“eto dali sukat mo!”
Napatanga ako sa kanya habang binibigay sa akin yung damit niyang napili sakin. Muka syang batang tuwang tuwa talaga, pero alam kong mas matanda sya sakin.
“bakit ayaw mo ba nito? Sorry ha hindi ako marunong pumili ng suot ng mga babae huhu, pero teka sandali hahanap ako iba” at bigla na naman siyang nawala ng parang bula.
Tiningnan ko yung damit na binigay nya sakin, isang black na t-shirt na may design tapos isang skinny jeans na highwaist. Okay naman na yung pinili nya, ganun din ang size ko.
Hinanap ko sya dahil bigla syang nawala, nakakahiya naman humanap pa ng ibang damit.
“bulagaa! Eto may nahanap na’ko!”
Gulat akong napatingin sa kanya dahil pasulpot sulpot sa muka ko.may lahi atang kabuti ang isang 'to eh. tiningnan ko yung dalawang damit na napili nya, isang long sleeve naman at skirt.
“nag abala kapa, e-eto nalang ako na din mag babayad”
“hindi hindi! Ako yung may kasalanan eh, tara na sa counter!”
Hinatak na naman nya ko papunta sa counter, para kaming close talaga, pero ngayon lang nagkita. Nakakahiya.
Ibibigay ko na sana yung credit card ni kuya kaso, tinabig nya agad yung kamay ko para sya ang magbayad.
“ako na” nakangiting sabi nya sakin.
“s-sige”
Tumingin tingin ako sa paligid at baka matugis ako ni kuya, madadaanan pa naman to papunta sa dunkin donuts. kinakabahan na’ko at magsumbong na naman ang kupal. Pakamalisyoso pa naman nun kagaya nila xyxy at Meghan.
Pagkatapos nyang bayaran yung damit ko, pumunta kami sa fitting room at pinasuot na ang biniling damit. Pagkatapos hinatak nya na naman ako sa tindahan ng sapatos sabi ko wag na at masyado ng nakakahiya pero hindi talaga ako tinigilan nitong stranger na’to, hindi daw babagay sa damit ko. kadaming kaeek ekan.
Pumili nalang ako ng plain na white shoes na tatak nike, hindi na’ko namili ng kung ano pa, hindi ko na matagalan ang kahihiyan, geez.
“wow! Bagay sayo” nakangiting pumapalakpak sya.
Ineng nyo naka air force.
Awkward akong ngumiti sa kanya, halos dalawang libo ang nagastos sakin, kahit stranger lang ang tingin namin sa isa’t isa.
“salamat ha, nag aksaya ka pa ng pera” hiyang hiyang ko sabi.
“okay lang, kasalanan ko naman, hindi sana nagkakape yung uniform mo” nakanguso niyang sinabi.
“kahit na! tara lilibre kita” kailan pa ako nagvolunteer manlibre?
Aya ko sa kanya, dahil ayaw kong nagkaka utang na loob ako, kaso tumatanggi sya, kaya pinilit ko ng pinilit.
“hays sige na nga, saan ba?”
“sa dunkin’ donuts!”
“tara na! gusto ko din non”
Para syang batang excited, na lumakad kasama ko, may itsura sya, pero isip bata. Hush lang.
Pero too late na ng bigla kong naalala si kuya, patay ako dun. what am I gonna do. Nitext ko si kuya kung nasan na sya, malayo pa naman kami ng kaunti.
To: Unggoy
Kuya san kana?
Dahan dahan ko pinindot ang send, kinakabahan kung ano ang isasagot sa akin. Ibubulsa ko na sana ang selpon ulit sa pantalon, kaso nag vibrate iyon.
From: Unggoy
I’m still here, wait mo ko dyan, kung hindi malilintikan ka sakin!
“bakit? Hinihintay ka na ba ng magulang mo?”
tiningnan ko siya at sumagot. “hindi hindi, n-nagpaalam lang ako”
“ah sige!”
Tumakbo na kami papuntang dunkin’ donuts, inip na’to.
“hmmm, amoy donut!”
malamang.
“anong sayo?” tanong ko.
“butternut lang hehe” nice choice.
“sure ka yun lang?”
“oo busog na din ako eh, hihi”
Pagkatapos niyang pumili, sya na ang pumunta sa pag uupuan namin. ibinaba ko muna ang paper bag na laman ay aking uniporme bago umorder.
“apat na box po nito, tapos isang bucket po ng butternut”
Pagkatapos inabot sakin ang niorder, pumunta nako sa upuan namin. Nihindi ko pa pala kilala ang name, psh.
“bakit andami mong binili?” takang tanong nya.
“pinabili sakin ni kuya” ngumiti ako sa kanya.
Nagshare kami sa isang bucket ng butternut, habang negkekwentuhan. Daldal ni koyang, seymbaybs.
“astig sa snhs ka din pala nag aaral, anong name mo?”
“Hermione inshort yani, ikaw?” mahaba kong sinabi.
“Liam Jade!” sabay abot nya ng kamay sakin. at tnanggap ko naman iyon.
“bagay sayo pangalan mo hihi”
Sa gitna ng pagkekwentuhan namin, may lalaking pumunta sa upuan namin habang nakapamaywang ang isang kamay.
“Anong ibig sabihin nito yvone?” masungit niyang binalingan ang lalaki.
“tatay mo Hermione? wow! Hello po!” mangha niyang tanong. napatawa ako dahil napagmukhaan siyang tatay ko. sa tingin nyo naman papayag kong maging tatay yan, kung puro laman ng bibig ay pang susumbong?
“bakit iba yang damit mo? At sino ka? Boyfriend kaba ng kapatid ko?”
“kuya hinaan mo boses mo! Saka kaibigan ko yan tanga!” apila ko.
wow kaibigan.
“opo, natapunan ko po kasi yung damit nya kaya binilan ko huhu hindi ko sinasadya”
Nagulat kaming pareho ng sumbongero ng makita si liam na magkadikit yung palad nya habang nakaharap kay kuya at paiyak na ang mga mata.
“kuya! look what you’ve done, pinapaiyak mo si Liam”
“luh tinatanong lang eh, huy wag ka na umiyak uy” kabado na'to bente.
Pero bigla nalang tumulo ang luha nitong si liam, kaya nataranta tuloy kami. Kasi yang bunganga na yan e. dapat nilalagyan ng packaging tape ang bibig nyan.
“h-hala tahan na, g-gusto mo ice cream?”
Nakangisi akong napatingin kay kuya, hindi alam kung paano patatahimikin si liam, sa tingin nya mapapatahimik nya sa ice cream ang isang grade 11? Haha abno-
“dalawa gusto”
0__o?
naka peace sign pa sya kay kuya gamit ang kaliwang kamay. Yung totoo? Baka gade 7 palang to, iniscam ako ng isang ‘to.
“s-sige, sandali babalik ako”
“kuya ako din!” pahabol ko, nilingon nya naman ako habang nakabusagot sa akin, pero ako, hindi pa din nawawala ang ngisi sa mukha ko.
Atungal lang pala ng Grade 11 ang magpapatahimik ng bunganga nya huh?
Naglalakad na kaming tatlo palabas ng mall habang may mga nakasupalpal sa aming tatlo na ice cream, buti nalang at mabilis magbago ang mood ni Liam, kaya mabilis napatahan.
“bye kuya clyde! See you sa Sabeerr yvoone! Ingat Hihi”
sheesh, hate that name.
“babyee, take care!”
“una na kami, let’s go herm”
Pagkatapos ng kawayan namin, binuksan ko ang pinto ng backseat para ilagay ang pasalubong at paperbag na pinaglalagyan ng uniporme at box na pinaglagyan ng black shoes, saka lumipat sa passenger seat.
“ano, tahimik bunganga mo ah, bwahaha”
“heh! Duda ako diyan sa kaibigan mong lalaki ha, nako kapag palagi kang pinupuntahan niyan, hindi kaibigan ang tingin niyan sayo! Kaya lagot ka kay papa”
“napakamalisyoso mong tao” sabi ko habang umirap sa kanya.
Habang umaandar ang sasakyan, nakatingin ako sa bintana, nakakaantok kasi ang pinapatugtog ni kuya, 21 guns, slowed. gusto ko ng magpahinga.
Tiningnan ko ang suot kong binili sakin ni Liam, hindi na nakakapagtakang nabilan nya ‘ko ng damit, damit itsura palang, anak mayaman na siya.
Nakakatawang isipin na hindi pa din ako makapaniwalang dahil lang sa natapon na kape, nadagdagan na ang kaibigan ko. napangiti ako dahil sa isang araw, may nakaibigan ako.
Now I have four friends who can have fun with me.