Chapter 12

2995 Words
“Here, Ida, drink this,” napabaling ako kay Sir Odin saka kinuha ang baso ng tubig na bigay niya.   Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog. Basta nagising na lang ako na narito pa rin sa salas habang kasama ang mga amo ko na tahimik lamang na nag-uusap kanina.   “Salamat po, sir,” mahina kong sagot. Nang makuha iyon ay saka na siya dumiretso sa mahabang couch katabi nina Sir Ramses at Sir Vander.   Pagkaupo ay saka sila tumingin sa ‘kin, animong may hinihintay. Ganoon rin sina Sir River na nakaupo sa pang-isahang couch na nasa gilid ng kinauupuan ko habang si Sir Mavi naman ay matiim lang na nakatitig sa akin, nakapamulsa at nakasandal sa pader.   Hindi ko alam kung ilang oras na buhat ang pangyayari kanina. Napasulyap ako kay Sir Mavi ngunit agad rin iyong naiiwas nang madatnang nakatitig pa rin siya sa akin, tila hindi man lang iyon inalis. Hindi ito ang tamang oras pero hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi sa tuwing naalala ang ginawa niyang pagbuhat sa akin kanina na para bang bago kaming kasal.   Sumimsim ako ng tubig at bahagyang napangiwi nang masakit ang naging pagdaan noon sa aking lalamunan. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng magkadikit kong hita at napahalukipkip sa mismong kinauupuan. Nagbaba ako ng tingin roon saka huminga ng malalim saka ulit ibinaling sa kanilang nagtatanong na mga mata.   Alam kong marami silang mga katanungan, at gusto ko rin namang magpaliwanag. Pero hindi ko alam kung saan ko iyon sisimulan . . . hindi ko alam kung sa sasabihin ko bang ‘to ay mag-iiba ang paningin nila sa akin . . . na malilinis ko ba ang aking sarili sa kung anumang iniisip nilang katauhan ko. Bukod sa ayaw kong mawalan ng trabaho ay ayaw ko ring mag-iba ang tingin at trato nila sa akin. Nasanay na ako sa ganoong pagturing nila at hindi ko na hihilingin pang magbago iyon.   Natatakot ako . . . lalo na’t hindi ko mabasa kung anuman ang iniisip nila ngayon.   “This is Earth, Ida.”   Napakurap ako nang marinig ang boses ni Sir River na nagawa pang pumitik sa harap ng mukha ko. Muli akong napabuntong-hininga. Ibubuka ko pa lang ang bibig upang magsalita nang maunahan ako ni Sir Vander.   “How are you feeling right now?”   “O-Okay na po ako sir . . .” Napabuga ako ng hangin saka muling nagsalita. “Salamat nga po pala sa pagtulong niyo sa akin kanina. At pasensya na rin po sa gulong nagawa ko,” napayuko ako matapos sabihin iyon. Walang paglagyan ang hiyang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.   “Who was that man earlier, Ida? And why did he do that to you? He almost kill you,” tanong ni Sir River. Tumango naman ang iba sa pag-sang-ayon sa kanya lalo na si Sir Odin na hindi pa rin yata tuluyang kumakalma. Bakas pa rin sa kanya ang pag-igting ng panga pero halata lamang na nagpipigil ng galit.   “S-Siya po si Jake,” panimula ko, “ex-boyfriend ko.” Agad akong napaiwas ng tingin.   “So he’s the ex-boyfriend of yours that you’re talking about last night?” singit naman ni Sir Vander.   Tahimik akong tumango bilang pagsagot, hindi pa rin lumilingon.   “At may utang ka sa kanya kaya ka lumuwas rito, as per your words, tama ba?”   Malalim akong napabuntong-hininga. Hindi ko magawang tumango o umiling man lang. Napahigpit na lang ang hawak ko sa baso na nasa kandungan ko na para bang doon ako makakakuha ng lakas.   “Ang totoo po, iyong perang hinihingi niya ay kabayaran ko para hindi niya na ako s-sampahan ng kaso at ipakulong.”   Nag-uumpisa na namang manlabo ang mga mata ko. Naglapat ang labi ko para pigilan ang panginginig ng aking labi saka ako mariing napapikit. Hindi naman sana ako iyakin pero ewan ko ba. Hindi naman sila mukhang galit pero pakiramdam ko ay para akong paslit na sinesermunan ng aking mga magulang dahil nahuling nakikipag-away sa ibang bata.   “But why? Bakit ka niya sinampahan ng kaso?” tanong ni Sir Odin.   Nakapikit pa rin, napalunok ako bago muling nagsalita, pilit na nilalabanan ang hiya.   “N-Nag-live video po kasi kami ng kaibigan ko noon,” huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy, “para sa p-prank na naisipan kong gawin, at bilang celebration na rin po sa pagkakaroon ko ng 1,000 subscribers sa channel ko. Pumunta po kami sa hotel na tinutuluyan niya at doon namin siya nahuling may katalik na iba. Sa ‘di po inaasahan ay nasali po iyong ginagawa nila roon sa video. Kumalat po iyon kaya naman galit na galit siya sa ‘kin at gusto niya akong ipakulong—“   “And he hurt you because of that?”   “Hindi po,” sabat ko kay Sir Ramses at saka ako tumingin sa kanila. “Eh kasi naman po ang dumi-rumi ng bunganga niya! Pinagsalitaan niya po ng masama ‘yung nanay at pamilya ko sa harapan ko kaya . . . nasuntok ko po siya. Pasensya na po talaga. Pasensya na po sa gulong dinulot ko. Napaaway pa po tuloy kayo nang dahil sa ‘kin. K-Kung okay lang po, ibawas niyo na lang po sa suweldo ko ‘yong mga pinsalang nadulot ko ngayong araw basta parang awa niyo na po, ‘wag niyo lang po akong tanggalin sa trabaho—“   “Ida. Ida, calm down.” Napatitig ako kay Sir Vander, nanlalabo na naman ang mata. “It’s not your fault, okay? And no, we’re not going to fire you,” pagpapakalma niya sa akin.   “Pero k-kriminal po ako . . .” hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin dahil para bang may malaking harang ang nakabara sa lalamunan ko.   “No, you’re not, okay? Alam naming hindi mo ‘yon sinadya at hindi mo ‘yon kasalanan. Besides, hindi lahat ng nakakasuhan ay kriminal na, as well as those who are behind the bars,” tumango naman ang iba sa pag-sang-ayon.   “Yeah, if there’s a criminal, it’s that bastard. Niloko ka niya at kung hindi mo alam ang tawag sa ginawa niya sa ‘yo kanina, it’s called attempted murder. Mas kriminal siyang umakto kesa sa ‘yo dahil muntik ka na niyang patayin. If we hadn’t come, baka wala ka na sa harap namin ngayon. At hindi ko alam ang pwede kong magawa sa kanya pag nagkataon.” Nanggagalaiti pa rin na sabi ni Sir Odin.   Mas lalo kong naramdaman ang takot sa mga sinabi nila. Gano’n pa man ay napakalaki ng pasasalamat ko at dumating sila. Kung hindi, katulad ng sabi niya ay baka wala na ako rito sa mundong ibabaw. Hindi ko maaatim na mamatay na wala man lang nagagawa para umangat ang buhay nila nanay. Hindi ko hahayaang mawala ako nang hindi ko nasisigurong nasa mabuti silang kalagayan.   “Are you done?” pambabasag ni Sir Mavi nang ilang segundong mamayani ang katahimikan. Napatingin kami sa kanya na nakaayos na ng tayo at prenteng nakapamulsa. Iginala niya ang nababagot na tingin sa aming lahat bago iyon tumigil sa akin. “Because if yes, you can now bring my cold water in the music room.”   “Mavi! Kita mo namang nanghihina pa si Miss Beautiful,” kontra ni Sir Odin na balik na sa pa-miss beautiful, miss beautiful niya. Agad naman iyong sinegundahan ni Sir Vander at ng iba pa habang si Sir Ramses ay pamasid-masid lang.   “Ikaw na lang muna ang kumuha Mavi and just let the lady rest in her room.”   “Agreed. Ang lapit-lapit lang ng kitchen, oh,” inginuso ni Sir River ang katapat na kusina saka bumaling sa kanya.   Ngunit binalewala lamang iyon ni Sir Mavi saka tumingin sa ‘kin.   “In the music room.”   Matapos sabihin iyon ay nakapamulsa siyang nilagpasan kami papunta sa music room.   Sinundan pa namin siya ng tingin bago ako napabuntong-hininga.   Naging prinsesa man ako ng ilang segundo dahil sa pagliligtas nila, ngunit katulad ni Cinderella, may oras lang rin iyon. At natapos na ‘yon ngayon. Dahil balik na muli ako sa pagiging kasambahay.   “Don’t mind him, Ida. Kami na lang ang kukuha—“   “Okay lang po, sir. Okay naman na po ako.” Ngumiti ako sa kanila para hindi na sila mag-alala pa, at bago pa sila magsalitang muli ay dumiretso na ako ng kusina para kunin ang hinihinging tubig ni Sir Mavi.   Tahimik lang sila habang pinagmamasdan akong papalabas ng kusina kaya tipid ko silang nginitian saka na nagtungo kung nasaan si Sir Mavi.   Pagkarating roon ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at walang ingay na pumasok. Nakaupo siya malapit sa may piano. Ang mata ay nakapikit habang nakasandal ang ulo niya sa pader at ang mga braso ay nakakrus sa ibabaw ng kanyang dibdib. Natatakot tuloy akong gisingin siya at baka mainis na naman siya sa ‘kin.   ‘Wala pa naman ako sa mood makipag-away ngayon.’   Bago ko pa man ipaalam ang presensya ko ay mukhang nakatunog na siya dahil sa akin kaagad tumama ang mata niya pagkamulat.   “Ito na po ‘yung tubig na hinihingi niyo, sir.”   Nakatitig lang siya sa akin habang papalapit ako sa kanya.   “Sit here.”   Natigilan ako sa inusal niya. Napatitig ako sa kanya at nakitang seryoso siya habang nakatunghay sa akin. Naiilang man ay umupo na lang ako sa parihabang upuan na itinuro niya at inilagay sa nakasarang piano ang baso ng tubig.   Puno ng kyuryosidad ang mga mata na sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at may kinuha sa bandang likod ng kwarto kung saan mayroong maliit na cabinet na nakadikit sa pader. Babasagin ang dalawang maliliit na pinto no’n at mula sa kinauupuan ko ay nakita ko siyang may kinuhang maliliit na botelya at isang puting supot. Agad akong napaiwas ng tingin nang makitang bumaling siya sa akin, at sa pagkakatama ng aking paningin sa salamin ay doon ko nakita ang mukha kong may galos, ganoon na rin ang aking leeg na namumula-mula pa.   Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng mukha ko sa salamin at dahan-dahang hinaplos iyon. Napakibot ako sa hapdi at agad ring natigilan nang pigilin iyon ng kamay ni Sir Mavi. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang nakatingala sa kanya at siya naman ay nakahawak sa palapulsuhan ko. Hindi pa rin nawawala sa utak ko ang ginawa niyang pagbuhat sa akin kanina, sabayan pa ng malalalim niyang titig. May kung ano sa mga tingin niya ang hindi ko mapangalanan pero sapat na para maghatid ng alon sa aking tiyan. Nahinto lang iyon nang siya ang unang nagbawi ng tingin at dumiresto ng upo sa tabi ko.   Paharap siyang umupo sa akin at sinenyasan akong ganoon rin ang gawin kaya naman mas napagmasdan ko ng malinaw at malapitan ang kanyang seryosong mukha. Magkasalubong pa ang nagkakapalan niyang kilay habang nakatunghay sa mukha ko at tila sinusuri ang natamo kong sugat mula kanina.   Inilapag niya sa nakasarang piano ang mga gamit na kinuha niya at agad akong napaatras pagkakita sa malaking bote ng alcohol ngunit hindi nagtagumpay dahil sa kamay niyang nakahawak pa rin pala sa pulso ko.   “Stay still.”   “Eh s-sir, takot ako sa alcohol . . .” hindi pa man iyon nadadampi sa akin ay napapangiwi na ako agad.   “Takot sa alcohol pero hindi takot makipag-bardagulan.”   Sinamaan ko siya ng tingin at sinamantala niya iyon para lagyan ng alcohol ang sugat ko kaya napahiyaw ako sa sakit at napaatras.   “Ba’t hindi mo dinadahan-dahan!” asik ko sa kanya, naiiyak na sa hapdi. Inangatan niya lang ako ng kilay at muling hinila palapit sa kanya kahit anong pagpipigil ko.   “Hindi ako sanay nang nagdadahan-dahan. I want things to be done fast.”   Ako lang ba o talagang tumaas ‘yang sulok ng labi niya?   Napakurap ako nang basain niya iyon at muling lumapit sa akin para lagyan ako ng betadine. Hindi na ako nakapalag pa lalo’t lumipat na ang kamay niya mula sa aking pulso papunta sa aking panga at maingat iyong hinawakan na animo’y isang babasagin ang nasa kamay niya ngayon.   Nahigit ko ang sariling hininga nang lumapit ang mukha niya sa akin. Muling nanumbalik sa akin ang alaala ng amoy na nalanghap ko nang mga oras na magkalapit kami. Nakatingin lamang ako sa kanya habang ramdam ang pagdampi ng bulak sa pisngi ko. Ang malalamig niyang mga mata na ni minsa’y hindi ko akalaing makikitaan ng ni katiting na pag-aalala man lang, ngayon ay harap-harapang nakatunghay sa ‘kin . . .   Napadako ang tingin ko sa maiitim at mahahaba niyang pilik-mata hanggang sa mapunta iyon sa matangos niyang ilong. Itim man ang kanyang mata ngunit sa ilong ay mapaghahalataang may dugong banyaga ang nananalaytay sa kanya dahil sa tangos no’n. At ang labi niya . . .   Naipilig ko ang ulo at natigil lang nang ipirmi iyon ng kamay niya. Nakalimutan kong nakahawak pa pala siya.   “Tsk.”   Matapos noon ay sa may gilid ng labi ko naman ang nilagyan niya.   “Salamat,” mahinang usal ko na nagpahinto saglit sa kanya. Ilang segundo siyang tumitig sa akin pero agad rin siyang nagpatuloy. “Salamat sa inyo. Kung hindi kayo dumating, baka nasa kabaong na ako ngayon.”   “Wrong.”   Napatingin ako sa mata niya, nagtataka.   “Not yet. Baka naka-display pa ‘yang bangkay mo sa labas ng bahay ko pag nagkataon.”   Agad ko siyang nahampas sa tiyan niya sa inis. Libreng chansing na rin, enebe. Napangisi lang siya pero agad rin ‘yong binura.   “Ang sama mo talaga sa ‘kin ‘no? Kung hindi lang kita boss baka natadyakan na kita eh.” Hindi siya nagsalita at inangatan lang ako kilay. “ ‘Yan! ‘Yan pa! Sanay na sanay ka d’yan eh.” Pagtuturo ko sa kilay niya.   “Tss. Stop that.”   Ibinaba niya ang daliri ko at bahagyang inangat ang aking baba para mapatingala ako. Nakasimangot ako habang siya ay nakatitig lang sa leeg ko. Lumipas na ang ilang segundo pero hindi pa rin siya nagsisimula.   Hay naku, natulala na ata sa kagandahan ko. Char!   “Sir, alam kong ang pangit tignan ng leeg ko ngayon, pero kasi nangangalay na po ako.”   Mukhang natauhan naman siya dahil nagawa niya pang tumikhim at saka na ipinagpatuloy.   “If you just listen to me to not let anybody in my house . . .” nailing na sabi niya, mukhang manenermon.   “Hindi naman po kami pumasok eh. Nilabas ko na nga roon. Saka hindi ko naman akalaing siya pala iyon. Akala ko kasi ‘yung kapatid mo.”   “ ‘Wag ka kasing magtitiwala nang basta-basta. Hindi lahat ng taong nakakasalamuha mo ay mabait,” tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.   “Pero siyempre naman po sir, dapat tinitignan pa rin natin ‘yung kabutihan sa mga tao. Oo nga, sabi mo hindi lahat ng tao mabait, pero hindi rin naman lahat ng tao ay masama. Kasi kung palagi tayong may pagdududa, hindi tayo magiging masaya sa buhay,” sabi ko na iningusan niya lang.   Palagi talaga ‘tong kontra eh.   ‘Yon talaga ang pinaniniwalaan ko dahil iyon rin naman ang tinuturo sa amin ni nanay. Kaya nga kahit parati kaming nagbabangayan ni ate, alam kong magbabago rin siya at magkakasundo rin kaming dalawa.   Tulad niya, kahit ano man ang masasakit na salita ang sabihin niya sa ‘kin, kahit na madalas man akong mainis sa mga pagsusungit niya, alam ko namang may kabutihan pa rin sa puso niya eh.   Hindi naman siguro siya forever magiging masungit ‘no?   Tignan lang natin kung magtagal siya rito sa mundo nang ganyan ang attitude.   “So naging masaya ka ba ‘dun sa lalaking ‘yon? Look at what he’s done to you. He almost kills you. Anong masaya sa parteng ‘yon?” sarkastikong pangagatwiran niya sabay taas ng dalawang kilay, nanghahamon.   “Eh iba na ‘yong kanina sir. Kung alam ko lang na siya ‘yon hindi ko ‘yon pagbubuksan. Wala na akong tiwala do’n no. Akala ko lang talaga si Sir Thomas ‘yon kaya pinuntahan ko,” nakanguso kong rason.   “Yeah, yeah. Suit yourself. You’re so stubborn.” Napailing na lang siya at napaigtad pa ako nang lagyan niya ng kaunting pwersa ang pagdampi ng bulak sa leeg ko kaya agad ko siyang tinaliman ng tingin.   Namayani ang katahimikan sa loob nang matapos ang pag-uusap na ‘yon, hanggang sa malagyan ni Sir Mavi ng band aid ang galos ko at matapos sa paggamot sa akin ay hindi na rin siya nagsalita pa.   Pinanood ko nang ibinalik niya sa lalagyan ang mga ginamit at mula sa mesang nasa harap namin ay kinuha niya roon ang kanina ay bitbit niyang paper bag. Inilahad niya iyon sa akin at kahit walang alam ay kinuha ko na lamang iyon.   Hindi ko pa man iyon tuluyang nabubuksan ay nauna na siyang lumabas, ni hindi man lang ako hinayaang makapagpasalamat. Binuksan ko ang ibinigay niya at sa loob ay tumambad sa akin ang dalawang food container na may iba’t-ibang klaseng putahe.   Kagat man ang labi ay tumakas pa rin ang ngiti ko roon.   ‘Akalain mo nga naman. Tama nga akong may tinatago rin palang kabaitan ‘tong si sir. Akala ko puro pagsusungit na lang ang alam eh.’   “Finish your food and after that clean my room.”   Nand’yan pa pala siya?   Napapangiwi kong sinundan ang papalayong likod niya.   “Okay. Binabawi ko na ‘yong sinabi ko . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD