"Where did you put my bag?"
Natigil ako sa paghuhugas nang marinig ang boses ni Sir Mavi sa aking likod. Napabuntong-hininga ako saka nagpatuloy sa ginagawa.
"Nilagay ko po sa kama niyo, sir." Sagot ko habang iniiwasang lumingon sa kanya.
"Nothing's in there."
'Ano ba 'tong lalaking 'to? Hindi kasi gamitin ang mata eh.'
"Doon ko po 'yon nilagay kanina, sir. Madali niyo lang po 'yong makikita kung hindi bibig ang gagamitin niyo."
Pinipigilan ko na lang ang umirap.
"Then find it yourself if that's in there like you're saying." Nababakas na ang iritasyon sa kanyang boses at bago pa siya tuluyang mainis ay mas mabuti kung susundin ko na lang siya.
Malalim ang naging buntong-hininga ko. Tikom ang bibig nang hugasan ko ang aking kamay upang mawala ang mga bula roon. Nagpunas lang ako saglit saka tahimik na naglakad palabas ng kusina. Nilagpasan ko siya at nagpaumuna na sa pagpunta ng kwarto niya habang nakasunod naman siya sa likod ko. Nakasalubong ko pa si Sir Ramses na matapos akong tignan ay agad na bumaling ang naninimbang na tingin sa aking likod.
Pinihit ko ang door knob ng kwarto ni Sir Mavi at nauna nang pumasok. Agad akong napairap nang agarang tumambad sa paningin ko ang bag na pinapahanap niya sa 'kin. Nagbubulag-bulagan lang ba 'yon o nananadya? Tss.
Pinulot ko iyon.
"Heto po iyong hinaha—"
Kusang natutop ang bibig ko nang may kalakasan niyang sinarhan ang pinto. Gano'n na lamang ang pag-usbong ng kaba sa dibdib ko nang makitang ni-lock niya iyon saka siya dahan-dahang lumapit sa akin habang matiim na nakatitig sa aking mga mata.
Pasimple akong lumunok saka nag-iwas ng tingin, sinusubukang pakalmahin ang sarili.
'Kalma lang, Ida. Hindi ka naman jojombagin niyan!'
"H-Heto na po iyong bag."
Ipinakita ko iyon sa kanya at saka inilagay muli sa kanyang kama.
"Lalabas na po ako—"
"Walang lalabas." Mahina ngunit naroon ang awtoridad sa kanyang boses.
Natigilan ako sa akmang paglalakad. Napatingin ako sa kanya at ni hindi man lang nagbago ang paraan ng kanyang paninitig sa akin. Ilang talampakan ang layo niya sa akin pero sapat lang para makita ko ng malinaw ang kanyang mukha— ang kanyang mga mata. Para iyong bolang kristal at mula roon ay nakikita ko na ang paparating na delubyo na siya mismo ang may kagagawan.
"Now, talk. Bakit mo kami iniiwasan?" matabang niyang tanong. Gumagalaw-galaw pa ang kanyang panga at mukhang nag-uumpisa na siyang manalasa.
Natigilan ako, kalaunan ay napaiwas ng tingin at hindi alam ang sasabihin.
" 'Yan. D'yan ka magaling. Ang umiwas." Matigas niyang sabi dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Hindi ko po kayo iniiwasan—"
"Oh f**k, please cut the crap Ida. We're not dumb to not notice it! One week?! One week kang ilag sa 'min and you'll say na hindi mo kami iniiwasan? Crap." Sarkastiko siyang napangingisi.
So nahalata pala nila? Eh 'yung rason kung bakit ko sila iniiwasan, hindi niya ba mahulaan?
Naialis ko sa kanya ang paningin.
"Sinusunod ko naman po 'yung mga utos niyo at sumasagot naman po ako sa mga tanong—"
"Then answer my question!" nagulat ako sa paglakas ng boses niya. "Bakit mo kami iniiwasan? Dahil ba kay Violet?"
Tinaliman ko siya ng tingin.
'Kailangan niya ba talagang isali sa usapan ang babaeng 'yon? Nagkabalikan na ba sila kaya hanggang dito ay bukambibig niya pa rin?'
"Don't give me that look, Ida. Tinatanong kita." Seryoso ang kanyang mukha.
Matabang akong napangisi.
"Hindi ko po alam ang binibintang niyo. Ayan na po 'yung bag niyo at pakitago na para alam niyo kung saan 'yan hahanapin."
Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis ko siyang nilagpasan. Ngunit hindi ko pa man tuluyang napipihit ang door knob ay napasinghap na ako nang hinapit niya ang aking bewang at naipinid ako sa pinto habang ang isang kamay ay nakahawak sa aking pulso na idinikit niya rin roon.
Nahigit ko ang hininga nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ang kanyang mga mata ay nag-aalab na para bang pati ako ay kaya niyang silaban.
Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking bewang at mas lalo lamang idiniin ang sarili sa 'kin.
"We're not done talking yet, Ida. Now, answer me, or else . . ." bumaba ang tingin niya sa labi ko at nanatili roon. "Our lips will do the talking."
Napalunok ako. Dumadagundong man ang dibdib ay tinapangan ko ang aking loob.
"S-Sir, bitiwan mo 'ko . . ." halos kapusin na ako ng hininga habang sinasabi iyon pero nakatitig lang siya sa labi ko.
'Susmaryosep naman oh!'
"M-Mavi, ano ba!" pinatapang ko ang aking boses kahit nga pakiramdam ko ay wala man lang umalpas na tinig sa aking bibig. Kanina pa nanginginig ang aking tuhod at kung hindi ako aalis agad rito ay bibigay na ito.
Nag-angat siya ng paningin sa akin. Bahagya akong natigilan nang may makitang pagkamangha na naglalaro sa kanyang nga mata.
"What did you say?" namamaos na bulong niya.
Halos gahibla na lang ang distansya ng mga mukha namin kaya't ganoon na lamang ang kilabot na nararamdaman ko nang tumama ang mainit niyang hininga sa akin.
"B-Bitiwan mo 'ko. Pumunta ka na sa Violet mo. Tutal s'ya naman ang palaging bukambibig mo, ba't hindi kayong dalawa ang magsama? Bumalik ka na sa kanya at doon mo ubusin ang oras mo. 'Wag ako ang pagtuunan mo nang pansin dahil kasambahay lang naman ako rito 'di ba? Wala akong ibang papel rito sa pamamahay mo kundi ang maglinis, magluto at ang pagsilbihan kayo. Kaya pwede ba, bitiwan mo na ako."
Hinihingal pa ako matapos sabihin iyon. Hindi ko alam kung saang lupalop ko kinuha ang tapang kong iyon. Siguro ay ganoon na lang talaga ang hinanakit at pagdadramang nararamdaman ko kaya't hindi na ako nakapag-preno pa.
Natigilan siya sa mga sinabi pero kalaunan ay matunog siyang ngumisi. Kunot-noo ko siyang tinignan, nagtataka sa inaasal niya. Ang ngising iyon ay nauwi sa mahinang pagtawa na nagawa pang payugyugin ng bahagya ang balikat niya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" lukot ang mukhang tanong ko.
Umiling siya pero ang labi ay nakangisi pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit agad iyong nabura at napalitan ng pagtayo ng mga buhok sa aking katawan nang ilapit niya lalo ako sa kanya at ibaon ang kanyang ulo sa aking leeg. Halos hindi na maramdaman ng aking likod ang pinto dahil para na siyang nakayakap sa akin. Doon ay mas lalong umalpas ang kanyang pagtawa.
"A-Ano ba!" kinakabahang pagtulak ko sa kanya pero wala rin lang nangyari.
"Damn, woman! Sana sinabi mo lang na nagseselos ka at hindi 'yung umiiwas ka pa."
Natigilan ako sa pagtutulak sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
Agad na lumitaw sa isip ko ang sinabing ‘yon ni Eva.
‘N-Nagseselos . . . nga ba . . . talaga . . . ako?’
Tuluyan na nga yatang lumabas ang puso ko sa aking katawan.
"H-Hindi ako nagseselos!" agad kong tanggi.
‘Hindi ‘yan totoo!’
"Ahuh. And pigs can fly."
‘Ba’t ba hindi siya naniniwala sa ‘kin?!’
"Pwede ba, bitiwan mo 'ko!" asik ko sa kanya. "At bakit naman ako magseselos eh w-wala naman akong gusto sa 'yo."
'Sinungaling!!! Sinungaling kang babae ka!!!'
Natahimik siya. Natigilan. Pinakiramdaman ko siya hanggang sa ilang minuto ay unti-unti nang lumuluwag ang kanyang yakap sa akin. Sunud-sunod ang naging paglunok ko nang makita ang blangko niyang mga mata.
Nag-iwas siya ng tingin. Naroon pa rin ang pagtiim ng kanyang panga habang nakatingin sa kawalan. Nilaro ng kanyang dila ang loob ng kanyang pisngi at tumatangu-tango.
Wala naman siyang sinabi pero bakit pakiramdam ko ay nasaktan ko siya?
Muling umalingawngaw ang boses ng Ube'ng 'yon sa utak ko.
Tama. Naiinis ako sa kanya pero tama siya. Mas sasaktan ko lang ang sarili ko kung makikipagsiksikan sa puso ng lalaking nakalaan naman ang puso para sa iba at hindi para sa akin.
Halos mapatalon ako nang makarinig ng sunud-sunod na pagkatok sa pintong nasa likod ko. Kasunod no'n ay ang nakakairitang boses na halos isang linggo ko ng naririnig.
"Mavi baby, are you there? Samahan mo naman ako sa mall! I'm just gonna buy something there."
Napabuntong-hininga ako.
Napalingon ako sa kanya at naabutan siyang nakatingin sa akin. Ilang segundo kaming magkatitigan hanggang sa yumuko ako at agad na gumilid upang makalabas siya ng pinto.
Binuksan niya iyon at agad kong narinig ang boses ni Ube.
"Samahan mo 'ko baby, hmm? Or if you want, we can stay there in your room, you know . . ."
Hindi ko mapigilang mapairap sa tinis at arte ng boses niya. Halatang iba ang balak eh.
"Let's go," sagot ni Sir Mavi.
Ilang minuto ko silang pinakiramdaman, inaalam kung nariyan pa ba sila o wala na. Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko na ang pagbuhay ng sasakyan sa baba. Marahil sila na 'yon. Unti-unti iyong humina hanggang sa nawala na ng tuluyan ang ingay.
Bumuntong-hininga ako.
Ngayon tuloy ay mas lalo lang yatang naging awkward ang lahat. Ano kaya kung umuwi na ako sa 'min? Tutal, sapat naman na siguro ang naipon ko sa loob ng tatlong buwan para makapagpatayo ng maliit na tindahan sa palengke roon sa amin.
'Hay naku, Ida. Mabuti pa kung maghanda kana ng dinner niyo!'
Binuksan ko ang pinto at agad na natigilan nang sumalubong sa akin ang dalawang pares ng mata. Isang berde at isang brown.
Lumingon si Sir Ramses sa kwartong nilabasan ko bago tumigil ang naninimbang na tingin sa 'kin.
"S-Sir . . ." kinakabahan ako sa tuwing dinadapuan niya ako ng ganyang tingin. Pakiramdam ko kasi ay may nagawa akong kasalanan at sinusubukan niya kung kusa ba akong aamin o patuloy na magsisinungaling.
Tumango lang siya kay Sir Vander saka na nagpaumunang pumunta ng kwarto niya. Sinundan ko ang kanyang pinasukan hanggang sa tuluyang sumara ang pinto noon.
"Ida—"
"Sir, please lang po . . . Hindi pa po ako handang kausapin kayo."
Napaiwas ako.
"Please, Ida . . . Let me explain. Please . . ."
Napabaling ako sa kanya at napatitig.
"Just a minute . . ."
Ilang minuto lang ay natagpuan ko ang sarili sa loob ng music room. Parang unang pasok ko pa lang rito. Ilang linggo rin akong hindi na nakakapunta rito kaya't parang naninibago ako sa mga nakikita.
"I'm sorry, Ida." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. "I'm so sorry. I'm sorry if I-I kissed you without your permission."
Napaiwas ako ng tingin.
"But I don't feel sorry for saying that I like you." Agad akong napatingin sa kanya, nanlalaki ng nga mata. "Because I really like you."
Heto na naman ang puso ko . . .
"Sir . . ."
Ngumiti siya pero bakas naman sa mata ang gumuguhit roong sakit.
"It's okay. You don't have to say anything or do anything in return. I'll accept whatever your decisions are . . . just— just don't avoid me. And sana wala pa ring magbago sa kung ano man ang meron tayo noon."
Eh loko pala 'tong si Sir eh. Hinalikan ako tapos umaasang walang magbabago?
"Friends?"
Inilahad niya ang kanyang kamay. Pinag-isipan ko pa kung tatanggapin iyon pero sa huli ay tinanggap ko rin iyon ng may ngiti sa labi.
"Friends."
Ang scam mo talaga, Ida!
Matapos ang pag-uusap ay saka na ako naghandang magluto ng kusina pero hindi ko inaasahan ang aking maaabutan roon.
Nakaupo si Sir Mavi sa high stool at halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila ni Ube. Unti-unti pa itong lumapit hanggang sa nagdadampi na ang mga labi nila. Hindi ko magawang iiwas ang aking tingin doon. Nararamdaman ko naman ang sakit at pilit na akong pinaaalis ng utak at puso ko pero hindi ko magawang igalaw ang aking katawan.
Nanunuya ang tinging iginawad ni Ube nang mapatingin sa direksyon ko. May kung ano siyang sinabi kay Sir Mavi dahilan para lingunin rin ako nito.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko at gustong-gusto ko talaga silang saktan. Kung nakakapagsalita lang ang puso ko ay baka kanina niya pa ako minura.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Sir nang lingunin niya ako. Nabahiran iyon ng kaunting gulat pero agaran rin namang naging blangko.
"What?! Are you going to watch how we'll make out in the kitchen, huh?" sarkastikong tinig ni Ube na nagpapukaw sa 'kin.
"Violet," saway ni Sir Mavi.
"What?" baling niya kay Sir Mavi. "Bakit ba kasi hindi mo pa rin tinatanggal 'tong muchacha niyo eh puro lang naman pambubwisit ang alam."
Ang sarap talagang i-flash out ang mukha ng babaeng 'to. Pigilan niyo 'ko, maii-stapler ko bunganga neto, hmmp!