Chapter 32

1386 Words
CHAPTER 32   Hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa niya iyon! Hinalikan niya lang naman ako sa harap ng mga kaibigan niya para lang sabihin na sa kanya ako at walang ibang nagmamay-ari sa 'kin kundi siya at siya lang. May kung anong kumiliti sa puso ko habang nagpapaulit-ulit iyon sa aking isipan. Sa maikling oras ay naramdaman kong ipinagmamalaki niya ako sa ibang tao bilang kanya.   Natauhan ako nang marinig ang malakas na pagsarado ng pinto at napagtantong narito ako sa kanyang kwarto.   Diri-diretso ang punta niya sa kanyang kama at doon naupo habang ako naman ay naiwang nakatayo malapit sa kanya. Nakahilig ang kanyang mga braso sa dalawang hita. Ang ekspresyon niya ay hindi ko mai-drawing dahil sa pagtiim ng bagang niya at nagkukuyom na mga kamao. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam kung magandang ideya ba iyon sa mga oras na 'to.   Agad na dumagundong sa kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit kami napunta rito.   Peste talaga 'yun si Sir Odin!!! Bakit niya pa kasi sinabi 'yun eh?!!! At talagang sa harapan pa nila ah? Pwede niya naman akong kausapin ng matino at ng mag-isa at 'yung hindi maririnig ng iba. Pero, bakit niya iyon itinanong sa 'kin? At paano niya nalaman ng tungkol sa nangyaring paghalik sa 'kin ni Sir Vander—   "Is that true?" napabaling ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa 'kin pero alam kong sa akin niya iyon itinatanong.   "A-Ang alin?" kinakabahang kong tanong, napapalunok pa.   Bumaling siya sa 'kin dahilan para mas malinaw kong masilayan ang seryoso niyang mukha. Ilang beses ko naman na 'yang nakita pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan.   "The kiss? Is that true that Vander kissed you?" Mariin niyang tanong. "And don't lie to me, Ida."  Dagdag niya pa.   Nanunuot sa akin ang matiim at galit niyang tingin na kahit siguro magsinungaling ako ay malalaman at malalaman niya pa rin kung ano talaga ang nangyari.   Bumuka ang bibig ko para magsalita pero agad ko rin iyong naitikom sa kawalan ng sasabihin.   "Where?" Tumayo siya, tutok pa rin ang mata sa akin. "And when did that happen?" Nagsimula siyang maglakad habang tinatanong iyon.   Napalunok ako habang nakatulos sa aking kinatatayuan. Nanatiling tikom ang bibig ko lalo na nang makalapit na siya sa akin at sapuin niya ang gilid ng aking leeg.   "Did he kiss you like this?"   Kunot ang noo ko dahil sa tanong niya at akmang magtatanong nang patakan niya ako ng halik sa aking labi. Ilang segundo iyong nagtagal bago niya binawi at muling tumitig sa mga mata ko.   "Gano'n ba ang halik niya sa 'yo?" namamaos niyang bulong.   Sunod-sunod ang aking paglunok bago marahang umiling sa kanya.   Pero mas lalo lang yatang nagdilim ang kanyang ekspresyon na tila hindi nagustuhan ang aking sagot.   Eh hindi naman talaga ganyan dahil hindi naman ako hinalikan ni Sir Vander sa labi. Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya kung ganito ang awra niya? Nakakatakot!     Naipikit ko ang mata nang muli niyang dampian ang labi ko pero sa pagkakataong ito ay bahagya iyong lumalim at nagtagal ng ilang minuto. Halos magrambulan ang mga lamang-loob sa aking tiyan sa sobrang kiliting nararamdaman.   Habol naming pareho ang hininga nang bitiwan niya ang labi ko at gusto kong mahiya nang habulin ko pa ang kanyang labi nang lumayo ito. Namumungay ang aking mata habang nakatitig sa kanya. Malamig naman sa kanyang kwarto pero ewan ko ba at unti-unti ko nang nararamdaman ang init sa katawan ko.   "Gano'n ba?" mariin niyang tanong. "Gano'n ba ang paghalik niya sa 'yo?" Parang nagdilim yata lalo ang seryoso niyang ekspresyon habang hinihintay ang sagot ko.   "H-Hindi—"   "f**k!" Malutong niyang mura bago ako tuluyang hinapit at inatake ng malalim na halik.   Agad akong napakapit sa kanyang batok para kumuha ng suporta. Hindi ako makasabay sa kanya. Masyadong agresibo ang paraan ng kanyang paghalik at tila pinanggigigilan ang labi ko. Para siyang mabangis na hayop na ngayon na naman lang nakatikim ng pagkain kaya't hindi niya mabitawan.   "Mavi . . ." hindi ko maiwasang mapaungol nang bumaba ang kanyang labi sa aking leeg. Ramdam ko ang mga pagkagat niya roon dahilan para maging sunod-sunod ang pag-alpas ng halinghing sa labi ko.   Napaatras ako nang magsimula siyang maglakad habang hindi pa rin napuputol ang aming halikan. Nahinto lamang iyon nang itulak niya ako pahiga sa kama na muntik ko pang ikatili at hindi pa man ako tuluyang nakaka-recover ay sumalubong na muli sa akin ang labi niya at dumagan sa akin.   Agad bumaba ang labi niya sa aking leeg at dumaan ang dila sa balat ko dahilan para mapatingala ako. Mariin kong naipikit ang mata habang ninanamnam ang kanyang ginagawa at tuluyan akong pinawawala sa katinuan. Impit na halinghing ang gustong kumawala sa aking bibig pero pinipigilan ko lamang. Pero talagang alam niya yata kung ano ang gagawin dahil nang sipsipin niya ang parteng iyon ay hindi ko napigilan pa ang mga pag-ungol ko.   "Mavi . . . Ohh . . ." Napatakip ako ng kamay sa aking bibig para 'wag mag-ingay habang ang isa ay napakapit na sa kanyang buhok.   "Walang ibang may karapatang gawin sa 'yo 'to kundi ako. Do you understand, Ida?" namamaos niyang bulong pero bakas ang awtoridad roon.   Sunod-sunod ang aking pagtango at ako na mimso ang nag-angat sa aking sarili para halikan ang labi niya.   Mas lalo siyang nanggigil dahil roon at hindi ko na alam kung saan pa ibabaling ang aking ulo dahil sa kanyang ginagawa at nang naramdaman kong lumapat ang kanyang palad sa aking dibdib ay halos mangilabot ako sa kaba. Agad ko siyang naitulak, sapat lang para matigil siya.   Para naman siyang natauhan at agad na huminto. Isinandal niya ang kanyang noo sa akin habang parehong malalim ang aming paghinga.   "Next time, don't let any man kiss nor touch you, Ida. Understand? Baka makapatay ako."   Kinabahan ako sa sinabi niya.   "Ba't ka nga ba nagpahalik?" Mahina niyang dagdag ngunit naroon na naman ang iritasyon.     "H-Hindi ko naman alam na gagawin niya 'yon eh. At hindi niya naman ako hinalikan sa labi! Saka anong next time ang sinasabi mo d'yan? Hindi 'yun mangyayari 'no! Saka okay na kami, kinalimutan na namin ang nangyaring 'yon."     Pinaningkitan niya ako ng mata at parang hindi naniniwala.   "Totoo nga ang sinasabi ko! A-Alis nga d'yan!" Tinulak ko siya paalis sa ibabaw ko at agad akong lumayo sa kanya.   Napangisi siya sa inakto ko. Dinilaan niya ang kanyang labi at kahit hindi man niya sadya ay pakiramdam ko inaakit niya ako.   "L-Lalabas na 'ko."   Dali-dali ko siyang tinalikuran at lumabas ng kanyang kwarto. Rinig ko pa ang paghagalpak niya ng tawa bago ko tuluyang sarhan ang kanyang pinto.   'Sira talaga.'   Mabilis ang naging pagbaba ko ng hagdan sa takot na baka nakasunod siya sa akin at mabuti na lang dahil hindi naman.   "Ikaw Ida ha, hindi ka nagsasabi!"   Nagulat ako nang sumalubong sa akin sina Sir Odin at Sir River.   "Oo nga! I thought we're family here? But you're keeping secrets from us! From me?" Dagdag naman ni Sir River.   Maang akong napatingin sa kanila. Para silang mga batang nagmamaktol dahil hindi sinama sa lakad.   "Naku sir, tigilan niyo nga po ako. Lalo ka na Sir Odin! Nanggigigil ako sa 'yo eh. Kailangan talagang i-announce 'yon kung pwede mo naman akong kausapin. Muntik pa tuloy suntukin ni Sir Mavi si Sir Vander."     "Sir Mavi?" Natawa siya. "He's your boyfriend now Ida, hindi na dapat sir ang tawag mo sa kanya. In fact, you can call us all with our names. I wouldn't mind if it's you."   "Yeah, he's right. Ilang taon lang naman ang agwat namin sa 'yo. You're just making us feel old."   "Oh, nand'yan na pala 'yung BOYFRIEND mo!"   Napatingin ako sa likod nang itinuro iyon ni Sir Odin at nakita ang seryoso na namang mukha ni Si— ni Mavi. Nang tumingin siya sa akin ay ngumisi siya dahilan para mag-init ang mukha ko.   Pisti ka Ida! Ang landi mo!   "Yow—"   "Get out of my sight if you don't want me to kick your ass!" asik niya kay Sir Odin na agad nitong ikinaatras habang si Sir River ay humahagalpak lang. Masama ang iginawad nitong tingin kay Mavi saka na sila umalis sa harap namin.   Nailing na lang ako.   Minsan talaga ay hindi ko sila maintindihan. Para silang mga sira.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD