"Pilones,may practice tayo,four pm at the covered court." Napasimangot kaagad ako ng marinig ang sinabi ni captain. Balak ko pa namang umuwi na at mag pahinga ng maaga. Wrong timing!
"Pwedeng ma-late?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Pwede naman kung gusto mong tumakbo ng sampung beses sa buong court." Natatawang sagot nito.
"Brutal talaga ni coach." Sabi ko matapos maupo sa tabi ni Karina.
"Sinabi mo pa.Sige,mamaya huh."
"Sinabi mo pa.Sige,mamaya huh." Ibinaba rin niya kaagad ang tawag.
"Hey,Jeje.May practice kayo?" Tanong ni Karina na ikinatango ko lang saka dumukdok sa lamesang nasa harapan ko. "Pwede ba akong manood?"
"Oo naman.Wala ka na bang gagawin?"
"Wala kaysa naman mag mukmok ako sa apartment,manonood na lang ako." Sagot niya saka isinarado ang librong binabasa kanina.
"I-date mo kaya siya." Napansin ko sa isang sulok ang classmate naming si Aljon.Isa siyang nerd at isa ring genius.
"Sino?" Kunot-noong tanong nito.Inginuso ko sa kanya si Aljon na nakatingin din pala sa pwesto namin.
"Paano ko ida-date 'yan,tingnan mo nga, napasulyap lang ako akala mo silinihan ang pwet." Nakasimangot na sagot ni Karina.Nagawa pa talaga niyang irapan si Aljon.
"Grabe ka sa kanya.Nahihiya lang siguro." Sagot ko dahil alam naman naming lahat na may gusto sa kanya ang lalaki at nase-sense kong type rin niya ito.
"Torpe,kamo." Lalong nanghaba ang nguso niya kaya wala akong nagawa kundi i-pinch ang pisngi niya na ikina-daing niya.
"Nakaka torpe kasi 'yang kagandahan mo eh." Pang aasar ko pa sa kanya kaya nakatanggap ako ng irap.
"Tse!"
..
"Guys,meron tayong friendly game sa Maxwell, it's three weeks from now.Kilala niyo ako,kahit friendly game pa 'yan, ayokong natatalo." Tamad na tamad ako habang nakikinig kay coach.Humikab pa ako,buti hindi niya napansin.
"Yes coach." Tugon ng team mates ko pwera sa akin.
"Warm up muna kayo then start tayo ng game after fifteen minutes." Nag wistle siya kaya kanya-kanya kaming dampot ng bola para mag warm up.
Five minutes pa lang ang nakakaraan ng mag paalam saglit si coach. Patamad ko namang ibinuslo ang bola sa ring pero sa kasamaang palad hindi ito nag shoot at pinahabol pa ako sa kabilang side ng court.
"Hi,Jillian." Bati sa akin ni Reign.Nandito sila sa kabilang bahagi ng court dahil may practice sila ng sayaw.
"Hi.Nakaligtas ka ngayon,ah." Sagot ko matapos makuha ang bola.
"Oo nga eh.Buti na lang sumabay 'tong practice namin sa sayaw." Nakangiti niyang sabi habang may hinahanap naman ang mga mata ko.
"Si Kao?"
"Nagbibihis." Sagot niya saka dinugtungan nang, "Oh 'yan na pala." Sinundan ko ng tingin ang direksyon na itinuro niya.
Nakita ko si Kao na naglalakad papunta sa direksyon namin.Nakangiti siya sa akin and everytime I see her smile,I can't stop myself from smiling,too.
Dalawang linggo na ang nakakaraan mula noong naganap ang kababalaghan na ginawa namin.Hindi namin ito pinag uusapan dahil wala akong balak i-open up sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon.Mukha namang wala siyang naaalala sa nangyari so much better kung kakalimutan ko na lang din ito.Ang tanong, paano nga ba kalimutan?Pinipilit ko ang sarili na kalimutan kahit halos gabi-gabi kong napapanaginipan ito. Feeling ko nga nababaliw na ako o talagang baliw na ako?Ramdam ko na may nag bago sa akin,hindi ko lang maisip kung ano?Lately din ay napapansin kong madalas natutulala si Kao.Siguro ay naiisip na naman niya ang unggoy niyang ex.
"Hi,Kao-Kao." Nakangiti kong bati sa kanya ng makarating siya sa pwesto namin ni Reign.Kasunod niya ang iba pa nilang co-dancers.
"Hi,bebe.May practice rin kayo?" Tanong niya saka sumulyap sa half court kung saan naroon ang team mates ko.
"Oo, haggardo na naman ako." Sagot ko at nagpaalam na sa kanila dahil napansin kong bumalik na ulit si coach. "Sige,babalik na ako.Baka mapansin ako ni coach." Nag dribble ako ng bola papalayo sa kanila pero kaagad ding tumigil ng tinawag ako ni Missy.
"Wait,Jillian." Dali-dali siyang lumapit sa akin.
"Yes, Missy?" Nakangiti kong tanong.
"May gusto sanang makipag kilala sayo." Lumingon siya sa likuran at hinila ang babaeng nakasunod pala sa kanya.
"Missy!" Mukhang ayaw pang lumapit ng babae.
"Sino?" Tanong ko saka muling sumulyap kay coach.Any minute now ay mapapansin niyang nawawala ako sa practice.
"Siya." Hinila niya ang babae para dalhin sa harapan ko."Dali na."
"Wait!It hurts,you know." Reklamo naman ng babae sa ginawa ni Missy.
"Bilisan mo na kasi." Singhal pa ni Missy kaya napangiti ako.Lumaki kasi ang chinita niyang mga mata. Kyot.
"Ahm,hi.I'm Ashley." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. She's pretty. Iyon ang una kong napansin sa kanya.
"Jillian.Nice to meet you." Nakangiti akong nakipag hands shake sa kanya.Napansin ko pa ang pamumula ng pisngi niya dahil siguro tisay siya.
"Nice to meet you,too." Ang ganda niyang ngumiti.Pwede ng model ng toothpaste.
"Nice lang ba or happy?" Singit ni Missy habang taas-baba ang kilay nito.
"Missy,stop it!"
"Asus!Girl crush ka kasi talaga niya Jillian." Nabigla ako sa sinabi ni Missy kaya muli akong tumingin sa babae sa harapan ko.
"Missy!" Nahihiya niyang sita sa kaibigan na nanlaglag sa kanya. "S-Sorry, don't mind her." Mas lalong nag kulay kamatis ang pisngi niya ng mag tama ang paningin naming dalawa.
Mag sasalita na sana ako ng may umepal. "Pilones!Ang sabi ko warm-up ng katawan,hindi warm-up ng bibig!" Agaw eksenang sigaw ni coach.
"Heto na nga po." Nag dribble ako saka nag paalam sa kanila. "Sige,Ashley,Missy,see you around." Nakangiti akong nagpaalam sa kanila.
"Yeah,see you." Pahabol na sabi ni Ashley na kinawayan ko pa bago makarating sa kabilang court. Crush daw ako?Eh mas maganda pa 'yun sa akin eh.Kalerk!
..
"Ayoko na,I'm so tired!" Pasalampak akong naupo sa bench katabi ni Karina.Kalahating oras na kaming nag pa-practice.Mabuti na nga lang at half court lang ang ginamit namin dahil may nag pa-practice ng sayaw sa kabilang side ng court.
"Malupit din kasi 'yang coach niyo.Friendly game lang halos patayin kayo sa practice." Komento nito sa pagiging brutal ni coach.Iniabot niya sa akin ang bottled water na hawak. "Pero ang galing mo ng maglaro,huh.Very improving."
"Ako pa ba?" Sagot ko saka nilagok ang laman ng bote na ibinigay niya.
"Mayabang nga lang." Nakasimangot niyang inagaw sa akin ang towel ko. "Let me."
"Thank you." Pinunasan niya ang likuran ko dahil hindi iyon maabot ng kamay ko.
"Bakit pala kausap mo si Del Mundo kanina?" Tanong niya saka ibinalik ang towel na basa ko na ng pawis.
"Del Mundo?Sino 'yon?" Humarap ako sa kanya matapos niyang punasan ang likuran ko.
"Hayun oh,si Ashley." Turo niya sa kabilang court kung saan patuloy na nag pa-practice sila Kao.
"Ah ipinakilala lang siya sa akin ni Missy.Crush daw ako." Balewala kong sagot.
"Talaga?Wow,huh." React ni Karina sa sinabi ko.
"Oo nga,palagay mo sa akin,sinungaling?" Nakasimangot kong sabi.
"Minsan." Sagot niya na may nakakalokong ngisi.
"Paano mo pala siya nakilala?" Curious kong tanong.Hindi naman namin ito ka-department kaya palaisipan sa akin kung paano niya nakilala si Ashley.
"Hindi mo alam?" Kunot-noong tanong niya.
"Ang alin?"
"Duh!" She rolled her eyes saka muling nag salita. "Runner up ko siya sa Miss.H.U. She was the first runner-up."
"Bakit hindi ko alam 'yon?" Nabibigla kong tanong.
"Malay ko sayo.But do you think she's into girls?"
"Hindi,tingnan mo nga ang kikay gumalaw.Ang galing kumembot,oh." Sagot ko ng mapagmasdan ang pag sayaw niya.
"Ang manyak mo." Pinalo niya ako sa ulo ng bottled water na wala ng laman. Isa pa 'tong mapanakit!
"Ouch!Totoo naman ah." Sagot ko sabay haplos sa nasaktan kong ulo.
" 'Yung best friend mo rin naman oh." Nguso niya sa direksyon ni Kao.Hindi man lang pinansin ang pag daing ko.
Napagmasdan ko si Kao habang nagsasayaw.Ang swag niyang sumayaw.The way her hips sway when she dance is super sexy. Naka suot siya ng army green na t-shirt at maong short.Those short makes her butt more fantastic. Oh my gass!Don't check her out, you're so perv! Nag iwas ako ng tingin kay Kao at pabuntong-hininga na sumagot kay Karina.
"Yeah,diyan talaga siya magaling."
"May pageant sila next month, 'di ba?Bakit hindi siya mag try?"
"Ayaw niya.Hindi siya mahilig sa mga pageant-pageant na 'yan." Ibang bagay na lamang ang pinagtuonan ko ng pansin at hindi na muling lumingon sa direksyon ni Kao. Heto 'yung isa sa mga bagay na napapansin kong ipinagbago ko. Madalas ko siyang palihim na pagmasdan at sa'twing gagawin ko iyon,may something akong nararamdaman sa dibdib ko.Madalas ko rin siyang naiisip. I always find myself tossing and turning at night because of her.And whenever she's not around me,my brain still finds a way to bring my attentions to the idea of her. I need to get rid of it,as soon as possible!
"Sa totoo lang,malaki ang potensyal niya.
Looks,height,character and brain.Lahat 'yon nasa kanya." Bumaling ako kay Karina dahil sa sinabi niya.
"Siguradong papalakpak ang tainga n'un kapag narinig ka." Nakangiti kong sagot.
"Speaking of,papalapit siya sa atin." Dahil sa sinabi ni Karina ay bumaling ako sa direksyon ni Kao.Tama si Kare,papalapit siya sa amin.Napalunok pa ako habang pinagmamasdan siyang maglakad. Inayos niya ang pagkakatali ng buhok niya and again,I find it sexy.
"Je." Approach niya sa akin saka bumaling kay Kare. "Hi Karina."
"Hi." Nakangiting pag bati rin ni Kare.
I compose myself saka siya nginitian. "Oh Kao,napasyal ka?" Pagbibiro ko.
"Here." Iniabot niya sa akin ang dahilan kung bakit siya nandito.
"Wow!Thank you." Kinuha ko and tatlong cheese cake at isang dutchmill na iniabot niya. Feeling ko nagningning pa ang mga mata ko ng makita ko ang mga ito.
"Tapos na kayo?" Tanong ko habang binubuksan ang cheese cake.
"Break lang.Bakit mo pala kausap si Ash kanina?" Tanong niya saka naupo sa tabi ko.
"Nakipagkilala lang." Sagot ko kasabay ng pag kagat sa cheese cake na hawak.
"Girl crush niya raw si Jeje." Sabat ni Karina na nagpalaki sa mga mata ko.
"Hoy,Kare! 'Wag ka ngang maingay." Sita ko sa kanya."Baka isipin niya ipinagkakalat ko." Tumingin pa ako sa paligid.
"Totoo naman." Katwiran nito.
"She's bisexual." Lumingon ako sa katabi ko dahil sa sinabi niya.
"Talaga?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Oh 'di ba, sabi ko sayo eh." Nagmamayabang na sagot naman ni Kare.Parang tuwang-tuwa pa siya sa nalaman.
"Wala kang sinabi."
"Itinanong pala.To be fair, hindi ka na lugi sa kanya kung sakaling maisipan mong bumaluktot." Natatawa niyang sabi na sinakyan ko naman.
"Ayoko sa runner-up,mas gusto ko 'yung title holder." Nakangisi kong itinaas-baba ang mga kilay ko.
"Hoy!Kilabutan ka nga!" Bahagya niya akong itinulak papalayo sa kanya na ikinahalakhak ko.Muntik pa akong masamid dahil sa cheese cake na kinakain ko.
"Balik na ako." Nahinto ang paghaharutan namin ni Kare ng magsalita si Kao.Tumayo siya saka walang lingon-lingon na umalis.
"Ah sige,salamat ulit dito,bebe!" Sigaw ko dahil medyo nakalayo na siya sa amin.
"Masama yata ang timpla ng best friend mo." Sabi ni Kare habang nakasunod ng tingin kay Kao.
"Bakit anong lasa?"
"Baliw!" Muli kaming nagharutan ni Kare pero natigil kaagad iyon ng nag wistle si coach.
"Oh a'yan na ang mahiwagang pito ni coach." Tumayo ako saka nagpaalam saglit kay Kare.
"Goodluck!" Sigaw pa niya.Nag sign ako ng 'watch me' na dinugtungan niya nang, "Yabang!"
..
Katatapos lang ng practice namin at hindi ko namalayang alas seis na pala ng gabi. Kanina pang alas cinco nakauwi si Kare,maging siya ay hindi natagalan ang pagiging brutal ni coach sa amin.Matapos mag paalam sa mga team mates ko ay nag deretso na ako ng rest room.
Pumasok ako sa loob ng mapansing hindi lang ako ang nandito ngayon.May mga tao sa shower room. Ang kalahating parte ng rest room ay shower room at ang kabila nito ay comfort room. Binalewala ko sila dahil hindi naman sila ang ipinunta ko dito kundi ang pantog ko. Napili ko ang pangatlong cubicle at dali-daling itinangkang isarado ito.
"Hoy,teka!" Sita ko sa babaeng biglang pumasok sa ino-occupied kong cubicle. "Kao?!" Nanlaki ang mga mata ko ng mapag sino ito.
"Shhsh." Sumenyas siya sa akin na tumahimik ako saka isinarado ang pinto.Fresh na ang look niya ngayon at mukhang kakatapos lang mag shower.Akala ko ay kanina pa siya nakauwi dahil kanina pang alas cinco y media natapos ang practice nila.
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi siya nag salita. "Lumabas ka muna.Naiihi na ako." Halos mamilipit ako dahil sumasakit na rin talaga ang pantog ko.
"Hoy,Kao?" Pagkuha ko sa atensyon niya dahil nakatulala lang siya sa akin. "Bakit ka ba sumisi..." Nanlaki ang mga mata ko ng nagawa niya akong isandal sa pader kasabay ng isang halik.
Pota!Pota!Pota! Pagmumura ng utak ko.
Naramdaman ko ang pag galaw ng labi niya at sinakop nito ang lower lip ko.This time,hindi na siya lasing! Juicekopo!
"Uhm." Narinig ko ang sarili kong ungol ng kagatin niya ng bahagya ang lower lip ko marahil para mag response ako sa halik niya. Naramdaman ko pa ang pag ngiti niya habang busy pa rin siya sa pagpapak sa labi ko.
P*tapete!Nangyayari ba talaga 'to?!
Hindi na nag pa-process ng maayos ang utak ko.Basta ang alam ko lang ay ang kagustuhan kong tumugon sa mga halik niya.
"Kaori?"
Sh*t! Huminto siya sa pag halik sa akin dahil sa tumawag sa kanya mula sa labas ng cubicle.
"Y-Yes,I'm here." Sagot niya.Hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya at halos mag lapat ulit ang labi naming dalawa dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso namin pareho.
Nakahinga ako ng maluwag ng pakawalan niya ang katawan ko sa pagkakasandal.
"Sit." Nahihiya man ay napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
Ibinaba niya ang takip ng toilet bowl saka muling nag salita. "Sit down." Utos niya sa akin na ikina-iling ko. Ano na naman bang trip niya? Gusto ko ng umuwi!Mama! Pakiramdam ko'y umurong ang ihi ko sa kapangahasan na ginawa niya sa akin.
Kapangahasan na nagustuhan mo naman.
Shut up,mind!
"Akala ko nasa labas ka na." Boses iyon ni Missy.
"Pupunta kami sa Mall,gusto mo bang sumama?" Segunda naman ni Reign. Sh*t!Buti na lang hindi nila narinig ang pag ungol ko. Namula ang pisngi ko sa isiping iyon.
"Next time na lang.Sumasakit ang tyan ko eh." Pagdadahilan ni Kao matapos niya akong pilitin na paupuin sa toilet bowl.
"Hoy,sandali." Gusto ko ng sumigaw sa mga oras na ito pero wala akong magawa kundi ang pag bulong lang.
"Shhhh.'Wag ka ngang maingay." Sita niya sa akin kasabay ng pag upo sa kandungan ko.
Hindi ko alam na may ilalaki pa pala ang mga mata ko.
Sh*t ka,Kaori! Buti na lamang at naka upo ako dahil nararamdaman ko na ang pangangatog ng tuhod ko. Ninenerbyos ako sa ginagawa ng babaitang 'to.
"U-Uma..."
"I will kiss you again kapag hindi ka pa tumahimik dyan." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at itinaas ang dalawa niyang paa sa may pader.Marahil para hindi mapansin ng mga tao sa labas na dalawa kaming nandito sa cubicle.
Tumahimik ako dahil sa nerbyos na baka nga totohanin niya ang banta niya.
"Inom ka ng gamot later." Pag re-remind pa ni Missy sa kanya.
"I will." Sagot niya habang prenteng naka kandong pa rin sa akin. Ang walangya,ginawa pa akong upuan.
"Matagal pa ba sila?" Pabulong kong tanong habang hiyang-hiya pa rin sa pwesto naming dalawa. Kung lalaki ako,siguradong may titigas sa akin dahil sa pwesto naming dalawa ngayon. Ang manyak mo! Parang naririnig ko pa ang boses ni Karina kanina.
"Why?" Tanong niya habang pina-pakiramdaman ang mga tao sa labas.
"Mabigat ka kung hindi mo lang naman alam." Nagawa ko pang mag biro sa kabila ng mabilis pa rin na pagtibok ng puso ko.
"Shut up!" Singhal niya sa akin saka umayos ng upo at lalong sumiksik sa akin.
"So anong pakiramdam,Ash?" Tumigil kaming dalawa sa pag kilos ng marinig si Missy.
"Huh?" Boses iyon ni Ashley.Nandito rin pala siya.
"Feeling na makadaupang-palad ang crush mo?" Parang kinikilig na paglilinaw ni Missy.
"What's makadowfang palad?" Napangiti ako dahil sa accent ni Ashley. Kyot.
"Hands shake na lang,Ash." Natatawang sagot naman ni Reign.
"I'm happy.I really am." Masaya nga siya base sa boses niya.
"Obvious nga,ang lapad ng ngiti mo eh." Nang aasar na sabi ni Missy.
"You can't blame her,Missy.Two years na niyang crush si Jillian,di ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa itinanong ni Reign. Ako pala ang pinag uusapan nila. Pagong lang,Jelay?
"Oo nga.Try mo kayang jowain." Pagbibiro ni Missy. Ako,jojowain ni Ashley?I cannot!
"I don't think may pag asa ako." Seryosong sagot nito.
"Why not?" Muling tanong ni Missy. Ano kayang reaksyon nila kapag nalaman nilang naririnig ko sila?
Ano rin kayang reaksyon nila kapag nalaman nilang nasa iisang cubicle lang kayo ni Kaori? Epal na tanong ng kabilang bahagi ng utak ko.
"She's straight." Naramdaman ko ang panghihinayang sa boses niya.
"Magpatulong ka kaya kay Kaori." Nanlaki ang mga mata ko ng banggitin ni Missy si Kao na ngayon ay halos patayin ako sa paraan ng pag tingin niya.
"Oh no!I don't want to disturb her." Sagot naman ni Ashley.
"Kausapin mo pa rin,malay mo di ba,tulungan ka niya sa best friend niya." Pangungumbinsi ni Missy.Nakalimutan yata niyang nandito pa si Kao at naririnig sila.
"Asa." Kao rolled her eyes na ikinatawa ko ng mahina. "What's funny?" Mataray niyang tanong matapos akong taasan ng kilay.
"Nothing." Pinipigilan kong 'wag matawa.Ang kyot niya kasing ma-bwisit.
"Gustong-gusto mo naman na may nagkaka crush sayo." Irap niya sa akin na lalo kong ikinangisi. Ang imbyernang Kaori ang pinaka cute sa lahat.
"Kaori?" Muling nakuha ni Missy ang atensyon namin.
"Yes?" May himig pagkairita pa siya.
"May sasabihin daw si Ash sayo but maybe next time na lang." Seryoso ba talaga siya sa suggestion niya kay Ashley?
"Okay." Walang ganang sagot nitong isa.
"Mauna na kami." Pagpapaalam ni Reign.Hindi na umimik si Kao.Tanging ang narinig lang namin ay ang mga yabag ng sapatos nila papalabas.
Matapos makalabas ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Kao.Ngayon lamang nag sync in sa utak ko na nag halikan na naman pala kami. Mali,mali.Hinalikan niya ako at this time hindi siya lasing.Anong nakain niya?
Dahan-dahang akong sumulyap sa kanya.Nanlaki pa ang mga mata ko ng mag tama ang paningin naming dalawa dahil nakatingin na pala siya sa akin.
"Huwag na huwag kang mag papaligaw kay Ash.Maliwanag ba?" Seryoso niyang sabi habang naka kandong pa rin sa akin.Gustohin ko mang paalisin na siya sa kandungan ko pero hindi ko magawa.Natatakot ako sa paraan ng pag tingin niya. At kailan ka pa natakot sa best friend mo?Palagi.
"Bakit naman niya ako liligawan?" Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga matagalan ang tingin niya sa akin. Nakakapaso.
"Are you deaf?Hindi mo ba narinig na gusto ka niya?" May himig pagkairita niyang sagot.
Nangunot tuloy ang noo ko. Ano bang problema niya?
"Hindi naman niya sinabi na liligawan niya ako." Pinilit kong huminahon kahit gusto ko na rin siyang sigawan. Siya na nga 'tong nag nakaw ng halik at nang istorbo sa pag ihi ko,siya pa 'tong galit.
"Kahit na!Basta 'wag ko lang mababalitaan na nag papaligaw ka sa kanya!"
"Eh di wow."
"Jillian,I'm serious.Ayoko ring lalapit ka sa kanya." Naiinis niyang utos sa akin.
"Huh?Bakit na naman?" Hindi ko na talaga alam kung anong problema niya. Epekto ba ito ng break up nila ni Gelo?
"Dahil sinabi ko!" Bulyaw niya sa pagmumukha ko saka tumayo. "Diyan ka na nga!" Inirapan pa muna niya ako saka tuluyang binuksan ang pinto ng cubicle at lumabas.
Naiwan akong tulala habang naguguluhan. Ang laki ng saltik niya.
Maya-maya ay napahawak ako sa labi kong kanina lamang ay hinalikan niya.Pumikit ako at ang imahe naming dalawa habang hinahalikan niya ako ang paikot-ikot na nag pla-play sa utak ko.Pati ang ihi ko ay umurong na sa isiping iyon.
Lintik ka,Kaori!Hindi mo na naman ba ako patutulogin?Letse!
A.❤