SH 24 — Please Ginagap niya ang kamay kong nakahawak sa baso. Ang tingin niya'y hindi naaalis sa akin kaya doon ko nasilayan ang kalungkutan sa mga mata niya. Ito yung emosyon na hindi siya nahihiyang ipakita sa akin. Emosyon na tanging ako lang ang may pahintulot na makasaksi at maaaring makapawi. How can he be so vulnerable in front of me while he is so tough to everyone? "Can we go back to where you and I are still close like this?" Hindi iyon isang tanong lang kundi isang pagsusumamo. Mas lalo kong nasilayan ang matinding kalungkutan sa mata niya lalo na nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Parang sinasaksak ang puso ko na makita siyang nagpapakababa para lang sa isang bagay na malabo nang maibalik. "Bryce..." Halos ibulong ko iyon sa hangin. Hindi ako na

