Pagkababa ko ng tricycle, ang pangalan ni nanay na nasa puting letra at nakasulat sa isang itim na tabla ang agad na bumungad sa akin. Sa tabi no’n ay isang tarpaulin kung saan naroon ang litrato niya habang napalilibutan iyon ng mga ulap at kalapati. Hindi . . . hindi ‘to totoo . . . masamang panaginip lamang ito . . . “Si Ida oh.” “Naku, kawawa naman si Ida.” “Kararating pa lang tapos ito ‘yung sasalubong.” “Matagal-tagal pa naman niyang hindi nakasama ang nanay niya tapos ito madadatnan niya.” “Wala na ngang tatay, nawalan pa ng nanay. Kawawa ang mga maiiwan ni Mareng Cecilia . . .” “Bakit kasi hindi siya umuwi noong mga panahong pabalik-balik sa ospital ang nanay niya at kailangang-kailangan siya?” “Ano ka ba, napasarap siguro ang buhay sa Maynila kaya

