Ilang araw na mula nang umuwi ako, ngunit tila wala akong ibang ginawa kundi ang matulala . . . natatakot na matulog dahil nagigising lamang akong humahagulhol at paulit-ulit na tinatawag si nanay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na napakaaga niyang kukunin ng Diyos sa amin. Lahat ng bagay na pinangarap ko para sa kanya ay parang kastilyong buhangin na biglaan at malakas na winasak ng alon sa dagat. Lahat ng ‘yon, gumuho. Walang buhay akong napabaling sa labas habang pinagmamasdan ang lima na tinutulungan sina Eva at Aling Rosario sa pagbibigay ng mga kape at biskwit. Kahit anong pagtataboy ko ay hindi sila natinag, bagkus ay mas lalo lamang nilang iginiit ang pagtulong. Bawat oras ay marami ang tao rito sa amin. Hindi ko alam kung totoo bang nakikiramay sila o dumayo lang

