“Calm down, babe. It’s just your ex. I can feel your hands shaking,” natatawang bulong sa akin ni River habang papalapit kami sa mesang tinatahak namin. Napaikot ako ng mata. “Ikaw ang kumalma. Ano namang kinalaman niya rito? Nilalamig lang ako ‘no?” palusot ko. Hindi ko namalayang naapektuhan ako ng ganoon dahil sa mga titig niya. “Okay, sabi mo eh.” Ngumisi siya at nailing. “Wassup, fuckers!” malakas na bati ni River sa mga kaibigan niya nang makarating kami roon. Bahagya pang nagsilingunan sa amin ang iilang bisitang may mga edad na sa kabilang mesa dahil sa bibig ng isang ‘to. “Stop your freaking mouth” natatawang sita ko sa kanya habang hinihila niya ang upuang para sa ‘kin. “Nah, don’t mind them. They’re already old. They probably didn’t hear what I said. They ju

