Chapter 13

3301 Words
There are three car parked infront of our gate and franz we’re the fourth car. He stopped the engine of the car then unlocked the doors. “stay there” he said before he dropped into his car. Umikot siya para pagbuksan ako ng pinto. Bumungad sa akin ang kaseryosohan niya bago bumaba. Gentle man na mahangin. Pinauna niya akong maglakad para mabuksan ko ang gate ng bahay. Pagbukas palang ay bumungad na sa amin ang mga tawanan ng mga kaibigan ni kuya sa hardin malapit sa fountain. Puro sila kalalakihan at walang kasamang babae. Napatingin lahat sila sa amin ng ituro kami ng isa sa kaibigan.   Ang gagwapo.   “Drex!” pambungad ni kuya. busangot ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin sa text. At pumayag pa talaga doon si daddy? “kuya..huideson” sabi naman ng katabi ko.   Masamang tingin ang ipinukol ni kuya saka sinuntok sa braso si franz. So he know kuya hate calling his first name? Tumawa lang siya sa ginawa ni kuya at tumingin sa akin bago naglakad sa mga tropa niya. Lumingon ako sa kaibigan niyang nagsitanguan at nagbatian sa kanya.   “pumasok ka na sa bahay, mom’s waiting you there” ngingisi ngisi niyang sinabi dahil nang aasar. Pinalo ko siya sa braso bago pumasok sa bahay at rinig ko na naman ang paborito niyang sinasabi sa akin. “isusumbong kita mamaya kay mama!” Binelatan ko lang siya at patuloy ng pumasok sa loob ng bahay. Andoon nga si mommy sa sofa at nagcecellphone. “mom, I’m home” ngiting ngiti kong sabi.   Lumingon siya sa akin ng gulat at binati ako ng masigla. Niyakap niya ako pero nakatutok na ang mga mata ko sa dami ng mga naglalakihang paper bag sa sofa.   “ano ito mommy?” curious kong tanong. Bumaling ako sa kanya at lumawak ang kanyang ngiti. Nilapitan niya iyon saka kinuha ang isang gown.   “this is for your long gown” saka niya inilantad ang kabuuan ng gown. Namangha ako sa nakita dahil ang ganda. It is a red satin long gown. Gusto talaga ni mommy ang puro hapit sa katawan ko na mga damit. And I also like it. Ipinunta niya sa room ko ang lahat ng paper bags at nakitulong na ako. Ipinunta niya iyon sa isang gilid at naghintay dahil maliligo na ako. Ngingisi akong lumabas sa bathroom at umupo sa bangkuan kung saan kaharap ang salamin. Lumapit sa akin si mommy at siya na mismo ang nagblower ng buhok ko. “ano ang talent mo anak?” Umangat ang tingin ko sa kanya dahil nakapag desiyon na ako kahapon. Dahil tinanong kami kahapon ng ibang kandidato ngunit wala akong maisagot. “Mag papiano mom” nakangiti ako sa kanya. balak balak ko ngang magpractice ngayon kaso nakakahiya dahil nasa tapat ng transparent wall namin ang Grand piano. Kung saan nakaharap sa hardin. “I knew it” ngisi ni mommy. Pagkatapos kong magbihis ay may pinakita siya sa akin ang isa pang gown. Pa V ang neck line nito kaya’t malalaman mong makikita ang guhit sa dibdib pag sinuot. Nanlaki ang mata ko nang may mga iba pa siyang ipinakita. Napanguso ako ng makita ang swimwear ko. May ibinili din siyang isang heels na ipinalakad sa akin.   “perfect!” palakpak ng inahin kong akala mo bata.   Napakataas, hindi ko gusto kaso kailangan dahil may magagalit. Nakabusangot ako kay mommy ng lahat ay ipinasukat niya sa akin. Kaya pagod akong nagpalit ng matapos. Bumaba na kami para dumiretso sa piano. Nahihiya man ngunit kailangan kong magimprove sa pagtipa dahil instrumental ang tutugtugin ko. Umupo na ako at nagsimula akong tipahin ang All I Ask by Adelle.   ‘I will leave my heart at the door…  ‘I won’t say a word... ‘They’ve all been said before you know…   Sinabayan ko ito ng pagkanta. Si mommy naman ay pinapanood akong nakangiti sa isang single sofa namin. Batid ko ding napatingin ang mga kaibigan nila kuya sa labas. napamulhan ako sa hiya dahil hindi ako sanay. But I don’t want to fail infront of my mom.   ‘All I ask is ‘If this is my last night with you   Hindi ko nilakasan ang pagkanta at kinanta lang iyon ng simple para masabayan ang tinitipa ko. nang mayari ko ay pumalakpak si mommy. Tatlong beses akong namali sa bahagi ng bridge. Pero si mom ay todo puri na sa akin. Kaunting push pa daw ay mapeperfect ko na. Ilang beses pa akong nagpractice bago kami kumain ng hapunan. Sila kuya naman ay nasa labas pa din at nagbobonding pa. Umakyat na ako pagkatapos kumain at nakipag usap sa dalawa kong kaibigan. Pinicturan ko kasi sa aking bintana sila kuya. tanaw kasi sa akin ang hardin. Nakita ko din ang isa nilang foreigner na may kulay ang buhok.   “Pupunta kami ngayon na!” sigaw ni Meghan at kunwari ay lalabas.   Tumawa ako dahil sa mga sinasabi nila. Ilang minuto pa kami nag usap bago patayin ang tawag. Sumilip ako sa bintana ko at nakikitang may mga hawak silang beer. Kumunot ang kilay ko ng makitang pati si franz ay may hawak na beer at tinutungga iyon. Eighteen na ba siya? Bakit umiinom na yon. tiningnan ko siyang mabuti at parang sanay na sanay na siyang uminom ng alak. Tumungga ulit siya ng isang beses ngunit ang mga mata ay napunta sa itaas kung saan ko siya tinitingnan. Nanlaki ang mata ko at agad hinawi ang kurtina. Binalibag ko ang unan dahil sa nararamdaman kong kahihiyan. Ilang beses na ba ito? Sinearch ko ang profile niya sa lahat ng mayroon siyang account. Ngunit bigo ako dahil nakaprivate ang account niya. Pati ang i********:. Kaso hindi ko mahanap ang kanyang twitter. Ngumuso nalang ako at inisip ang sinabi niya kanina.   ‘Don’t be too obvious’   Am I that obvious? Kaya pati si Brycen ay nahahalata na ako tuwing tinitingnan ko siya. Nagpagulong gulong ako sa kama dahil pilit na bumabalik sa akin ang ngisi niya at tawa na hindi niya naipapakita sa iba. Kinagat ko ang labi. Ako pa lang ba na babae ang nakakakita sa ngiti niyang iyon? Hmm, I bet not. Sa kahanginan niyang iyon, at sa pag kausap niya sa mga babae na minsan kong nakita. Itinagilid ko ang ulo sa mga iniisip. Napanguso ako. Ang bata bata ko pa, lovelife na ang iniisip ko. tumayo ako para kumuha ng tubig sa ref, kaso nawalan ako ng stock kaya kailangan ko pang bumaba. Nang bumaba ako ay nandoon na si kuya sa sala. Nakasandal ang kanyang batok sa sofa. Lasing na ang unggoy. Siguro ay nag si alisan na ang kanyang mga kaibigan. Dumiretso ako sa kusina para sana kumuha ng tubig. Pero nagulat ako ng may isang lalaking pigurang nakatalikod. Nang humarap siya sa akin ay bahagya siyang nagulat ngunit mabilis nag bago ang kanyang hitsura. He became emotionless. Hindi ko alam ang gagawin ko. ang sadya ko lang naman talaga ay kumuha ng tubig. Nangatog ang tuhod ko ng lumapit siya sa akin. Dalawang hakbang ay nagkalapit kami. Gusto kong umatras pero tila naging bato ang aking mga paa. Umakyat ang dugo sa mukha ko.   “Do you…like me?” walang bahid na emosyon niyang sinabi. Nakatingin siya ng deretso sa aking mga mata.   Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi alam ang isasagot dahil sa kaba. Amoy siyang alak na ipinagsama ang kanyang panlalaking pabago. Lasing na ang isang ‘to.   “h-huh?” Huhkdog.   Imbis na ulitin ay pumungay ang kanyang mga mata at ngumiti sa akin ng bahagya. Bakit siya ngumingiti? Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganoon kagwapo. Ang mapupungay na mata niya na dulot ng alak.   “nevermind” he said then he left me dumbfounded.     “Yani! tumulong ka ditoo!” sigaw ng kaklase ko. Doon lang ako natauhan sa sigaw ng babae kong kaklase. They are preparing for the booth we will build. They are painting the wood. At ito ako ay nakatunganga lang sa isa sa mga bench ng soccer.   