabit naman ang shades niyang dala sa bandang dibdib ng sweatshirt niya. Simple lang 'yung suot niya pero ang lakas ng dating.
"Ano bang gusto mong kainin?" Bumaling na ako kay Moi dahil baka mahalata niyang pinagmamasdan ko siya.
"Hamburger and fries!" Nagtatalon pa ang bata sa sagot nito.
"Bubuyog/Julibi." Magkasabay pa naming sagot ni Je na sabay din naming ikinatawa.
..
"Mimi,can I ask something?" Kunot-noong tanong ni Moi habang nilalantakan nito ang fries sa ibabaw ng lamesa.
Nandito na kami sa fast food na paborito ng mga bata at minsan maging ng matatanda.
"Sure.What is it?" Sagot ko matapos buhosan ng gravy ang kanin na ni-order ni Je.Siya lang ang nag order ng rice dahil hindi pa raw siya nag la-lunch.
"Why is that man homeless?" Tumigil ako sa ginagawa saka sinundan ng tingin ang itinuturo nito.Maging si Je ay napatigil sa pagkagat sa kaawa-awang leg ng manok.
"I'm glad you noticed him." Nakangiti akong bumaling kay Moi na patuloy pa rin na sumusulyap sa matandang pulubi na nasa tapat ng isang pawnshop.
"Maraming pwedeng dahilan kung bakit,baby.Maybe because
he lost his job or become too sick to take care of himself and his home." Sagot ko saka kumagat sa burger na nasa harapan ko.
"But still, we should treat him some respect." Dugtong ni Je na sinang-ayonan ko.
"We can also offer him some foods,right?" Tanong muli ni Moi.Napangiti ako dahil alam kong hindi kami nagkamali ng pagpapalaki sa kanya kahit na wala ang parents niya rito.
"Right." Maikling sagot ni Je habang patuloy na nilalantakan ang pagkain sa harapan niya.
"Can we buy french fries and hamburger for him,Mimi?" Nakikiusap ang mga mata nito.
"Sure,later baby." Nakangiti kong sagot.
"Thank you." Ngumiti ito kaya lumabas ang dalawang dimples nito sa magkabilang pisngi. Kamukhang-kamukha niya talaga si Kuya.
"Mimi Yang?" Agaw nito sa atensyon ni Je.
"Yes?"
"I'm just curious,why do grown-ups like you and Mimi Yin sometimes cry when you're happy?" Napataas ang kilay ko sa tanong ni Moi.
"Ang hirap ah." Nakangiwing sagot ni Je matapos punasan ng tissue ang bibig niya.
"I saw teacher Lennie yesterday.She's crying but she said she's just happy. Bakit po kayo umiiyak kapag masaya?'Di ba dapat po naka smile?" Napangiti ako ng bumaling sa akin si Je habang nakangiwi pa rin.
"Ikaw na kaya?" Tanong niya sa akin.
"Kaya mo na 'yan.Suportahan kita." Nakangisi kong sagot na ikinasimangot niya.
Bumaling siya kay Moi saka muling nag salita, "When we cry out of happiness, it's usually because something feel bittersweet.We feel something so strongly that we just have to let it out. Kapag may isang magandang bagay kaming nakuha,natanggap at nangyari na hindi namin inaasahan, masyado kaming na o-overwhelm and crying just happens.Get it?"
"Yes,Mimi Yang.You're the best." Nag sign pa ang bata ng two thumbs up para sa eksplanasyon ni Je.
"Talaga!Kahit walang tulong ng iba dyan." Irap naman niya sa direksyon ko na ipinag sa walang bahala ko.Patay malisya akong humigop sa inomin ko.
"Mimi, can I ask again?"
"Yeah sure."
"What is the beginning of time?" Ako naman ang napasimangot sa itinanong sa akin ni Moi.
"Ahm...assignment niyo ba 'yan,baby?Masyado yatang mahirap." Tumingin ako kay Je at binelatan lang niya ako. Ang sama ng ugali!
"Nope.I'm just wondering po that's why I'm asking."
"Mabuti pa,itanong mo 'yan kay teacher Lennie, siguradong alam niya 'yan." Sagot ko sa bata. Baka lang makalusot.Hihi
"You didn't know po ba,Mimi?" Kunot-noong tanong nito na muntikan ko ng ikasamid.
"How 'bout mamasyal tayo sa park,you want?" Pagsalo sa akin ni Je.Nakuha tuloy niya ang atensyon ng bata.
"Really?" Excited na sagot nito sa suggestion ni Je.
"Oo, 'di ba Mimi Yin?" Bumaling ito sa akin habang taas-baba ang kilay. Parang sinasabi ng mga mata nito na may utang ka sa akin.
"Yes,after natin kumain, we'll go there.Finish your food,first."
"Okidoki." Bumalik ito sa pag kain at mukhang hindi na ulit magtatanong.
"Hay salamat." Pabuntong-hininga kong sabi na narinig pala ni Je kaya pinagtawanan niya ako. Sira ulo!
..
"Oh may gass,Kao.Pagod na ako." Reklamo ni Je at pasalampak na naupo sa bermuda grass na inuupuan ko.Nandito kami sa park dahil sa suggestion niya at kanina pa rin siya hinihila ni Moi kung saan-saan.
"Sino ba ang nag suggest?" Sarcastic kong tanong.
"Kaysa naman magtanong siya nang magtanong.Baka pati paano bumuo nang bata,itanong niya sa akin."
"Sira ulo ka,marinig ka niyan." Sita ko sa kanya dahil palapit na sa direksyon namin si Moi.
"Mimi,I want cotton candy." Turo nito sa stall ng cotton candy.
"Baby,bawal sayo 'yan.Magagalit si nanay Qel,sige ka." Sagot ko sa kanya saka nilagyan ng bimpo ang likod niya.Mabuti na lang at palagi siyang may baon nito sa bag niya.
"But I want it.I want it." Tantrums nito na hindi ko pinansin.Ako na naman kasi ang papagalitan ni Mama kapag hinayaan ko siyang kumain ng sweets."Please,Mimi Yang?" Bumaling ito kay Je at nag puppy eyes.
"Ahm..." Tumingin si Je sa akin kaya sinenyasan ko siya na 'wag siyang papayag. "Okay,what color do you want?"
"Je!" Sinamaan ko siya ng tingin. Kinokonsinti na naman niya ang bata.
"Hayaan mo na.Minsan lang naman." Tumayo siya at pinagpagan ang pants na nadumihan. "What color do you want?" Ulit niya sa tanong niya kanina.
"Color blue.It's Mimi Yin's favorite." Tuwang-tuwang sagot ni Moi.Kinuha ni Je ang kamay ni Moi at sabay silang nag punta sa stall ng cotton candy. Bahala siyang mapagalitan ni Mama.As if naman papagalitan nga siya.Mas mahal pa yata siya ni Mama kaysa sa akin. Nakasimangot ko silang sinundan.
"Manong,pag bilhan nga po." Approach ni Je kay kuyang tindero.
"Ano 'yon,ganda?" Tanong nito na ikinataas ng kilay ko.
"Ano po bang tinda niyo?" Kahit kailan talaga baliw 'tong si Je.
"Cotton candy lang." I rolled my eyes sa isinagot ni kuya.
"Sige po,cotton candy na lang." Natawa ako sa isinagot ni Je.Mabuti hindi niya ipinahiya si kuyang tindero.Mag tanong ba naman kung anong bibilhin,wala naman siyang ibang paninda kundi cotton candy. Kaloka!
..
"Mimi,what..."
"Oops!No more questions,okay?Kapag nag tanong ka,uuwi na tayo." Pag pigil ni Je sa anumang itatanong ni Moi.
"Grabe ka naman sa bata." Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Oh sige,hahayaan ko siyang mag tanong,ikaw ang sumagot." Sagot niya matapos dumaing sa kurot ko.
"Mimi,pwede po ba akong makipaglaro sa kanila?" Muling nag tanong si Moi.Nakahinga naman ako ng maluwag sa simpleng tanong nito. Akala ko dudugo na naman ang utak ko sa mga tanong nito.
"Sige,pero 'wag kang lalayo huh." Bilin ko sa bata na dinugtungan ni Je.
"'Wag makikipag away." Sabi niya habang itinatali ang mahaba niyang buhok.
"Copy po!" Sumaludo siya kay Je saka nagtatakbo sa grupo ng mga bata sa di kalayuan.
"He's not a little boy anymore." Naiiling kong sinundan ng tingin si Moi.
"Hindi mo na rin dapat siya tinatawag na baby."
