"Omg biaaatch!!!"
Napatingin ako sa mesa nina Violet nang pumangibabaw ang boses niya at sumunod naman ang boses ng dalawa pang babae na akala mo ay nilagyan ng sili sa singit kung maka-tili.
"You came! I thought you're in Texas?" rinig kong tanong niya sa dalawa.
"Yeah, but when Ricci told me that you're already here in the Philippines na, I flew back here para magka-bonding tayo!"
Napangiwi ako. Mayayaman talaga 'no? Ginagawang mall-bahay lang 'yung byahe nila.
Pinagmasdan ko ang kanilang mga suot. Pareho naman silang magaganda. 'Yun nga lang, pareho ring mga kinulang sa tela ang suot nila.
"And of course, we want to see the Moonrivers! Alam mo namang lahat gagawin namin para sa kanila, especially to my oh so handsome baby Odin!"
"Yeah! I'm here for my baby River naman! My goodness, matagal nang usap-usapang they are monsters in bed but up to this day, I still can't prove if it's true." Tila naaatat na sabi noong isang maikli ang buhok. "I want to be wrecked by him!" dagdag niya na sinundan pa nila ng mga hagikhik.
Napangiwi ako at nailing. Grabe, patay na patay talaga sila sa mga amo kong 'to.
"But how about Mavi? I heard he's a monster of the monsters! Rawr!!!"
Pinigilan ko ang aking sarili na bigyan sila ng atensyon pero may kung ano rin sa 'kin ang gusto ring malaman iyon.
"I'll just leave it to your imaginations, biatches! Basta, what can I say is, you can never walk in the morning."
Nagtilian ang mga haliparot na ikinalingon na sa kanila ng ibang costumers pero wala silang pakialam roon. Nagpatuloy sila sa kanilang kwentuhan habang ako naman rito ay nalunod na sa mga isipin.
Naalala ko tuloy 'yung unang beses na nakilala ko siya. Kung tama ang alaala ko ay may kalampungan siya no'n sa salas nila. Malinaw pa sa memorya ko kung gaano kagalit ang kanyang mukha dahil naudlot ang ginagawa nila ng babae niya.
Napabaling ako sa kanya na abala pa rin sa stage kasama ang iba. May ilang mga taong kumakausap sa kanila pero siya ay tahimik lang na may binabasa sa kung anong malaking notebook sa harap niya.
'Monster of the monsters pala ha?'
Marahil ay naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya't nag-angat siya ng tingin. May kung anong hinanap siya sa mga tao at nang matagpuan ako ay kumindat na naman siya pero imbes na kiligin ay nainis lamang ako. At dahil sa inis ay inirapan ko siya.
"Gano'n ba siya kalala sa kama para hindi na makalakad 'yang mga nagiging babae niya?"
Hindi ko mapigilang mapaingos. Pait, asim at kung anu-ano pang nakakadiri ang nalalasahan ko sa aking dila sa mga oras na 'to.
Napakurap lang ako nang may maglagay ng pagkain sa aking harap. Inangatan ko ng nalilitong tingin ang waiter.
"T-Teka, kuya hindi po sa akin 'to kasi hindi naman ako nag-order."
"Ah, pinabibigay po 'yan para sa inyo, ma'am." Nagpatuloy siya sa paglalagay ng pagkain sa mesa ko.
"Ha? Eh sino po? Kanino po nanggaling?"
Itinuro niya ang entablado.
Siya ba ang nagpabigay nito?
"Si Sir River po. Baka raw po kasi nagugutom kayo. Sige po, mauuna na po ako."
Dismayado akong napabuntong-hininga. Akala ko pa naman siya ang nagpapabigay nito.
Tamad konng hinalo ang pasta saka iyon tinikman.
Infairness, masarap ha?! Tinikman ko ang ilang pagkain na hinatid ng waiter roon habang naghihintay na magsimula sila. Inilibot ko ang tingin sa paligid at binubusog ang mata sa pagkamangha. May mga ganito rin naman sa amin, pero hindi naman kami pumupunta ni Eva.
Napabaling ako sa entablado nang tumunog ang mic at makarinig ng pagtikhim.
"Good evening Ladies and Gentlemen! Are you ready?" sabi ni Sir Odin.
"YESSSSS!!!"
Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw na 'yon na karamihang galing sa mga kababaihan. Lalo na sa mesa nina Ube at ng mga kaibigan niya.
Napaayos ako ng upo. Nae-excite akong mapanood sila dahil unang beses ko pa lang 'to. Puro practice lang nila ang napapanood ko at hindi ang mismong show nila.
"Let's get it," muling sabi niya saka na niya na hinampas ang drums at nagsisunudan naman ang ilang instrumento.
Agad kong napamilyaran ang kanilang tinutugtog. Nagsihiyawan naman ang mga tao at ang iba ay pumapalakpak pa. Ilang hampas pa ng drums ay narinig ko na ang malamig na boses ni Sir Mavi. Kinakanta niya ang ‘214’ ng bandang Rivermaya. Simula pa lang ay parang tumatagos na agad sa dibdib ko ang mga liriko ng kanta.
