[“Ano?! Ginawa sa ‘yo ‘yon ng hayop na Jake na ‘yon?”] anang nanggagalaiting boses ni Eva sa kabilang linya matapos kong ikwento ang ginawang panunugod at pananakal sa akin ni Jake noong isang araw.
Napabuntong-hininga ako at tumango na para bang nasa harap ko lang siya.
“Mmm. Hindi rin ako makapaniwala na makakaya niya ‘yong gawin sa ‘kin. Bes, kung hindi dumating ‘yung mga amo ko, b-baka patay na ako ngayon. Ano na lang ang mangyayari kina nanay kapag maaga akong nawala?”
Hindi ko maiwasang pangiliran ng luha. Napakagat ako sa mga labi ko dahil sa panginginig noon. Tapos na ang pangyayaring ‘yon pero ang takot ay narito pa rin sa loob ko. Matagal na panahon ko rin sigurong dadalhin ‘to.
[“Napakawalang-hiya talaga ng lalaking ‘yan! Dapat sa kanya pinapakulong eh!”]
May naririnig akong mga bumibili sa kabilang linya kaya marahil ay siya ang bantay ngayon sa tindahan nila.
“Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko . . . paano ko siya kakasuhan kung ako nga ‘yong una niyang sinampahan.”
[“Eh iba naman kasi ‘yong sa ‘yo, iba rin ‘yong sa kanya! Kung tutuusin nga mas malala pa ‘yong ginawa niya sa ‘yo! Muntik ka ng mamatay dahil sa ginawa niya!”] para siyang nanay ko na sinesermunan ako at bakas roon ang galit. Rinig ko ang mararahas niyang buntong-hininga sa kabilang linya kasunod ng kanyang boses na malumanay na ngayon. [“Sorry bes ah. Sana pala hindi ko na binigay ‘yung number mo kay Jake. Kung alam ko lang na mangyayari ‘to, edi sana, hindi ako nagpadala sa takot ko . . .”]
“Ayos na ako, Eva, ano ka ba. Saka, kung hindi mo binigay ‘to kay Jake, baka sa ‘yo niya pa magawa ‘yung ginawa niya sa ‘kin,” sagot dahil hindi rin naman malabong mangyari ‘yon sa kanya.
Rinig ko ang pag-ingos niya.
[“Subukan niya lang! Baka maging siling labuyo na talaga ‘yang t**i niya! ‘Wag niya akong subukan! Oo, takot akong makulong, pero hindi ako takot bayagan ang hayop na ‘yon!”] nanggigigil na sagot niya, animong nasa harap lang ang kanyang kaaway.
Pareho kaming natawa pagkatapos.
Kahit kailan talaga ang bunganga nito. Kaya minsan ayaw kong sumasama sa kanya eh kasi nahahawa ako. Dahilan na rin siguro kung bakit kami matalik na magkaibigan.
Natigil lang ako sa pagtawa nang makita sa ‘di kalayuan ang nakahalukipkip na si Sir Mavi, prenteng nakasandal sa sliding door habang magkakrus ang mga braso at tila kanina pa ako pinanonood.
“Patay . . .” bulong ko.
Nasalubong ko ang kanyang mata at iiling-iling lang siya na para bang dismayado siya sa kanyang nadiskubre.
[“Anong patay?”]
“Wala. Sige bes, usap na lang ulit tayo sa susunod. Pakikumusta na lang ako kay nanay ha?” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at basta ko na lang ibinaba ang telepono.
Napahalukipkip ako nang umayos siya ng tayo. Akala ko ay pagagalitan niya ako sa walang paalam kong paggamit ng telepono nila kaya’t gano’n na lang ang gulat ko nang basta na lamang siyang umalis.
Matagal pa akong natanga sa kinatatayuan bago sinundan ng tingin ang daang nilabasan niya.
“Iyon na ‘yon?”
Naguguluhan man sa inasal niya ay dumiretso na ako ng labas para magawa ang pagdo-double check sa mga pinto at bintana. Matapos gawin ‘yon ay siya namang pagtugtog sa music room.
So naroon siya . . .
Hindi ko alam kung didiretso na ba ako sa kwarto ko o pupunta roon.
Kaso baka pagalitan niya ako? Hindi naman porket nagkausap kami kanina ay okay na kami ‘no?
Pero bago pa man ako makapagdesisyon ay parang may sariling isip na ang mga paa ko at natagpuan ko na lamang ang sariling binubuksan ang sliding door, lalo na nang mapamilyaran ko ang kantang tinutugtog niya.
