Chapter 3

3871 Words
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Ang matuwa ba dahil sa ilang pangungulit at pagpapaintindi kay nanay ay sa wakas pinayagan niya na akong lumuwas ng Maynila, o ang magsisi dahil kasasalta ko pa lang rito ay puro kamalasan na ang nangyari sa akin?!   Matapos manakawan ng cellphone at maloko ng mandurugas na taxi driver ay heto ako’t tumatakbo para sa buhay ko! Punyeta!   ‘Grabe naman po, Lord! Ginagawa niyo naman po yatang action movie ang buhay ko?!’   “What the f**k?! Get back here, woman!” sigaw nung lalaki habang patuloy lang ako sa pagtakbo palayo.   Ano ba ‘yan? Hindi nga ako ang gumawa niyan sa kotse niya! Grabe naman oh!   Paano kasi ay napagbintangan ako ng lalaking ‘yon na siyang nakagasgas sa kotse niya. At dahil sa takot na baka sa kulungan ako matulog ngayong gabi ay agad akong kumaripas ng takbo. Kaunti na lang ang pera ko. Hindi ko na kakayanin pang bayaran ‘yan kung sakali.   Nang makasigurong nakalayo na ako ay saka lamang ako tumigil sa pagtakbo. Sapo ang noo ay napasandal ako sa pader sa aking likod at malalim ang paghinga na dumausdos ng upo sa lupa. Halos magmukha na akong bagong ligo dahil sa pawis. Napahawak pa ako sa sariling tiyan nang tumunog iyon.   Napatingala ako sa papadilim nang langit at parang gusto kong maiyak sa mga nangyayari sa akin.   Pero hindi. Hindi lahat ng problema ay dapat na iniiyakan. Hindi lahat ng problema ay dapat na pinoproblema, dapat ay ginagawa rin ‘yong oportunidad.   “Tama. Tama, Ida. Ano ka ba? Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo, ha? Ang maging mahina? Hindi. Kaya umayos ka.” Pagpapalakas ko ng loob sa sarili.   Marahan kong pinunasan ang namumuong luha sa mga mata at saka nagpasyang tumayo. Pero gano’n na lamang ang panghihina ko. Marahil ay dahil na rin sa naghahalong pagod at gutom kaya nahirapan ang mga paa kong pumirmi.   Nagulat pa ako nang makitang may lalaki ng umaalalay sa braso ko.   “Miss, are you okay?” bakas sa boses niya ang pag-aalala, at kahit medyo madilim na sa parteng kinaroroonan namin ay hindi pa rin no’n naitago ang sinseridad sa berde niyang mga mata.   Hindi ko maintindihan kung bakit naintindihan ko naman ang sinabi niya pero parang nahipnotismo na yata ako dahil nakatulala na lang ako sa kanya.   “Miss? Miss, are you really okay? You look pale . . .”   Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa man ‘yon tuluyang nagagawa ay bigla na lang umikot ang paningin ko hanggang sa tuluyan na ‘yong magdilim.     Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga boses na nag-uusap.   “Ate, pakihinaan naman ng boses mo! May natutulog pa oh!” kakamot-kamot kong ibinaluktot ang katawan sa kama dahil sa lamig ng kwarto. Sinubukan kong kapain ang kumot sa palibot ng kinahihigaan pero walang mahagilap ang kamay ko kaya’t napayakap na lang ako sa sarili. Nawala lang ang lamig nang maramdaman kong may lumapat na makapal na kumot sa katawan ko, kasabay ang bungisngisan na narinig ko at ang paglubog ng parteng harap ng kama.   ‘Paglubog? Eh banig lang naman ang ang higaan namin ni nanay ah?‘   Napakunot-noo ako saka unti-unting binuksan ang mata nang may mapagtanto at agad na tumambad sa aking harap ang isang lalaki! Nakatagilid ito ng higa sa harap ko habang gamit ang kaliwang kamay bilang pangtukod ng ulo niya. Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanya habang inaalala ang mga nangyari at parang bigla na lang nagliwanag ang bumbilya sa loob ng utak ko dahil sa napagtanto kaya agad akong napasigaw na siyang nagpagulat sa kanya.   “Ahhhhhh!!! Sino ka?!!” siksik na ang katawan ko sa ulunan ng kama at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya. Nagulat pa ako nang makitang dalawa pala silang nandito sa loob ng kwarto— kaninong kwarto ‘to?! “Nasa’n ako? Saan niyo ‘ko dinala?! Anong ginawa niyo sa ‘kin?!!” natatarantang itinaas ko ang kumot para lang tignan kung nakadamit pa ba ako o hindi na at laking pasasalamat ko nang mayroon pa.   “Hey, calm down! Calm down—“   Sabay-sabay pa kaming napatingin sa pinto nang maingay iyong bumukas at tumambad ang dalawang lalaking teka—.   Napatingin ako sa lalaking kanina ay nakahiga lang sa harap ko at sa lalaking isa sa mga bagong dating.   “B-Ba’t kayo magkamukha?” tatanga-tangang tanong ko dahilan para matawa iyong lalaking nakahiga kanina samantalang ‘yong bagong dating ay nakapamulsa lamang na nakatitig sa akin bago pabuntong-hiningang nag-ikot ng mata.   “It’s because we are twins. River, by the way.” Pakilala nito na nagawa pang kumindat at ilahad ang kamay sa akin kaya naman dahan-dahan ko rin iyong inabot. Nagulat pa ako nang halikan niya ang likod no’n kaya agad ko ring inagaw. Ngumisi lang ito sa inakto ko.   “Ang landi mo.” Wala sa sariling sambit ko dahil iyon rin naman ang napansin ko doon sa nagpakilalang River. Natawa lang silang tatlo maliban sa kakambal ni River kaya napaiwas ako roon ng tingin dahil parang siya ‘yong tipo na hindi namamansin at mabilis magalit.   “N-Nasa’n po ba ako? W-Wala naman po kayong ginawa s-sa ‘kin ‘no?” kinakabahang tanong ko habang mahinang natawa ang tatlo, umiiling-iling pa.   “You’re in our house. And you’re in my room. Dito na kita dinala dahil bigla ka na lang hinimatay kanina at hindi ko alam kung taga-saan ka. I can’t find your phone so . . .”   “Nanakaw kasi ‘yong phone ko kanina.” Sagot ko kay kuyang green eyes. Katulad kanina ay parang natulala na naman ako sa mga mata niya kaya’t nawala ang kabang nararamdaman ko. May kung anong tuwa ang umuusbong sa loob ko sa nalamang siya ‘yung lalaking tumulong sa akin kanina.   “Where are you from?” tanong ni River. Siya pa lang kasi ang kilala ko sa pangalan. Moreno ang balat niya at katulad ko, brown rin ang mga mata at buhok niya. Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt at itim ring pantalon. Kumikinang pa ang suot niyang kwintas at agad akong napaiwas ng tingin kasabay ng pag-iinit ng magkabila kong pisngi matapos mapagtantong katulad sa ari ng lalaki ang pendant noon.   ‘Bastos!’   “Taga-Nueva Ecija talaga ako at lumuwas lang ako mula sa amin para maghanap ng trabaho rito.”   “But you look minor . . . How old are you?” tanong naman nung isa, iyong kasama kanina ni River na nagawa pang pasadahan ang kabuuhan ko ng tingin. Maputi ang balat niya at maitim ang buhok. Lahat sila ay matatangkad at paniguradong abot balikat lang nila ako kapag tumabi sa kanila. Pero katulad ni River ay mukhang matinik rin ito sa babae at halatang malandi rin.   Ang lagkit kasi makatingin eh, parang nanghuhubad na.   “Ahm, 18. Magna-19 ngayong taon.” Rinig ko pang sumipol si River.   “You know what, let’s continue talking downstairs. It’s dinner time already kaya sumabay ka na sa amin. You still looked pale.” Singit ni kuyang green eyes.   Dinner lang ‘yong pinaka-naintindihan ko kaya nagpatianod na ako sa paanyaya nila at ramdam ko na rin ang gutom. Sama-sama kaming lumabas ng kwarto at bumaba.   