Nakapikit siya at tila kinakain na ng saliw ng musika. Ninanamnam niya ang bawat nota at nalalasing sa mga binibigkas na liriko ng kanta.
Nagmulat siya ng mata at sa akin agad iyon tumama.
Bakit pakiramdam ko ay 'yang puso at kaluluwa niya ang nagsasalita para sa 'kin? Alam kong nag-a-assume ako, pero pakiramdam ko ay para sa akin ang kinakanta niyang 'yan . . .
Hinagod niya paatras ang kanyang buhok at marahang naghe-headbang habang hawak ng dalawang kamay ang mikropono na nasa stand.
Namamaos ang kanyang boses pero mas lalo lamang iyong nagpa-gwapo at nagpa-hot sa kanya. Nang libutin ko ang tingin ay halos puso na ang nakikita ko sa mga mata ng ilang kababaihan rito.
Matiim niya akong tinignan habang pinagpapatuloy ang pagkanta niya. Malakas naman sana ang tugtog rito sa loob pero mas nangingibabaw ang pag-iingay ng puso ko.
Pasimple akong napahawak roon. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi iyon tumitigil sa pagdagundong. Kagat ang labi ay napahawak ako sa aking kwintas.
' 'Nay, 'Tay, bigyan niyo po ako ng sign . . .'
Hindi ko alam kung anong sign ang hinihingi ko at kung para saan, basta ang alam ko lang ay kaunti na lang, bibigay na ako. Marupok pa naman ako.
Natauhan lang ako nang may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ay sumalubong sa akin ang magandang babae. Hindi katulad ng mga kaibigan ni Ube, itong isang 'to ay napakasimple lang ng dating pero mas nangingibabaw ang kanyang ganda. Parang ako, charr!
"Ahm, ako?" turo ko sa sarili.
Nakangiti siyang tumango at kahit hindi ko naman inaalok ay nanguna na siya sa pag-upo. Ang cute-cute niya sa suot na clip sa magkabila niyang buhok. Nakasuot siya ng pink na puffed sleeves dress na umabot sa kanyang hita habang nakasampay naman sa kanyang balikat ang pink rin na bag na pwede nang pang-alis ng alikabok.
"You know, kanina ko pa napapansin ah palaging tumitingin sa 'yo 'yung main vocalist ng Moonrivers. May you tell me what your relationship with each other is? Kayo ba, ha? Lagi kasi ako rito sa tuwing may gig sila and crush ko siya although si Vander my loves ang love of my life ko." Sunud-sunod niyang sabi sabay subo sa fries na kinuha niya sa plato ko.
Napapantastikuhan ko siyang tinignan.
"Close ba tayo? Ang bongga mo kasi eh ‘no?" sarakastiko ko iyong sinabi pero mukhang hindi niya naman nahalata dahil tumawa lang siya.
"You're so funny! We should be friends, you know that?" tinawag niya ang waiter na agad namang lumapit sa kanya. "I want an apple shake. Thank you."
Nang makaalis ang waiter ay bumaling siya sa 'kin.
"So ano na? Baka naman may balak kang sagutin 'yung tanong ko 'di ba?"
Umiling ako.
Ang kulit rin ng babaeng 'to 'no?
"Wala kaming relasyon," tipid kong sagot bago sumimsim sa inumin ko.
Marahan niyang isinugod ang kanyang mukha kaya't napaatras ako.
"Talaga ba? Weh? Bakit parang hindi ako naniniwala?"
"A-Ano ka ba?! Usog nga. Kaloka 'to! Saka, bahala ka na kung ayaw mong maniwala. Sa ganda kong 'to, mukha ba 'kong sinungaling? Naloloka ako sa 'yo 'te. Gawin kitang cotton candy eh."
Natawa siya. Sakto namang dumating ang waiter at dala na ang kanyang order. Kagat-kagat niya ang straw habang naghihintay ng sagot ko.
Napabuntong-hininga ako saka muling bumaling sa stage. Patuloy silang kumakanta roon habang sinasabayan ng mga audience.
Lumingon ako sa katabi ko at umiling.
"Wala kaming relasyon. Bukod sa isa siya sa mga amo ko at kasambahay lang nila ako, wala nang iba pa."
Kasambahay. Nakakalungkot namang hanggang do'n lang talaga ang relasyon namin.
"Ay wow, mala-cinderella story ang peg. Bet ko 'yan! Ang lakas maka-Meteor Garden at Boys Over Flowers. Ang pinagkaiba nga lang, hindi F4 ang nasa 'yo, kundi F5!"
Inilingan ko siya at nginiwian.
"Ewan ko sa 'yo. Ubusin mo na nga 'yang iniinom mo saka bumalik ka na sa puwesto mo. Wala ka bang mga kasama?"
Humalakhak siya at pabiro akong tinapik sa braso.