"Kahit na lumaki na siya,he's still my baby." Sagot ko kay Je.
"Okay,sabihin mo sa kanya 'yan kapag high school na siya.Tingnan ko lang kung hindi ka makatanggap ng kutos sa sarili mong pamangkin." Natatawang sagot niya.Siya naman ang nakatingin sa gawi ni Moi at ako sa gawi niya.
"Seriously Je,masaya ako na meron kaming isang Moi sa buhay namin."
"Pasalamat ka kay kuya Renz at ate Angel." Tumingin siya sa akin kaya nag tama ang paningin namin.
"Eh ikaw ba,kailan ka gagawa?" Biro ko para mawala ang nagsisimulang awkwardness sa pagitan namin.
"What?" Namilog ang mga mata niya sa itinanong ko.
"Basta ninang ako." Natatawa kong dugtong.
"***** ** ****** *****."
"Huh?" Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya lumapit ako ng bahagya sa kanya.
"Wala.Sabi ko, mauna ka." Natatawa niyang sabi bago bumalik ang paningin kay Moi na naka akbay na sa batang babae na kalaro.
"Soon." Nakangiti kong sagot.
Pansamantala kaming tumahimik habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.Ang sarap sigurong bumalik sa pagka bata. 'Yung walang problema, 'yung masaya lang.
"Je?" Tawag ko kay Je at kaagad naman siyang bumaling sa akin. "If you had a child, what's the first thing you teach them about love?" Curious kong tanong habang hinihintay ang isasagot niya.
"Moi ikaw ba 'yan?"
"Just answer it!" Angil ko.Kahit kailan talaga hindi siya marunong mag seryoso!
Tumungo siya at napagtuonan ng pansin ang mga d**o sa harapan niya. "I,myself doesn't know the definition of what love is." Muli siyang tumunghay matapos bunotin ang ilang d**o sa harapan niya. "But does love mean sacrifices and pain?" Nabasa ko sa mga mata niya na wala nga siyang ideya sa salitang 'pag ibig'. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa kanya o maiinggit?Maaawa dahil hindi pa niya nararanasan ito,o maiinggit dahil nga hindi pa niya ito nararanasan? Magulo ba?
"Ganoon ba kapangit ang tingin mo sa 'love'? 'Yun ba ang gusto mong ituro sa mga magiging anak mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Kibit-balikat ang tangi niyang naisagot. "Bakit,ano ba ang definition ng love para sayo?"
Muli kong pinagmasdan ang mga bata saka sinagot ang tanong ni Je. "It's a feeling that expresses itself in action. The poet's song is dazzling and the passion powerful,but I think the deepest beauty of love is how it changes lives. Love changes lives."
"Binago ka ba niya?" Napabaling ako sa kanya dahil sa itinanong niya.
"Huh?" Kunot-noo kong tanong.
"Si Gelo, binago ka ba niya?" Lalong nangunot ang noo ko sa pag iisip dahil sa itinanong niya. Binago nga ba niya ako? Mabilis akong umiling. I think no, ganoon pa rin ako kung paano niya ako nakilala noon.
"Meaning, you're not in love with him." Sabi niya pero hindi na siya sa akin nakatingin.
Isang reyalidad ang unti-unting sumasampal sa akin. Paano nga kung hindi?Pero bakit ko naman siya iiyakan kung hindi ko siya totoong mahal?Pride. Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong.I'm not in love with him. I'm just in love with the concept of being in love. In love ako sa salitang 'love' at hindi mismo sa kanya.
"Alam mo,ang galing mo talaga." Masaya kong sagot na para bang nabunotan ako ng kung anong tinik sa dibdib.
"Syempre,wala akong sakit." Pagbibiro niya.
"Sira!" Nakatanggap na naman siya ng palo sa kanan niyang braso.
"You're sweating." Napansin kong pawisan na siya marahil sa pakikipag laro kanina kay Moi.
"Maalinsangan kasi." Sagot niya kaya siguro niya itinali ang buhok niya kanina.
Kaagad kong dinampot ang mini bag kong dala at kinuha ang kulay asul na panyo.Mabilis kong pinunasan ang noo niya na kaagad ko ring ikina tigil.
"Ahm...sorry." Ewan ko pero kinabahan ako ng tumitig siya sa akin. Iniabot ko ang panyo sa kanya.Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko. "Ang dugyot mo kasi." Pagbibiro ko para patayin ang pagkailang na unti-unting kumakain sa sistema ko.
"What did you say?" Mataray niyang tanong kasabay ng pag punas sa noo niya.
"Dugyot." Pang aasar ko sa kanya.Napangisi pa ako ng amoyin niya ang sarili sa harapan ko.
"Mabango pa rin naman ako ah.Makapanlait ka dyan." Nakasimangot niyang react.
"Ang baho kaya." Nagtakip pa ako ng ilong para mas lalo siyang asarin.
"Hindi kaya.Amoyin mo pa ang kili-kili ko." Sabi niya at bahagyang itinaas ang kanan na braso.
"Yuck!" React ko kasabay ng pag layo.
"Yuck pala,huh." Lumapit siya sa akin para ipaamoy ang kili-kili niya.
"No!Je,stop it!" Natatawa kong pag pigil sa kanya.
"Walang stop stop!" Nakangiti rin niyang sagot habang kinikiliti na ako na ikinahalakhak ko ng todo.
"Stop it!" Hiyaw ko. "Suko na ako,mabango ka na." Sabi ko dahil hindi pa rin niya ako tinitigilan sa pangingiliti.
"Hindi,sabi mo kanina mabaho ako eh." Tuwang-tuwa naman niyang sagot at dahil sa paghaharutan namin ay tuluyan na akong napahiga sa bermuda grass.
"Hahahaha!Oh my gad,Je,please stop it!" Wala talaga akong laban dahil mas malaki siya sa akin. Wala akong magawa kundi tumawa na parang wala ng bukas.
Nakakuha ako ng buwelo at nahawakan ko ang dalawa niyang kamay para pigilan siya sa pag kiliti sa akin.
"Gotcha!" Nawala ang ngiti ko ng ma-realized ang pwesto naming dalawa.Nasa ibabaw ko siya at halos magkadikit na ang katawan naming dalawa.
Naramdaman ko ang malakas na pag t***k ng puso ko.Pati ang t***k ng puso niya ay nararamdaman ko rin kay hindi ko naiwasang tingnan ang mukha niya. D*mn! I can't describe how beautiful she is.Beautiful is understatment. Goddess is a exaggeration.There is no definition fitting,nor any limit,nor beginning and end to her beauty.
I can see there's something in her eyes and I am sure that it's a reflection of what I'm feeling right now. A feeling that I had never felt before. Isang pakiramdam na hindi ko mapangalanan.
Napalunok ako ng dumako ang paningin ko sa labi niya.Bumalik ang mga ala-ala kung saan 'aksidente' kaming nag halikan.Pinilit kong burahin ito sa isipan ko kaya inilipat ko ang paningin sa mga mata niya.Hindi nag tagpo ang paningin naming dalawa dahil siya naman ang nakatingin sa labi ko.
D*mn!F*ck!Sh*t!
"Mimi Yang? Why are you on top of Mimi Yin?" Ang munting boses na iyon ang ikinabalik ko sa wisyo,maging ni Je.
"Huh?Ah eh..." Kaagad umalis sa ibabaw ko si Je.Sa sobrang taranta niya ay hindi na niya ako naalalayan para makabangon.
"N-Naglalaro lang kami,baby." Utal-utal kong sagot sa bata kasabay ng pag bangon.Pakiramdam ko'y nangangatog pa ang mga tuhod ko.
"Can I join?" Inosente pang tanong nito na lalong ikina pula ng mag kabila kong pisngi.
"Ah m-maybe next time. K-Kailangan na natin umuwi." Dali-dali kong pinulot ang mga gamit namin.
"But..."
"B-Babalik na lang tayo soon." Pag pigil ni Je sa pag kontra ng bata.
"Promise?" Tanong pa nito na sinagot naman kaagad ni Je.
"P-Promise."
Hindi ko na hinintay ang iba pa nilang sasabihin at nagmadali na akong maglakad papunta sa sasakyan ni Je.
Hindi ako makahinga.Kailangan ko ng hangin.
Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko at naramdaman ang mabilis pa rin na pag t***k nito.Mas mabilis pa ito kaysa sa paglalakad ko.
Hindi ko alam kung naka ilan na akong mura pero pwede bang isa pa?
Sh*t!Ano ba 'tong nangyayari sa akin?!
A.❤