Shala, ang ganda ng bahay! Karamihan ay mga salamin ang dingding dito sa baba kaya naman kitang-kita ang mga halaman at kotse sa labas. Ang gagara! Tapos ang ga-gwapo pa ng mga ‘to!   ‘Ang shala Niyo po talagang magbiyaya, Lord!’   “Take a sit, beautiful lady.” Sabi noong kasama ni River na nagawa pa akong ipaghila ng upuan.   “Salamat.” Tipid kong sabi.   Naigala ko ang mata sa mga pagkaing nakahain sa mesa at itinago na lang ang pagngiwi nang makitang puro iyon galing sa fast food.   Ngayon pa lang, nami-miss ko na ang mga luto ni nanay.   Nilagyan ako ni kuyang green eyes na siyang katabi ko ng pasta sa plato. Dinagdagan niya rin iyon ng isang slice ng pizza at pritong manok saka siya ngumiti sa akin.   ‘Lord, ang gwapo!’   Napakagat ako sa ibabang labi at gumanti rin sa kanya ng ngiti.   “Salamat.”   “Go on, eat your food.”   Dahil sa gutom ay nauna na akong sumubo sa kanila. Nahihiya ako sa mga ginagawad nilang tingin kaya naman nagdahan-dahan ako at baka masabihan pa nila akong patay-gutom nito.   “What’s your name, by the way?” tanong ni kuyang green eyes.   Nilunok ko muna ang nginunguya bago sumagot sa tanong niya.   “Ako si Miranda Jean Gonzales. Ida na lang para hindi kayo mahirapan. ‘Yon rin kasi ‘yung tawag sa akin ng nanay at kaibigan ko, actually halos lahat ng taga-roon sa amin, ‘yung mga pamangkin ko lang talaga ang walang galang—.” Kusang natutop ang bibig ko nang mapagtantong nagiging madaldal na naman ako at kung anu-ano na ang sinasabi. “Ida na lang.”   Natawa lang siya sa akin, gano’n na rin ang dalawa pa.   “Beautiful name. Suits a beautiful girl like you.” Sagot noong umalalay sa akin sa pag-upo kanina.   “I’m Vander.” Sagot ni kuyang may green eyes saka ngumiti na naman.   ‘Kuya, dahan-dahan lang ah. Baka ma-fall ako eh. Mahina pa naman ako pagdating sa mga gwapo at mababait . . .’   “Ah. Beautiful name din.” Ngumiti ako. “Ang ganda ng mata mo ‘no . . . Parang may ibang lahi.“ Wala sa sariling puri ko na nagawa pang pumangalumbaba sa harap niya. Kung ‘di lang ako nakarinig ng mga pagtikhim ay hindi ako matatauhan. Agad akong napaayos ng upo at inilibot ang tingin sa iba na wagas rin kung makangisi. “Ang ganda rin ng mata niyo . . .” pagpuri ko rin at saka ngumiti ng hilaw.   “I’m Odin by the way, Miss beautiful.” Pagpapakilala noong kasama kanina ni River. Tinanguan ko lang siya saka bumaling doon sa kakambal ni River na mukhang tahimik at snob.   “And he’s Ramses, my twin brother.” Si River na ang nagpakilala dahil mukhang wala talagang balak magsalita iyon.   “Pero, hindi naman siya pipi . . . ?” hindi ko magawang dugtungan ng maayos ang taong ko, lalo na nang nakita kong tumaas ang kilay noong Ramses. Tinikom ko na lang ang bibig habang marahan namang natawa ang iba.   “So you said that you go here from your hometown to find work. Mind telling us what work are you looking for?”   Natigilan ako sa tanong ni Vander.   “Ah. Kahit ano.” Pagkikibit-balikat ko. “Hindi naman ako katalinuhan at hindi rin naman ako nakatuntong ng kolehiyo kaya pang-katulong at waitress lang ang kaya kong gawin.” Bahagya silang natahimik sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako. “Kaso unang salta ko pa lang rito puro kamalasan na ang nangyari sa akin kaya hindi ko alam kung kelan ako makakahanap ng trabaho.”   “No wonder you look exhausted and paled kanina. Ang dami palang nangyari sa araw mo.” Simpatyang sabi niya. Tumango lang ako.   “If you want, you can work here—“   “Mavi doesn’t know about her yet and for sure he wouldn’t permit this.” Pamumutol ni Ramses na narinig kong magsalita sa unang pagkakataon. Pinukol niya ng matalim na tingin ang kakambal niya bago bumaling sa akin saka ulit nagsalita. “Besides, hindi pa natin siya gaanong kilala, baka—“   “H-Hindi ako magnanakaw. Mas lalong hindi ako masamang tao. Promise.” Agad kong sagot na nagawa pang itaas ang kanang kamay, nanunumpang totoo ang sinabi ko.   “Iyon naman pala eh. So, ano na guys?” Tinitignan ni River ang tatlo niyang kasama, naghihintay ng sagot.   “Pumayag na kayo. Can’t you see? She’s nowhere to go. Hahayaan niyo na lang bang magpalakad-lakad ang isang magandang binibini sa daan at pagtripan ng kung sino-sino lang d’yan?” Panghihikayat naman ni Odin na nagawa pang umapela sa konsensya ng dalawa lalo na kay Ramses.   Tahimik lang akong nakamasid sa kanila pero sa loob ko ay nagdarasal na rin akong sana ay pumayag sila. Kung sakaling makuha ako, hindi ko na kakailanganin pang maghanap kinabukasan.   “Ako, okay lang sa akin.” Kibit-balikat na sagot ni Vander na hayun, jusko Lord, ngumiti na naman po siya.   “Calm your d***s, will you?” asik ni Ramses na binalingan ang kambal niya saka si Odin. Bumuntong-hininga siya bago uminom. “Just call Mavi so we could tell him about her.”   “But he’s not answering his phone, dude. The last message he sent me was he’s going to get his car fixed.” Sagot ni River sa kakambal. “For sure, he’s just using that excuse so he could get laid now. That man.” Nailing na dagdag nito.   “Besides, we can contribute naman one by one for her salary. Pareho lang naman tayong gumagastos. Hindi ba kayo nagsasawang kumain ng mga pagkaing fast food at resto? Heto na nga ang sagot sa araw-araw na reklamo at problema natin oh.”   Hindi ko alam na sa dinami-rami ng kamalasan ko ngayong araw ay may blessing pa rin palang ibibigay si Lord.   “So this is gonna be your room.” Inilibot ko ang paningin sa kwartong ibinigay nila sa akin. Mas malaki ito ng kaunti sa kwarto namin ni nanay at dahil mag-isa lang naman ako rito ay tiyak na kasyang-kasya ako. Kahit siguro magpa-tumbling tumbling ako ay hindi ako mauuntog. May kama at maliit na lamesa rito sa loob. Mayroon na ring banyo at kabinet kung saan ko pwedeng ilagay ang mga damit ko. Malapit lang rin ito sa kusina kaya mas mapapadali ang pagluto ko nito sa umaga. “Ito na lang ang bakanteng kwarto at ang sa amin naman ay nasa second floor. Bukas ay maaga ang pasok naming lahat so habang wala kami, you can take a look around the house to familiarize yourself. Sa susunod na araw na lang rin natin pag-usapan ang mga rules at ang tungkol sa salary mo.”   Tumigil kami sa paglilibot at ako naman ay nakangiting humarap sa kanya.   “Salamat po talaga, Sir Vander. Pagbubutihin ko po ang trabaho ko.”   “I know. At alam ko ring mabuti kang tao.” Sagot niya at ginantihan rin ako ng ngiti.   “Pero, sino po ‘yung Mavi? Hindi po kaya paalisin ako no’n dito?” tanong ko nang maalala ang napag-usapan nila kanina.   “Don’t worry about him. We’re going to explain to him about you and besides, pumayag na kami kaya kahit umayaw siya ay wala na rin siyang magagawa.”   Pagkatapos nang pag-uusap naming ‘yun ay umalis na rin si Sir Vander. Inayos ko muna ang mga damit ko sa kabinet, ganoon na rin ang tig-isang piraso kong tsinelas at sapatos sa baba nito saka na ako nagpasyang maligo. Ngayon lang tumalab ang hiya at diri sa sarili na baka nag-aalingasaw ako sa baho nang makaharap ang mga lalaking ‘yon na ngayon ay mga amo ko na. Pasalamat talaga ako at hindi nagbago ang isip nilang tanggapin ako.   