Hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ko para pumayag sa alok niya. Pero promise, hindi pa ako nababaliw. Sadyang napagod lang ako kahihintay kanina, okay? Tutok ang aking paningin sa labas ng bintana habang binabalot ng katahimikan ang loob ng kanyang sasakyan. I scooted on my seat uncomfortably. Maybe because being here in a vehicle with him reminds me of so many memories we’ve shared together in the past. “Are you okay?” rinig kong tanong niya. Tahimik lamang akong tumango at muling pinagpatuloy ang pagmamasid sa mga bahay at building na aming nadaraanan. Nakasara ang bintana kaya’t hindi ko rin masyadong ma-enjoy ang nakikita. “Are you feeling dizzy? Do you want me to open the window?” Napalingon ako sa kanya nang muli niyang basagin ang katahimikan. “No, it’s okay.

