Chapter 26

2681 Words
"Good morning my beautiful Ida!" Halos mapatalon ako sa gulat nang akbayan ako ni Sir Odin. "Mukhang masarap 'yang niluluto mo ah." Sinilip niya ang nasa kawali kung nasaan ang niluluto ko.   "Sir, fried rice lang po 'to. Pero, bet ko 'yang sinabi niyo. Masarap talaga 'tong niluluto ko!" Mayabang kong sabi.   Natawa siya at sinuklay paatras ang kanyang buhok.   "Of course, alam mo namang favorite ko 'yung mga luto mo eh." Kinindatan niya ako at marahan pang kinurot ang aking pisngi saka na naupo sa high stool.   Napangiwi ako matapos niyang umalis sa gilid ko. Nagtimpla siya ng kape roon habang nagpatuloy naman ako sa pagluluto.   Kinakabahan ako. Si Sir Odin pa lang ang nagising ngayon at sa unang pagkakataon pero hindi ko na maikalma ang sarili ko, paano pa kung makita ko siya.   Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng ingay at gano'n na lang ang pagbuntong-hininga ko nang makita si Sir Ramses roon. Napatingin ako sa kanyang likuran at tila nabunutan ng tinik nang walang ibang nakasunod roon.   "Mavi's still asleep," bigla niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin.   Ba't pa ba ako nagtaka? May lahi bang psychic 'to si sir? Eh si Sir River naman hindi ganito ah?   "I didn't ask, bud," bagot na sagot ni Sir Odin.   "And I'm not talking to you, fucker." Bara niya rito na sinundan niya pa ng sapok saka nakapamulsang kumuha ng inuming tubig sa ref.   Akmang gaganti si Sir Odin nang pakitaan ni Sir Ramses ng gitnang daliri niya.   "f**k off."   Nailing na lang ako. Pare-pareho rin ang mga 'tong may topak eh.   "Good morning, everyone!" Bati ni Sir River sa amin. Kasunod niya si Sir Vander at agad silang naupo sa high stool katabi ng dalawa. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nanay nila habang sila naman ay naghihintay ng pagkaing niluluto ko.   "How's your sleep, Ida?" tanong ni Sir Vander.   "Okay lang naman po, sir," pagsisinungaling ko. Sino bang makakatulog ng maayos kung may humalik sa 'yo? "Med—"   Nabitin sa ere ang aking sasabihin nang pumasok ang dahilan kung bakit hindi ako dalaw-dalawin ng antok kagabi. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang paghalik sa akin kagabi maging ang mga sinabi niya.   Hindi pa rin tuluyang rumerehistro sa utak ko ang mga nangyayari. Lahat yata ng katinuan ko ay nagsiliparan na sa aking katawan mula nang lumapat ang kanyang labi sa labi ko.   Oh my goodness . . .   Ang lakas ng t***k ng puso ko habang dinarama ang mainit at basa niyang labi. Naipikit ko ang aking mga mata nang sapuin niya ang gilid ng aking leeg at mas lalo pa akong ilapit sa kanya.   Nang maghiwalay kami ay habol ko ang sariling hininga. Sapo niya pa rin ang aking mukha at nang magmulat ako ng mata ay ganoon pa rin kalapit ang kanyang mukha sa akin.   "Ida . . ." may kung anong kislap sa kanyang mata habang matiim na nakatitig sa 'kin. "Gusto mo ba ako?" marahan niyang tanong. "I already heard it so don't lie to me please. I just want to hear it myself and coming from that beautiful mouth of yours. I already said how many times that I like you . . ."   Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa mukha ko at isinabit iyon sa aking tenga. Muli niya akong pinakatitigan na para bang isa akong mamahaling bagay na ngayon ay napasakamay niya na.   "K-Kasambahay lang ako—"   "Kasambahay ka, hindi kasambahay lang. And nothing will make me change my feelings for you. I don't care if you're a maid. And I'm thankful because if you aren't one, I don't think I'll meet you in this lifetime."   Agad akong pinangiliran ng luha sa mga sinabi niya. Wala naman akong ibang hinangad nang inamin ko sa sarili kong gusto ko siya. Alam ko ang lugar ko sa buhay niya at sa pamamahay niya— at iyon ay ang maging kasambahay lang.   Natataranta kong naiiwas ang mata sa kanya dahilan at muntikan ko pang malaglag ang hawak na kawali.   "Careful, Ida." Sabi ni Sir Vander na siya nang kumuha ng hawak ko at nagdala no'n sa countertop.   "S-Salamat po." Mahina kong sagot, umiiwas na may mahagip ang aking paningin.   "Bring the plates and the utensils, Odin," utos sa kanya ni Sir Ramses saka na ito lumabas dala ang mga baso at pitsel ng tubig, katulong ang kakambal niya.   Nanggigigil na sumuntok-suntok sa ere si Sir Odin at masama ang tingin sa nilabasan ni Sir Ramses.   "Okay lang sir, ako na nito—"   "You're eating here, right? Now bring these to the dining area before I kick your ass," banta sa kanya ni Sir Mavi.   Umirap lang si Sir Odin saka padabog na kinuha ang dadalhin at lumabas ng kusina.   Sinundan ko ang nilabasan ni sir hanggang sa mapabaling ako sa kanya na umiingos ngayon. Lumingon siya sa akin na ikinakurap ko.     'Anong problema nito?'   "B-Ba't ganyan ka makatingin? Kung may binabalak ka man, 'wag mo 'yang itutuloy." Pagbabanta ko sa kanya. 'Yang mga tinginan niya kasi ay ara bang manghahalik ulit siya.   Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Napaiwas siya ng tingin at ngingisi-ngising pumamulsa sa harap ko. Nang bumaling siya sa 'kin ay may naglalaro pa ring pilyo sa kanyang labi.    "Why? Pa'no ba ako tumingin?" humakbang siya papalapit kaya't napaatras ako.   Bahagya siyang natigilan sa ikinilos ko. Nang tignan ko siya sa mata ay para bang naglaho na ang pilyong Mavi na narito lang kani-kanina at napalitan na ng Mavi na katulad ng una kong nakita. Seryoso, matiim kung makatitig at parang ni hindi man lang marunong kung ngumiti.   Muli siyang humakbang at muli rin naman akong umatras. Nagpatuloy siya sa paghakbang at gano'n rin naman ako sa pag-atras pero nang higitin niya na ako sa bewang ay hindi na ako nakatakbo pa sa kanyang pagkakakulong sa 'kin.   "A-Ano ba?!" natataranta kong sabi at pilit itinutulak ang kanyang matigas na dibdib.   "Palagi mo ba talaga 'tong gagawin ha? Push me away? Why don't you just tell me what you had said last night, huh? Alam ko naman nang gusto mo 'ko. I just want to hear it from you, Ida. Why not tell me when you even let me kiss you—"   "H-Hoy, hinalikan mo 'ko ah, hindi ako ang nagpahalik, magkaiba 'yon."   Pagbintangan ba naman ako? Siya na nga 'tong nanghahalik nang walang paalam tapos sa akin pa ibabalik 'yang ginawa niya? First kiss ko kaya 'yon!   Inilapit niya ang mukha sa akin. Mas malapit pa na halos hindi na ako makahinga. Para na akong aatakihin sa puso dahil sa lakas ng t***k nito. Ang mga paru-paro sa tiyan ko ay nagsisimula nang magsiliparan.   "Then push me if you don't like me. Slap me all you want but you can't stop me," yumuko siya at bago ko pa mahulaan ang kanyang gagawin ay siniil niya na ako ng mainit na halik. Napasinghap ako at napakapit sa kanyang balikat upang kumuha ng suporta. Pinaglandas niya ang kanyang dila at marahang sinipsip ang pang-ibaba kong labi bago iyon bitawan.   Siya ang unang nagbawi ng kanyang labi upang tignan ako at gusto kong kutusan ang aking sarili habang nakatitig sa namumungay niyang mga mata, nabibitin at gusto pa iyong maulit.   "Now tell me, Ida. Tell me what is your heart really feel for me," masuyo niyang sinapo ang aking pisngi at hinaplos-haplos iyon.   Napalunok ako.   'Ba't ka pa ba kasi nagsisinungaling Ida? Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoong--'   "Oo." Napalunok ako. "Gusto kita. Gustong-gusto kita—"   Bahagyang nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko. Napaawang ang kanyang labi at tila may gustong sabihin ngunit hindi makahabi ng sasabihin.       "Damn!" mahina niyang mura bago muling inatake ng halik ang aking labi.   Tuluyan na yatang nagsiwalaan ang mga paru-parong kanina ay matiwasay lang na nagsisiliparan sa aking tiyan. Para akong mantikang kanina ay tumigas sa lamig ngunit ngayon ay tinutunaw ng kanyang init.   Pumikit ako at isinampay sa kanyang batok ang dalawa kong braso. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ang humalik kaya't nanatili lamang akong nakapikit at hinahayaan siyang kumilos. Nawawala na ako sa katinuan at hindi ko na alam pa ang dapat na gawin sa mga oras na 'to.   "Just move your lips like this," aniya sa ibabaw ng aking labi bago niya ako muling inatake.   Sinubukan kong gumalaw katulad ng kanyang sabi at tila dahil doon ay napatid na ang pinanghahawakan niyang pasensya. Mas lumalim ang kanyang paghalik at nagawa pang ipasok ang kanyang dila sa aking bibig na para bang isa 'yong pagkain na nais niyang malasahan ang bawat parte. Pinanghihina noon ang aking tuhod at kung anu-anong pakiramdam ang hatid sa akin. Para akong natatae na ewan dahil sa kung anong nangyayari sa aking tiyan.   Para siyang nanggigigil. Hindi ko magawang masabayan ang kanyang kilos dahil sa lalim no'n kaya't wala akong magawa kundi ang ilapit siya sa 'kin para kumapit at kumuha ng suporta habang inaangkin niya ako ng buo na para akong isang teritoryo na nararapat niya lamang markahan.   "Mmm . . ." hindi ko napigilan ang umalpas na halinghing na iyon sa aking bibig. Kahit anong pigil kong gumawa ng ingay ay talaga nga yatang napakagaling ng kanyang bibig at dila dahil kahit ang aking sarili ay sinusuway ako.   Nagsambit siya ng ilang mura at ramdam ko ang kanyang panginginig nang hilahin niya lalo ang aking bewang at mas idiin sa kanya. Natunton ko ang kangyang buhok at doon napakapit, marahang nananabunot.   Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang mahahalikan ako ng ganito. At siya mismo ang makakasama kong gawin ang bagay na 'to. Para akong apoy na unti-unting sumisiklab dahil sa init na nanggagaling sa kanya at maging ako ay hindi na makontrol ang apoy na tuluyan nang tumutupok sa akin sa mga oras na 'to.   Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg kaya't napatingala ako. Napakasarap ng sensasyong dumadaloy sa katawan ko lalo na nang marahan niyang sipsipin ang aking balat roon at hindi ko na mapigilan pa ang aking sariling huminto.   "M-Mavi . . ." napakagat-labi ako at marahan siyang tinutulak. "Mavi, tigil . . ."   "Where are they?"   Agad ko siyang naitulak nang marinig ang boses ni Sir Odin. Habol-habol naming pareho ang hininga at nang magkatinginan kami ay napangisi lang siya habang kagat ang labi ngunit ang mata ay namumungay pa rin. Nag-akma siyang lalapit muli nang umiwas na ako at dali-daling lumabas ng kusina at iniwan siya roon. Narinig ko pa ang marahan niyang paghagalpak pero hindi ko na iyon inintindi pa at mabilis nang pumunta ng dining area.   "What took you so long, my beautiful Ida?" ani Sir Odin bago sumubo ng hotdog niya— teka ba't iba yata ang ibig sabihin no'n? Basta kumakain siya ng hotdog, 'yun 'yon!   "And what happened to your lips? It looked swollen . . ."   Agad akong napatakip ng aking labi lalo na nang mag-angat ng kilay si Sir Ramses at tila ba may alam na sa kung anong nangyari. Ang iba ay naninimbang ang tingin sa akin na parang may nabubuo nang ideya sa kanilang mga isip ngunit ayaw lamang isaboses.   "M-May bangaw po kasi kaninang dumapo sa b-bibig ko kaya n-nahampas ko po ng malakas. Opo, 'yun po. Kaya po m-medyo namaga."   Hindi ako makatingin sa kanila ng maayos. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko buhat sa nangyari kanina at pakiramdam ko ay mahuhuli nila ang pagsisinungaling ko kapag may sinalubong ako sa mga tingin nila.   "Eh 'yang nasa leeg mo, may dumapo rin bang bangaw riyan?" turo ni Sir Ramses.   Nanlalaki ang mga mata at napaawang ang aking bibig sa kawalan ng sasabihin at ramdam ko ang pagkawala ng kulay sa mukha ko. Dali-dali kong tinakpan ang leeg ko gamit ang aking buhok ngunit hindi no’n napakalma ang sistema ko.   Anak ka naman talaga ng tinapa, Sir Ramses oh! Ba't mo pa pinansin?! Mapepektusan ko talaga kayong dalawa ni Sir Mavi sinasabi ko sa inyo!!!   "Ahm—"   "Yeah. It was bitten by a big one."   Bahagya akong nagulat nang marinig ang boses niya sa aking likod.   "Right, Ida?" baling niya sa akin, pero ang kanyang mata ay nangingislap at tila pinapaalala sa akin ang nangyari kanina.   Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.   "O-Opo. Malaking bangaw po," mariin kong sagot bago siya pasimpleng sinamaan ng tingin.   Ngumisi lang siya at hindi iyon mabura-bura kahit nang kumakain na kaming lahat. Malapit ang upuan ko sa kanya hindi katulad ng puwesto ko sa tuwing nakakasabay ako sa pagkain nila.   Mabuti na lang at maghapong hindi pumunta si Ube. Iniisip ko pa lang na lilingkis siya at nagpa-pabebe kay Sir Mavi ay naiirita na lalo ako sa kanya.   Katatapos ko pa lang maligo at magbihis nang tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakalang baka si Eva 'yon ay agad kong binuksan ang mensahe at agad na kinabahan nang makita ang pangalan ni Sir Mavi.   "Come here in my room, ASAP."   'Yon ang nasa mensahe niya.   Napakurap ako saka nag-tipa ng ire-reply kanya.   "Ayoko. Baka ulitin mo na naman 'yung kanina."   Kagat ang labi na hinintay ko ang kanyang sagot. Segundo lang ang aking binilang nang tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko ay hindi nga ako nagkamaling siya ang nag-reply.   "You'll come here or I'll come to your room? You choose."   Nabitawan ko ang hawak na cellphone.   "Hindi, hindi pwede," bulong ko sa sarili. "Bakit niya ba kasi ako pinapapunta sa kwarto niya?! Argh!!! Ano bang balak niyang gawin?!"   Pabalik-balik ako ng lakad sa aking kwarto.   'Eh bakit, ayaw mo ba siyang makita, gurl?'   "G-Gusto rin naman. Pero kasi, hindi ba masyadong mabilis 'yung mga nangyayari? Dapat nga hindi ako basta-basta nagpapahalik eh. Dalagang Pilipina kaya ako— ay tukneneng!!!" Malakas kong sabi habang napahawak sa aking dibdib.   Nagulat ako nang tumunog muli ang cellphone ko, pero sa pagkakataong ito ay tawag niya na ang natatanggap ko.   Nakatulala lamang ako sa pag-ilaw at pagtunog no'n hanggang sa tuluyan na iyong nahinto. Matapos no'n ay nagpadala siyang muli ng mensahe.   "If you don't come here immediately, I will tell them that you're my girlfriend! And I'll gladly do that."   Sa tarantang baka totohanin niya nga iyon ay mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pagkilos ko.   Unang una, wala iyong katotohanan. Ni hindi ko nga alam kung anong tawag sa mayroon kami eh. Pangalawa, hindi pa ako handang malaman ito ng iba. Natatakot ako sa pagbabagong maaaring mangyari at isa pa, baka hindi nila ako matanggap para kay Sir Mavi . . . Pangatlo, nandiyan pa si Ube halaya at baka mas lalo lang ako no'ng pag-initan at maituloy ko na ang binabalak na krimen sa aking utak laban sa kanya.   Nang makalabas ng kwarto ay sinilip ko ang salas at nakita sina sir roon. Inilibot ko pa ang mata ngunit hindi ko natagpuan roon si Sir Mavi kundi sila lang na abala sa paglalaro ng PlayStation.   Anong sasabihin ko pag nagtanong sila kung saan ako pupunta? Baka magduda sila kung sasabihin kong sa kwarto ni Sir Mavi ang punta ko?   "Arghh, Ida. Kumalma ka nga!"   Ilang segundo akong nag-isip at matapos no'n ay kumuha ako ng isang lata ng beer sa ref saka na lumabas. Napabaling sila sa akin at bumaba iyon sa hawak ko.   "A-Ahm, pinapakuha mo ni Sir Mavi . . ." palusot ko.   "Actually, no one's asking."   Napangiwi ako sa sagot ni Sir Ramses na bagot lamang na pinagpatuloy ang panonood. Hindi ko na sila inintindi pa at mabilis na lamang na dumiretso sa kwarto ni sir para kumatok.   "Sir!" pagtawag ko.   "Come in."   Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at marahang pumasok ngunit agad na nagulat nang may yumakap sa aking likod.   "Damn. What took you so long?"   At bago pa ako makasagot ay muli niya na akong siniil ng halik.   Nakakaloka, hindi pa nabubuksan ang hawak kong alak pero pareho na kaming nalalasing. Mukhang hindi na lang yata pagkain ang kaaadikan ko ngayon. Lumipad na lahat ng inhibisyon sa aking katawan at hinayaan na lang ang sariling magpa-agos sa kanyang halik.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD