Male-late siya, ‘yun ang sabi niya. Ngunit ilang oras na akong naghihintay, nilamon na ng dilim ang langit, pero ni anino ni Mavi ay walang dumating. Nakalimutan niya na ba talaga ako o may tinatrabaho na siyang iba? Muli kong naalala ang babaeng nakita kong kasama niya kanina. Maganda, matangkad, halatang edukada at kahit simpleng puting dress lamang ang suot nito at heels ay napaka-elegante nitong tignan. Mula ulo hanggang talampakan ay nag-uumapaw sa kanya ang karangyaan. Sa ilang minutong napagmasdan ko siya ay nakita ko kung gaano ka-kalkulado at ka-pino ang kanyang galaw. Malayong-malayo sa akin. Hindi ako selosa at mas lalong hindi inggitera, dahil para sa akin ay tanda lamang iyon ng insecurities at kawalan ng kontento sa kung anong meron ang isang tao. Pero sa nakita ko ka