Kasabay ng lamig na bumabalot sa kabuuhan ng kwarto ay siya rin namang init na hatid ng boses niya. Ang orihinal na mabilis at rock na kanta ay nakakabilib na nagawa niyang malumanay at angkop sa katahimikan ng lugar. Sa gitarang yakap lamang nakatuon ang atensyon niya habang kumakanta kaya naman hindi ko alam kung napansin niya ba ako o hindi. Nanatili lamang akong nakahalukipkip sa pintuan at binubusog ang mata at tenga sa panonood sa kanya.
Para akong dinadala ng boses niya sa ibang lugar . . . para bang nasa lilim kami ng puno . . . nakasanday ako sa balikat niya, magkatabi at parehong ninanamnam ang malamig na hangin habang nakatitig sa magaganda at maliwanag na bituin—
Ano ba ‘tong pinag-iiisip ko?
Marahil ay gano’n nga talaga ang epekto ng pagkanta niya. Kaya naman nang dumating sa chorus ay hindi ko naiwasang makisabay sa kanya at mapalakas ang boses. Bahagya pa akong nagulat nang mag-angat siya ng mata sa akin na para bang kanina niya pa alam na narito ako.
Hindi ko alam kung mararamdaman ko habang nakatitig siya sa akin, sinasambit ang mga liriko ng kantang inaawit niya.
‘Ako rin. Madalas ka kasing nakabusangot at masungit.’
Bakit gumagwapo siya sa paningin ko? May problema na yata ang mga mata ko . . .
‘Ako ang naiinis sa ‘yo minsan eh. Lalo na kapag pakiramdam ko ay sinsadya mo nang utus-utusan ako.’
Oo, siguro ay may problema lang sa paningin ko.
Pero bakit gano’n? Bakit pakiramdam ko ay napakahalaga ko habang nakatitig sa mga mata niya? Pakiramdam ko, para akong mamahaling bagay na dapat ingatan dahil maaaring mabasag anumang oras . . . kahit hindi naman talaga.
“Your voice is good.”
Natauhan ako at napaayos ng tayo sa ginawa niyang komento. Hindi sa pagmamayabang pero alam ko naman na ‘yon dahil palagi akong pinupuri ng mga teacher ko sa tuwing laman ako ng program noong high school namin, sadyang nakakahiya lang dahil sa kanya nanggaling iyon.
Hello? Main vocalist ng Moonrivers tapos pupuriin ka? Edi shala!
“Salamat po, sir.”
“You can come inside.”
Napakurap ako at natigilan.
Parang nakakatakot kapag nagiging mabait siya . . .
“Come on in. I don’t bite.”
Talaga ba? Gusto ko iyong idugtong pero imbes na gawin ay inihakbang ko na lang ang paa papasok hanggang sa makaupo sa tapat ng pwesto niya.
Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa basagin iyon ng pag-strum niya ng gitara na agad kong napamilyaran, ngunit ang pinagkaiba ng kanina at ngayon, ngayon ay hindi pa rin siya nagsisimulang kumanta. Napalingon ako sa kanya at naabutan siyang nakatingin sa ‘kin.
Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi pa siya nagsisimula gayong kanina pa dapat ‘yon.
“Go on,” sabi niya.
Napaturo ako sa sarili ko, nagtatanong. Tumango siya at muling inulit ang intro ng kanta para makasabay ako.
Huminga muna ako ng malalim bago magsimula.
Napatingin ako sa kanya saka iyon itinuon pabalik sa kanyang gitara.
Napabaling ulit ako at tumango lamang siya sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta kahit na medyo nahihiya hanggang sa magsabay kami pagdating ng chorus hanggang sa matapos iyon.
Agad akong napabalikwas mula sa kinahihigaan pagkarinig ng alarm clock ko. Ilang minuto pa akong nakapikit bago naisipang bumangon. Matapos noon ay sinuklay ko ang aking buhok at saka iyon itinali.
Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas sais na ng umaga kaya naman dali-dali na akong nag-asikaso para magluto ng agahan. Isinangag ko lang ang natirang kanin kagabi saka nagluto ako ng pritong itlog at tuyo para sa aking ulam. Sinamahan ko rin iyon ng hiniwang kamatis para mas ganahan akong kumain mamaya. Matapos magluto ay saka na ako nagpasyang maligo. Weekend naman ngayon kaya buong araw lang na narito ang mga amo ko.