"Ito naman, ayaw mo na ba akong kasama?" nagkunwari siyang nagtatampo pero kalaunan ay tumawa rin. May pagka-loka loka rin ang babaeng 'to eh. "Sige na nga, balik na 'ko du'n. I'm Maricris, by the way. See you when I see you next time!" kumaway siya habang dala ang kanyang apple shake papalayo kaya't nginitian ko lang siya sa huling pagkakataon.
Akma akong kukuha ng fries nang makitang wala na iyong laman. Maang kong tinignan ang nilakaran ni Maricris kanina saka muling napabaling sa aking mesa.
Grabe talaga ang ngala-ngala at tiyan ng babaeng 'yon.
Nailing na lang ako at napangiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"This is gonna be our last song."
Napabaling ako sa stage nang marinig ang boses niya.
"This is gonna be for you." Dagdag niya pa.
Nagulat ako nang magtilian ang grupo sa kabilang mesa at parang tangang tinutulak nila si Ube.
"Omg! That song is for you daw, biatch!"
"I didnt know na Mavi is a romantic type of guy pala! You are one of a hella biatch!"
Nginisihan lang sila ni Ube.
"I know, right?"
Nag-umpisa nang tumugtog sila sir sa stage. OPM lahat ang tinugtog nila ngayong gabi kaya alam ng karamihan at nasasabayan nila.
Diyos ko, halata na po ba ako? Halata na bang may gusto ako sa kanya?
Ang lakas ng t***k ng puso ko habang pinakikinggan ang liriko ng kanta niya. Kailangan ba talagang ganito palagi ang kanta nila? Anong meron? Sinong pumili ng mga 'yan ha?
Halos wala na akong ibang naririnig kundi ang t***k ng puso kong palakas ng palakas habang nakatitig sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang narito. Wala akong ibang nakikita kundi siya lang.
Hawak ang dibdib, napatayo ako at mabilis na naglakad papalabas. Hindi ako makakahinga ng maayos kung hindi ako lalabas at makakalanghap ng sariwang hangin.
Dire-diretso ang paglalakad ko at tumigil lang nang makarating sa may parking lot. Marami ang nagtatawag sa 'kin at ang iba roon ay kalalakihan pero wala na akong pakialam. Wala akong pinansin ni isa.
Wala naman akong ginawa pero para akong tumakbo ng ilang kilometro. Sapo ko ang aking ulo nang tumigil sa isang mahabang upuan at doon naupo.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Ida? Anong drama 'yon? Ano ka artista, may pa-walk-out walk-out ka pang nalalaman?! Hindi naman para sa 'yo 'yung kanta, 'wag assuming please!"
Muli kong naalala ang kanyang mata na matiim na nakakatitig sa 'kin kanina. Para iyong nanghihigop gayong malayo naman siya sa akin.
"Ba't ba kasi nagkagusto ka pa sa kanya eh? Edi sana wala kang pinoproblema ngayon!" napasabunot ako sa sariling buhok.
"Bakit ko pa kasi nagustuhan si Sir Mavi?!"
"So you like me?"
Agad akong napatayo at bumaling sa likod. Nanlalaki ang aking mata habang nakatitig kay Sir Mavi na ang laki ng ngisi sa akin.
Napalunok ako at unti-unting umatras nang maglakad siya papalapit sa 'kin.
"K-Kanina ka pa ba riyan?" kinakabahan kong tanong.
"Just enough to hear your confession, Ida."
"A-Anong confession? W-Wala akong sinasabing con— ops, 'wag kang lalapit!" Natataranta ako habang umaatras sa kanya samantalang siya ay patuloy lang na lumalapit! Punyeta!!!
Napasinghap ako nang higitin niya ang aking braso at agad na pinalibot ang kanya sa aking bewang.
"A-Ano ba?!" nagpupumiglas ako sa kanya, pero paano ko iyon paninindigan kung pinanghihina ako ng mga mata at mainit na hininga niyang tumatama sa akin.
"Is it true, that you like me too?" mahina niyang sabi, halos pabulong na lang iyon pero nababakas ko roon ang saya.
Napalunok ako.
"W-Wala nga akong sinabi eh! Ba't ba ang kulit mo!"
Bumaba ang kanyang mata sa aking labi dahilan para kapusin ako ng hininga. Ilang segundo siyang nakatitig roon bago niya iyon iniangat muli sa aking mata.
Hindi ko kaya ang ginagawang mahika ng kanyang paninitig sa akin kaya't napaiwas ako. Pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis sa pula!
"Look at me," marahan niyang sabi pero hindi ko ginawa.
Bumuntong-hinga siya.
"I said, look at me, babe."
Nanlalaki ang matang napalingon ako sa kanya.
Babe??? Saan galing ‘yon?!!!
Tumaas ang sulok ng kanyang labi na tila natutuwang nahulog ako sa patibong niya.
"Now, tell me, totoo ba 'yon? And don't lie to me, Ida. You are a terrible liar so don't you ever try."
Sasabihin ko ba? Pero ano namang mapapala ko? May magbabago ba kung magtatapat ako?
"Hindi—"
Natulos ako sa kinatatayuan nang yumuko ang kanyang ulo at bago pa ako makakilos ay naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang labi sa labi ko.