"Beer, huh?" nakangisi niyang sabi matapos kunin ang dala ko kanina. Bumaling siya roon at iiling-iling.
Narito kami sa maliit na terrace ng kanyang kwarto na sa labas ko lang noon nakikita at hindi pa kailanman nabisita. Nakatayo siya at nakahilig ang mga braso sa railings habang ako naman ay nakaupo sa pangdalawahang couch na narito sa terrace niya.
Binuksan niya ang lata at saka tumungga roon, pagkatapos ay nanunuya niya akong tinignan.
"Do you really want to see me that much?" pang-aasar niya na ginantihan ko ng masamang tingin.
"Sino kaya ang nagbantang ipagkakalat na girlfriend ako, 'no?" sarkastikong sagot ko saka napairap. Binaluktot ko ang aking mga tuhod at ipinatong roon ang aking baba. "Manakot ba naman?" ‘Di ko maiwasang mapairap.
"Why, you don't want to?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
Bakit ang dali lang para sa kanya sabihin ang bagay na 'yan?
Napanguso ako at umiwas ng tingin.
"Ang speed mo 'no? Dinaig mo pa 'yung mga tsismosa roon sa amin."
Marahan siyang natawa sa sinabi ko.
"Why not? I like you and you like me too, ba't pa natin patatagalin 'di ba?" kumibit-balikat siya bago tumungga sa iniinom na alak habang ako naman ay nagsisimula na namang mamula ang aking mukha.
Ilang beses ko naman nang narinig 'yan sa kanya pero hindi pa rin ako masanay-sanay.
"Hoy, hindi 'yan basta-bastang ganyan ah? Hindi ka ba marunong manligaw? Talagang sanay ka sa mabilisan eh 'no? Umamin lang sa 'yo, nilaplap mo na agad." Kaya minsan parang nahihirapan akong maniwala sa mga sinabi niya eh. Minsan lang naman.
Umismid siya at saka naglakad papalapit sa 'kin. Naupo siya sa tabi ko at marahang isinugod ang knyang mukha sa akin dahilan para mapaatras ako.
"U-Usog nga! Ang hilig-hilig mo d'yan eh." Marahan ko siyang itinulak palayo. Mahina siyang natawa at nailing. "Lahat talaga dinadaan mo sa mga ganyanan eh 'no? Pareho kayo ng karakas ni Jake ah."
Sa isang iglap ay hindi ko agad mabasa ang kanyang ekspresyon. Nagkasalubong ang kanyang kilay at tila naiirita na naman.
"Do you really have to mention that fucker's name, huh? Kung banggitin mo siya parang wala siyang atraso sa 'yo ah?" aniya sa naiinis na boses. Siya naman sana ang umiinom ng beer pero umaabot sa panlasa ko ang pait na nalalasahan niya roon.
Pero imbes na kabahan ay tila natutuwa pa ako sa ekspresyong nababasa sa kanyang mukha. Halos magbungguan na 'yang kilay niya eh.
"Hala, inis yan?" pang-aasar ko sa kanya.
Inubos niya ang iniinom na alak saka iyon itinapon sa basurahan. Nang bumalik siya sa inuupuan namin ay hindi lamang nagbago ang busangot niyang mukha.
Natatawa akong lumapit sa kanya.
"Ano ba namang kilay 'yan at parang magsasalpukan na?" Pigil ang ngiti nang iinat ko ang kanyang kilay at inayos iyon. Kay gwapo-gwapo tapos laging nakabusangot. Aba'y hindi pwede 'yan. " 'Yan! Okay na!"
Napatingin ako sa kanya at naabutan siyang nakatitig. Ang mga mata niya at ang mga kislap na nakikita ko roon ay nagiging pamilyar na sa akin.
"H-Hoy, 'iyang mga tinginan mo, alam ko na 'yan ah?!?
Umangat ang dalawa niyang kilay sa akin.
"Ano namang gagawin ko sa 'yo?"
Napakurap ako.
"Ang hilig mo kayang manghalik! Kagabi, tapos kanina! Tapos ngayon, 'yan na naman!"
Napangisi siya at nanunuya ang tingin sa 'kin.
"Aren't you being assuming? Hindi kaya, ikaw ang nahihilig? Wala naman akong ginagawa but you already assumed that I'm going to kiss you? Tsk, tsk, tsk. Ida, Ida, Ida . . . I know that my kisses are addicting but I didn’t know na maaadik ka kaagad." Umiiling-iling siya at halatang nang-aasar lang.
"Hoy, hindi ako assuming ah? Totoo naman 'yung nga sinabi ko. Nagiging adik ka na sa halik. Siguro, halik ka rin ng halik sa Ube'ng halaya na 'yon 'no?" nakanguso kong sagot.
Napakunot ang kanyang noo, naguguluhan.
"Ube? What's Ube'ng halaya? Is that edible?"
Napairap na lamang ako. Si Violet nga 'yung tinutukoy ko pero pagkain naman 'yang nasa isip niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa isiping 'yon.
"Wala. Kainin mo 'yang Ube'ng halaya mo."
Hindi ko naman intesyong magtunog nagseselos, pero parang gano'n ang naging labas dahil sa tabang na nalalasahan ko sa aking bibig.
"Look who's jealous here? Damn, you really look sexy when you're getting jealous, Ida."
Ngingisi-ngisi niyang sagot na para bang siguradong-sigurado siya sa ibinibintang.
"Ang assuming mo eh 'no? Ewan ko sa 'yo."
Hindi ko alam kung anong nakain niya at puro lang siya pang-aasar. Hindi naman ako pikunin pero grabe, nasasagad niya talaga ang pasensya ko.
Kinaunagahan ay maaga akong nagising at muntik nang lumuwa ang mata ko matapos makitang sa kwarto ako ni Sir Mavi nakatulog.
Punyawa!!! Dito pala ako nakatulog! Sa sobrang inis sa kanya kagabi ay nagkunwari na lamang akong nagtutulug-tulugan hanggang sa hindi ko naman inaasahang matutuluyan pala iyon.
Dahan-dahan ngunit mabilis akong umalis ng kanyang kama. Mabuti na nga lang at hindi katulad noon ay hindi ko siya katabi sa kanyng higaan. Mayroon rin siyang suot kaya't maiiwasan ang paglalaway ko sa umaga. Mabuti naman.
Walang ingay na lumabas ako ng kanyang kwarto at agad na pumasok sa kwarto ko para maligo at makapagsimula na ng aking trabaho. Mabilis ang aking naging pagkilos na para bang mayroon akong hinahabol at gustong makita.
Nabitin sa ere ang akmang pagbuhos ko ng tubig sa aking ulo saka napangiti.
Nakakaloka! Totoo na ba talaga 'to?! Kahapon lang ako tuluyang umamin sa kanya pero napakarami nang nangyari.
'Puro lang naman kayo halikan!'
Nag-init ang aking magkabilang pisngi sa isinigaw ng utak ko ngunit kalaunan ay napangisi rin.
Tinapos ko na agad ang pagligo pero medyo natagalan lamang sa pagpili ng damit na isusuot. Napapaisip ako kung anong isusuot habang nakatitig sa mga damit na nakalatag sa aking kama. Puro maluluwang na t-shirt iyon at mga pedal shorts. Mukhang ngayon ko lang nakikita ang mga sinasabi ni Eva na kabaduyan ko.
"Hay, bahala na nga!"
Kung anong damit na lang ang kinuha ko roon at siyang isinuot. Kung natagalan ako sa pagpili ng damit ay mas natagalan ulit ako sa ayos ng aking mukha. Bakit ba wala man lang akong kaalam-alam pagdating sa pagpapaganda?
'Ida, kalma! Kung gusto ka talaga ni Sir Mavi, kahit ano pang hitsura mo, tatanggapin ka niya! Okay? Nagustuhan ka nga niya kahit loka-loka ka eh.'
Sinunod ko ang sabi ng isip ko kaya't lumabas ako sa karaniwang hitsura ko.
"Tama, Ida. Hindi mo kailangang maging sino man at lalong-lalo na ni Ube para lang tanggapin niya."
Tatangu-tango kong tinungo ang kusina at nagsimula nang maglinis at magluto ng agahan.
"Good morning, Ida."
Napabaling ako sa pinto nang pumasok si Sir Vander. Bago siyang ligo at umaalingasaw ang kanyang pabango sa buong kusina.
"Good morning rin po, Sir," tipid kong sagot saka na muling nagpatuloy sa ginagawa.
Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtabi niya sa akin.
Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin bago niya iyon basagin.
"How's your sleep?"
Lihim akong napangiti. 'Yan talaga ang madalas niyang tinatanong sa 'kin eh bukod sa pag-aalok sa 'kin sa hapag.
Nakangiti ko siyang binalingan.
"Okay lang naman po, sir. Masarap po sa pakiramdam."
Wala naman masyadong nangyari pero magaan talaga ang pakiramdam ko.
"Yeah. Mukha nga.” Tumangu-tango siya. “I saw you leaving Mavi's room kanina."
Natigilan ako. Unti-unting napaawang ang aking bibig habang dahan-dahang bumaling sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin.
Hindi ko alam ang dapat maramdaman dahil sa sinabi niya. 'Yung katotohanang nakita niya akong lumabas ng kwarto ni Sir Mavi, doon pa lang ay sapat ng dahilan iyon para may mamuong ideya sa isip niya. Tapos . . . Tapos nagtapat pa siya dati . . .
"S-Sir . . ."
Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot ng kanyang mata. Wala naman siyang sinabi pero parang lumungkot yata ang paligid.
Bumuntong-hininga siya.
"It's okay, Ida." Tumangu-tango siya na parang kinukumbinse na lang ang kanyang sarili na talagang okay lang iyon sa kanya. "It's okay. I respect your decision. I truly am. I—" ang nakaawang niyang bibig ay natutop, tila nauubusan ng sasabihin kaya nanatili na lamang iyong nakasara.
Bumuga siya ng hangin.
"I'm happy for the both of you."
Pagkasabi no'n ay umalis siya ng kusina.
Sinundan ko ang pintong kanyang nilabasan at napabuntong-hininga.
Kung maka-I'm happy for the both of you naman 'to si sir, akala mo bagong kasal kami ni Sir Mavi.
"Hey guys! Good morning!!! "
At 'yon na nga po ang dahilan ng pagkasira ng araw ko.