Lumapit ako sa kanila at nakitulong. Kinuha ko ang isang paint brush at pininturahan ng Blue ang Letter ‘P’.  ang mga lalaki naman ay may mga hawak na hammers dahil sila ang gumagawa namin ng booth.   Binigyan kaming mga estudyante ng Principal magprepare ng booths sa isang araw. Kaya nakapalibot lahat ng bawat istudyante sa malaking soccer field at ang iba ay sa Gymnasium.   Nang matapos naming magawa ang booth, napapalakpak kami sa tuwa dahil natapos kami ng tanghali. Ipinwesto na namin ang booth kung saan iddisplay ang mga booth namin. May anim na booths na ang nakapwesto sa kanila. Ang isa ay sa seniors.   Kaya kinabahan ako dahil Grade 11 ang mga iyon. Ilan kaming bumuhat sa booth na natapos na namin na pagkabigat bigat. Pagkababang pagkababa namin ay siyang pagdating nila xyliah, meghan at laura na bumili ng mga kakailanganin.   Lumapit agad sa akin ang dalawa at tinuro ang nasa likod ko. Alam kong ang grade 11 iyon. Ayaw ko lang tingnan dahil nakita ko ang pamilyar na lalaking nakaupo sa lamesa.   “Hermayaanii!”   Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. nagulat ako dahil sila Liam iyon. Ngumiti ako sa kanya at kumaway, katabi niya si Ethan na isa sa kaibigan niya. Pero naglikot ang mga mata ko. at ng matagpuan ang hinanap ay nagsimulang bumilis at pintig ng puso ko. He was sitting at their booth. Nakatukod ang mga siko sa lamesa at ang kamay ay nakalapat upang suportahan ang nakapatong niyang baba At ang binti ay mga nakaparte. tumaas ang tingin ko sa kaniya na nakatutok pala ang atensiyon sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil nagsimulang magform ang labi niya ng ngisi.   Bumalik muna ang tingin kila Liam at ethan na tinanguan ako. Tumalikod na ako at ang dalawang baba ng dalawang kaibigan ko ay nakanganga sa akin. Nakangisi kong itinaas ang dalawang baba ng dalawa. Gwapo kasi si Liam at Ethan kaya sila nagkakaganyan. Kinulit nila ako ng tanong kung sino ang nasa gilid ni Liam. Pero ipinagkibit ko iyon ng balikat. Nagsimula akong mag ayos ng mga bangkuan kung saan nabububungan ng Umbrella Canopy. Shakes and Pastries ang ititinda namin dahil iyon ang gusto ng karamihan naming kaklase. “Yani, bili ka ng meryenda natin” lumapit sa akin si Laura at ibinigay ang perang pambili. Tumingin ako sa mga kaklase naming mga nakaupo na sa upuan ng booths at halatang napagod. Hinatak ko na ang dalawa para samahan akong bumili sa labas.   “Ayun ba yung tinutukoy mong kaibigan mo?” tanong sakin si Xyliah habang naglalakad kami. “Oo, si Liam” casual kong sabi.   Umorder kami ng Burger at Pizza sa labas pati na rin drinks. Kaya walang halos natira na sukli ang ibinigay ko kay laura. Nilapag na namin ang mga nabili at kumuha ng burger. Nagmeeting meeting kami kung ano anong ingredients ang gagawin bibilhin nila mamaya at ang mga kagamitan sa shakes kung sino ang mga magdadala. Nalungkot ako dahil hindi ako makakasama sa kanila. Magpapractice kasi ako mamayang hapon sa pagrampa. Kaya sila na ang bahala sa bibilhin.   “Sige na, pumunta na kayo ni Brycen”   Tumango kami at pumunta sa Theatre kung saan kami magpapractice. Isang araw nalang ang natitira para magpractice kami sa paglakad. Rumampa ako gamit ang Heels kong 2 inches. Nasanay na din ako dahil pinaikot kami kahapon sa soccer field ng dalawang beses. Umikot ako at ngumiti sa dalawang teacher na nasa harap.   “Okay, this is our last practice and all of you have lots of improvement” sinabi ng isang teacher ng bakla. Na never kong nalaman ang pangalan. Nagulat kami dahil ang alam namin ang pang last na practice bukas. Kaya ng matapos ang huling practice namin ay nagdiriwang ang loob ko. Palabas na kami ni Brycen ng naunang mag lakad sila Franz sa harap namin. Kasama niya ang partner niyang nakakapit pa din sa braso. Umirap ako dahil isang maarte iyang grade 11.   