“ate wag mo na papahakot tinda mo ha? Tatampo kame”
Kinakausap namin ngayon si ate siomai rice ngayon sa tapat ng school, break time namin. Buti nalang at hindi na ulit namakyaw yung lalaking istudyante, lalaking istudyante daw kasi ang pumakyaw.
“hayaan mo pagpinakyaw yung paninda ko, magtatago ako ng tatlo para sa inyo”
“talaga ate?”
“oo nga, malakas kayo sakin eh” saka siya tumawa.
umalis na agad kami pagkatapos kumain at nagpaalam kay ate siomai rice, malilate na din kasi kami, si sir baldovino pa naman yon.
kaso itong pantog ni xyxy, hindi nakisabay, sinamahan pa namin sya sa pagkalayo layong comfort room. Katagal umihi, ilang litro ba yang ihi nayan at hindi pa tirisin yung beans.
“xyliah agnes! Ano ba tumatae kaba? Late na tayo” pagkalakas na kinatok ni meghan ang pinto kung nasaan si xyxy.
“gago, umiihi pako sandali lang matatapos na!”
Higit ten minutes na atang nakaupo yon sa bowl, napakabagal kumilos, geez, limang minuto nalang at dadating na si sir, maglalakad pa kami ng pagkalayo nyan ha.
Lumabas nalang ako sa comfort room dahil maiinis lang ako ng todo kay xyxy, sobrang tagal kasi.
Pagkalabas ko may nakasalubong akong mga basketball player ng school namin. Tatangkad nila infairness. pinipigilan ko ang ngiti dahil sa nakita ko. Lahat naman sila may itsura, pero sa pinaka huling dumaan ako nakatingin, dalawa sila at pawisan.
Teka, parang familiar yung isa ah, saan ko na nga ba nakita yung lalaking yun?
“tara na yani bilis!” sabay may humiklat sa akin
Napapitlag ako dahil andon na pala sila sa tabi ko habang hinahatak ako para tumakbo. Muntik pa kong masubsob sa pinag gagagawa nila, napakaharass nitong dalawang babaita na’to.
“So our topic for today is, chemical reactions and equations, there are types of chemical reactions, what it is? decomposition reactions, combination reactions blah blah blah”
Wala akong ganang nakaupo sa bangko ko habang nakikinig kay sir, nakakaantok talaga ang boses nya. Marecord nga pakinggan ko mamayang gabi.
Imbis na makinig kay sir, sa ibang bagay nakatuon ang pag iisip ko, iniisip kung sino ba yung lalaking dumaan. Pero hanggang sa pag uwian, lutang ang isip ko dahil don.
ang gwapo kasi niyaaaaa.
Huminto ang sasakyan namin sa tapat ko, kaya agad naman akong tumayo at pumasok sa loob ng kotse. Kaso akala ko si kuya driver ang manunundo sakin, si tukmol pala.
“bakit ikaw nansundo sakin? Asan si kuya driver?” bungad ko.
“nanganak daw yung misis nya, kaya ako yung susundo sayo” masungit niya namang sabi.iritang irita talaga sya siguro inutusan ni daddy sya manundo sakin.
“namamaho yung unggoy” pag sisimula ko pagkatapos maupo sa shot gun seat.
“hoy! Wag mo kong mabwisit bwisit dyan ah, isusumbong kita! Bully kang kapatid!”
ay wow, te.
“wag ka ngang humarap sakin! Tumatalsik yung laway mo kadiri ka” mas lalo ko siyang inasar. pikoning unggoy. kaso hindi niya pinansin at iniba ang pag uusap.
“bakit si kuya Darwin ang hinahanap mo ha? Gulat ka hano? Ako nanundo sayo, asan boyfriend mo,yung boyfriend mo pinapasakay mo dito hano? Isusumbong talaga kita kay papa!” malakas niyang pagsusumbong.
“ambaho ng bunganga mo, mag toothbrush ka naman kuya” takip ko sa ilong ko
“excuse me ha, nagtutoothbrush ako ng limang beses!” maarte niyang sabi na akala mo bakla at hinehead to foot pa ako.
“pang isang taon mo na yon!”
Habang pinapatakbo yung sasakyan, abot pa din ang pagiging aso’t pusa namin ni kuya. Pero napansin kong hindi papuntang bahay ang tinatahak namin. Saan kaya ako dadalhin nitong kupal na’to, itatapon nya ba ako para sya nalang maging anak? Humanda sya sakin!
Sasabunutan ko na sana sya, kaso biglang may tumawag sa kanya. Sinilip ko kung sino yon pero tumingin sya sakin ng nakakunot noo.
“ano? Chismosa si marites?” taas niya ng kilay.
“asa ka naman, subuka-“
“hello fritz, Bakit napatawag ka”
Kinginang unggoy, bastusan lang.
Simangot akong nakatanaw sa bintana habang nakacross sa aking dibdib ang mga kamay. Saan ba kasi ako dadalin nito? Hindi pa naman ngayon ang family dinner namin. Sa isang linggo pa. subukan niya lang talaga ako ipagbili. rambol ang abot dito sa kotse.
Pagkatapos tumawag ng kaibigan nya, tinanong ko kung saan kami pupunta, pero inasar nya lang ako. Kapag talaga to, ipapaampon ako tatalon na’ko.
“Baba!”
“bakit? Anong ginagawa natin dito?” pagtataka ko, at may halong exitement ng tinatanaw ang taas ng mall.
“kakain malamang, dali na, kung gusto mo iwan kita dito” tumalikod na siya at bumaba pagkatapos isinarado ang kanyang pinto.
Excited akong bumaba, at sumabay habang nakangising naktingin kay tukmolist. Nangangamoy libre ah. ngayon lang 'to nag aya eh.
“saan mo ba ako ililibre kapatid?” sweet na sabi ko at inakbayan siya na parang tropa niya lang. tiningnan niya ako ng masama habang ang bibig ay akala mo batang nagpapout.
yung 22o? sinong mas matanda sa aming dalawa? sagot!
Abot tenga ang ngiti ko, habang inakbayan si kuya, kita mo yon, may kabaitan syang taglay, mga slight.mwehehe
“asa ka naman, sari-sariling pera to oy”
“galing mo naman!”Tumakbo ako ng mabilis habang dala dala ang wallet nya.
“hoy akin na yang wallet ko! Isusumbong kita kay mama!” sabi niya at narinig ko na naman ang paborito niyang sinasab sa akin. napakatasweet na kapatid. sarap itapon.
Tinawanan ko lang sya habang hinahabol ako sa parking lot. Imbistigahin nga natin tong wallet nya. Limang libo lang ang laman ng wallet nya at may tatlong card, aba big time si ungas, bakit ako isa lang credi card ko huhu. unfair.
“Starbucks!”
“Pizza Hut!”
nagkatinginan kaming dalawa habang nasa tapat ng mga restaurant. at masamang tiningnan ang isa't isa. kung laser lang ang mata ko, matagal ng abo mata nito.
“palagi nalang Starbucks, hindi ka ba nagsasawa dun?” padyak niya pa.
“masarap nga dun eh!”
“sinong manlilibre dito?” ibang usapan na dis.
Sa gitna ng pag-aaway namin, napagkasunduan namin bumili ng drinks sa starbucks at pagkain sa pizza hut na sinasabi nya. Nilapag nya na ang inorder nyang pizza, mukang masarap huhu.
“oh, bayad na yung utang kong yakult ko sayo ha?”
Inirapan ko nalang sya dahil sumpak sumpak ko na sa bibig ko yung pizza. Bati na naman kami nito, subukan nya na naman kainin mga pagkain ko sa ref, malilintikan na talaga sya sakin.
“ano? Oorder ka pa” pagtataka kong tanong dahil nakapila na naman sya sa crew.
“bibilan ko sila mama tas manang tungaringaks”
“penge sanlibo” naka angat ang palad ko sa pagmumukha nya.
“bakit? Wala ka bang kabusugan? Patpatin ka naman!” panlalait niya
“doughnut lang eh!”
“nako ikaw Hermione ha! Pinalaki kang gastadera ng nanay mo hindi ka dapat ratatatatat..”
Nakakahiya talagang kasama ‘tong isang ‘to, napakaingay ng bunganga. Bagay na talaga siyang maging tatay. hindi pa mag ka anak.
Pagkatapos niyang magkeneme pangaral daw, binigay nya sakin isang credit card nya, apat na box na daw bilhin ko. tingnan mo yon, ibibigay din pala. may pa malananay pang nalalaman.
Masaya akong pumunta sa dunkin’ donuts kaso may isang lalaking nakabunggo sa akin, bwisit naman oh. bakit palagi nalang lalaki ang nakakabungguan ko. at ang masakit pa nakaramdam ako ng paso sa balat ko.
“hala sorry po huhu”
Relax yani, mabait tayo remember? mukang bata lang naman yan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng todo, nagulat syang tumingin sakin, dahil sa nakita nya sa akin.
“okay lang” plastik kong sabi.
“hala puno na po yung damit mo nang coffee huhu sorry talaga hindi ko sinasadya!” taranta niyang sabi habang nasa gitna kami at pinagtitinginan na kami ng tao.
“halaa teka”
Gulat akong tumingin sa kanya dahil bigla nya nalang akong hinatak. Ginagawa ng isang ‘to? saan ako dadalhin ng stranger na’to lagot ako kay kuya nito. Napagtuunan ko ng pansin yung uniporme nya, uniform din ng campus namin. kaso, pang senior high ang blazer niya, kumpara sa aking junior.
Nagtaka ako dahil nasa tapat kami ngayon ng... penshoppe?
eh?
“tara bibilan kitang damit hihi” para syang batang pumapalakpak sa muka mo.