Mabilis kong binuksan ang kanyang sasakyan sa shotgun seat at umupo sa kanyang tabi. Pinunasan ko ang aking braso na naulanan dahil sa lakas ng ulan dahil sa pag anggi kanina at pagsakay. Sa bawat pag galaw ko ay ang bilis ng pintig ng puso ko sa kaba.
Tiningnan ko siya ng isang beses ngunit hindi matagalan ang pagtingin dahil seryoso niya akong tinitingnan. Ano ba ang meron sa lalaking ito at bakit ganito makareact ang pagkaloob looban ko.
“ano..uh..salamat” nahihiyang kong sabi at tiningnan siya sa gilid ng ilang segundo. Ramdam ko ang kanyang pagtango sa aking gilid.
Tumikhim siya pagkatapos kong magpasalamat sa kanya at may kinuha siya sa kanyang compartment. Tumingin ako sa bintana sa gilid at tiningnan ang kalangitang mas lalo pang dumidilim. Napasilip ako sa relo kong nasa kaliwa. 6 pm na pala ng hapon at kung hindi ako nakita ni franz ay malamang naliligo na ako sa anggi ng ulan.
“Use this to dry yourself” He said.
Bumaling ako sa kanya na inaabot sa akin ang puting towel niya. Ito siguro ang kinalkal niya kanina sa compartment niya. Hindi siya nakatingin sa akin habang kinuha ko ang towel sa kamay niya.
“t-thank you”
I see his lips smirked when I stuttered. Ipinunta ko na lamang ang tingin ko sa bintana dahil nag iinit ang mukha ko. bakit ang sexy niya ngumiti? Kahit halatang asar ang ngiting ipinakita niya sa akin. Ang hangin leche!
Ginamit ko ang towel at ipinirmi sa balikat kong nilalamig. Naramdaman ko ding medyo humina ang aircon kaya’t napirmis ang aking nanginginig na mga tuhod. Pinaandar niya na ang kotse at lumisan na kami sa Saber.
Halos kalabog lang ng puso ko ang naririnig ko sa katahimikang nabalot sa amin dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin upang maituro ang papunta sa amin. Pero sa gitna ng pag iisip ko ay ang pagtawag siya sa kung sino. Mga ilang ring pa ay sumagot din ang tinatawag niya.
“yo kuya clyde, I picked up your sister” deretso niyang sabi nang sagutin.
What? Si kuya ang kausap niya ah. Oo nga pala at mag kaibigan sila pero bakit ngayon ko lang naalala?! Ang tanga hermione, geez. Nakatuon ang pansin ko sa pag-uusap nila ni kuya. Napalayo niya ang hawak na cellphone sa tenga niya dahil rinig ko din ang boses niyang nagkakanda hiyaw doon. Napairap nalang ako sa kawalan at bumaling ulit sa kanan dahil ilang minuto pa siyang dumadaldal sa phone.
“clyde wants to talk to you” he said and handed me his phone.
“hello kuy-“ hindi pa ako tapos ay nagbunganga na siya sa akin agad. Eto na naman po tayo.
“magpaderetso ka agad kay drex sa bahay! Kapag nalaman kong hindi ka pa dumadating ng alas syete isusumbong kita kay papa!”
Napaka, sobrang napaka sarap burahin ng bibig niya sa sobrang ingay, at ang masaklap naririnig pa ni franz ang pinagsasabi niya kahit hindi nakaloud speaker. Kagat niya ang labi habang ngumingisi sa naririnig sa kaibigan.
Kahit gustong gusto ko na siyang barahin at sumagot sa kanya ay in-end ko nalang ang call dahil wala ng kwenta ang sinasabi ni kuya. anong gagawin ko? magpakaligo sa ulan hanggang ngayon doon sa school? Talagang sinong maiinis doon? At sana ay hinintay niya nalang daw ako ngunit traffic pa din hanggang ngayon sa isang short cut niyang dinaanan.
Ibinigay ko na sa kanyang ang cellphone niya dahil tapos na ang pinagsasabe ng unggoy. Na wala namang kwenta at sense ang mga sinabi.
“pasensya na”
“are you that stubborn why your brother always giving you exhortation?”
Excuse me? sa tingin niya ba ay isa akong babaeng spoiled brat?
“I am not, he is just stupid” sibangot kong sabi.
Lumapad ang ngisi niyang nag paasar sa akin ngunit may kumiliti rin dahil sa pagkamangha sa hitsura. Tulad ng sinabi ko, makapal ng kaunti ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang mata na ngayon ay sumingkit ng kaunti dahil sa pagkakangisi. Napalunok ako at bumaba ang tingin ko sa kanyang ilong na pwedeng gumulong ng tuwid ang piso dahil sa sobrang tangos. Biglang kumalabog ang puso ko ng napunta ang atensyon ko sa nakangisi niyang labing mapupula.
“stop staring at me” nakanguso niya ng sabi.
Namilog ang mata ko dahil napansin niya ang paninitig ko sa kanya. Umiwas agad ako ng tingin sa kahihiyan at kinagat ang labi. Ano bang nangyayari sa akin at bakit nagkakaganito ako sa kanya?
Bumilis na ang takbo namin dahil tumigil na ang malakas na ulan pero may kaunting ambon pa din. Napatingin na naman ako sa kanya ngunit sa kanang kamay niya ng maugat na hawak ang manibela. Ang kaliwang siko ay nakatukod sa gilid ng bintana na sarado.
Huminga ako ng malalim at tinuon nalang ang pansin sa harap dahil hindi ko na kakayanin pa ang ginagawang pagtingin ng mata ko sa kaastigan niyang umupo habang nag dadrive ngunit kalmado.
Stop it Yvone, stop it.
“thank you sa paghatid” sabi ko at sinimulang kunin ang dalawang paper bag ko.
“you’re welcome” huli niyang sinabi at bumaba na ako sa kanyang BMW.
Tumalikod na ako para dumiretso sa gate at narinig ko ang pagharurot niya ng sasakyan sa subdivision namin. Kung bakit napatingin ang aming ibang kasambahay sa BMW. Umiling ako at pumasok na. doon palang ako nakaluwang ng paghinga dahil feeling ko sa loob ng kotse ay nasuffocate ako kanina.
Nakakainggit, sana all may sasakyan talaga.
Pumasok ako sa loob ng bahay ngunit wala akong naabutan na mommy sa sala kung nasaan ang sofa. Si manang ang sumalubong tuloy sa akin.
“sila mommy po?” tanong ko at kinuha niya sa akin ang dala dala kong paper bag.
“may kinakailangan daw silang ayusin ng daddy mo kaya’t hindi sila makakauwi ngayon, magpalit kana at kumain sa kusina pagkatapos” tumalikod na sa akin si manang upang pumunta sa kusina.
Pumanhik na ako sa taas upang maligo. Pagkatapos noon ay bumaba na din dahil sa pagkalam ng sikmura ko. nakakainis dahil pagkababa ko ay nakita ko ang unggoy na nakasimangot pumasok ng bahay.
“Hooy!” sigaw niya sa akin kahit hindi pa nakalalapit sa akin, halatang ready na naman ang kanyang bunganga pero inunahan ko na siya.
“Stop it kuya, I’m tired” walang gana kong sabi.
Akala ko hindi siya titigil ngunit wala na akong narinig na imik sa kaniya, at inirapan nalang ako ng parang babaeng warfreak. Sabunutan ko naman siya diyan e. lakas makapikon.
Umupo ako sa pwesto ko at kumuha ng kanin at naglagay ng bistek na ulam namin. Habang nginunguya ko ang pagkain ko ay naaalala ko pa din ang pagparada ng sasakyan ni franz sa harap ko at kung gaano kabango ang amoy sa loob ng sasakyan niya.
Wala ako sa sarili habang natapos ko ang dinner. Nanood ako sa sala ng tv dahil nabored ako sa kwarto. Nasa gitna ako ng panonood ay naupo kasama ko si kuya sa sofa naming malaki. May katawagan siya sa telepono at kitang kitang kakagaling lang sa pag ligo.
“kailan ba mag cecelebrate?” tanong niya sa kausap niya.
Siguradong tropa niya ang kausap dahil isang beses niyang minura ang kaibigan. Aba at ang bastos, nanonood yung tao eh, sukat magi-ingay?
“si drex sasama iyon..”
Napatingin ako sa kanya. Did he mean si franz? Since ayon ang tawag ni kuya kay franz sa telepono kanina.
Franz drex.
Sinamaan ako ng tingin ni kuya ng nakita akong lumingon dahil binanggit niya ang pangalan ni franz. Umirap ako sa kanya at nagfocus na sa pinanonood ko sa Netflix. Pero imbis na makapag focus ay nakatuon ang atensyon ko sa pag uusap nila ng kaibigan niya.
Batid kong dito nila gaganapin sa bahay ang celebration nilang nalalaman at nagpapantig lang ang tenga ko dahil sasama si franz sa kanila. Matagal naman ng minsan minsan ay pumupunta ang mga kaibigan ni kuya sa bahay, pero hindi ko alam na matagal na palang nakapunta sa bahay namin si drex. I mean si Franz.
Pagkatapos nilang mag usap ay nakatingin pa din ng masama si kuya sa akin.
“manaaangg!”
Akala ko ay ako ang kakausapin niya pero tumalikod siya upang hanapin si manang. Pagkabalik ay may hawak siyang kita at tumabi talaga sa akin ang unggoy.
Nawirduhan ako sa kanya dahil bakit dala niya ang emergeny kit? Hindi kaya nasugatan siya sa dahil sa aksidente kanina?
“bakit may dala kang ganyan?” may bahid na alala kong tanong sa kanya.
“Paa mo!”
Anong paa ko? gusto niya ba ng libreng sipa sa akin? Nagtatanong ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko magets ang sinabi niya.
“akin na sabi yang paa mo eh, ang tigas talaga ng ulo mo hermione” siya na ang kumuha sa paa ko dahil sa inis. Aray ah.
“hindi ko naman alam na ang caring pala ng kuya ko” ngingisi ngisi kong sabi habang nilalagyan niya ng band aid ang ankle ko. paano niya ba nalaman?
“Labag sa loob ko ‘to! sinabi lang sa akin ni mama!” irap niya sa akin pagkatapos akong malagyan ng ointent at bad aid ang ankle ko.
Sumibangot ako sa kanya, sabi na eh. Wala talagang puso ang isang ‘to. Dream ko pa naman ang kuya na sweet sa akin at gagawin akong prinsesa. Kaso iba ang ibinigay ni Lord. Isang unggoy.
As expected, dahil dalawa lang kami ni kuya sa bahay, ay wala kaming ginawa kung hindi mag asaran magdamag. Walang pipigil dahil hindi naririnig ni manang ang lakas ng bunganga ni unggoy na kasing lakas ng boses ni Present Mic sa Boku no Hero.
“HUIDESOON!” sigaw ko sabay pasok sa kwarto.
Rinig kong kumalabog ng malakas ang pinto sa gilid ng kwarto. Napangisi ako dahil alam kong siya iyon.
The next day, si kuya ang naghatid sa akin sa eskwelahan dahil wala pa sina mommy at daddy ngayong umaga, at si kuya cedric naman ay may day off pa din. Bukas ang balik niya.
Sabay kaming pumunta ni Brycen na nakasalubong ko sa gate. Puyat ang kanyang mata. Gusto ko siyang tanungin pero hindi na ako nagtanong pa dahil siya na mismo ang nagsabing inatake ang kanyang mama sa sakit.
“gumaling na sana si mama mo” ngumiti siya sa akin ng kaunti. Minsan na din kasi naming nakita at nakausap ang mama niya dahil sa pagpunta namin sa kanilang bahay.
Sa theatre kami dumiretso dahil hindi kami pwedeng magpractice sa gym dahil sa dulot ng malakas na ulan kahapon. Ibinaba ko ang bag ko sa upuan at dumiretso na sa mga babaeng kandidato. Buti na lamang at naka long sleeve ako dahil ramdam ko ang lamig ng aircon.
“okay pwesto”
Isang banggit ng teacher, ay nagform na kami ng line sa baba ng stage. Rumampa ang grade 7 sa itaas at lahat kami ay nakatingin sa kanya. Hanggang sa sunod sunod na ang rumampa sa taas. Wala halos natapilok sa aming lahat. Siguro ang iba ay nadala sa bunganga ng teacher. Dahil may naririnig akong nagpractice ang iba sa kanilang bahay.
“very good girls!” palakpak nilang dalawa ng maperfect namin ang ramp sa stage.
Nag ngitian kaming mga babae dahil sa papuri sa amin. Halatang pinag handaan nila ito nang walang mali. Halatang competitive sila ngayon kumpara sa kahapon pero maganda pa din ang intension sa mga kasama.
Tumingin kami sa taas dahil mga lalaki na ang sumunod na rarampa. Napatingin ako sa dulo kung saan nandoon ang walang kabuhay buhay na si franz. Tiningnan ko ang kanyang damit na long sleeve shirt na grey.
Namula ang mukha ko dahil naalala ang kahapon. Umiwas ako ng tingin sa kanya ng gumawi ang tingin niya sa akin. Huling huli na ako pero umiwas ako. Kinuha ko ang cellphone para itutok ang atensiyon ko dito. Ngunit kusang tumaas ang ulo ko para tingnan ulit siya.
Nagulat pa ako dahil sa akin din siya nakatingin. Tumaas ang kanyang isang kilay at napangisi ng bahagya sa akin bago mag iwas ng tingin.
Shit that smirk.
Nang rumampa siya ay abot ang singhapan ng mga katabi ko. At pati ako ay napasinghap ng lumakad siya patalikod. Madami din akong narinig na bulungan para komentohan si franz.
This time, kasama na namin ang partner rumampa. Nagpose ako sa kaliwa at si Brycen naman ay sa kana. Nagsaliwat kami at pagkatapos ay nagtagpo kami sa harap.
Nakatingin sa amin sa franz ng seryoso. At sinuyod ang suot ko hanggang paa. Nang tumalikod ako ay muntik na akong matapilok dahil sa klaseng pagtingin sa akin kanina ni franz. Feeling ko nga kanina ay madadapa ako dahil sa bigat ng titig niya sa amin.
Pagkatapos ng hanggang alas dose napag papractice, ay dumiretso kami ng cafeteria upang doon mag lunch.
“ako na oorder”
Tumango ako kay Brycen at sinabi ang gusto kong kainin at nag abot sa kanya ng bayad. Pero tinanggihan niya. Umirap nalang ako sa kanya na nagpatawa sa kanya. iniwan niya na ako sa upuan para umorder.
Tumingin ako sa gilid ko kung saan nakikita ang pagpatak ng ulan dahil sa transparent wall ang cafeteria. Malamig ngayon ang klima dahil ber months. Kinuha ko ang cellphone at itinutok ang camera sa rain drops sa labas. Saka ito ni-myday sa i********:.
Ilang sandali pa ay dumating na si Brycen dala dala ang order namin. Isang tinolang manok ang inorder ko samantalang ang sa kanya ay adobo.
“thank youu” ngiting ngiti ko dahil mukhang masarap ang tinola.
Ang sarap pa ng kain ko sa kanin at ulam ng bumukas ang pinto ng cafeteria at iniluwa doon ang senior. Kasama doon si Franz. Agad akong nasamid sa kanin at umubo ng malakas. Hinampas ko ang dibdib ko dahil tumingin sila sa amin na mas lalong nagpasamid sa akin.
“okay ka lang?” tumatawa tawang sagot ng kaharap kong kakakuha ng maiinom ko.
Kinuha ko ka agad ang hawak niyang inumin sa akin at ininom. Pinunasan ko ang bibig ko ramdam ko ang init ng mukha ko. tumingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang nang aasar niyang ngisi sa akin.
Umiwas na ako ng tingin sa kahihiyan. Bumaling ako kay Brycen na nang aasar na tingin. Siguro ay napansin na din kung bakit ako nag kakaganito. Nagsimula siyang asarin ako at ubod naman ako ng deny.
Ngingisi ngisi siya sa akin at sa likod ko kaya tumingin ako sa likod niyang tinitingnan. Napatulala ako sa kung ano ang nakita. Papunta sila sa gawi namin. Nagsimula akong kabahan dahil sa pagsisimula na namang mang asar ng nasa harap ko.
Tinadyakan ko na ang paa niya dahil naramdaman kong nasa gilid na naming sila.
“aray!” ngumuso siya at tiningnan ang sapatos niyang puti. Nagawa kong ngumisi sa kanya kahit naghuhumerantado na ako sa kaba dahil sa taong nasa gilid. Mabuti lang sayo yan Brycen.
Napawi agad ang ngisi ko ng napagtanto kong nasa gilid lang namin sila kumain. Uminom agad ako ng juice sa tabi ko at narinig ko ang halakhak ni Brycen. Nakakabwisit. Nakakainis.
Pagkatapos kong ubusin ang lemon juice ay tumayo na agad ako. Ramdam ko din ang tingala ng isang lalaki sa akin na alam ko kung sino. Hindi ko siya tiningnan dahil nahihiya na ako.
“tara na” aya ko kay Brycen.
Sa una ay ayaw niya pa dahil gusto niya pang mang asar pero tumayo din ng nakitang nakaamba na ulit akong apakan ang puti niyang sapatos. Ngingisi ngisi siyang sumabay sa akin lumakad samantalang ako ay pinapakiramdaman ang pagtingin niya sa akin.
Buong maghapon ay hindi ako makapag concentrate dahil sa isang lalaking nakatingin. Buti nalang at hindi ako nababawal ng dalawang teacher. Pinipigilan ko ng manginig ang tuhod ko dahil ayokong mapahiya sa mga nanonood.
Napabuga ako ng hangin dahil sa wakas ay tapos na din ang paglalakad ko sa harap. Tinanggal ko ang heels sa magkabilang paa at tiningnan ko ang ankle na hindi naman masakit. Wala ding nadagdagan na sugat kumpara kahapon.
Nagpaalam na ako sa mga nakaclose kong mga babae at pati na rin kay Brycen dahil kailangan niya na agad pumunta sa hospital kung saan nakaconfine ang mama niya.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang text iyon ni daddy at kuya. binasa ko naman iyon na nagpalukot ng mukha ko.
From Daddy:
Your brother will pick you up, your mommy and I have a meeting. I am sorry darling.
Sunod ko namang binasa ang text ni kuya na lalong nagpainis sa akin at nagpakaba.
From Monkey Brother:
Sumabay ka na kay drex pag uwi, pupunta sa atin sila drex.
Sayang ang gas pag sinundo pa kita.
Napaawang ang bibig ko sa text ni kuya. kung isumbong ko siya kay daddy na pinapaubaya niya ako sa kaibigan niya?! At isa pa ayoko ng sumakay sa BMW niya! Nasa gitna ako ng pag aalburoto ng mag text na naman siya.
‘pumayag si papa’
“damn it”
Nagpapadyak akong dumiretso sa sariling parking lot ng school. Bawat hakbang ko ay kabang kaba na ako. At anong sasabihin ko? parang ang kapal naman ng mukha kong sabihin na ihatid niya ako sa amin. Oo nga at pupunta siya sa amin. Pero hindi ko siya driver para ihatid niya ako sa amin!
Saka pwede pa naman ako pumara ng jeep at trycicle pauwi sa amin dahil maaga pa. Napakagat ako ng labi sa katangahan ko dahil nalaman ko din sa aking sarili na umaasa akong ihahatid ulit ako ni franz.
Tumalikod na ako kahit malapit na ako sa parking lot at nagbalak pumunta sa harap ng school kung saan ako papara ng mga sasakyan. Pero nagulat ako dahil pagtingin sa likod ay ang kabuuan ni franz na seryosong nakatingin sa akin. Sumusunod lang pala siya sa akin?
Gusto kong magwala dahil hindi ko gusto ang nangyayari. Nag uumpisa na naman tumibok ng matulin ang puso ko. tinitigan ko lang siya ng may bahid na gulat sa mga mata. Lumunok ako dahil hindi niya binitiwan ang titig sa akin. Tumaas ang kilay niya sa akin. Kaya ako na ang kusang bumitaw sa mabigat niyang pagtitig sa akin.
“let’s go”
Nilagpasan niya na ako at naunang maglakad. Napanganga ako sa narinig. Tumingin ako sa likod niyang lumalayo sa akin habang umiikot ang susi sa daliri ng kamay niya at ang kaliwang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon.
So he is saying he wants to drive me home? Great! Just great!
Unti unting humakbang ang paa ko para pumunta sa kanya. tumingin ako sa kalangitan ng kumulog at nagbabadya na naman ang ulan. Nang malapit na ako sa kanya ay pinagbuksan niya na ako ng pinto. Sumakay na ako at pumunta ang palad niya sa taas ng pinto para hindi ako mauntog.Bago niya isara ang pinto ay may binitawan siyang salita na nagpamula sa akin.
“Don’t be to obvious” he said with a smirk ‘again’ in his lips. then he closed the door.