“A-Anong ginagawa mo rito?” nagugulat kong tanong. ‘Ayan na naman ang nunal niya at naghe-hello sa akin. “Paano mo nalaman kung nasaan ako?”
“Well, tinakasan mo ako, that’s why I’m here.” Kumibit-balikat siya. “Hindi ba sinabi ko naman sa ‘yo na hindi mo ‘ko matatakbuhan?” Parang nababagot siyang tinignan ang kuko saka bumaling sa akin, may ngisi na sa labi. “May utang ka pa ngang dapat bayaran pero nilayasan mo na agad ako? Tsk tsk tsk.” Umiling-iling siya, hindi pa rin nabubura ang ngisi sa mukha na nagsisimula nang magpapairita sa akin. “And how did I find you, you asked? Well, connections, Ida. I have lots of it. Walang bagay ang hindi ko nakukuha at walang bagay ang hindi ko nahahanap.”
Edi ikaw na si Dora the Explorer, tss.
“Ano bang hindi mo maintindihan sa sitwasyon ko, Jake? Saka hindi kita tinatakasan. ‘Di ba sinabi ko naman na sa ‘yo na wala nga akong maibabayad na ganoong halaga ng pera kaya nga lumuwas ako rito para maghanap ng trabaho.” Giit ko sa kanya. Ano pa bang gusto ng balasubas na ‘to? Isusupalpal ko talaga sa pagmumukha niya ‘yung ibabayad ko nang makaganti man lang ako sa mga pinagsasasabi niya sa ‘kin.
“Para maghanap nga ba ng trabaho, o para takasan ako? Alin sa dalawa, Ida?” nang-uuyam niyang akusa, agad na nagpalukot ng ekspresyon ko.
Ang kulit naman ng lalaking ‘to!
Maya-maya’y tumingin siya sa bahay na nasa likod ko saka ibinalik iyon sa akin, pinanliliitan ako.
“Ano kaya kung sabihin ko sa mga amo mo na ang tinanggap nilang kasambahay ay isa palang kriminal? Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ‘yon ‘no? Baka sila pa mismo ang magpakulong sa ‘yo? Nakakatakot ‘yon, Ida.” Natawa siya na animong nakikini-kinita niya na ang mangyayari sa ‘kin.
Agad kong naigala ang paningin sa paligid sa takot na baka biglang magsidatingan ang mga amo ko. At iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari sa mga oras na ‘to. Hindi ko na alam kung paano ko pa matatakasan iyon kung sakali.
Walang ibang tao sa labas ng mga kabahayan bukod sa mangilan-ngilang sasakyang dumaraan kaya wala rin masyadong nakakapansin sa amin. Magkakalayo rin kasi ang mga bahay rito. Palinga-linga pa rin ako sa paligid at napabaling lang ulit sa kanya nang marinig siyang magsalita.
“O kaya naman, katulad ng ginawa mong pagpapahiya sa akin, mag-record rin ako at ipo-post ko sa social media para sabihin sa mga tao kung gaano ka ka-manloloko. Kung anong kaya mong gawin para lang manghuthot ng pera. Napakalaking kasiraan no’n para sa ‘yo, Ida. Saan na lang kaya kayo pupulutin ng pamilya mo pag nagkataon ‘no . . .”
Ramdam ko ang pagkawala ng emosyon sa aking mukha sa pagkabanggit niya ng pamilya ko. Ang dugo kong kanina ay kinakabahan lang, ngayon ay nagsisimula nang kumulo sa galit at nagsisimula nang umakyat sa ulo ko.
“Or maybe,” inilagay nito ang hintuturo sa kanyang panga na akala mo ay may napakagandang ideya siyang naiisip, “isama ko na rin ‘yong nanay mo sa kulungan para pareho kayong mabulok. Pakialam ko ba kung may sakit ang matandang ‘yon. Bagay lang ‘yon sa kanya dahil kasalanan niya rin naman. Think of this ha, hindi mo naman ako lalapit-lapitan kung hindi ka sinulsulan ng magaling mong nanay eh. I’m pretty sure na nanay mo ang nagsabing pikutin mo ako at gawing boyfriend para mahuthutan ako ng pera.” Saglit siyang huminto para mas ngisihan ako, bakas ang pang-iinsulto sa mukha saka umaktong inosente. “Ano nga bang trabaho no’n? Mangalakal ng bote? Maglibot ng mga thrift clothes at dried fish? Ahm . . . mag-labandera? Damn. Saan nga naman kayo kukuha ng perang ipangkakain niyo kung may mga katulad ko namang madali niyong mauuto. Syempre kami ang bibiktimahin ng mga katulad niyo, hindi ba? Para easy money?”
Nagtagis ang bagang ko sa mga sinabi niyang kasinungalingan tungkol kay nanay. Hinding-hindi iyon magagawa ng nanay ko dahil mabuti siya at maayos ang pagpapalaki niya sa amin ng kapatid ko. Oo, maaring marami siyang naging kakulangan lalo na sa usaping pinansyal pero kahit kailan ay hindi niya nagawang manlamang ng tao. Lalong-lalo na ang katulad ng mga ibinibintang niya kay nanay.
Ang mga kamay na nakakuyom, ngayon ay halos paduguin na ang palad ko sa tindi ng pagbaon ng aking kuko. Nagngangalit ang ngipin ko sa galit at nangangati na rin akong paliparin ‘tong kamao ko sa mukha niya nang matigil siya. Nagdidilim ang paningin ko pero pinipilit ko pa rin ang kumalma.
Ako ang nasasaktan para kay nanay sa mga lumalabas sa bibig niya.
Anong karapatan niyang bastusin ang nanay ko na walang ibang ginawa kundi ang magsakripisyo para sa amin? Anong karapatan niyang walang-hiyain ang nanay kong nagsusumikap para lang may makain kami sa araw-araw at maibsan ang kumakalam naming tiyan? Wala. Wala!!!
“ ‘Wag mong idadamay ang pamilya ko rito, lalong-lalo na ang nanay ko, Jake. Kung pera ang problema mo, hindi kita tatakasan. Babayaran kita.” Matigas kong sabi. Ramdam ko na rin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
Napatingala siya at sarkastikong natawa habang lumalapit sa akin. Napaiwas ako nang kunin niya ang ilang hibla ng buhok ko at ikut-ikutin ang dulo no’n gamit ang daliri niya.
“Mapag-uusapan naman natin ‘to eh,” mahina niyang sabi, hatid sa akin ay kilabot. “Kaya mo naman akong bayaran nang hindi ka naglalabas ng pera . . . kahit hindi ka na magtrabaho rito, magagawa mo ‘kong bayaran . . .” maya-maya pa ay inilapit niya sa bandang tenga ko ang labi niya at doon bumulong. “Just have s*x with me, Ida at tapos na ang problemang ‘to,” namamaos ang kanyang boses na halos magpatayo ng balahibo ko sa katawan.
Agad ko siyang naitulak nang malakas papalayo dahil sa kabastusang sinabi niya bago makailang beses na umatras.
“N-Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo ha, Jake? Nakakadiri! Nakakadiri ka!” nanggagalaiti kong sigaw sa pagmumukha niya.
Kailanman ay hindi pa ako nabastos nang ganito sa buong buhay ko. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit at kilabot. Kaunti na lang ay mapapatid na ang pasensyang hinahawakan ko habang siya ay pangisi-ngisi lang.
“Alam mo, maganda ka sana eh, kaso ang pakipot mo. Alam ko namang maluwang na ‘yang butas mo kaya ano pa bang dahilan para magpa-bebe ka sa ‘kin?” mas lumapad ang ngisi niya. “Kung pumayag ka lang sanang makipag-s*x sa akin eh ‘di sana hindi ako naghanap ng iba. Baka binigyan pa kita ng pera—“ hindi niya natuloy ang sinasabi nang malakas kong paliparin ang nagkukuyom kong kamao sa mukha niya. Agad siyang napaatras at napaawang ang bibig dahil sa ginawa kong hindi niya inaasahan habang sapo ang pangang iginagalaw-galaw pa niya.
“Alam mo hindi ka lang nakakasuka! Napaka-walang hiya mo rin! Ngayon ko mas na-realize na mabuti nga at naghiwalay na tayo dahil ngayon ko nakikita na napakasama at napaka-walang kwenta mong tao!” Nagtataas-baba ang balikat ko dahil sa nagpupuyos na galit. Pumipintig ang ulo ko at ramdam ko ang pag-iinit ng mata ko habang nanlilisik na nakatingin sa kanya. “Kung dati, naaawa pa ako sa nangyari sa ‘yo, sinisisi ko ang sarili ko dahil sinapit mo ‘yon, ngayon hindi na. Hinding-hindi na! Kasi nababagay lang ‘yon sa ‘yo!” mariin kong sabi habang nagtatagis ang aking bagang.
Sarkastiko siyang nakangisi sa akin habang sapo ang namumulang ilong pero alam kong katulad ko ay nagpupuyos na rin siya sa galit. Lalo na nang bumaling sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Napangisi ako sa nakikitang ekspresyon sa mukha niya.
“At hindi ako nanghihinayang na naghiwalay tayo. Alam mo ba kung bakit? ‘Yun ay dahil sa napakagago mo! Ni hindi nga kita iniyakan eh! Ni isang butil ng luha walang tumulo sa mata ko dahil pati sila alam na hindi ka karapat-dapat iyakan! Gano’n ka ka-walang kwenta sa paningin ko— “
Natigil ako nang bigla niya akong sampalin. Halos tumimbawag ako sa aking kinatatayuan dahil sa lakas no’n. Mahilo-hilo pa ako at ‘di pa tuluyang nakakabawi nang agad ko nang naramdaman ang kanyang kamay sa aking leeg at marahas akong ipininid sa gate. Gumawa iyon ng ingay at napangiwi ako sa sakit ng pagkakatama ng aking likod sa metal.
Napapikit ako habang patuloy na nagpupumiglas sa pagkakasakal niya sa akin. Nagkukumawag ang mga kamay sa hangin at hindi ko alam kung ilang beses kong nakalmot ang balat niya. Sinubukan ko na rin siyang sipain pero nang mas idiniin niya ang kanyang kamay ay tuluyan na akong nawalan ng lakas.
Hindi ako makahinga! Binuka ko na ang aking bibig pero wala akong malanghap na hangin lalo na nang mas diniinan niya pa ang pagkakapinid sa akin!
“Oh? Nasa’n na ‘yong tapang mo kanina, ha? Akala ko ba hindi mo ‘ko iiyakan eh ano ‘yang lumalabas d’yan sa mata mo?” rinig ko ang mala-demonyong paghagalpak niya, tila tuwang-tuwa sa nangyayari sa akin.
Akala ko ay napakasama niya na dahil sa mga sinabi niya kanina, pero hindi ko akalaing may mas ikasasama pa pala siya! Ang tanging bagay na nagpapanatili na lang sa akin sa mga oras na ‘to ay ang mga daliring pilit kong isinusuksok sa pagitan ng palad niya at ng leeg ko upang makasinghap ng kakapiranggot na hangin.
“B-Bi—t-tiwan m-mo k-ko . . . p-parang a-a-w-wa mo n-na . . .” hirap na hirap ko iyong sinabi pero kahit sariling tinig ay hindi ko narinig. Ramdam ko ang maiinit kong luha na rumaragasa sa aking pisngi habang patuloy na nagdarasal.
‘Diyos ko! Tulungan Niyo po ako . . . Kung sakalaing mawawala ako . . . Kayo na po ang bahala sa pamilya ko . . . ‘Wag Niyo po sana silang pababayaan.’
Hindi ko mapigilan ang pagluha ko habang nakikita sa aking isipan ang masasayang imahe ng pamilya ko. Si nanay . . . si ate . . . pati na rin ang mga pamangkin ko. Mas lalo pa akong naiyak nang sumingit roon ang mga amo ko.
Ang isiping hindi ko na silang lahat makikita ay sapat na para paluhain ako ng balde-balde.
“S-Sir . . .” Tulong . . .
“Ano? May sinasabi ka ba Ida? Hello?” tanong niya, mukhang siyang-siya pa sa nangyayari sa akin. “Dapat kasi nanahimik ka na lang eh. Hindi ko ba nasabi sa ‘yo noon na ayaw ko sa taong putak ng putak?” Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. “Alam mo ba kung bakit? Kasi kayang-kaya ko silang gilitan sa leeg na parang manok lalo na kapag hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig nila,” mahinang asik niya saka sarkastikong natawa.
Mas lalo lamang akong nangilabot habang patuloy na nagpupumiglas sa pagkakasakal niya sa akin.
‘Napaka-hayop mo, Jake!’
Nagpatuloy siya sa pagtawa pero ang halakhak niyang iyon ay nilamon ng tunog ng mga humaharurot na sasakyan. Ilang segundo pa lang nang mabitawan niya ako ay nakarinig na ako ng mga pamilyar na boses at ilang mga pagmura.
Uubo-ubo akong bumagsak sa sahig habang patuloy pa ring lumuluha at sapo ang aking leeg. Gano’n na lamang ang paghikbi ko habang sumisinghap ng hangin na akala ko ay tuluyan nang ipagkakait sa akin.
“Ida? Ida, you’re going to be okay, alright?” narinig ko ang natatarantang boses ni Sir River na marahan pang sinapo ang aking magkabilang pisngi at pinahid ang ilang luha ko. “Hush now! It’s okay. You’re safe now . . .” dagdag niya kasabay ng pag-akay niya sa akin. Dahan-dahan niyang kinuha ang aking kaliwang braso at iniakbay iyon sa balikat niya habang nakasuporta naman ang kanyang kanan sa aking bewang saka ako tinulungang makatayo.
“Get off me! f**k you! f**k!” rinig ko ang galit na boses ni Jake.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad iyong dumapo sa dalawang bulto sa ‘di kalayuan na abala sa pagpapalitan ng sipa at suntok.
“You’re a f*****g d**k! ‘Yan lang ba ang kaya mo, ha? Ang manakit ng babae just because hindi mo kayang makipaglaban sa kapwa mo may bayag? f**k you!!!” nanggagalaiting suntok ni Sir Odin. Gusto ko iyong awatin pero hindi ko magawa man lang na ibuka ang bibig ko.
“Are you now okay, Ida?” napabaling ako kay Sir River. Inilapit niya ako sa may gate para roon sumanday at makakuha ng suporta. Malabo-labo pa ang paningin ko dahil sa naghahalong luha at pagkahilo pero naaaninag ko ang pag-aalala sa mukha at boses niya. Dahil hindi magawang magsalita ay tumango lang ako kahit na nanghihina pa rin. Hinawakan niyang muli ang parteng pisngi at gilid ng labi ko dahilan para mapakibot ako sa hapdi noon at mapaiwas. “f**k that bastard! I want to kill him for hurting you!” mahinang asik nito saka pumunta kay Sir Odin matapos masigurong ayos na ako sa aking puwesto.
Napahawak ako sa pader na malapit sa gate at doon kinakalma ang sarili. Nakakahinga na ako pero hindi ko pa rin maiwasan ang panginginig ng aking mga kamay at labi. Maging ang tuhod ko ay nanghihina rin. Hindi ko akalaing mangyayari ‘to sa ‘kin. At ni hindi man lang pumasok sa isip kong magagawa niya ito.
Maya-maya lang ay may tatlo pang pamilyar na sasakyan ang nagsidatingan at alam ko na kung sino ang mga ‘yon. Lalo na nang mabilis silang nagsibabaan at sa akin agad dumapo ang kanilang paningin bago iyon napunta kay Sir Odin na ngayon ay inaawat na ni Sir River palayo kay Jake.
“What happened, Ida?” napabaling ako sa nag-aalalang mukha ni Sir Vander at kay Sir Mavi na nasa tabi niya, matiim lamang na inililibot ang tingin sa kabuuhan ng aking mukha, lalo na sa mga sugat ko. Nakakunot ang kanyang noo ngunit wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha kaya lumingon ako kay Sir Vander at akmang sasagot nang maunahan ng sarkastikong paghagalpak ni Jake.
“Eh kaya naman pala gustong-gusto mong magtrabaho rito dahil lima-lima ang nalalandi mo! Haha! Ilan na ang nanakaw mo sa kanila ha? Nahuthutan mo na ba sila ng pera kaya ang lakas ng loob mong sabihin na babayaran mo ‘ko? O baka naman,” nanlalaki ang mga mata niya at walang kasing laki ang ngisi sa akin, “nakipag-s*x ka na sa kanila kaya ayaw mo nang umalis dito? Masarap ba—“
“What a filthy mouth is that!!! Let go of me, Ram! I’m gonna kill this bastard!!!” pagpupumiglas ni Sir Odin kay Sir Ramses na dinaluhan na pala ang kakambal niya na halos gusto na ring suntukin si Jake. Pero ngumisi lang si Jake bago ibinaling ang atensyon sa lima kong amo at tinuro ako.
“Kilala niyo ba ‘yang kinuha niyong katulong, ha? She’s a f*****g criminal!”
Napalunok ako.
Nagsisimula nang umusbong ang takot sa ‘kin dahil sa mga isiniwalat niya. Natatakot akong kriminal nga ang maging tingin nila sa akin, lalo na’t hindi ko mabasa kung ano man ang kanilang naiisip.
Napayuko ako nang lumingon sila sa akin. Seryoso man ang mga mukha ay naroon ang gulat at pagtataka sa mga mata nila. Ang mga mata ko ay nag-uumpisa na namang manlabo dahil sa luha.
Natatakot ako . . .
“Umalis ‘yan sa lugar nila dahil sinampahan ko siya ng kaso at hindi malabong gawan rin kayo ng kalokohan ng babaeng iyan!”
“But that doesn’t give you the f*****g license to hurt someone! She’s a woman, you fucker! And you almost kill her?!” napalunok ako sa galit na naririnig sa boses ni Sir Vander. Napatingala ako sa kanya at nakita ko kung gaano kadilim ang kanyang ekspresyon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at narinig na magmura nang ganoon kalutong, at aaminin kong nakakaramdam ako ng takot sa nakikita kong Sir Vander ngayon.
“Get the f**k out of here before I kill you!!!” singhal ni Sir Odin na pigil pa rin ng kambal, hindi kasi siya napipirmi at gustong hablutin si Jake at pagsusuntukin ito.
Ang kaninang nakangising mukha ni Jake ay agad na sumeryoso nang bumaling sa akin.
“Hindi pa tayo tapos, Ida. Sa susunod na pumunta ako rito, ipadadampot na kita sa pulis!”
“Umalis ka na bago pa ako ang tumawag ng pulis at ipahuli ka!!!” bulyaw naman ni Sir River.
Isang masamang tingin pa ang iginawad niya sa amin bago siya sumakay ng sasakyan at paharurutin iyon palayo.
Nakahinga ako ng malalim matapos makitang wala na ang sasakyan ni Jake. Para akong nalalantang gulay dahil sa pagragasa ng pagod at sakit sa akin ngayong oras na ‘to. At bago pa ako sumalampak sa sahig ay agad na akong nahawakan sa braso ni Sir Mavi na narito na pala sa gilid ko.
Napatitig ang naluluha kong mata sa kanya at sa unang pagkakataon ay nakitaan ko iyon ng kakaibang emosyon. Simple, pero pinag-aalon at pinakakalma ang aking sistema.
‘Salamat . . . Salamat sa pagdating.’