Napangiwi ako matapos masagi ang galos ko sa aking labi. Medyo nangitim rin ang nasa aking leeg kaya medyo nahihirapan akong lumunok ng matitigas na pagkain. Tinanggihan ko rin kasi ang alok nila sir na dalhin ako sa ospital. Sobrang abala na ang nagawa ko sa kanila. Napaaway pa sila nang dahil sa akin. Napakawalang hiya ko naman kung pati iyon ay iaasa ko pa sa kanila. Pasalamat na lang ako at hindi ako trinangkaso dahil naagapan ko ng gamot kahapon nang bigyan nila ako ng isang buong araw na pahinga.
Mabilis kong tinapos ang pagligo at agad ring kumain ng agahan. Matapos ‘yon ay saka na ako lumabas ng aking kwarto para magsimula nang magtrabaho.
Nagluto muna ako ng agahan nila bago nagsimulang maglinis sa buong kabahayan. Mag-aalas syete na nang matapos ako sa loob kaya sa labas naman ang sinunod ko. Kagaya ng nakagawian, pagdidilig ng halaman, pagwawalis at iba pa ang ginawa ko.
Nang makarinig ng ingay sa loob, siyang indikasyon na gising na ang mga amo ko ay saka lamang ako pumasok. Agad na nagtama ang mata namin ni Sir Mavi ngunit ako rin ang unang nagbawi ng tingin. Hindi ko maiwasang mahiya sa tuwing naaalala ang ginawa naming pagkanta kagabi. Walang mahabang pag-uusap na naganap pero ewan ko ba, pakiramdam ko ay ilang parte ng pagkatao niya ang nakilala ko kahit hindi naman talaga. Napakagwapo niya sa paningin ko lalo na noong kumakanta siya. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa akin para matagalan ang mga titig niyang tila nanghihigop ng kaluluwa eh. Kainis!
“Good morning, Ida. Are you okay now?” napabaling ako kay Sir Vander at agad na ngumiti, gumaganti sa magandang ngiti niya sa ‘kin.
Tumango ako.
“Yes po, sir. Okay na po ako.” Kahit medyo hindi pa. Itinago ko na lamang ang ngiwi.
“That’s good to hear,” sagot niya.
Dumiretso ako sa kusina habang sila naman ay sa dining area na. Inihanda ko ang mga pagkain at isa-isa iyong dinala roon.
“Good morning, my beautiful Ida.”
“Good morning po, Sir Odin,” sabi ko saka binati rin ang iba. Pero hindi pa man sila nangangalahati ay sunud-sunod na ang pagtunog ng doorbell na siyang kumuha ng atensyon namin.
Dahil sa nangyari noong isang araw ay agad na umusbong ang takot sa akin.
“A-Ahm . . .” bumadha ang kaba sa akin nang tumingin ako sa kanila. “B-Buksan ko lang po ‘yung gate . . .”
Kinakabahan man ay tinatagan ko pa rin ang loob ko habang patuloy na naglalakad upang labasin kung sino man ang naroon. Sana lang ay hindi ‘to si Jake at baka mabunot ko na talaga ‘yang malaking nunal niya sa ilong! Sumasakit pa ang lalamunan ko dahil sa ginawa niya ha! Hindi ko tuloy nakain ‘yung burger na bigay ni Sir Mavi noong isang araw, sayang, ang dami pa namang sahog no’n.
Pagkabukas ng gate ay literal akong napaatras, kasabay ng muling pag-tubo ng takot at kaba sa akin. Akala ko ay makakaya kong magawa ang mga banta ko sa kanya sa isip ko pero hindi pa pala dahil narito pa rin ang takot na pilit kong sinisipa paalis sa akin simula nang gawin niya sa ‘kin iyon. At ang presensya ng dalawang unipormadong pulis sa likod niya ang mas lalong nagpapakaba sa akin.
Napalunok ako.
“Hello, Ida. Miss me?” Nakangising bati niya na akala mo ay walang atrasong ginawa sa akin, habang nakapamulsa siya. Bakas sa mukha niya ang mga pasang natamo mula sa pakikipagsuntukan sa mga amo ko.
Nag-isang linya ang labi ko habang patuloy na nagtatagis ang bagang sa presensya niya. Hindi ako nagsalita at tiim lamang ang paningin sa kanya. Maya-maya pa’y bumaling siya sa mga pulis at saka ako itinuro.
“Here’s that b***h, officer.”
Ngumisi siya sa akin, pero agad rin iyong napawi nang mapadako sa likod ko ang paningin niya.
Bago pa ako magsalita ay nakarinig na ako ng mga yabag sa likuran ko at mula roon ay isa-isa nang nagsidaanan sa aking gilid ang mga amo ko.
“What the f**k are you doing here again?” nagtatagis ang bagang na asik ni Sir Odin. Ang kambal naman ay nakaantabay lang sa likod niya. Napatingin ako kay Sir Vander nang kunin niya ang braso ko at igiya ako papunta sa kanyang likuran. Binigyan niya ako ng ngiti at marahang tango bago ako tuluyang itago roon saka siya tumabi kay Sir Mavi sa harap.
“Oh, the f*****g knights are here . . .” sumilip ako at nakita si Jake na nakangisi, at mas lumaki iyon nang makita niya ako kaya agad akong nagtago pabalik kahit hindi naman dapat ako nagtatago mula sa kanya. “Ano pang ginagawa niyo officer? Hulihin niyo na ang babaeng ‘yan.”
“As expected from you, you’re really a f*****g dumb.” Muli akong sumilip nang marinig ang nakakalokong boses ni Sir Mavi. “I bet your parents are now regretting you got out of a f*****g condom,” dagdag pa niya. Naroon sila sa unahan at bakas sa kanya ang pagngisi habang si Jake naman ay unti-unti nang nagdidilim ang ekspresyon.
“You really don’t realize that we’re not gonna let it slide, right? Of course, you don’t. Because you’re a f*****g dumb.” Rinig ko ang pag-ismid niya bago bumaling kay Sir Ramses. “Ram,” maangas itong tumango sa kanya. Matapos no’n ay umalis si Sir Ramses pabalik ng bahay at nang bumalik ito ay may dala na siyang laptop.
Pinanood ko kung paano niya iyon inabot sa isang pulis at tinabihan naman ito ng kasama para tignan rin kung ano man ang gustong ipakita ni Sir Ramses sa kanila.
“As you can see in that video Mister Officer, aside from slapping, that bastard tried to kill Ida by strangling her—“
“It’s because she punched me–“
“— and that’s also because of your filthy mouth. You deserved that. If it was me, you’re still kissing the f*****g floor until now with broken limbs,” pagtatapos ni Sir River.
Walang kibo si Jake pero ang nagtatagis niyang panga at nanlilisik na mga mata ay sapat na para ipaalam sa aming nanggagalaiti siya sa galit. Kakatwang kung gaano nakakaloko ang ngisi niya kanina, ngayon ay para siyang nabuhusan ng isang baldeng malamig na tubig.
“What will happen now, Mister Officer? That’s clearly attempted murder, isn’t it?” sabat naman ni Sir Vander.
Ibinalik ng pulis ang laptop kay Sir Ramses at bumaling sa aming lahat.
“Base d’yan sa ebidensya ay ‘yon nga ang nangyari— attempted murder. Hahayaan naming mag-usap kayo kasama ang inyong mga abogado at babalik kami kapag may update na sa mga kampo ninyo. Nasa sa inyo kung magsasampa at itutuloy niyo ang kaso o kaya naman ay makikipag-areglo na lang kayo.”
Ilang minuto pa silang nag-usap bago nagpaalam ang mga pulis habang naiwan naman si Jake na umiigting pa rin ang panga.
“What now, dickhead? Do you still want to get this in court?” nanunuyang sabi ni Sir Odin.
“That’s not a problem to us though. We have evidence that you did try to kill her. But you, do you have any evidence that will point her as the culprit for spreading that video? None. So instead of her, we’re pretty sure that you’ll gonna be the one who will be rotten behind bars, moron.” Ani Sir River, nakapamulsa pa habang pangisi-ngisi.
“It’s either you withdraw the case you filed against her and revoke the monetary fines that she has to pay you OR . . . paaabutin natin ‘to sa korte? And we’ll make sure na mabubulok ka sa bilangguan. By that, you will be deprived of your unworthy freedom and will forever be a disgrace to your family. Choose,” sabi naman ni Sir Ramses na mula kaninang umaga ay ngayon ko lang narinig magsalita.
Inilibot niya sa amin ang kanyang masamang tingin bago iyon itinuon sa akin saka walang pasabi kaming tinalikuran. Akmang papasok na siya sa kanyang sasakyan nang magsalita si Sir Mavi.
“Oh, I forgot, you have a small d**k by the way,” aniya na tila siyang-siya habang nakikita ang namumula sa inis at galit na mukha ni Jake.
Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa kabastusang sinabi niya kundi sa katotohanang napanood nila ‘yung videong ‘yon! Nakakahiya! Nakita nila ‘yung kalokohan namin ni Eva roon!
“No wonder that woman’s not even moaning in pleasure because your d**k sucks!” sabat naman ni Sir Odin na agad na sinundan nila ng nakaiinsultong tawa ni Sir River.
Nagtatagis ang panga ni Jake nang talikuran kami at nang makasakay sa kanyang kotse ay agad niya iyong pinaharurot palayo.
Nakahinga lang ako ng maluwag matapos mawala sa paningin ko ang kotse niya. Napatingin ako kay Sir Vander nang marahan niyang guluhin ang buhok ko at bigyan ako ng ngiti. Matapos noon ay sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.
“Pakiligpit na ng mga ‘to Ida.” Turo ni Sir River sa mga natirang pagkain. “We lost our appetite after seeing that bastard.”
“Imagine, nagpadala ng pulis eh wala naman palang hawak ng warrant of arrest? What a dumb!” Natawa naman si Sir Odin at pailing-iling na inakbayan ang kaibigan bago lumabas ng dining area.
Oo nga. Kahit ako mawawalan rin ng gana eh. Akala ko pa naman matalino ‘yung Jake na ‘yon.
Isa-isa kong iniligpit ang mga nasa mesa at sila naman ay dumiretso na sa sala para maglaro. Pagpasok ko ng kusina ay naabutan ko pa sina Sir Vander at Sir Mavi na abala sa pag-uusap. Natigil lamang sila nang makita ako.
“Let me help you, Ida.”
Akmang tatanggi palang ako nang kunin na ni Sir Vander ang mga platong hugasin sa kamay ko. Hindi na ako nakaangal lalo na’t mabigat nga rin naman iyong tray. Napabaling ako kay Sir Mavi nang makaalis si Sir Vander sa harap namin.
Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig sa kanya habang siya ay abala na ngayon sa iniinom niyang kape. Parang ang bait at payapa niyang panoorin. Bumagay ang suot niyang puting shirt ngayon dahil sa mga pagtatanggol na ginawa niya. Palagi man ako kung mainis sa kanya noong una, nabura naman lahat ng mga kabutihang ginawa niya sa akin nitong nakaraan ang mga iyon.
Sana lang ay ‘wag nang tumubo ulit ‘yang sungay niya.
Natauhan lang ako nang makarinig ng sunud-sunod na busina ng kotse sa labas na muling nagpatubo ng kaba sa akin.
Parang natatakot na yata ako sa tuwing may tutunog sa labas ah. Sabihin niyo salamat Jake, ‘nyeta.
“It’s okay. Ako na ang magbubukas.” Singit ni Sir Vander na hindi na ako hinintay pang makasagot at agad nang dumiretso roon. Pagbaling ko kay Sir Mavi ay wala na rin siya sa kinauupuan.
“Nasa’n na ‘yon? Ang bilis naman no’n? Hindi ko man lang yata nakitang lumabas—”
“Looking for me?” literal na napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses niya sa aking gilid.
“H-Hindi ah. Bakit naman kita hahanapin?” napasapo pa ako sa dibdib dahil sa lakas ng t***k no’n. Lakas mang-trip neto ah.
“Hmm.” Patango-tango at parang hindi kumbinsido.
“Hindi nga sabi kita hinahanap. Nagtataka lang ako at wala ka na sa inuupuan mo kanina,” pagpapaliwanag ko.
Ngumiwi lang siya.
“Yeah, and pigs can fly.”
Napakunot ang noo ko.
“Wala pa akong nakikitang lumilipad na baboy. Lumalangoy, oo. Doon sa amin, sa tuwing bumabaha, minsan may napapadpad na baboy kaya masarap ang ulam namin kahit babad sa tubig. Fresh na baboy galing sa tubig-baha, haha. Buti na lang at hindi naman kami nahuhuli ng may-ari.” Natawa ako habang inaalala ang mga karanasan namin sa tuwing bumabaha sa lugar namin noon.
Sumilay ang ngisi sa labi niya kaya’t heto na naman ako, napapatitig sa kanya. Bakit ba sa tuwing ngumingisi siya parang bago palagi sa paningin ko? Iyong tipong minsan lang iyon mangyari kaya dapat ay busugin at sulitin ko na ang paninitig sa kanya.
“Where’s my son? And why does the police went here?”
Umalingawngaw sa kabahayahan ang boses ng isang babae. Bakas roon ang strikto at habang papalapit ang mga hakbang niya ay hindi ko maiwasang kabahan.
Susmaryosep! Kaninong nanay ‘to?!