Chapter 14

4384 Words
Grabe! Nanay pala ‘yon ni Sir Mavi? Eh kaya naman pala ang sungit rin. Hindi naman sa judgmental ako pero parang gano’n na rin. Eh kasi naman ang sungit niyang tignan. Parang siya ‘yung tipo ng nanay na bibigyan ng limang milyon ‘yung napupusuan ng anak niya para lang layuan ito. Iyong katulad sa mga pelikula, alam niyo ‘yon? Makintab at abot-balikat na buhok. Puting coat at slacks na may pulang sleeveless na panloob, paresan pa ng nude color heels. Wow, napaka-sopistikada! Ang bata niya pang tignan kumpara kay nanay samantalang hindi naman nagkakalayo ang agwat ng edad namin ni Sir Mavi. Parang mas nakakatakot pa nga siya kesa sa nanay ni Dao Mingsi eh. Hindi ko nakakalimutan kung paano niya ako hagurin ng tingin kanina. Kung hindi nga siguro ako pinakilala ni Sir Vander na kasambahay nila ay baka sa kinatatayuan ko mismo ay pinalayo niya na ako sa anak niya. Aba’y payag ako kung bibigyan niya ako ng limang milyon ‘no. Charot! Bukod sa pagbisita ng nanay ni Sir Mavi at pag-atras ni Jake sa sinampa niyang kaso sa ‘kin at halagang babayaran ko na hindi ko akalaing gagawin niya at hindi ko pa rin mapaniwalaan hanggang ngayon ay wala nang ibang nangyari pa. Kaya naman hindi na ako magtataka kung ang nauna ang dahilan kung bakit ilap ngayon si Sir Mavi. Alam ko namang tahimik talaga siya pero parang mas dumoble pa yata ngayon ang pananahimik at pagiging seryoso niya. Ngayon ngang mag-aalas dos na ng hapon ay naroon pa rin siya sa music room. Ni hindi man lang nag-abalang kumain ng tanghalian. Paano kung malipasan ‘yun ng gutom at magka-ulcer? Hindi na nga nag-agahan, hindi pa rin kakain ngayong tanghali? Pero ang tanong . . . bakit ako nag-aalala? ‘Oo nga, bakit nga ba?’ sigaw ng utak ko. “E=Eh kasi nga, katulong ako rito. At trabaho ko na tulungan sila—“ ‘Tulungan saan? Sa pagkain? May sarili naman ‘yung isip at kamay. Kakain siya kung kailan niya gusto!’ “Eh paano nga kung maisipan niyang hindi kumain? Edi namatay ‘yon sa gutom! Ang kulit mo! Tumahimik ka nga.” ‘Ikaw ang makulit! Ang sabihin mo, concern ka lang—’ “H-Ha! Ako? Concern? Concern saan? Doon? Malamang— malamang hindi ‘no! Bakit naman ako magiging concern do’n?” “Jeez, you’re getting weird, my beautiful Ida.” Nagugulat akong napalingon kay Sir Odin, nakahalukipkip siya sa pinto at nakakrus ang mga braso, pailing-iling. “Sir! Kanina pa kayo riyan?” nakangiwing tumango siya. “Yup. I didn’t know that aside from plants, you’re also talking with plates. Are they going to grow beautifully too, hmm?” Napangiwi ako nang marahan niyang kurutin ang aking pisngi at saka siya pinanood na buksan ang ref at kumuha roon ng inumin. Pagkabukas ay inisang tungga niya lang ang laman na inilagay sa baso at saka siya tumingin sa akin. “But don’t worry. Even if you’re weird, Ida, you’re still beautiful.” Kumindat pa siya bago tuluyang umalis. “Pinagsasasabi no’n?” nailing na lang akong ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato. Matapos noon ay nagdadalawang-isip pa ako kung tatawagin ko si Sir Mavi para mananghalian na o mananahimik na lang dito sa tabi. Sa huli ay hindi rin ako nakatiis at bitbit ang tray na may lamang pagkain ay tinungo ko ang music room kung saan kanina pa may tumutugtog na piano. Paglilinaw lang ha? Hindi ako concern, sadyang kabayaran ko lang ‘to sa mga kabutihang ginawa nila sa akin ‘no. Oo, ‘yun lang ‘yon. Hirap man ay nagawa kong mabuksan ang sliding door. Pero hindi pa man tuluyang malaki ang siwang ay mata na agad ni Sir Mavi ang nasalubong ko. Tipid akong ngumiti at akmang magsasalita na nang agad niyang maunahan. “Get out,” mahina niyang sabi ngunit naroon ang awtoridad. “Ah, dinalhan ko lang po kayo ng—“ “Get out.” “Eh sir, baka gutom po kayo—“ “Do I look like hungry to you?” “Baka lang naman po gutom kayo, kaya nagdala ako ng makakain niyo.” “I said, get out.” “Sir—“ “GET. OUT,” mariin niyang sabi kaya bago niya pa ako mabato ng gitara ay agad ko nang isinara ang pinto at dali-daling lumayo roon. Grabe naman. Pakakainin na nga eh. ‘Sinabi na kasing ‘wag makulit Ida eh. Feeling close ka gurl?’ Napailing na lang ako sa umalingawngaw na boses sa utak ko, nang-aasar. Ano kayang nangyari sa kanya? Okay naman siya kagabi at kanina ah? Hindi kaya nag-away sila ng nanay niya? Pero hindi naman halatang nang-aaway ng nanay si Sir Mavi eh. Para nga siyang biglang naging tuta nang ihatid palabas iyong nanay niya kanina. Malayong-malayo sa Sir Mavi na nakasanayan ko na, lalo na sa nakita ko nito lang umaga. Matapos ibalik ang kaninang dala ay naligo na ako. Kabibigay pa lang kanina ni Sir Vander ng sweldo ko at pupunta ako ngayon sa remittance center para magpadala kina nanay. Pagkatapos maligo ay agad rin akong nagbihis. Bago lumabas ay muli kong sinulyapan ang ayos sa salamin. Isang dark blue turtle neck ang suot ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong uri ng damit pero dahil may bakas pa rin ng p*******t ni Jake ang parteng leeg ko ay kailangan ko iyong takpan. Itinuck-in ko iyon sa suot na ripped jeans at pinaresan ng puting sapatos saka ko inayos sa bun ang katutuyo lamang na buhok. Naglagay ako ng mumurahing liptint na nabili ko noong nakaraang linggo sa aking labi at pisngi at kaunting pulbo sa mukha para hindi ako magmukhang maputla, pagkatapos ay dala ko na ang pitaka nang lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa sina Sir River at Ramses na tumigil sa akmang pagpasok ng kusina. “Ooh, who’s this beautiful lady over here?” pang-aasar ni Sir River matapos akong hagurin ng tingin. Parang tanga talaga ‘to si sir paminsan-minsan eh. Palagi na lang ganito sa tuwing nakikita akong bagong ligo. Parang pinapalabas niya na maganda lang ako tuwing bagong ligo, tss. Maganda kaya ako araw-araw. “Where are you going, Ida?” tanong niya pa. “Magpapadala lang po ako ng pera kina nanay,” pinakita ko pa sa kanya ang pitakang dala ko. “Do you need a ride? I can accompany you.” “Ah ‘wag na po sir. Mabilis lang naman po ako,” saka nakakahiya na. Gusto ko pa sanang idugtong ‘yon pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Akmang magsasalita pa siya nang pigilan na siya ni Sir Ramses. “Shut it. Tinanggihan ka na. ‘Wag ka nang magpumilit pa.” Ngumiti lang ako sa kanila saka na nagpaalam. Pagkalabas ay naghintay pa ako ng ilang minuto para sa taxi pero walang dumaan kaya napagdesisyunan kong maglakad na lang papalabas ng village at doon mag-abang. “Hey, do you want a ride?” Ba’t ba ang daming nag-aalok ngayon? Alam ko namang maganda ako, pero kailangan ba talagang ipamukha sa ‘kin araw-araw? Hay! Napalingon ako sa aking gilid nang makarinig ng boses ng isang lalaki. Mabagal ang pagpapatakbo niya ng kanyang pulang sports car, lalo na’t takaw-pansin iyon at isinasabay sa paglalakad ko. Bigla kong naalala ang sinabi ni Sir Mavi noong nakaraan kaya naman agad akong tumanggi. “Salamat na lang. May dadaan na rin namang taxi,” saka hindi kita kilala ‘no. “It will take you ages before you get one, Miss,” palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa daan. Ang isang kamay ay nakahandig sa bintana kaya kitang-kita ang suot na mamahaling relo habang ang isa ay siyang gamit niya sa pagmamaneho. “Promise, I mean no harm. If you didn’t know, nakatira lang ako sa malapit kung saang bahay ka lumabas kanina. I’m Nash, by the way,” binasa nito ang labi bago ngumiti sa akin, dahilan para makita ko ang mapuputi niyang ngipin. Naka-undercut ang buhok niya, may dalawang guhit sa gilid noon at nakatali ang may kahabaang buhok sa taas. Mayroon rin siyang itim na hikaw sa kaliwang tenga. Nakasuot siya ng itim na t-shirt dahilan para lumitaw ang kumikinang niyang kwintas, at aaminin kong ang lakas ng dating niya sa pormang ‘yon, pero hindi. Hindi ka dapat nagpapadala sa gwapo, Ida! “Ang kulit mo ‘no? ‘Wag na nga at meron naman nang taxi,” sabi ko saka itinuro ang papalapit sa aming taxi. “But you can save money if you accept my offer . . .” Tumataas pa ang kanyang kilay, pilit akong kinukumbinse. Napangiwi ako. “Salamat na lang talaga pero hindi ako sumasama sa mga hindi ko kakilala,” ngumiti na lang ako sa kanya bago dali-daling sumakay sa pinarang taxi. Nakahinga ako ng maluwag matapos makitang lumagpas ang kotse nito sa sinasakyan ko. Ang kulit niya ha? Ilang minuto ang naging biyahe dahil na rin sa traffic kaya naman ang balak na maglibot-libot roon ay hindi na natuloy. Sayang at bibili pa naman sana ako ng cellphone. Isang beses ko lang kasing nakakausap sina Eva at nanay at tuwing gabi lang iyon, hindi pa iyon araw-araw. Malapit nang dumilim at kailangan ko nang makabalik agad roon sa bahay dahil magluluto pa ako ng hapunan. Binilisan ko lang ang pagpapadala ng pera at hindi nga ako nagkamali nang sinabi kong uuwi ako nang gabi na kaya naman panay ako pasensya dahil hindi ako nakapagluto. “Sorry po sir, traffic po kasi kaya natagalan ako.“ “It’s okay, my pretty Ida. Mavi ordered food already kaya no need to cook na,” sagot ni Sir Odin pagkarating ko. “Come on Ida. Let’s eat.” Tatanggi pa lang sana ako sa alok ni Sir Vander nang maramdaman ko na ang isang pares ng kamay sa likuran ko at marahan akong tinutulak kasunod ng boses ni Sir River. “Na-ah, you can’t. Tinanggihan mo na nga ako kanina, tatanggihan mo na naman ako ngayon?” sapilitan niya akong pinaupo sa upuang napagigitnaan nila ni Sir Odin at siya pa ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Madalas ko mang sabihin na naiinis ako sa mga pinaggagagawa nila sa akin, pero aaminin kong napaka-swerte ko na sila ang naging mga amo ko. Sa ganitong klase ng trabaho, mabigyan ka lang ng mababait na amo, para sa akin ay karapat-dapat nang ipagpasalamat ‘yon. Kaya bumibigat ang loob ko sa tuwing naibabalita sa telebisyon at radyo ang ibang katulad ko na nagtatrabaho lang naman para sa pamilya nila pero sinasaktan at pinagbubuhatan pa rin ng kamay ng mga amo nila. Kinabukasan ay naging abala lang sila sa music room katutugtog. Pumupunta lang ako roon para maghatid ng miryenda o kaya naman para manood. Tutugtog raw kasi sila mamayang gabi kaya pinag-uusapan nila kung anong mga kanta ang tutugtugin. Ang gagaling talaga nilang lahat. Kahit ilang beses ko na silang napanood, nagugulat at humahanga pa rin talaga ako sa tuwing tumutugtog sila. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo rito at binubusog ang aking mata at tenga sa kapapanood sa kanila. Prinaktis nila ang ‘di umano’y huling kantang tutugtugin nila mamaya at heto na naman ako, natutulala. Pero kahit anong bigay ko ng pantay-pantay na pagtingin at atensyon sa kanilang lahat, hindi ko pa rin maiiwas ang tingin ko kay Sir Mavi. May kung ano sa boses niya na kayang-kayang iparamdam at ipadala ang mensahe ng kanyang kinakanta sa mga nakikinig. Iba ang hagod noon at sa pamamagitan ng kanyang boses ay maipaparamdam niya sa ‘yo ang iba’t-ibang emosyon na pwede mong maramdaman. ‘Sino ba kasing nanakit sa ‘yo at nang majombag natin?’ “As much as I want to bring you with us but I think it would be better if you take a rest. Hindi pa magaling ang mga galos at sugat mo,” sabi ni Sir Vander habang naghahanda sa pag-alis nila ngayong gabi. Tumango ako kay Sir Vander. “Okay lang po, sir. Ingat po kayo,” sagot ko saka sila pinanood na magsisakayan sa kanilang mga sasakyan at magsilabasan ng bahay. Naiwan ako ritong mag-isa at nanggagalaiti sa inis kay Jake. ‘Kita mo nang pinaggagawa mo Jake! Edi sana nakasama ako roon!’ Puno ng dismaya nang tanawin ko ang papalayong mga kotse nila hanggang sa mawala iyon sa paningin ko. Napabuntong-hininga na lang ako. ‘Dismayang-dismaya ka naman yata, Ida? Bakit, ha?’ “Eh sino bang hindi madidismaya? Unang beses ko pa lang sana silang makikitang tumugtog roon.” ‘Oh ano namang inuungot-ungot mo? Hindi ba’t araw-araw mo naman silang nakikita at napapanood?’ “Praktis naman kasi ‘yon. Iba naman ‘yung mamaya. Saka hindi ko tuloy makikita si Sir Vander.” ‘Si Sir Vander ba talaga, o iba ang gusto mong makita?’ Natigilan ako nang pumasok iyon sa isip ko. “Alam mo, napaka-malisyosa mo ‘no? At sino namang iba ang tinutukoy mo riyan? Si Sir Mavi?” “So you have a crush on Oliveros? I see,” nagugulat akong napalingon at agad na kumunot ang noo ko nang mapamilyaran ang lalaki. “Ikaw na naman? Para kang pimples ‘no?” saka ano bang pinagsasasabi nito? Anong crush? Si Sir Mavi? No way highway! “What?” kunot-noo niyang tanong. “Para kang pimples— lulubog, lilitaw. Tapos ang sarap mo pang tirisin.” “Hey, hey. Alam kong masarap ako but please leave the pimples and the tirisin part. And besides, I told you, I live just few blocks from here,” sinundan ko pa kung saan siya tumuro at nakitang malapit nga lang iyon rito. “Eh ano naman? Saka anong kailangan mo sa ‘kin ha?” naigala ko ang mata sa paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makitang may mangilan-ngilang tao rin sa labas saka iyon ibinalik sa kanya. “Do I have to need something from you para lapitan ka? Hindi ba pwedeng gusto ko lang makipag-kaibigan?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Wala nang basta-basta lang nakikipag-kaibigan ngayon ‘no? Kaya sabihin mo kung anong kailangan mo sa ‘kin. May hidden agenda ka ‘no?” Nakangisi siya habang umiiling. Nakahalukipkip siya sa may pader at magka-krus ang mga braso. Bumaba ang mata ko sa labi niya nang basain niya iyon at natauhan lang nang magsalita siya. “Now you’re being judgmental.” “Oy hindi ako gano’n ha,” agad kong tanggi. “Ewan ko sa ‘yo. D’yan ka na nga at baka mapagalitan pa ako ng mga amo ko,” walang pasabi ko siyang tinalikuran at nakita ko pa siyang nakangisi bago ko tuluyang sarhan ang gate. ‘Ang hilig niyang ngumisi ‘no?’ Ang akala kong huli na naming pagkikita ay hindi ko akalaing masusundan pa pala ng masusundan. Kada labas ko ay palagi ko siyang natatanawan sa malayo, palagi siyang kakaway sa akin at ako naman ay ngingiwian lang siya. Pero parang naging parte na rin ata ‘yun ng araw ko. Hindi ko namamalayan na kumakaway na rin pala ako pabalik sa bawat pagkaway niya. Na natatawa na rin ako sa bawat pagbibiro at paglalandi niya . . . para bang nasanay na ako. “Ewan ko sa ‘yo. Mapapagalitan ako ng mga amo ko,” sagot ko nang alukin niya akong sumama sa kanya sa bar mamayang gabi. “C’mon Ida. It’s Saturday, and I believe you have Sunday as your day-off, am I right?” Napangiwi ako. “Pero kasi ang pangit namang tignan kung uuwi ako rito ng lasing tapos ibang tao pa ang kasama ko. Ka-babae kong tao tapos gabi na akong uuwi? Saka hello? Kasambahay lang kaya ako rito, hindi ako ‘yung may-ari ng bahay.” “I know, I know, but hey— hindi ibang tao lang ang kasama mo. It’s gonna be me and I promise that I will bring you back here unscathed.” “Hindi talaga pwede, Nash, ang kulit mo naman. Sige na ha? Maiwan na kita riyan at may aasikasuhin pa ako.” Bumuntong-hininga siya. “ ‘Kay. Bye,” bakas roon ang inis kaya’t natawa ako. Iniwan ko siya roon at pumasok na ng bahay. Bahagya pa akong natigilan nang maabutan si Sir Vander sa garahe at parang may hininhintay pero agad na ngumiti pagkakita sa akin. Sabi ko na nga ba’t ako nagpapangiti sa kanila eh, haha. ‘Kapalmuks ka gurl?’ “Now you’re here. Kanina pa kita hinahanap, Ida.” “Bakit po, Sir?” tanong ko, kyuryosong nakatingin sa kanya. “We are going to bring you somewhere,” nakangising sagot niya. Nakakunot man ay nag-uumpisa na akong ma-excite. “Saan po?” Makukulay at nagsasayawang mga ilaw, nakabibinging tugtugan sabayan pa ng malakas na hiyawan ng mga nagtatalunan at nagsasayawang tao, at amoy ng alak na nanunuot sa ilong ko . . . hindi ko akalaing dadalhin nila ako sa nightclub na pupuntahan rin nila. Nasa likuran si Sir Vander at nakasunod lamang ako habang nasa unahan ko naman ang iba. Halos manlaki pa ang mata ko nang makitang may dinakmang puwet ng babae si Sir Odin at imbes na magalit ang babae ay ngumisi lamang ito kay sir, tila nagustuhan pa. Napahawak tuloy ako sa magkabilang puwet ko at baka may gumawa rin noon sa ‘kin. Ganito rin kasi ang nakikita ko sa mga palabas. ‘Yung biglang may mambabastos sa ‘yo, tapos ipagtatanggol ka ng mga kasama mo, tapos— okay, tama na ang ilusyon Ida. Mabuti na lang at maluwang na t-shirt saka pantalon ang suot ko kaya’t hindi nakakailang kumilos rito. Medyo maayos na rin ang lagay ng leeg ko at hindi na nangingitim kaya balik na ako sa pag-t-tshirt. Naupo kami sa mga couch na naroon at nakaayos na palibot sa isang babasaging center table. Napagigitnaan ako nina Sir Odin at Sir River habang magkakahiwalay naman ang tatlo sa mga upuang na naroon, palibot sa amin. Muling napagala sa lugar ang paningin ko at habang nagtatagal ay mas lalo lamang akong nagmumukhang ignorante. “Here’s a drink for the lady,” napabaling ako kay Sir Odin nang maglapag ito sa harap ko ng isang baso na parang orange juice, puno ng durog na yelo at may slice ng orange ang ibabaw saka ano ‘to? Oregano ba ‘to? “Hindi po ako umiinom ng alak, sir,” agad kong tanggi, nagawa pang isenyas ang dalawang kamay. “Don’t you worry, my beautiful Ida, I got you covered. That’s a non-alcoholic drink for you. C’mon, taste it.” Nagawa niya pang kumindat sa ‘kin. Kagat ang labing inilapit ko iyon sa bibig at saka tinikman. Naghahalo-halo ang lasa sa dila ko. May kaunting pait at asim, pero mas nangingibabaw ang tamis. “How was it?” tanong niya. Nakangiti akong nag-thumbs up kay Sir Odin saka ulit sumimsim. Hindi naman pala ‘to alak eh. Nang maubos iyon ay binigyan niya ulit ako. “Here. You should not drink any hard liquor, okay?” Tumango ako saka nagtatakang nagtanong. “Eh ano po bang okasyon? Teka, meron po ba?” “It’s Mavi’s birthday!” sagot nito sabay tingin kay Sir Mavi na tahimik lang na sumisimsim ng alak. Naka-hilig ang mga braso sa dalawang hita habang matiim na nanonood sa mga nagsasayawan. “Happy birthday, man!” nakangising bati nito kay sir. Tumingin sa kanya si Sir Mavi saka siya tinanguan, suot-suot ang seryosong mukha. Paano naman naging happy birthday ‘to eh hindi man lang nga ngumiti ‘tong isa eh. Hindi siya happy. Kaya birthday lang dapat. Tahimik lang siya sa kanyang upuan habang sumisimsim ng alak. Paminsan-minsan ay kinakausap siya nina Sir Vander at Ramses pero dahil sa lakas ng tugtog ay wala akong marinig ni isa man roon. Parang ang lalim ng iniisip niya at sinuman ay walang makakasisid noon. Kahit natatamaan ng mga malilikot na ilaw ang mukha niya ay hindi ko pa rin mabasa kung ano ang posibleng nasa isip niya. Marahil ay may kinalaman iyon sa pagpunta ng nanay niya sa bahay noong nakaraan. Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa sinisimsim na inumin ngunit hindi ko pa man nauubos ang iniinom ay nagulat na lang ako nang may magsipuntahang mga babae sa puwesto namin. “Hey babe,” parang nang-aakit na sabi ni Sir Odin. Nanlaki ang mata ko nang dumiretso ang isa sa hita ni Sir Odin at doon umupo! Para akong nanigas sa kinauupuan nang magsimulang maghalikan sila at kahit si Sir River ay may kahalikan na rin! Malakas man ang tugtugan ay naririnig ko pa rin ang mga impit ng ungol na lumalabas sa bibig nila. Pisti! Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nila ha! Tumayo ako at pasimpleng lumayo roon. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko eh! Naks! Tao to hangin real quick tayo ah!? Parang nalimutan ako bigla. Nahagip pa ng mata ko ang isang babae na iginigiya na ang mukha ni Sir Mavi para mahalikan ito kaya dali-dali kong iniiwas ang paningin ko. Ayokong makita. Sina Sir Vander at Ramses na abala sa pag-uusap lang ata ang walang babae. Iiling-iling akong naglakad palayo sa kanila at saka ko lamang napagtanto ang katangahang ginawa. Wala akong kaalam-alam dito! Para akong nawawalang bata na pagala-gala saka kinakabahang pumunta sa may mga nakahilerang stool at doon naupo. Nagulat pa ako nang may tumabi sa akin pero kumalma rin nang nakilalang si Nash iyon. “Hey! I thought you’re not going here tonight?” nakangisi siya saka hinagod paatras ang kanyang buhok bago iyon itali. Umupo siya sa katabing stool ng inuupuan ko. Inihilig niya ang isang braso sa counter saka umikot paharap sa akin. Bumaling ako sa mga amo kong nagkakasiyahan na sa puwesto nila saka tumingin ulit sa kanya, kumibit-balikat. Tatangu-tango siya na parang naintindihan ang gusto kong sabihin saka siya bumaling sa bartender. “Give me tequila for two.” Sinunod iyon ng bartender at agad akong tumanggi nang ilahad niya sa akin ang isa. “Hindi ako umiinom ng alak, Nash.” Binasa niya ang labi at muling inilapit ang baso sa akin. “C’mon, just a sip. Masasanay ka rin,” pangungumbinse niya. “ ‘Yan ka na naman eh. Palagi mo na lang akong dinidemonyo ‘no?” reklamo ko habang siya ay pangisi-ngisi lang. “Just a sip, Ida. Promise, it will make you feel good.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Talaga ba?” duda man ay nagawa ko nang ilapit ang baso sa aking bibig. Inisang lagok ko iyon at agad na lumukot ang mukha ko nang gumuhit sa lalamunan ko ang pait. “Pwe! Pwe! Lason ba ‘to? Bakit gan’to ang lasa?!” reklamo ko. Para akong sinapak sa lakas ng tama ng alak sa ‘kin habang itong hinayupak kong katabi ay humahagalpak lang ng tawa. “Tigil nga!” saway ko pero hindi siya nakinig at nagpatuloy lang sa pang-aasar sa ‘kin. Pinilig-pilig ko ang ulo dahil sa kaunting hilong nararamdaman nang maya-maya lang ay hinila niya ako papunta sa kumpol ng taong nagsasayawan. Peste! Nahihilo pa nga ‘yung tao oh! “C’mon, Ida. Let’s dance the night away!” malakas niyang sabi bago kami nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao. Nagtalunan ang mga naroon kaya kahit umiinog ang paningin ay nakitalon na rin kaming dalawa. Masyadong nag-iinit ang pakiramdam ko pero hindi ako no’n napigilan para makipagsabayan. “Wooohhhh!” Nakailang hapit na sa akin si Nash para lang hindi ako malayo sa kanya pero hindi kami tumigil. ‘Di nagtagal ay umalingawngaw ang isang pamilyar na tugtog dahilan para mas ganahan ang mga tao sa pagsayaw, kasama na ako. “O alam ko ‘yan! Alam ko ‘yan! Sinayaw namin ‘yan nung barangay day sa ‘min,” malakas kong sabi saka nagsimulang sumayaw nang tumugtog ang kantang ‘Buttons’ ng Pussycat Dolls. Sexy ang steps ng sayaw dahil ‘yon ang turo ni Jophet, ‘yung baklang nag-choreograph nito sa amin noon. “Go, Ida! Shake that booty!” sigaw ni Nash na sinundan ng malakas na hiyawan. Sumayaw kami ng sumayaw roon. Nang matapos ay inakay na ako ni Nash pabalik sa counter. Hinihingal akong napabalik ng tingin sa dance floor nang magsimulang muli ang hiyawan roon. Napangiti ako habang inililibot ang tingin sa kabuuhan ng lugar. Ni hindi pumasok sa isip ko na mararanasan ko ‘to sa tanang buhay ko. Pakiramdam ko ay isa ako roon sa mga napapanood ko sa telebisyon. Tapos ‘yung tipong sa sobrang kalasingan ay may mabubunggong gwapong lalaki tapos magkaka-inlaban hanggang sa charan! Masasaktan lang ulit. Napangiwi ako. “Here’s your drink,” napabaling ako kay Nash at saka sa basong inabot niya sa akin. Kapareho ito noong pinainom sa akin ni Sir Odin kanina kaya naman walang sali-salita ko iyong nilagok. “Feeling good?” Nag-thumbs up ako sa kanya. Nang maubos ay binigyan niya ako ulit. Gusto ko sanang tumanggi pero sinabi niya namang libre iyon kaya bakit ako aayaw ‘di ba? Masarap kaya ang libre. Pero maya-maya lang ay napahigpit ang hawak ko sa baso at paulit-ulit na kinusot ang mga mata dahil parang unti-unti iyong nanlalabo. Napasapo ako sa noo at naipikit ang mata nang tila umiinog ang paligid ko. ‘Sayaw pa, Ida! ‘Yan ang napapala mo.’ “You okay?” pinakiramdaman ko ang sarili ko at umiling kay Nash dahil hindi ako okay. Pakiramdam ko ay bumibigat ang katawan ko kasabay ng mga talukap ng mata ko. Ano bang nangyayari sa ‘kin? ‘Ang hina mo naman, Ida. Ilang baso lang ang ininom mo nagkaganyan ka na?’ sigaw ng utak ko. Pero juice lang ‘yong ininom ko kanina . . . Nanghihina man ay muli kong pinakiramdaman ang paligid pero wala akong malinaw na naaaninag. Maya-maya pa’y naramdaman ko na lang na umaangat na ang katawan ko sa ere. Ilang segundo pa ay umiihip na rin ang malamig na hanging sumasalubong sa akin, kasunod no’n ay ang unti-unting paghina ng tugtog. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aking katawan sa malambot na higaan pero bago ko pa maaninag ang paligid ay tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD