SH 23 — Never Changed Hindi na nasundan pa ang pag-uusap na iyon. Wala nga akong naisagot at naging abala nalang sa pag-ubos ng cake. Mabuti na rin at hindi na nagtanong pa si Bryce o kahit mangulit tungkol sa bagay na iyon. Right after the so-called celebration, I volunteered to wash the plates and clean the kitchen. He went to the living area and watched his favorite football match. Mabilis kong tinapos ang paghuhugas at nagbalak na rin na maghanda para sa magiging hapunan mamaya dahil alas sais na ng gabi. Pagkakataon na rin para makabawi ako at masimulan ko ko ring pagsilbihan siya kapalit ng pagtira ko dito. Matapos maisalansan sa kitchen organizer ang mga pinaghugasahan ko, agad akong nagtungo sa ref at nagtaka na wala iyong laman maliban sa tatlong lata ng beer at isang pitsel

