Kinaumagahan ay past lunch na nang makarating ako sa kumpanya. Pagagalitan na naman ako no’n ni boss panigurado, pero bahala siya. Kabayaran niya ‘to dahil sa hindi niya pagsasabi sa akin kahapon. Ewan ko ba, hindi talaga uso sa amin ang professionalism lalo na kapag kaming dalawa lang. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi niya man lang ako inimporma na may kinalaman kay Mavi ang kumpanyang ‘yon. Gano’n ba talaga niya ka-gusto iyang kaibigan niya kaya’t hindi niya man lang pinaalam sa aking iyon pala ang may-ari ng Macro? Hay naku. Nasisira lamang ang araw ko kakaisip sa dalawang ‘yon. Hindi natuloy ang akmang pagsara ng elevator nang pumasok roon si Eva, mukhang kagagaling lang sa cafeteria. Actually, kami lang talaga ang madalas na gumagamit nito aside sa mga boss namin.