Suot ang manipis na bestidang pantulog ay naupo ako sa gilid ng malambot kong kama.   “Grabe, salamat po talaga Lord. Kung anu-ano na ‘yung mga pinagrereklamo ko sa Inyo kanina tapos may nire-ready lang pala kayong good news sa akin. Kayo ah.”   Ngingiti-ngiti akong nahiga sa kama habang inaalala ang mga pinagdaanan ngayong araw. Napapikit nga lang ako sa inis nang maalalang wala na akong teleponong magagamit para tawagan sina nanay.   “Pesteng ‘yun! Akala ko pa naman ang bait dahil namigay ng kwek-kwek, ‘yun pala ay balak lang mandekwat.”   Imbes na mas lalong mainis ay ipinikit ko na lang ang mga mata at pinilit ang sariling matulog. Pero hindi pa man yata ilang oras mula nang makatulog ako ay agad na rin akong nagising nang maalimpungatan ng mga naririnig na pagdaing.   Dahan-dahan akong bumangon at saka walang ingay na binuksan ang pinto ng kwarto hanggang sa makalabas ng kusina. Pigil hininga ako nang naglakad sa kusina at mula roon ay tanaw ko ang mga anino sa sala na may kung anong ginagawa. Salamin kasi ang naghahati sa kusina at malawak na salas kaya naman kahit kaunting ilaw lang mula sa labas ay mababakas pa ring may tao roon.   ‘Mga magnanakaw ba ‘yun? Diyos ko, Lord! Mukhang mapapalaban agad ako ah?’   Halos mga daliri na lang ng paa ko ang lumalapat sa malamig na tiles para lang hindi makagawa ng ingay sa paglabas ko. Mukhang naroon sila sa sofa na nakatalikod sa kinaroroonan ko dahil ulo hanggang leeg lang ang nakikita ko, pero sigurado akong hindi ito mga amo ko dahil kanina pa ‘yon tulog at lahat sila lalaki, walang babae, kaya sino ‘to?!   Mas lumakas pa ang mga ingay nang mabuksan ko ang sliding door at ganoon na lamang ang kalabog ng dibdib ko nang mapamilyaran ang mga lumalabas sa bibig nila. Punyeta! Ganitong-ganito rin ‘yong naabutan namin ni bes sa kwarto ni Jake!   Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob. Ito ang unang pagsubok ko at bilang kasambahay ay kailangang protektahan ko ang mga amo ko. Bitbit ang dustpan na nakapa ko ay dahan-dahan akong naglakad sa kinaroroonan nila. Tanaw ko ang malaking T.V. sa kanilang harapan kaya pinili kong doon dumaan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita silang hubad at gumagawa ng kababalaghan kaya hindi ko napigilan ang mapasigaw ng malakas!   “What the f**k!!!” rinig kong sigaw nila, mukhang nagulat rin.   Takip-takip pa rin ang mata ng palad ay agad akong naglakad papalayo sa kanila habang hindi pa rin natitigil sa pagsigaw. Nakarinig na ako ng mga boses at yabag na pababa ng hagdan na para bang nabulabog ko ang buong kabahayan pero hindi pa rin ako natigil sa pagsigaw at pag-atras hanggang sa naramdaman ko na lang ang sariling nahulog at nagkakakawag sa tubig.   May kalaliman iyon at dahil sa pagkataranta ay hindi na ako nakakapag-isip ng tama. Kung wala lang sigurong tumulong sa aking makaahon ay baka nalunod na ako roon kanina pa.   Malalalim ang paghinga ko nang makaalis sa tubig at nanginginig rin ang katawan ko sa pinaghalong lamig ng tubig at hangin.   “Who the f**k is that woman?!” minulat ko ang mga mata at natagpuan ang mata ng galit na galit na lalaki sa akin. Magkasalubong ang kanyang kilay at laking pasasalamat ko nang makitang nakabihis na siya. “Who are you?” matigas na tanong nito.   “What a b***h!” asik ng babaeng kasama niya, ngayon ay nakabihis na at katulad ng lalaking ito ay masama rin ang tingin sa akin.   “She’s the new hired helper, Mavi.” Si Sir River na ang nagsalita nang hindi ko nagawang sumagot. Pero teka— Mavi?   Napaawang ang bibig at nanlalaki ang mga matang napatingin ako roon nang mapagtantong isa siya sa mga amo ko at siyang pinag-uusapan nila kanina!   Oh my goodness! Pakshet!   ‘Hindi naman ako matatanggal agad, hindi ba?’   Napalunok ako nang makita agad ang pagtutol at pag-asim sa mukha niya.   “Helper? Who the f**k said that we need a freaking helper?!” asik nito saka bumaling sa babaeng kasama niya. “Let’s go, I’ll drive you home.” Pagkasabi no’n ay bumaling siyang muli sa mga kaibigan niya. “We will talk when I come back. And you,” duro nito sa akin, “I want your face gone in this house, do you understand?” hindi na ako nito hinintay makasagot at basta na lang kami tinalikuran.   Ilang segundo kaming tahimik bago iyon basagin nang kabababa lang na si Sir Vander, basa ang buhok at nakasuot ng roba. Mukhang siya ang tumulong sa akin kanina.   “Oh, where is he?” baling nito sa mga kaibigan. “Here, Ida, take this,” bigay sa akin ni Sir Vander ng roba at tuwalya.   “Salamat po, Sir.” Nilalamig na sagot ko.   “He just drove Fiona home.” Sagot naman ni Sir Odin na titig na titig sa akin lalo na sa basang katawan ko kaya mabilis kong sinuot ang robang bigay ni Sir Vander at tinuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Rinig ko pa ang pagsipol niya.   ‘Sabi ko na nga ba at may pagka-manyak ‘to eh.’   “I told you to wait for his decision but you didn’t listen.” Napatingin kami kay Sir Ramses na nakasandal lang sa sliding door at magkakrus ang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Iiling-iling itong pumasok sa loob kung kaya’t sumunod na rin kami roon at naupo sa upuan. Pero makalipas lang ang ilang minuto ay agad rin akong napatayo nang pabalyang bumukas ang pinto sa sala at iniluwa noon iyong Mavi na agad kumunot ang noo pagkakita sa akin.   ‘Oh Lord, tulungan niyo po ako!’   “You’re still here? I told you to get the f**k out of here, didn’t I?”   “She’s still a lady, Mavi. Respect her.” Singit naman ni Sir Vander.   “I don’t care who she is. Where did you get her anyway?”   ‘Grabe ang sungit niya talaga.’   Bigla akong napayuko nang hagurin niya ang kabuuhan ko ng tingin. Matatalim ang titig niya at hindi ko ‘yon kinakayang salubungin.   “I saw her fainted on my way here kaya dinala ko na rito. She’s looking for a job kaya naman kami na ang nagprisintang kunin siyang helper—“   “Without even asking for my opinion? May I remind you that this is my house, Vander.” May awtoridad niyang sabi, nagpapakaba lalo sa akin. “I guess kahit papaano, my opinion matters, right?” may bahid ng sarkasmo ang boses niya nang sabihin ‘yon. Ba’t siya ganyan sa mga kaibigan niya? “You,” napaangat ako ng tingin sa kanya nang makitang nagtapon siya ng pera sa tapat ko. “Gusto ko paggising ko, hindi ko na makita ‘yang pagmumukha mo, ha? I guess that’s enough money for you, right?” matapos sabihin ‘yon ay nakapamulsa siyang naglakad paalis. “What is this house? An orphanage? We’re not a freaking charity!” rinig pa naming sabi niya bago umakyat ng hagdan at mawala sa paningin namin.   Napatingin ako sa perang nasa paanan ko at doon ko lang mas naramdaman kung gaano ako nanliit para sa sarili. Kung gaano kaliit ang tingin ng mga tulad niya sa tulad ko. Sa halagang dalawang libo . . . pakiramdam ko, buong pagkatao ko ang natapakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD