Totoo nga ang sinabi ng ibang tao na huwag ka kailanman magbibitaw ng mga salita habang kinakain ng iyong emosyon ang buo mong pagkatao, dahil darating ang araw na pagsisisihan mo lamang ang mga sinabi mong ‘yon. Sa paglayo ko, akala ko ay makakaya ko ang mag-isa. Na makakaya kong kimkimin lahat ng galit na baon ko mula nang umalis ako sa amin. Pero katulad ng palaging nangyayari sa akin, lahat ng ‘yon ay akala lang pala. Na-realize ko na sarili ko lamang ang pahihirapan ko kung ikukulong ko ang aking sarili sa mundong pinadidilim ng poot at pighating nararamdaman ko. Baka ‘yun pa ang aking ikamatay. Sayang naman ng ganda ko kung maagang mahihimlay. Oo. Mahirap. Hindi madali. Pero paunti-unti ay nakuha kong magpatawad. Hindi lang sa ibang tao, kundi na rin para sa aking saril

