Nagising akong daig ko pang binugbog dahil sa sakit ng aking katawan. Para akong lalagnatin na ewan. Napabaling ang atensyon ko sa brasong nakapulupot sa aking bewang saka ako nag-angat ng tingin sa katabi ko. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan siya. Inayos ko ang manipis na kumot na siyang tumatakip sa aming mga katawan saka ko masuyong tinalunton gamit ng aking hintuturo ang kanyang panga hanggang makarating iyon sa mapula niyang labi. Nahihiya man sa ginawa kong pagbukaka kagabi ay wala akong pinagsisisihan roon. Natatakot ako, oo. Kinakabahan rin. Pero wala akong pinagsisisihan. Buo ang loob ko nang magdesisyon akong ibigay ang sarili ko sa kanya. Siguro nga, tuluyan nang lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya para ipagkaloob ko ng walang pag-alinlangan