Pumunta kami sa booth ngunit wala na ang mga kaklase namin. Late na din kasi natapos ang practice kaya napagdesisyunan ko ng umuwi at nagpaalam kay Brycen.   “This is my last night with you!” “Hold me like I’m more than just a friend” “give me a memory… I can useee”   Bumirit ako habang ang kamay ko ay tumutugtog gamit ang grand piano namin. Puno ng damdamin kong ikinanta ang ihahanda ko bukas. Puro ito ang inatupag ko tuwing hapon at gabi.   “Cause what if I never love, again” pagtapos ko sa kanta. Napabuga ako ng malakas na hangin dahil sa kawalan ng hininga.   “Very good anak!” nanonood sa akin ang pamilya ko. kasama ang nakanguso kong kapatid. Ngumisi lang ako sa kanya dahil kita sa mata niya ang pagkamangha.   “Hindi mo naman na kailangan sabihin kuya” Sabi ko dahil nawalan siya ng kibo. Samantalang kanina ay nagtatatalak siya.   “Oo na! magaling kana! Tss” tumalikod siya at dumiretso sa taas. Napahalakhak ako at sumunod na sa kanya para matulog. It is a big day tomorrow. That my heart is beating faster yet. I closed my eyes to wake up another sunrise tomorrow.   “Goodmorning!”   Napadilat ng maalimpungatan sa tumutok na araw sa akin mukha. Naiinis ako tuwing ginagawa iyon ni mommy dahil alam niyang iyon ang magpapagising sa akin. Bumangon na ako at nagtoothbrush para magpalit na ng pang jogging ko mamaya. Bumaba na agad ako para salubungin ang instructor ko sa pageexercise. Last day ko na ito at bukas, at ikinakatuwa ko dahil wala ng sisinag pang araw sa mukha ko bukas ng pag kay aga-aga. Pumunta kami sa gym at nag treadmill. Isang oras ang tinagal bago kami pumunta sa bahay. Kailangan ko ng maghanda sa eskwelahan. Nagpasalamat kami ng mommy sa instructor sa lahat at naging tulong niya sa akin sa pageexercise. Tumingin ako sa salamin ko at may nakita namang nagbago ang hugis ng katawan ko kahit papaano. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mommy para pumunta sa school. Dapat ay maaga kami sa school dahil sa pagbebake ng pastries. “Susunduin ka namin ng 4pm Hermione”   Tumango ako sa bilin ni mommy at humalik na sa pisngi niya at kay daddy. Kasama ko si kuya pumunta sa school na bagnot na bagnot. Dahil siya ang magdadala ng mini oven naming dalawa.   “napakabigat!” reklamo niya at nag mura pa ng ilang beses dahil muntik ng mahulog ang isa.   Umiling nalang ako sa kaartihan. Malayo pa naman ang pinagtayuan namin ng booth kaya puro siya ‘f**k’ ang naririnig ko sa kapatid ko.   Kung andito lang sila mommy at daddy kanina pa nila natampal yang bunganga niya.   Nang matanaw namin ang booth ay nagtitinginan ang ilang istudyante sa likod ko. masama ang tingin niya sa mga buhat niya. At walang pakialam sa mga nakatingin sa kanya. Tinulungan ng mga lalaking kaklase ko si kuya at ako naman ay buhat buhat ang isang box ng curtains. Dahil gagamitin namin ito sa pagtakip para hindi langawin ang mga gagawing pastries.   “Kuya mo?” nakangiting sabi ng mga babae kong kaklase. Tumango ako at tiningnan ko silang ikinakabit ang kurtinang idinala ko. nakisali na si kuya dahil hindi abot ng iba kong kaklase. Saka inilagay ang dalawang table sa paglalagyan ng ingredients and utensils.   “I’m going” sabi ni kuya at umalis na. nang dumaan siya ay humawi ang daan sa kanya at may iba pang babaeng kinikilig. Gwapong unggoy.   Nag umpisa na kaming maging busy sa pag bebake ng cookies, doughnut, crusts at iba iba pang hindi ko na alam ang tawag. Samantalang sila Laura, Tamara at Meghan ang sa shakes at mga lalaki naman ay mga naging waiter. At lahat na kaming babae ay dito sa loob. Madami kaming naging customers na istudyante at iba ay taga ibang school. Napatingin ako sa dalawang box na nakapatong sa isang tabi. “Christy ano ‘tong mga ito?” nilapitan ko iyon at tiningnan.   Ngumiti sa akin ang mga kaklase ko. naguluhan ako sa kanila.   “Banners and balloons mo” Si Nyree na ang sumagot sa akin at humalakhak nalang si Christy sa akin. Nanlaki ang mata ko, at napangiti nalang ako. Hinahaplos ang puso ko sa kasuportahan nila sa amin ni Brycen. For me, this is the best section. Lumipas ang tanghali at nag order nalang kami ng kakaining tanghalian. Nauna kaming kumain para makipagpalit sa kanila. Pumunta na kaming dalawa sa harap ni xyxy dahil kami na ang nakaassign sa shakes. “what’s your order sir?” nakayuko kong sabi dahil pinunasan ko ang natapong flavors namin. Nang hindi pa siya kumibo ay nilingon ko na siyang nakangiti.   “Oreo Cheescake” Nakanganga ako sa kanyang nakatingin sa akin. Hindi siya nakauniform at nakashave ang kanyang buhok na nagpagwapo pa sa kanya.  Kasama niya si ethan na nakangisi sa kaibigan. Siniko ako ni Xyxy sa gilid ko kaya napabalik ako sa katotohanan. “Ayun lang?” tanong ng kasama ko. “Two oreo cheesecake and a one bowl of cookie” sabi niya ngunit sa akin nananatili ang titig niya. Bahagya pang nakangiti ang labi.   “o-okay” sabi ko at inabot na ang ingredient sa taas upang ako gumawa ng oreo cheesecake nila ni Ethan. Kung hindi pa siya tapikin ni ethan ay hindi pa sila pupunta sa mga upuan na inihanda namin sa customers. Sinabi na ni xyliah ang order sa loob, at natapos na kami sa ginawang shake. Tinawag ko si Gerald na inaantok sa isang tabi na naghihintay lang din para makakuha ng iseserve sa customer. Agad agad naman siyang lumapit at itinuro ko ang table nila franz para maiserve na sa kanila. Nakatingin pa siya ng itinuro ko sila. “uy, sino yung nakatingin sayo kanina?” ngisi ni xyliah. “mga kaibigan ni Liam” nagkibit balikat kong sabi.   Tumingin ako sa relo ko. isang oras nalang ang itatagal ko dito dahil susunduin na ako mamaya. Nagsisimula na akong kabahan ngayon. Kahit gabi pa ang gaganaping Mr. and Ms. Saber. Kaya isang oras na akong nag pakabusy at ganoon din si Brycen na humahakot ng customer na babae. Nakangisi ako kay meghan dahil hindi niya maipinta ang mukha niya simula ng makita niyang nagpapicture si Brycen sa isang istudyante.   “Goodluck yaniii!” nakangiting pagpapaalam sa akin ng mga kaklase ko. pati sila meghan at xyliah ay ngingisi ngisi. Ngumiti ako sa kanila at kumaway bago ako tumalikod. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit. Nasa parking lot na ako ng school ng makita si franz na sumakay ng kotse. Probably, going home too. Umalis iyon sa harap ko at matuling ipinatakbo. Napanguso ako. Kaskasero. Naglakad pa ako baka sakaling matanaw ang sasakyan namin. Hindi naman ako nabigo hanapin dahil nagpreno sa akin si kuya Cedrick. Dumiretso na ako at nandoon si mommy. Kasama ang magmemake up sa akin pagdating sa bahay. Hindi ako kumibo dahil nag uusap sila sa likod ko sa mga klaseng make up na gagawin sa akin. Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. At kitang kita ko ang pagbuhat nila daddy sa grand piano namin.   “Mommy, bakit saan dadalhin ang grand piano?” nagtataka kong tanong. “sa school mo, silly” nakangiti niyang sagot.   Nagulat ako sa sinabi ni mommy, akala ko ang organ namin ang dadalhin. Napailing nalang ako. Ang laki laki nun higit limang katao ang bubuhat noon.tiningnan ko ang limang tao kasama na doon si daddy nahirap na hirap akayin. Isinakay na iyon sa isang pick up at umalis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD