Ang daming lugar na pwedeng paglandian, sa kusina pa talaga? Hindi na ba nila kayang umabot ng kwarto at talagang roon pa sa makikita ko? Ni hindi man lang alam ang privacy? Tss.
"Hey, do you have any grudge against the food?" napabaling ako kay Sir Odin na sumusubo ng fries at nakababa ang tingin sa ginagawa ko.
Nagbaba rin ako ng tingin roon at halos kutusan ko na ang sarili nang makitang halos ma-double dead ko na ang patty ng burger.
Hindi na ako nakapagluto dahil may binili naman palang pagkain 'yung dalawa kaya heto at inihahanda ko na lang para sa kanila. Sana lang wala 'tong lason, tss.
Napakagat ako sa aking labi at dahan-dahang kinalma ang aking sarili.
"Are you okay, Ida? You've been acting different lately . . ." Komento naman ni Sir River habang naninimbang ang tingin.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at naabutang pinanonood lang nila ako. Wala rito 'yung dalawa pa. Si Sir Mavi naman ay baka nasa langit na, psh. Ibang langit. Pinigilan ko lang ang sariling umirap.
Tipid ko silang nginitian saka tumango, pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pag-aasikaso nang makapagluto na rin ako sa kwarto ko. Ilang araw na rin akong hindi sumasabay sa kanila dahil palagi ring narito si Ube. Pareho naming ayaw makita ang isa't-isa kaya mas mabuti kung ako na lang ang iiwas. Alam ko namang wala akong karapatan pero pakiramdam ko ay inaagawan niya ako ng papel rito. Siya 'yung tipo ng taong madaling masunog kasi ang plastic na, mapapel pa.
"You know what, we're always together but why do I feel like you're so far away?" napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Sir Odin.
Talaga namang umiiwas ako. Kung pwede nga lang na magkulong sa aking kwarto tuwing nandito si Violet ay gagawin ko. Pero syempre, may trabaho ako kaya hindi ko 'yun magagawa.
Tumango si Sir River sa sinabi ni Sir Odin.
"You're right. We miss you, Ida." Dagdag niya pa.
Napabaling ako sa kanila at bumuntong-hininga.
"Hindi po ba kayo galit sa 'kin?" mahina kong tanong, nakatitig pa rin.
Nagkatinginan silang dalawa at saka bumaling sa 'kin ang nalilitong mukha.
"Mad for what?"
Nagbaba ako ng tingin, kagat-kagat ang labi.
"Dahil do'n sa sinumbong sa inyo ni Ube— ibig kong sabihin, si Ma'am Violet . . ." 'yung sumbong niyang dagdag-bawas. Ako raw ang nauna tapos sinaktan ko raw siya? Tss.
Muli silang nagkatinginan at nang lumingon sa akin ay sabay pa silang umiling.
"Why would we be mad at you? Besides, sanay na kami sa ugali ni Violet. Lagi naman 'yung may nakakaalitan and most of the times, siya ang nagsisimula," sagot ni Sir River na tinanguan ni Sir River.
"Yeah. And we know you. Alam naman naming hindi mo magagawang saktan siya." Dagdag ni Sir Odin.
Napaiwas ako ng tingin matapos maalala ang mga pangwiwisik ko kay Ube noong araw na 'yon.
Naputol ang kwentuhan namin nang saktong nagsidatingan 'yung tatlo. Tinignan ko ang likod nila at wala yatang bangaw sa paligid.
"Violet went home already."
Nahihiyang napaiwas ako matapos sagutin ni Sir Ramses ang tanong sa isip ko.
Palagi siyang ganyan. Madali ba talaga akong mabasa? Ba't siya ni hindi ko man lang mahulaan kung anong iniisip niya.
Nagsiupuan na sila sa kanilang mga upuan. Nang matapos ihain lahat ay akmang aalis na ako nang alukin ako ni Sir Vander.
"Come, Ida. Join us for dinner."
Nilibot ko ang tingin sa kanila at agad na nasalubong ang tingin ni Sir Mavi. Hindi naman iyon blangko pero wala akong mabasa. Pakiramdam ko ang bobo ko sa tuwing tumititig sa mga mata niya.
Tipid akong ngumiti kay Sir Vander nang bumaling sa kanya.
"Okay lang po ako, Sir. Sa kwarto na lang po ako kakain."
"Oh come on, my beautiful Ida. We miss you kaya sumabay ka na sa 'min," dagdag naman ni Sir Odin, at bago pa ako tumangging muli ay may dalawang palad na akong naramdaman sa aking likod at marahan akong tinutulak paupo sa bakanteng upuan.
Lihim akong napangiti matapos marinig muli 'yang bansag niya sa 'kin.
"Bakit diyan sa tabi mo? Baka mawalan ng ganang kumain si Ida dahil mukha mo ang nakikita?!" komento ni Sir River matapos akong iupo ni Sir Odin sa tabi niya.
Pinakitaan siya ni Sir Odin ng gitnang daliri saka inirapan.
"Gago. Baka mas mawalan pa siya ng gana dahil mukha mo ang nasa harap niya." Sagot naman nitong isa. Si Sir River kasi ang nasa harap ko katabi ang kakambal niya habang narito naman ako sa hilera nila Sir Vander at Sir Odin.
Napailing na lang ako sa bangayan ng dalawang 'to. Pero hindi ko naitatangging na-miss ko 'to. Hindi sila 'to kung walang away at asaran sa hapag-kainan.
Nagpatuloy ang pag-aasaran ng dalawang 'to na kung hindi lang sinaway ni Sir Ramses ay baka may nagbatuhan na ng pagkain rito.
Masaya naming tinapos ang pagkain. May kaunting ilangan, oo, lalo na kapag nagtatagpo ang mga mata namin ni Sir Mavi at pinapaalala sa akin ang mga nangyari kanina, pero kahit na gano'n ay nagagawa ko namang makipagsabayan sa pangungulit nila tulad ng dati. Gamitan lang natin ng mahika ng pandededma, Ida!
Matapos maligo at magbihis ay inasikaso ko naman ang nakasanayan ko nang pagche-check ng nga pinto at bintana tuwing gabi. Itinali ko ang aking buhok at kinuha ang aking jacket para ipantakip sa sarili. Manipis na bestida lang ang aking suot kaya't malamang ay lalamigin ako sa labas.
Pagkalabas ng kusina ay agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Nang tignan ko ang pinagmumulan no'n ay ang likod ni Sir Mavi ang bumungad sa 'kin. Kahit hindi ko siya lapitan ay alam kong siya 'yan. Dahan-dahan akong naglakad papunta ng salas habang pinagmamasdan siya.
Nakaupo siya sa gilid ng pool habang may beer na hawak. Napatingin ako sa tabi niya at nakita roon ang iilang bote na nakatumba at wala ng laman. Ibinalik ko sa kanya ang tingin at pinagmasdan kung paano siya tumungga ng tumungga habang nakatingin sa kawalan. Nang matapos ay inilapag niya iyon sa gilid niya at sinubukang tumayo. Kinabahan ako nang makita siyang binabalanse ang sarili ngunit nahihirapan kaya't dali-dali na akong lumapit. Baka mahulog siya sa pool pag hinayaan ko lang . . .
"S-Sir . . ."
Agad kong kinuha ang kaliwang kamay niya upang isampay sa aking balikat saka ko ipinalibot ang kanang braso ko sa kanyang bewang upang tulungan siyang bumalanse.
"Ba't ka ba kasi naglalasing eh?" pagalit kong sabi pero hindi ko rin naman maiwasang mag-alala dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Ida . . ." mahina niyang sabi matapos bumaling.
Hindi ko alam kung nakilala niya ba ako kahit lasing o sadyang kahit lasing ay ako pa rin ang iniisip niya? Char!
Napangiwi ako nang malanghap ang hininga niyang amoy-alak. Ano ba naman 'to? Bakit kahit marami siyang nainom ay hindi naman mabaho ang hininga niya? Hindi tulad sa 'kin na ang bilis magka-polusyon.
Nahihirapan man sa pagbalanse ng kanyang bigat ay mabuti na lang at hindi kami natumba. Mas nahirapan nga lang ako nang dumating kami sa may parteng hagdan.
"Ano ba kasing problema mo at nag-iinom ka? Hindi ka ba natuwa sa lampungan niyong dalawa ni Ube, ha?"
Hindi naman sana ako ang uminom pero lasang-lasa ko ang pait sa dila ko. Pwe!
Inilapit ko ang tenga sa kanya nang marinig siyang magsalita pero hindi iyon naintindihan.
"Ano, may sinasabi ka ba, sir?" tanong ko pero ungol lang ang naging tugon niya.
Umiling na lang ako. Hinihingal na ako dahil sa pagod at bigat niya kaya nahihirapan na rin akong magsalita pa. Pasalamat na lang ako dahil naapakan ko na rin ang huling baitang ng hagdan.
'Punyawa, ang bigat nito ni sir!'
Buti na lang at nakita kami ni Sir Ramses na kalalabas pa lang ng kanyang kwarto at siyang tumulong sa 'kin na buhatin si Sir Mavi.
Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit sa tuwing hindi ko inaasahan ay saka naman doon sumusulpot itong si Sir Ramses.
Ako ang nagbukas ng pinto habang siya naman ang umalalay kay Sir Mavi papasok hanggang sa maihiga niya ito sa kanyang kama. Pumunta ako sa paanan upang tanggalin ang tsinelas niya saka ko iyon itinabi.
Nagkatinginan kami ni Sir Ramses pero ako rin ang unang umiwas. Matagal naman na sana ako rito pero siya pa rin talaga 'yung hindi ko matagalan ang mga titig. Wala akong gusto sa kanya ha? Sadyang hindi ko masyadong mabasa 'yang klase niya ng tingin kaya naman kung anu-anong pumapasok sa isip ko.
"Ahm, alis na po ako, sir . . ."
Sinuklay niya ang kanyang buhok paatras habang nakapameywang ang isa saka ako tinanguan.
Tinalikuran ko siya at bubuksan na sana ang pinto nang may marinig.
"Ida . . ." Mahina iyon ngunit sapat lamang para umabot sa puwesto ko. At kung narinig ko iyon, malamang ay narinig rin iyon ni Sir Ramses.
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya na nakatingin rin pala sa 'kin saka iyon bumaba kay Sir Mavi sa kama.
Pangalan ko lang naman ang binaggit niya pero bakit gano'n na lang ako kung kabahan?
"I like you, Ida . . ."
Susko po . . .
Para akong natulos sa kinatatayuan. Mabilis ang t***k ng puso ko habang nakatulala sa katawan niyang nakahiga sa kama. Paulit-ulit na umalingawngaw ang sinabi niya sa aking tenga at hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.
Dapat ay masaya ako pero hindi ko magawang ngumiti.
Ganito ba talaga ako kaganda para pag-agawan ng dalawang lalake? Char!
Pero seryoso, bakit kailangan niya pa 'yang sabihin? At sa harap pa ni Sir Ram— nasaan na 'yun?
Ang pagkawala ng presensya niya ang pumukaw sa 'kin. Iniwan niya ba ako rito?! Nagpalinga-linga ako at wala na nga siya.
Maang akong napaingos.
"Iwan ba naman ako?"
Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay masuyo kong tinignan si Sir Mavi. Unti-unti akong naglakad papunta sa kanyang higaan at muli siyang pinagmasdan.
Mamula-mula ang kanyang mukha, maging ang kanyang leeg ay gano'n rin. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kanyang kama upang mapagmasdan siya nang malapitan.
Mas namula pa yata ang mamasa-masa niyang labi dahil sa alak . . .
Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Mabigat ang paghinga ko at pakiramdam ko ay magigising ko siya anumang oras kaya agad ko ring binawi ang aking kamay matapos hawiin ang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang noo.
"I like you . . ."
Napangiti ako matapos maalala ang sinabi niya.
"Ako rin . . . Gusto rin kita, kaso . . . May Ube jam ka na eh. Naiinis man ako sa kanya, pero tama kasi siya. 'Yung mga mayayamang tao na katulad mo ay nababagay lang sa mga taong katulad niya . . . At hindi pwede magsama ang magkaiba nating mundo"
Nakailang buntong-hininga pa ako bago na nagpasyang lumabas ng kanyang kwarto.