Chapter 9

4286 Words
Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ‘to! Iyong alukin niya pa lang akong lumabas at mamasyal kasama siya ay hindi na kapani-paniwala, ito pa kayang bigyan niya ako ng bulaklak at teddy bear?! Parang panaginip! Feeling ko ang haba ng buhok ko, kaloka! Gusto ko na ngang tumingin sa likod at baka may nakakaapak na eh.   Hindi pa nga ako nakaka-move on sa pagdala niya sa akin sa amusement park kanina at feeling ko totoong magjowa kami dahil sa mga pinaggagawa namin. Sumakay kami ng roller coaster, ng ferries wheel at iba pa. Naglaro rin kami ng mga games at ang premyo mula roon ay binigay niya sa ‘kin. Lahat ay ngayon ko lang naranasan at masaya akong siya ang kasama ko.   “Do you like it?” natigil ako sa pag-amoy ng bulaklak at napalingon kay Sir Vander sa driver’s seat. Ang gwapo niyang tignan riyan habang narito ako sa tabi niya, gusto ng kurutin ang sarili sa singit sa sobrang kilig.   “Opo, sir. Maganda po saka mabango,” kagat ang pang-ibabang labi na sagot ko.   “You know what, just call me Vander, Ida. Lalo na kapag tayong dalawa lang ang magkasama.” Ngumiti siya sa ‘kin bago muling bumaling sa daan.   Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.   “S-Sige po—“   “Nah, drop the po. You’re making me an old man,” kunwaring tampo na sabi niya.   ‘Ang cute. . .’   “Sige, V-Vander,” nahihiyang sambit ko.   Ano ba ‘to? Ba’t ako naging mahiyain? Makapal naman ang mukha ko ah?! Umayos ka ida, hindi ikaw ‘to!   Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. Kaloka, nakakahiya! Feeling ko tuloy ang super close na namin.   Kung anu-ano lang ang pinagkwentuhan namin habang nasa biyahe. Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa isang mataas na lugar. Nauna siyang bumaba ng kotse. Sumunod ang tingin ko sa kanya nang umikot siya sa harap saka ako pinagbuksan ng pinto at alalayang bumaba.   “Salamat.”   Agad akong napayakap sa sarili dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Buti na lang at nagdala ako ng jacket kahit papaano kaya sinuot ko iyon saka ko siya pinanood na kunin sa back seat ang pinamili naming pagkain kanina sa convenience store.   Inilibot ko ang paningin sa paligid at karamihan sa makikita ay mga puno at ilang kabahayan sa ‘di kalayuan.   “Let’s go?”   Tumango ako saka sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon pero okay lang. Kahit saan niya naman ako dalhin ay sasama ako. Rawr!   Nang tumigil kami sa paglalakad ay siya ring pagsabog ng aking buhok nang sumalubong sa amin ang ihip ng hangin at tumakip iyon sa aking mukha. Hinawi ko iyon at inipit sa likod ng aking tenga saka napaawang sa paghanga ang bibig dahil sa nakikita.   “Wow . . . ang ganda,” mahinang sambit ko. Inilibot ko ang tingin sa baba kung saan naglalaro ang mga makukulay na city lights, sa taas naman no’n ay ang nagkikislapang mga bituin habang ang buwan ay bahagya lang nakasilip mula sa likod ng mga ulap. “Ang ganda talaga . . .” Parang ako, char!   “Here you go. Let’s sit.”   Pagbaling ko sa kanya ay may nakalatag nang tela sa papag no’n. Saan niya ‘yon kinuha?   “Prepared ka ha?” biro ko saka naupo roon habang nasa gitna naman ang pinamili namin.   “Of course. Dito ako madalas tumambay kapag gusto kong magpahangin,” sabi niya habang kinukuha ang isang malaking chichirya sa plastik. Binuksan niya iyon at inilagay sa gitna namin. Inabot niya rin sa akin ang binuksan niyang lata ng soda habang kanya naman ay beer.   “Ang bongga mo namang magpahangin. Magpapakalayo-layo at talagang gagastos ka pa ng gas?” natatawa akong sumimsim ng soda saka bumaling sa kanya na nakangisi na. Nakataas ang isang tuhod niya habang ang isang kamay na may hawak na inumin ay nakapatong roon. Ang isa niyang kamay ay siyang nakatukod sa likod para suportahan ang kanyang pag-upo.   “Well, if I want to be alone, yes. Gagastos ako. Hindi naman masama kung pagbibigyan natin ang mga sarili natin paminsan-minsan.” Kumibit-balikat siya. “Besides, I’m a fan of city lights. Or maybe of anything that will look like stars to me.” Saglit siyang uminom sa kanyang beer saka bumaling sa akin. “Do you know that my favourite time of the day is midnight?”   Saglit akong napamaang at baka nagbibiro lang siya.   “Talaga?”   Tumango siya bilang sagot saka tumingin sa kalangitan, sa nagkalat na mga bituin.   “Bakit naman?”   “It’s because I feel like I have all the freedom to think about everything. It makes me appreciate the beauty of silence. I’m getting lost in my own thoughts and aside from that, nakakahanap ako ng sagot sa mga tanong na ako lang rin naman ang may gawa.” Bahagya siyang natawa bago sumimsim sa beer niya. Napalingon siya sa akin pagkatapos. “Pakiramdam ko kasi, abala palagi ang utak ko tuwing umaga. Pakiramdam ko, ang daming responsibilidad ang nakapasan sa ‘kin. Ako lang ang nag-iisang anak kaya sa ‘kin naka-sentro ang mata ng parents ko pati na rin ng ibang tao.”   Saglit siyang huminto upang sumimsim ulit ng inumin.   “Hindi dapat magkamali. Ikaw dapat ang umangat. Pity no one. Even your own friends will be your competitor.” Napangisi siya sa kawalan. “Ang hirap. I’m thankful to my parents for providing everything I need, even all my wants. But more than a responsibility, being me feels like it’s much more than a burden. There’s a lot of pressure. Hindi naman sana ako diamond.” Natawa siya matapos magbitiw ng biro pero hindi ko magawang tumawa.   Hindi ko naman kasi na-gets.   Pakiramdam ko ay napakarami ko pang hindi alam sa mundo. Hindi ko akalain na ganito rin pala ang nararamdaman nilang mga mayayaman. Akala ko, basta maraming pera ay wala ka nang poproblemahin pa. Lahat ay madaaan mo sa pera, lahat mabibili mo gamit ang pera, at lahat ay posible dahil sa pera.   “At least may magagawa ka pa rin.” Napatingin siya sa akin at tumitig. “Hindi ko sinasabing talikuran mo lahat ng ‘yan dahil kahit hindi mo man hilingin o gustuhin, nariyan na ‘yan eh. Pinaghirapan rin ng mga magulang mo kung ano man ang meron kayo ngayon. Siguro ang magagawa mo na lang ay magpakatoto ka sa sarili mo. Dahil kung magpapakatotoo ka at kikilalanin ng mabuti ang sarili mo, mas makikilala ka rin ng ibang tao. Saka, okay lang naman magkamali. D’yan kaya tayo natututo. Isa o dalawang beses, okay pa ‘yun ah, pero ‘wag mo namang ipaabot sa pangatlo dahil katangahan na ‘yun pag nagkataon.” Nakangiwi pang sabi ko. Natawa siya roon at nailing. “Biro lang.” Pahabol ko pa.   Nakakatawang ang lakas ng loob kong magbigay ng payo sa iba samantalang hindi ko man lang mapayuhan ang sarili ko. Ganoon pa man ay napakasarap pa rin noon sa pakiramdam, lalo na ng mga oras na ‘yon. Feeling ko, kahit sandali ay naramdaman ko kung paanong maging tao.   Simula kasi ng tumigil ako sa pag-aaral ay pakiramdam ko isa na akong robot. ‘Yung tipong nabuhay lang para magtrabaho at kumita ng pera. Hindi ko akalain na mararanasan ko ‘to kahit sa isang beses ng buhay ko.   Pero ang hindi ko maintindihan ay kung kelan ka nag-e-emo, bakit doon rin naman may sisingit na asungot?!   [“Tandaan mo ‘to, Ida. Hahanapin kita at sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa akin—“]   Sa sobrang inis kay Jake ay binagsakan ko siya ng telepono. Hanggang dito ba naman ay hindi niya ako tatantanan? Nagtatrabaho na nga hindi ba? Naghahanap na nga ng pera para may pambayad sa kanya, ‘di ba? Ano pa bang gusto ng lalaking ‘yon?!   Pero kinakabahan ako sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Sir Mavi na sinabihan niya raw si Jake na bisitahin ako. Pakshet! Gusto talaga akong mamatay ng lalaking ‘yon eh.   “Good afternoon. You sleep good?” agad napalitan ang busangot kong mukha ng ngiti matapos makita ang kabababa lang na si Sir Vander. Nakapamulsa siyang pumasok ng kusina at may hinahalungkat sa ref. Alas-tres na nang makauwi kami kaninang madaling araw kaya naman tinanghali na siya ng gising. Mukhang ganoon rin ang iba dahil mahimbing pa rin ang mga tulog nila.   Tumango ako.   “Salamat po ulit kagabi.” Nakangiti kong sabi, kahit papaano ay nawala ang inis na dulot ng pambubwisit ni Jake.   Hindi ko maiwasang kiligin sa tuwing naaalala ang moment namin. Inaamin ko na po Lord, crush ko na po talaga si Sir Vander.   “Don’t mention it.” Nakangiti niyang sabi saka inisang-lagok ang baso niya ng tubig. “By the way, punta ka mamayang gabi sa music room. I’m going to teach you how to play guitar.”   Magkakasunod ang tangong ginawa ko.   Hindi naman halatang excited ako ‘no?   Maya-maya lang ay nagising na rin ang iba pa. Magkakasunod silang pumasok at sa hulihan noon ay si Sir Mavi na sa akin agad dumapo ang nanunuring paningin. Nag-request lang sila ng gusto nilang kainin saka na sila nagsipunta ng sala at doon naghintay habang naiwan naman si Sir Mavi na wagas kung makatingin sa ‘kin.   Naakit na siguro sa kagandahan ko, hmp!   Bahala siya d’yan.   Kung hindi lang ako nahihiya sa mga kaibigan niya ay baka tinataray-tarayan ko na siya. Kahit amo ko siya gagawin ko ‘yun. Lalo na at sumusobra na siya minsan. ‘Yang pagsusungit at masasamang titig niya, mapapalagpas ko pa eh pero ‘yang parang bala na lumalabas sa bibig niya? Malabo brad. Malabo pa sa Manila Bay na hinaluan ng dolomite.   Pagkatapos tapusin ng mga gawain sa kusina ay sa labas na ako dumiretso. Nakapaglinis na ako rito sa loob kanina habang tulog ang mga amo ko kaya’t mabilis akong natapos.   “Go to my room later.”   Natigil ako sa pagdidilig ng mga halaman nang marinig ang boses ni Sir Mavi. Nanlalaki ang matang nilingon ko siya, nagugulat.   “Bakit po?”   Inangatan niya ako ng kilay saka sumandal sa kotse ni Sir Odin na siyang nasa likod niya. Nakapamulsa siya habang magkakrus naman ang dalawang paa.   “Lahat kini-kwestyon mo ‘no?” sarkastikong sabi niya.   “S-Syempre naman po, sir. Parang noong mga nakaraang araw lang eh ayaw na ayaw niyo sa ‘kin. Naiirita kayo sa tuwing nakikita ako eh wala naman sana akong ginagawang masama sa inyo. Binantaan mo pa nga akong ‘wag papasok sa kwarto mo ‘di ba kasi sabi mo patatalsikin mo ako tapos ngayon—“   “Stop. You’re so talkative, huh?” napangisi siya pero agad ring sumeryoso saka umayos ng tayo. “10:00 p.m. later. In my room,” aalma pa lang sana ako nang agad niya na akong tinalikuran.   Bastos na ‘yon!   Saka— saka bakit gabi? Paano na ‘yong pagkikita namin ni Sir Vander? Tuturuan niya pa akong maggitara eh! Kainis naman! At ang mas nakakainis pa ay wala akong karapatang tumanggi dahil trabaho ko ‘to.   Ano ba kasing gagawin ko ro’n? Hindi kaya—   “H-Hindi kaya, may gagawin siya sa ‘kin?”   Nabitawan ko ang hose at napatakip ng bibig.   H-Hindi naman siguro siya ganoong tao, ‘di ba? Oo, masungit siya, pero hindi naman siguro siya napakasama? Hind niya naman siguro pagsasamantalahan ang kagandahan ko dahil lang sa siya ang boss ko . . . ‘no? Marami pa namang mga gano’n sa pelikula . . .   Marahas kong naipilig ang ulo.   ‘Ano ka ba, Ida! Nahahawa ka na kay Eva ha?!’   Buong araw akong ginulo ng isiping ‘yon. Hindi pa nakakatulong ang panaka-nakang pagbisita sa memorya ko ng ginawa niyang pagbabanta sa akin noon sa music room.   “Ida, ano ba! Kumalma ka nga! Malay mo, kakausapin ka lang. O kaya naman magso-sorry sa ‘yo,” napahawak ako sa aking baba habang pabalik-balik pa rin sa paglalakad dito sa kusina. “Pero mukhang malabo namang mangyari ‘yon eh ang taas-taas ng pride no’n eh.”   Kasabay ng paglabas ko ng kusina ay siya namang pagpasok ni Sir Mavi. Mukhang galing siya sa pool dahil sa tubig na tumutulo mula sa kanyang buhok papuntang katawan niya at ang walang suot na susmaryosep! Wala siyang suot na pang-itaas! Parang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa katawan niya. Hindi katulad ng kay Sir Odin na wala pang korte ang tiyan, sa kanya ay may namumuo na roon.   Kaunting salang na lang siguro magiging pandesal na ‘yon. Parang ang sarap tuloy magkape . . .   “Enjoying the view, huh?” napakurap ako at agad na napaiwas ng tingin.   Nakakahiya ka, Ida! Natatakot ka pa kanina tapos ikaw ‘tong nakakita lang ng katawang may abs parang ikaw pa ‘yang maglalaway ha?   “Follow me.”   Sinundan ko siya ng tingin habang papaakyat ng hagdan. Abala siya sa pagtuyo ng buhok niya gamit ang twalyang nakasabit sa kanyang balikat habang ako naman ay binubusog ang mata sa paninitig sa likod niya.   Paano siya nagkaroon ng ganyan kagandang katawan eh ang bata niya pa ha? Hindi naman masyadong malaki ang katawan niya, pero hindi rin maliit. Sa mura niyang edad ay hindi patpating tignan ang mga braso niya hindi kagaya ng nakikita ko sa iba. Mula sa suot na short ay sumisilip ang Calvin Klein na panloob niya. Pati siguro mga brief niya mamahalin rin ‘no?   Naipilig ko ang ulo dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Ano ba ‘yan, Ida? Parang nagiging marumi na yata—   “Aww!” sapo ang tuhod ay napapikit ako sa sakit. Natapilok ako, punyeta!   “What an idiot.” Rinig kong sabi niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Don’t look at me like that.” Pag-aangat niya ng kilay sa ‘kin.   “Kesa tulungan ako talagang ‘what an idiot’ pa ‘yang unang sasabihin mo ‘no? Nakita nang natapilok ‘yung tao.” Mahina kong sabi bago inihipan ang kanang tuhod. Aray ko . . .   “Sino ba naman kasing tanga ang aakyat ng hagdan nang hindi tumitingin sa dinaraanan? Alam mo nang basa pero umapak ka pa rin.”   “A-At kasalanan ko pa?” pagtuturo ko sa sarili bago sarkastikong natawa. “Eh sino bang basa sa ating dalawa? Hindi ba’t ikaw?”   “And who’s the maid between the two of us? I’m pretty sure it’s not me. So it’s your job to clean and wipe the things here in my house, especially this stairs. Paano na lang kung ako ang nadapa, right? Kaya mo bang bayaran ang pagpapa-ospital ko?”   ‘Ospital agad? Ang OA ha?’   Matapos sabihin ‘yon ay nagpaumuna na siya sa pag-akyat at pumasok ng kwarto niya. Pag-aari niya itong kwartong nasa tapat mismo ng hagdan habang nasa magkabilang side naman ng hagdan ang sa apat.   Pa-ika ika akong naglakad pababa para kumuha ng pamunas at tinuyo ang hagdang dinaanan niya. Hindi ko pa maiwasang pagalitan ang kahoy na hagdan na ‘yon dahil sa inabot ng tuhod ko. Naka-maong short ako kaya’t hindi maiwasang mamula ng parteng hita kung saan tumama ang kahoy kanina.   Nang matapos ay saka na ako pumasok ng kwarto niya. Bukas iyon kaya’t hindi na ako nahirapang makapasok roon.   Pagkatapak sa loob hindi ko maiwasang mapasinghap. Ang laki ng kwarto niya! Mas malaki pa ‘to sa kwarto ng iba, halos doble pa nga eh!   “Wow . . .” namamangha kong sabi.   Ang laki ng kama sa gitna. Kulay gray iyon katulad ng kulay ng mga dingding at kurtina sa loob. Sa gilid ay mayroong shelf kung saan nakasalansan ang marami-raming mga libro. Mayroon ring flat screen T.V. sa paanan ng kama niya at sa ibaba no’n ay may mga pigurin ng laruan na hindi ko alam ang tawag. Basta may X ang mukha ng mga ‘yon imbes na mata. Sa kabilang gilid naman ay may dalawang gray leather couch, isang mahaba at isang pang-isahan lang habang sa malapit no’n ay naroon ang study table niya, may computer pa sa sulok, at wow, malinis rin . . .   Iba talaga pag mayaman ‘no . . .   Napalingon ako sa kaliwa ko nang may bumukas na pinto at iniluwa no’n ang bagong paligo na si Sir Mavi. Nakatapis ang ibabang kalahati ng katawan niya ng tuwalya habang nakabalandra sa akin ‘yang tiyan na. Susmaryosep! Nasaan po ang kanin?!   Napakurap ako nang unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Na naman?!   “A-Anong g-ginawa mo?” kinakabahang tanong ko habang umaatras. Imbes na sumagot ay matiim lang siyang tumitig sa akin. Ito na ba ‘yong pagpapatuloy ng nakaraan, ha? “S-Sir Mavi, maghunos-dili kayo— uhmp!!!“ nakain ko ang akmang pagtili nang bumagsak ang pwet ko sa kama. Naiiwas ko ang aking mukha at mariing napapikit nang itukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at ilapit ang mukha sa akin.   “Now, clean my room while I’m changing my clothes. I’m telling you, I want it clean thoroughly. No trace of dirt or even specs of dust. And don’t you dare talk back at me again.” Nagbabantang bulong niya. “ ‘Wag kang magtatangkang bosohan ako.” Dagdag niya pa na halos ika-ingos ko pero nagpigil lang.   Ako? Bobosohan siya? Ano siya, si Sir Vander? Hello!?   Nakahinga lang ako ng maayos nang maramdamang umalis na siya sa harap ko.   Pisting yawa ‘yon ah?   “Wooh!” mahinang buga ko ng hangin saka gamit ang kamay ay pinaypayan ko ang sarili ko.   Tinignan ko pang muli ang pintong pinasukan niya bago nakapagdesisyong tumayo at libuting muli ang kwarto niya.   “Anong lilinisin ko rito eh maayos naman?” sinisipat-sipat ko pa ang ilang mga gamit roon.   Magsisimula pa lang ako nang lumabas na sa isang pinto si sir. Bihis na ng isang itim na sweat shorts at gray na cotton shirt saka dumiretso ng upo sa couch na ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko. Pinanood ko siyang maupo roon at nagtagal pa sa kanya ang mata ko bago niya ako inangatan ng kilay.   “Ano pang ginagawa mo? Clean now.”   Sumenyas pa siya na akala mo ay ako na ang sasalang sa isang Talent Show at isa siya sa mga judges roon. Itinago ko na lamang ang pagngiwi at sinunod ang utos niya.   Nagsimula ako sa pag-alis ng alikabok sa bookshelf niya.   “Wipe the dust off my books. One by one.”   Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Seryoso ba siya riyan?   Kokontra pa lang sana ako nang pigilin ko ang sarili.   ‘Kalma, Ida. Kalma lang.’   Magkalapat ang labi na napatingin ako sa shelf na pinapalinis niya. Sa dami ng librong ‘to hindi ko alam kung anong oras ako matatapos.   Ano kayang nararamdaman niya sa tuwing pinapahirapan niya ‘ko ‘no? Naaawa man lang ba siya sa tuwing nakikita akong pinagpapawisan dahil sa mga pinapagawa niya o natutuwa dahil nahihirapan ako. Alin man sa dalawa, malamang malabong mangyari ‘yong una. Baka nga ay nag-iisip na siya ngayon kung anong isusunod rito eh.   Pero sa tuwing nakikita ko ang mukha nina nanay, ate at mga pamangkin ko sa isip ko ay mas nagkakaroon ako ng lakas na gawin ang trabaho ko. Hindi alintana ang hirap kasi kung tutuusin wala pa naman ‘to sa hirap na dinaranas ni nanay sa pagtatrabaho at pag-aasikaso sa amin sa bahay araw-araw. Kaya imbes na mag-reklamo ay mas mainam kung pagbubutihan ko na lang ang aking ginagawa nang walang mahanap na butas at maipintas ‘tong masungit na ‘to.   Ramdam ko ang pangangalay ng dalawang binti ko sa katatayo nang matapos ako. Halos isang oras ang nagugol ko sa pag-lilinis lang nitong libro! Anong oras ako matatapos sa paglilinis nitong buong kwarto niya kung gano’n?   Hinihingal akong nilingon siya sa kinauupuan niya at natagpuan siyang abala na sa pagbabasa ng libro. Noon pa man ay pakiramdam ko nang napakatalino niya. Siya ‘yung tipo ng estudyanteng kahit matulog sa iskwela ay may maisasagot pa rin sa kanilang guro.   Marahil ay naramdaman niya ang paninitig ko kaya’t nag-angat siya ng mata sa akin sabay taas ng kilay. Ang hilig niya ro’n ‘no?   Umiwas na lamang ako saka inilibot muli ang paningin sa paligid, naghahanap ng gagawin na mukhang hindi ko rito makikita kaya naman tumingin ako ulit sa kanya.   “Sir, ano pa pong isusunod ko?”   Binigyan niya ako ng ‘nagbibiro-ka-ba’ na tingin at nanatiling tahimik.    “Eh kasi maayos naman po itong kwarto niyo. Parang wala naman na pong kailangan pang linisin.”   Tila bagot siyang tumayo. At mula sa aking kinatatayuan ay gano’n na lamang ang pag-awang ng bibig ko nang kunin niya ang mga nakatuping damit sa kanyang kama at isabog iyon sa sahig dahilan para magulo ang mga iyon. Hindi pa siya nakuntento dahil pinulot niya ang ibang nagkukumpol-kumpol at ikinalat ‘yon sa iba’t-ibang parte ng kwarto niya!   At ito pa! Ito pa mga beshywaps!   Kumuha ng notebook, nagpunit ng mga pahina, nilamukos ang mga iyon at higit sa lahat, pinagtatapon sa kung saan!   Pesteee!!! Seryoso ba talaga siya??!!!   Grabe talaga! Hindi ko akalain na ganito siya kaisip-bata!   Nakamaang lang ako habang pinagmamasdan ang kaninang maayos ngunit ngayon ay napakagulo nang kwarto niya.   “You’re looking for something to do, right? Here it is. Now, clean.”   Ang sarap niyang batukan, pramis!   Napakuyom ang kamao ko.   Gamit ang kamay ay sinuklay ko ang aking buhok at naiinis na napangisi. Ramdam ko ang pagtatagis ng bagang ko at pilit ko lang pinakakalma ang aking sarili. Baka masali siya sa mga napatay na ibinabalita sa t.v. pag nagkataon.   ‘Trabaho mo ‘to, Ida. Habaan ang pasenya, okay? Okay. Hinga . . . hinga. Kalmahan mo lang.’   Hindi ko alam kung ilang beses ko iyong pinapaalala sa sarili ko habang nagpupulot ng mga kalat. Kung pwede lang kada pulot ko ay itatapon ko sa bintana o kaya sa mukha niya ay ginawa ko na.   Binigyan ko pa siya ng huling tingin bago pulutin ang damit na napunta sa ilalim ng kama niya. Pagkapulot no’n ay gano’n na lamang ang pag-iinit ng pisngi ko nang makitang boxer iyon pero may hello kitty na design. Bakit siya meron nito? Hindi kaya—   Sa kanya ba ‘to?!!! Seryoso?!!!   Bumubungisngis akong napatingin sa direksyon niya at gano’n na lamang ang pagkabigla ko nang makitang pasugod siya sa akin. Napawi ang ngisi ko at napalitan iyon ng kaba dahil sa madilim na ekspresyon ng mukha niya habang nakatitig sa hawak ko, kaya naman itinago ko iyon sa aking likuran at— oh boy! Napaka-maling desisyon mo Ida!!!   “H-Hoy!” Kinakabahang atras ko nang makitang malapit na siya sa akin. “A-Anong— aaahhhh!!!”   Napatili ako nang pareho kaming natumba sa kanyang kama dahil sa tangkang pag-agaw niya ng bagay na iyon sa likuran ko . . . at nasa ibabaw ko siya!   Nahigit ko ang sariling hininga nang halos ilang sentimetro na lang ay magtatama na ang mga ilong namin. Ramdam ko ang init at bango ng hininga niyang tumatama sa akin samantalang ako ay parang hindi na yata makahinga dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib ko.   Matagal akong napatitig sa mga mata niya. Sa itim na mga mata niya. Kakaibang kislap ang nakikita ko roon kumpara sa nakasanayan ko na at hindi ko iyon nagugustuhan dahil pakiramdam ko ay para akong bomba na sasabog anumang oras. Hindi pa nakakatulong ang init na nagmumula sa kamay niyang nakahawak sa gilid ng bewang ko.   Muntik na akong mapatili nang umikot siya at napunta ako sa ibabaw niya!   Napatingin ako sa mukha niyang natatakpan ng iilang hibla ng buhok ko. Ang kaninang kislap sa mga mata niya ngayon ay parang apoy nang nagbabaga kasabay ng pagtatagis ng panga niya. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa magkabilang tagiliran ko, pinag-iinit ako lalo.   “A-Ahm—“ nagbabalak pa lang akong tumayo nang maramdaman kong may bumukol sa ibabang hita ko! Nagbaba ako ng tingin roon at ganoon na lamang ang bilis ko sa paglayo nang makita kung ano ‘yon! Oh my ghad!!! At sa hindi inaasahan ay may kalakasan pang nasagi iyon ng tuhod ko!   “Oww— f**k!”   “S-Sorry po, sir!” kinakabahang pag-atras ko, pinanonood kung paano siya mamilipit sa sakit habang nakahawak siya sa gitna niya. Waaahhh! Ano ba ‘to?!!!   “Get back here!”   Sunod-sunod akong umiling.   “H-hindi ko naman po sinasadya eh!” naiiyak nang sigaw ko.   “Ida! Get back here!!!” muli niyang bulyaw at dahil sa nakikitang paglukot ng mukha niya sa sakit ay alam ko na kung anong gagawin niya! Masasaktan rin ako panigurado! Gaganti ‘to! Gaganti ‘to!!!   “A-Ayoko! P-Pasensya na po!” huling sabi ko bago kumaripas ng takbo palabas.   “YOU’LL PAY FOR THIS, WOMAN!!!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD